webnovel

Wedding in Trouble(Tagalog)

NO boyfriend since birth ang peg ni Kara kaya naman sa edad na 25 ay pilit siyang nirereto ng ina sa mga anak ng amiga nito. Kaya lang naman wala siyang boyfriend ay dahil hinihintay niya ang lalaking lihim niyang minamahal, yun ay ang kanyang bestfriend na si Lorenzo. Ang kaso may mahal na iba ang lalaki. Kaya nang malaman niyang liligawan na nito ang babaeng gusto nito ay gumuho ang mundo niya. Naisip niya tutal wala naman ng pag-asa ang lovelife niya ay papayag na lang siya sa kagustuhan ng ina na pakasalan ang anak ng isa sa amiga nito. Pero nagulat siya dahil sa araw ng kasal niya ay bigla na lang sumulpot si Lorenzo at sinabing ilalayo siya nito, na hindi ito pumapayag sa kasal. Laking tuwa niya dahil mukang may patutunguhan na ang lovelife niya dahil tinutulan nito ang kasal, ibig-sabihin mahalaga siya sa lalaki. Makaalis na sana sila ng maabutan sila ng pamilya nila. Nagkagulo na ang lahat, lalo na ng lumabas na rin ang pamilya ng kanyang groom-to-be. Kaya naman para matapos ang lahat ay sumigaw siya. "Tumugil kayong lahat! ma pa, hindi ako pwedeng magpakasal d-dahil may nangyari na samin ni Lorenzo." shit! kara, bakit sa lahat naman ng naisip mong dahilan yun pa. Gulat na napatingin sa kanya ang lahat lalong-lalo na si Lorenzo. "Ano?!" shit na malagkit! mukang lalong lang gugulo.

katrengracia · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
30 Chs

Chapter 9

ILANG araw na ang lumipas magmula ng magresign ako sa dati kong trabaho. May sarili kaming business pero nagtatrabaho pa ako sa ibang kumpanya. I have reason, gusto kong matuto ng hindi binibigyan ng special treatment. Sa company kasi namin konti na lang ang ginagawa ko since kay Papa pa rin naman manggagaling ang approval ng mga projects.

Sa ngayon, ako ang tumatayong acting CEO ng Villena Builders Inc. Our company is one of the top 20 most trusted house builders. But now many of our investors had back out whenever they heard the unpaid debts to CM Corp.

Iniisip ng mga ito na hindi na kayang makabangon ng kumpanya. Kaya mas lalo kong pinagbubutihan ang pagtatrabaho sa aming kumpanya while papa went back to Singapore to calm our remaining investors.

I press the intercom. "Jenny.. what is my schedule tonight?"

Agad namang pumasok sa office ang aking secretary.

"You only have one Ms.Villena, You have family Gatherings at Seven Corners 6pm sharp."

Napatigil ako sa pagta-type. Muntik ko ng makalimutan, ang araw na pinaka-ayaw kong dumating.

"Okay. Thank you Jenny. You may leave now."

Pagkaalis nito ay napasandal ako sa aking upuan at napasapo sa aking noo. Naibaling ko ang tingin sa dalawang picture na naka-display sa aking table. Ang isa ay ang family picture namin, nakasuot kaming lahat ng formal attire. Actually dalawa ito nasa bahay ang isa. Nakacasual attire naman sila doon.

Ang isa pang picture sa kanyang table ay ang picture naming dalawa ni Lorenzo.

Nakangiting kinuha ko ito at tinitigang maigi. Ang babata pa namin dito.

Kuha ito noong highschool kami. Nakayakap sa akin si Lorenzo habang ako ay nakasabunot sa buhok nito.

Naalala ko na kakatapos lang ng klase namin ng araw na iyo nang maisipan naming pumunta ng mall dahil may kailangan akong bilhin para sa activity namin para bukas. Ayaw pa akong samahan ni Lorenzo dahil mababagot lang daw ito kakahintay. Katwiran ng lalaki ay 'ang tagal-tagal mo kasi mamili akala mo naman bibilhin mo 'yung buong store' ganyan na ganyan ang linya ni Lorenzo. Lumawak ang ngiti ko ng maalala ang linya nito.

Sinasadya ko talagang tagalan ang pagpili ng gamit para mas makasama ko pa ito ng matagal. Sa sobrang pagkainip nito ay iniwan ako nito at nilibot ang mall. Magagalit na sana ako dito nang balikan ako nito at hinila sa isang photobooth. Masyado kaming nasiyahan sa booth na 'yun kaya naman ang dami naming kuha dito.

Pero ito ang pinaka favorite ko sa lahat. Niyakap ako nito ng mahigpit na parang nanggigigil kaya naman nahirapan na akong huminga. Sa inis ko ay sinabunutan ko ito, hindi na namin namalayan na nakunan na pala kami ng litrato.

Natigil ang pagbabalik tanaw ko ng mag-ring ang phone ko. Tumatawag si mama.

Agad kong kinuha ang phone ko sa ibabaw ng table. Bumuga ako ng hangin na para bang humuhugot ng lakas ng loob.

"Ma..."

"Anak.. Where are you? you're coming right?" Nag-aalalang tanong nito.

"Yes Ma. I'll just text Mang Roberto to drive me there-"

Pinutol ng kanyang ina ang anumang sasabihin pa niya.

"I forgot to tell you anak, Mang Roberto is on a vacation with his family."

Nakagat ko ang aking labi. What to do?

Magtataxi na lang siguro ako.

"It's okay Ma. Magco-commute na lang po ako."

Inayos ko ang mga folders na nasa ibabaw ng table habang kausap ko pa rin si mama. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at naglakad na patungo sa pinto.

"Are you sure? Magpahatid ka na lang kaya kay Lore-"

Ako naman ngayon ang pumutol kay mama.

"No! I can manage naman po. Okay? See yah! bye Ma."

"Wait-" Agad kong In-end call ang tawag dahil alam kong tatanungin lang ako nito tungkol kay Lorenzo.

Pagkalabas ko ng opisina ay nag-abang na ako ng masasakyan. Maraming mga dumadaan na sasakyan pero halos lahat ito ay puno.

Halos kalahating oras na rin akong naghihintay pero hindi pa rin ako nakakasakay. Balak ko na sanang maglakad-lakad para humanap ng masasakyan nang may tumigil na kotse sa harapan ko. Hindi ito pamilyar sa akin kaya tinuloy ko ang balak na maglakad-lakad. Pero sinusundan ako ng kotse. Hindi ko tuloy alam kung assuming lang ba ako dahil sumusunod talaga ito sa akin o sadyang may pupuntahan ito at ganu'n lang talaga ito magpatakbo ng sasakyan.

Pero hindi na ako nakatiis kaya kinatok ko na ang bintana nito. Bahala na kung hindi naman pala ako nito sinusundan at nag assume lang ako. Well, assumera ako. So ayos lang yun.

Kinatok ko na ang bintana ng sasakyan. "Excuse me! sinusundan mo ba ako?" pero hindi ito binuksan ng Driver.

Nagsalubong ang kilay ko sa inis kaya naman mas lalo ko pa itong kinatok. Akala ko hindi na ito bubukas pero napaatras ako ng this time binuksan na nito ang pinto.

"Hi Kara, hop in." Nanlaki ang mata ko ng makilala ang driver ng sasakyan.

Si Josh.

Hindi ako agad nakareact kaya ng makaupo ako saka ko lang naalala ang ginawa nito.

"Loko ka! kinabahan ako sayo, akala ko may masamang taong sumusunod sakin. Bwiset ka!" Pinaghahampas ko ito. Nanggigigil ako dito. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba lalo na nu'ng buksan nito ang pinto akala ko sasaktan ako nu'ng taong nasa loob. Nagtatapang-tapangan lang naman ako kaya ko ito kinatok.

"Aray!.. Sorry na." Pigil nito.

"Oh oh! not my hair mahirap ayusin yan! Sorry na.." Dahil hindi puwede ang buhok nito ay ang braso na lang nito ang pinanggigigilan ko.

"Aray! aray!" Hindi ko alam kung nasaktan ba ito sa ginawa ko pero parang hindi naman dahil nakuha pa nitong tawanan ako.

Nanlilisik ang matang tumingin ako kay Josh. "Sorry na. Saan ba punta mo? I will give you a ride para makabawi. So where are you going?" Tinaas baba pa nito ang dalawang kilay.

Inirapan ko ito. "Sa Seven Corners." Napansin kong nakahawak pa rin ito sa braso nitong pinanggigigilan ko kanina.

"Masakit ba?" Nakonsensya naman ako dito.

Lumingon ito sakin saka ngumisi.

"Chine-check ko lang yung muscles ko baka na deform."

Naparolled-eyes ako dito. Akala ko nasaktan talaga ito.

"Meron ba? patingin nga!" Lumapit ako dito.

"Wag na baka magkagusto ka pa sa'kin kapag nakita mo." Pareho naman kaming natawa sa sinabi nito.

"Mas malakas pa ang hangin mo kaysa sa Aircon ng kotse mo." Natatawa pa ring usal ko.

"Wait, Seven Corners? doon din ako papunta eh."

Nagtatakang tumingin ako dito. "Talaga? Then that's great! hindi pala kita maabala dahil doon din pala ang punta mo."

Naging matagal ang byahe dahil naabutan na kami ng traffic. Marami kaming napagkwentuhan sa byahe kaya hindi na namin namalayan na nakarating na pala kami.

Agad akong bumaba sa sasakyan nito dahil naalala kong late na nga pala ako. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto ni Josh agad na akong lumabas.

Pero sabay kaming pumasok ni Josh sa loob. Habang naglalakad ay nagpasalamat ako dito dahil isinabay ako nito.

Nakita ko si Mama kaya lumapit ako dito.

"Oh here they are! Magkakilala na pala sila. That's great!" Nagulat ako nang makita ang pamilya ko kasama ang amiga nitong si Tita Micaela. Pero mas lalo akong nagulat nang makitang nasa table din si Lorenzo.

Anong ginagawa ni Lorenzo dito?

"Josh kilala mo na pala ang bride to be mo hindi mo sinabi." Natutuwang pahayag ni Tita Micaela.

"Bride? You mean- si Kara ang tinutukoy niyo Mom?"

"Yes! she's so beautiful right? halina't umupo na tayo." Masayang iginaya nito ang anak sa dalawang bakanteng upuan, opposite direction sa kinauupuan ni Lorenzo. Shock pa rin ako na si Josh pala ang lalaking kailangan niyang pakasalan nang paupuin ako ng aking ina sa tabi ng lalaki.

Bumulong ako sa ina na siyang katabi para itanong kung bakit nandito si Lorenzo. "Binaba mo kaagad yung tawag, I was about to tell you that Lorenzo is with us. Nakita ko siyang pumasok dito. Tinanong ko siya kung may kasama siya and he said no so I invited him to join us."

Pasimple akong tumingin kay Lorenzo at nakitang matalim itong nakatingin sa akin kaya naman ibinaling niya ang tingin sa kanyang plato. Nalunok ako bigla ng aking laway sa kaba.

Kumain muna ang lahat pagkatapos ay pinag-usapan ang kasal. Dahil malapit na ang deadline sa CM Corp ay napagdesisyunan ng lahat na itakda ang kasal at the end of the month which is two weeks from now.

Lahat ay masigla sa pag-iisip ng mga bagay na puwedeng idagdag sa kasal. Halos ang mga magulang ko ang sumagot sa lahat ng mga tanong ng pamilya Buenavista.

Maya-maya ay naisipan ko munang mag-CR. Kaya nagpaalam ako sa mga ito.

Talaga pa lang tuloy na tuloy na ang kasal. Hindi ko alam kung bakit parang napressure ako bigla. Siguro dahil sa utang nila sa CM Corp. Malaking halaga ang kapalit ng kasal na ito.

Tinignan ko ang sarili sa salamin ng CR.

Kaya mo yan Kara! para sa kumpanya at kila mama at papa. Mukha namang mabait si Josh, matututunan ko rin siyang mahalin.

Huminga ako ng malalim bago nagpasyang lumabas pero nagulat ako ng salubungin ako ni Lorenzo.

"Lorenzo?"

"Anong ibig-sabihin ng mga pinaguusapan kanina? Kasal? ano 'yun Kara?" Alam kong galit na galit ito. Nakikita kong halos magdugtong na ang kilay nito.

"Ano.. kasi.." Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Kailangan kong magpakasal."

"Are you serious?! Kara hindi biro ang kasal! And you're marrying a stranger? nababaliw ka na ba?"

"I already met him so many times. Saka mabait naman siya Lorenzo. Matututunan ko rin siyang mahalin."

Nagulat ako ng suntukin nito ang pader sa tabi ko. Nagdugo ang kamao nito pero binalewala ito ng lalaki.

"For pete's sake Kara! ang iba ilang taon bago ikasal? tapos ikaw? ilang araw mo lang nakilala yung lalaking iyon!" sigaw nito.

"Lorenzo ang kamay mo.." Natutok ang atensyon ko sa kamay nitong sugatan. Sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero umiwas lang ito. Nasaktan ako sa ginawang pag-iwas nito.

Pinakalma nito ang sarili.

"Gusto mo ba ang lalaking iyon?" mababa pero may diin nitong tanong.

"Hindi!.. hindi ko siya gusto p-pero kailangan kong gawin ito." Hindi ko na napigilang mapaluha.

Nasasaktan ako dahil galit na galit si Lorenzo. Nasasaktan ako dahil kailan man ay hindi ko na puwedeng mahalin si Lorenzo dahil ikakasal na ako.

"Paano naman ikaw? Ayokong makulong ka sa kasal na 'yan! lalo na't hindi mo naman kilala ang lalaking pakakasalan mo."

Kung alam mo lang Lorenzo, ikaw ang gusto kong pakasalan pero kailangan kong gawin ito.

"I'm sorry Lorenzo kung hindi ko agad nasabi sayo. You're my bestfriend, dapat ikaw ang unang nakaalam pero natuklasan mo pa sa iba." Pinunasan ko ang luha kong patuloy pa rin ang pagbagsak.

"Pero pakakasalan ko pa rin siya kahit na hindi namin mahal ang isa't-isa. Hindi ko ititigil ang kasal." Tinalikuran ko na ito at lumabas.

"Kara..."

---

Author's Note:

Don't forget to vote. Thank you.