webnovel

Kahapon at Kagabi

Ninamnam ng mata ko ang ngiti niya. Pero di na katulad ng dati na ngingiti ako pabalik pag nakikita ko ito.

"Hanggang kailan ka tititig lang huh? Wala kang klase?" sabi niya ng hindi naalis ang ngiti.

"Nagsisimula na mga klase. Lagpas three pm na kaya," dagdag niya pa.

Di ako nagsalita, at tumitig lang sa kanya habang nakapahinga pa rin ang ulo sa lamesa.

Kaya niya pa ring kausapin ako na parang magkaibigan pa rin kami. Pano niya nagagawa iyon? Wala ba siyang pakiramdam?

"Huy, Gio! Ba't ka nasa library? Hanap ka na ni coach!" Sigaw ng lalaki mula sa labas ng bintana. Malamang ang kita niya lang ay si Gio habang nakatago naman ang ulo ko sa mga libro. Kaya kaunting parte lang ng ulo ko ang nahahagip ng paningin niya.

"Ano yan, may kasama ka nanamang babe? Sa library pa ah ahahaha," dagdag pang kantyaw nito.

Tumayo si Gio at hinawi-hawi ang kamay para paalisin ang kagrupo niya. Tinango niya rin ang ulo niya para sabihing 'oo, susunod na ako'. Sinundan ko ng mata ko ang lahat ng galaw nya.

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin.

"Oh, pano? Alis na ako. Tama na tulog, Ms. Bato," pang-aasar niya sabay tapik ng dahan dahan sa buhok ko gaya nang ginagawa niya dati nung junior high school kami.

Hindi ko inalis ang titig ko sa pwestong iniwan niya, at nakita ko na sa wakas ang orasan.

Three thirty pm na nga. Late na ako.

Pumunta akong banyo at inayos ang sarili ko. Saka dumiretso sa klase, buti nalang at si Prof. Jimenez ang may hawak ng next subject namin, hindi terror na professor.

Pumasok ako sa room, at umupo sa bandang likod. Kaso napansin ako ni Sir, normally naman hindi namamansin mga prof. ng late.

"Oh! Ms. Bustamante, late ka ata ngayon. Kaya pala wala akong kausap kanina," sabi ni Sir.

"I'm sorry sir, I'm late. Napahaba po yung dapat idlip ko lang," sagot ko naman.

"That's fine, at least you still went. At the moment, we're dividing the class for a group activity. May mga kulang pa namang grupo, kaya sumama ka nalang kung saan," pag-instruct ni Sir. sa akin.

Nilingon ko ang buong klase at nang makaabot ang mata ko sa bandang kanan, nakita ko si Pia na kumakaway. Dumiretso ako kung nasaan siya.

Pagkaupo, nagsulat ako sa papel at pinasa kay Pia.

Ba't di mo ko ginising?

Nagsulat naman ng sagot pabalik si Pia.

Eh kasi nandun si Gio eh, sabi niya siya sya raw gigising sayo. Sakto lang din ang pagdating ko rito kanina, kaya di na ko nakalabas ulit. Me-inasikaso ako saglit. Sorry prend. Labyu. *kiss mark*

Nagsulat ulit ako,

Pang-essay. Maikli kong sagot, kasabay ng tingin na mapait sa kanya saglit at tumuon na sa klase.

• Wein's POV •

"Wein!!" tumatakbong salubong ni Cleo sa akin pagkalabas ko ng building namin.

"Ano 'to? huh? huh?" tanong niya habang naghihingalo na may kasamang pagpapamukha sa akin ng picture mula sa phone niya.

"Ako ba yan?" tanong ko kay Cleo.

May nagpost ng nangyari sa hallway kanina sa forum online. WeiHay? Ang weird ng pangalan niya.

Pagkatingin ko sa ibaba ng picture, ang nakalagay na caption, 'New loveteam spotted'.

Ini-scroll ko pababa para makita ang comments section. May mga natuwa, pero parang mas marami ang nag-bash.

Ms.Fhay-lover: hang cutieee (≧∇≦)/

               WeiHay: so truhhh O(≧∇≦)O

Userism: Batong-bato nanaman siya AHAHAHA

     IHateF.B.: AHAHAHA LAPTRIP  BATO-BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN WAG MAGALIT.

IHateF.B.: Ganda, lahat nalang.

Ms.Bio: All I see is compatibility.

             WeiHay: Waaah! Diba frend?

Boo: AHAHAHA TATAWA NALANG AKO KESA MAY MASABI PA.

Ms. Bato lover: Mabilis akong magselos, Ms. Bato. Be careful next time.

*Click to load more comments.*

"Nagkita na pala kayo di mo manlang ako sinabihan? nakakatampo ka na ahh. Wala nalang ba lahat ng pinagsamahan natin?" pagdadrama ni Cleo.

"Haaay...tigilan mo nga yang drama mo. Biglaan lang yan. Kukwento ko sayo mamaya sa bahay. May klase ka pa, shoo," pagtaboy ko sa kanya.

"Ikaw? Uuwi ka na niyan? Magiingat ka ha? Campus celebrity ka na ngayon," ganti niya.

"Tss. Matagal nang natapos ang katahimikan ng campus life ko simula nung pinagkalat mong kami ni--hay! Bye, uwi na ko," inis kong pagpapaalam.

"Ingat, Mr. campus celeb!" sigaw niya bago tumakbo papasok ng building na nilabasan ko.

Nagdecide nalang kami nila Frans at Cheska na sa text nalang mag-usap at i-reschedule ang meeting ng grupo bukas. Kailangan na raw nilang umuwi. Pati unavailabilty nila sabay haha.

Habang naglalakad papuntang train station, napaisip ako. Sabi ni Cleo, tinawag si Fhay na Ms. Bato kasi wala siyang reaction. Pero kanina, yung titig niya, parang palaging may sinasabi. O baka ino-over interpret ko lang lahat. Ewan.

Pero, di ko akalaing bibigyan niya ko ng number niya. Ah, tama. Sesave ko na muna. Sumakay muna ako sa bagong dating na tren, at nang makaupo na ako, kinuha ko ang cellphone ko, kaso...pagtingin ko sa kamay ko, nabura na ang sinulat niyang contact number.

Wein Santos! Asan ba utak mo?

"Haaay…" buntong hininga ko habang tinitignan ko ang kamay ko na may sobrang panghihinayang.

Anong gagawin ko? Lalapitan ko ba siya ulit? Kaso mukhang kaya niya ko binigyan ng number para dun magusap, kasi ayaw niyang nakikita siya in public na may kasamang lalaki eh, lalo na at ganon yung mga comment sa isang picture lang na na-ipost online.

Hmm...

Ah, sa pub! Tama. Haha. Kaso hindi ako iinom, kakain lang ako. Bawal uminom Wein! Ayokong maging lasinggero, gagagraduate pa ko.

Mga three thirty ng hapon, nakarating na ko sa apartment. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype.

Lia, nakauwi na ko.

Muntikan ko nang pindutin ang send button. Binura ko kaagad nang na-realize ko ang ginagawa ko. Nakakatawa nalang din ako. Ganon ba ko ka-robot?

Matagal mamatay ang gawaing nakasanayan kahapon.

Humiga ako sa couch sa sala. Pinikit ko ang mga mata ko sa pagkaawa sa sarili. At tuluyan akong nakatulog.

Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko. Dinilat ko ng bahagya ang mata ko para mabasa kung sino ang tumatawag sa akin. Si Cleo. Sinagot ko agad ang tawag.

"Hmm…" paunang bati ko sa kanya.

"Huh? Ano, bagong gising ka? O bagong tulog?" sabi niya habang maingay ang background.

"Pauwi ka na ba?" sagot ko ng hindi pinapansin ang biro nya.

"Bagong gising ka nga hahahah," tawa nya sa hindi ko pagpansin sa kanya.

"Nag-aaya sila Joey, punta raw tayo sa bar malapit sa main road," dugtong niya pagkatapos walang marinig na reply mula sakin.

"Sige, punta ako. Send mo sakin location," sabi ko habang umuupo mula sa pagkakahiga.

Bigla kong naalala na may balak pala akong daanan si Fhay sa pub kung san siya nag-wowork.

"Ah. May kailangan pala akong daanan muna," sabi ko.

"Oki," maikling sagot ni Cleo.

"Kakain ba tayo muna?" tanong ko sabay hawi ng buhok ko na nagulo sa pagkakahiga ko.

Bigla kong narinig ang mga kasama ni Cleo sa kabilang linya.

"Huy Cleo, kami kasama mo tapos iba kausap mo,"

"Sino ba yan?"

"Oo nga, sino ba yan?"

Hays, akala ko naman dahil sa school kaya hindi pa nakakauwi, tsk.

"Uh, hello babe. Kakain na ko rito. Ikaw rin kain ka na, alas-otso pa naman yon, Uhmm...seven palang ngayon," sabi niya habang tinatago ang hindi pagiging komportable sa malambing na boses.

Sabay-sabay kong narinig ang inis na tanong ng mga babaeng malamang kinukulit nanaman sya. Kasi, gawa-gawa ng kalokohan, di naman pala kayang panindigan. Playboy daw siya tss..ni-hindi pa nga nagkaka-jowa ahahaha.

"Cleo, anong babe?"

"Ako yung babe mo diba?"

"Hayup ka. Ba't mo pa rin ba sinasamahan yang mga yan? Tinawagan mo talaga ako para maligtas ka noh?" sabi ko habang pinipilit ang sarili na magtunog galit at pinipigil ang tawa.

"Pstttt!" napasigaw siya para iparating ang pagka-desperado nya.

Narinig ko nanaman ulit ang mga babae bilang nagulat sila sa sinabi ni Cleo. Grabe yung tuon nila kay Cleo bawat sasabihin nalang nirereakan. Kahit ata paghinga nya inaabangan.

"Anong 'pstttt'?" tanong ng isa.

"Ahh, kasi si babe eh, kung anu-ano sinasabi mga bawal sa underage. Gusto nyo siyang maka-usap?" sagot ni Cleo, mukhang iaalay nanaman ako neto sa mga pirana niya.

Nilagay niya sa loud speaker mode ang phone niya at itinapat ito sa mga babae.

Sabi niya huli na yung last year. Pero eto nanaman. Bala ka na sa buhay mo Cleo. Pinatay ko ang tawag. At narinig ko ang gulat na sigaw ni Cleo bago tuluyang ma-end ang call.

Parang ang rahas ng ginawa ko sa kanya, kaso di ko kayang magtunog babae ngayon eh, kagigising ko lang. Magtext nalang ako.

Babe, sorry medyo nahihiya ako sa iba eh. Uwi ka na please. Miss na kita. See you mamaya, hart hart.

Pagkasend ko, tumayo nako at naghanda papuntang pub.

Hindi pa nasesend ni Cleo yung location, hays, andun pa siguro yun.

Pagkarating ko sa pub umorder ako agad ng makakain. Pero iba ang empleyadong nagse-serve sa akin. Nilingon-lingon ko ang ulo ko para hanapin siya sa buong pub pero wala siya. Day-off niya kaya ngayon?

Kumain ako ng tahimik. Tinignan ko ulit ang mga empleyado. Kanino kaya ako magtatanong? May dalawang babae, at isang lalaking empleyado ang kasalukuyang sineserve ang mga customer.

"Sa babae tayo magtanong," bulong ko sa sarili habang tumatango.

Sa dalawang babae may mas bata at meron namang mukhang tita o nanay na ang edad.

"Excuse me, may tatanong lang sana ako," tanong ko sa mas batang babae, dumaan siya malapit sa akin kaya sya nalang ang kinausap ko.

"Manong, di po ako interisado sa iaalok nyo. May boyfriend na po ako," mabilisang sabi niya.

Manong? Iaalok? Hindi ko pa napa-process ang sinasabi nung babae, dinugtungan nya na agad.

"Nakikita mo yung lalaking yon? Boyfriend ko yun," sabi niya sabay turo sa lalaking empleyado.

"Anong nangyayari dito?" tanong ng serbidorang mas matanda pagkalapit sa amin.

"May itatanong daw po siya sa akin," sagot nung mas batang babae na may takot na expression.

Habang ako naman ay gulat na gulat sa usapang ito.

Lumingon pabalik ang babaeng mas matanda sa akin at nanlaki ang mata na para bang kilala nya ko.

"Ano ka ba, regular natin si Sir. Magsorry ka," sabi nya kasabay ng paghawak sa braso ng mas batang serbidora.

Nanlaki ang mata ng mas batang babae. At agad-agad ding nanghingi ng tawad sa akin.

"Sorry po Sir!" Sabi nya ng hindi makatingin sa mata ko at napagdesisyunang pagmasdan ang sahig. Halatang nabahala sya sa nagawa nya.

"Pumunta ka na sa counter, ako nang bahala sa tanong ni Sir," sabi ng mas matandang babae.

Tumango lang ang mas batang serbidora at umalis na.

"Pasensya na talaga sir, bago palang kasi yung anak ko kaya di nya pa kabisado mga regular namin. Tyaka, kanina po kasi may bastos na lasing ang nagtanong din sa kanya kanina," agaalala ng nanay sa batang serbidora.

Ah, kaya pala ganun nalang ang reaksyon nya.

"Ah ano po palang itatanong nyo, sir?" tanong nito sa akin na nagpabalik ng pagiisip ko sa pakay ko sa pub.

"Ahmm...may iba pa ho ba kayong serbidora rito?" sagot ko.

"Hmm...medyo marami ho kaming serbidora eh, ano hong pangalan?" sabi ni nanay.

"Fhay," mabilis ko namang sagot.

"Ah, si Fhay. Sa tuwing weekend lang siya nandito eh, kasi may pasok at busy pag weekdays. Ah, bakit pala, Sir?" sagot ni nanay.

"Schoolmate nya ho ako, at kailangan ko po kasi sana syang makausap," sabi ko naman "pero sa school ko nalang din po siguro siya kaausapin," dugtong ko para hindi na makaabala.

Umalis na ang empleyado, at pinagpatuloy ko ang pagkain.

Weekends lang pala sya nandito, kaya pala kagabi ko lang sya nakita kahit madalas naman akong kumakain dito sa pub. Kabagi lang din kasi ako kumain sa pub ng weekends eh, madalas nag-oorder lang kami ni Cleo.

Hays, mukhang sa school ko nga lang talaga siya makakausap.

Biglang may nag-notif na text message sakin galing kay Cleo.

Babe, ito yung location. Uwi na muna ako para mabango ako pag naamoy mo. Love you.

Mukhang di pa rin sya nakakatakas ah, kawawang Cleo.

In-enjoy ko ang pagkain ko. Nang paubos na ito, tumawag si Cleo.

"Pre!!" bungad nya sa akin, kasabay ng pag-click ng pinto.

"Oh, babe WHAAHAHAH nakauwi ka na, congrats. Kala ko didiretso ka na sa bar?" tanong ko.

"Liligo muna ako pre, pinagpawisan ako sa lahat ng babaeng yon. Grabe. Ba't ba di pa rin ako nilulubayan ng mga multo ng kahapon," sabi niya na tunog paiyak na.

"Oh, pano? Hintayin ba kita?" tanong ko sa kanya.

"Wag na pre, malapit na mag-alas otso eh. Una ka na, sunod ako. Baka isipin ni Joey di tayo sisipot, mainipin pa naman yon," sabi niya.

"Okay, okay. Punta na ko, pre. Bye. Ah, pwede bang ibalik mo na sa pangalan ko yung caller ID ko ha?" sabi ko sa kanya.

"Baka may makasalubong nanaman ako eh, pang-proteksyon lang to pramis. Pagbigyan mo na ko, lilibre kita chicken sa susunod," pagmamakaawa nya.

"Good for six months ah. Sige, bye babe Ahahahah," mabilis kong sagot.

"Hoy--" putol na sabi nya dahil pinatay ko na ang tawag.

Binayaran ko na ang kinain ko at dumiretso sa location na sinend ni Cleo.

Thirty minutes ride lang papunta sa bar. Tinignan ko ang pangalan kung parehas.

'The Past and Yesterday Night'

Napakasentimental naman ng pangalan.

Pumasok ako agad at umupo sa isang stool.