webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
28 Chs

Chapter 21

Sobrang kilala na nga ni Sam si Kenneth. Siguro ay dahil sa matagal na rin silang magkaibigan. Kaya alam na nito kung ano ang mga insecurities nito. Isa na nga doon ang pagiging mahirap ng pamilya nila. At alam niyang kahit third year na sila ay hindi pa rin naaalis ang inferiority complex ni Kenneth sa mga mayayaman nilang kaklase.

Noong i-announce ang prom nila ay kaagad na-excite ang mga kaklase nila. Kanya-kanyang plano na ang lahat sa kung ano ang isusuot at kung saan bibili at magpapagawa. Pati na rin ang sapatos na gagamitin nila, at ang mode of transportation na gagamitin sa pagpunta sa venue. At siyempre, kung sino ang makaka-date nila sa gabing iyon.

Maging si Ryan ay excited sa darating na prom. May dinala pa nga itong magazine na may mga pictures ng suite na uso nang taong iyon. Hindi daw siya makapili kung ano ang ipapagawa niya sa Casa Rafaela. Kinuhanan pa niya ng opinyon ang kanyang mga kaklase, partikular na nga sina Sam at Kenneth.

Habang pinapanood ni Sam si Kenneth na nakikitingin ng magazine ay nakikita niya kung gaano ito nagpipilit lang na maging masaya para kay Ryan. Alam ni Sam na deep inside, nalulungkot si Kenneth kasi hindi niya kayang makabili ng ganoong amerikana at sapatos. Hindi niya afford mag-attend ng prom.

Naisip niyang alukin ito na siya na ang bumili ng isusuot nito, at sigurado naman siya na papayag ang mga magulang niya dahil kilala nila si Kenneth at mabait din ang mga parents niya. O kaya naman, pwede itong pahiramin ng daddy niya o ng Kuya Raul niya ng Amerikana. Matangkad din naman kasi si Kenneth dahil nga sa pagbabasketball, at halos kasing-height na nga nito ang daddy at kuya niya.

Pero alam din ni Sam na hindi ito papayag sa ganoon. Alam niyang ma-pride si Kenneth sa mga ganoong bagay, at alam niyang ang pride na lamang nito ang maipagmamalaki nito. Kaya kung ayaw man nitong ibaba ang pride na iyon ay hinahayaan ito ni Sam. Ayaw din naman niyang tuluyang mawala ang kumpiyansa ng kaibigan sa sarili dahil sa pagkawala ng pride na iyon.

"Ikaw din, Ken, pumili ka na dito para mapagawa na natin sa Casa," ang sabi ni Ryan sa kaibigan. "For sure ang daming magpapagawa na naman ng gown at Amerikana sa Casa. Mas mabuti nang maunahan natin sila. Ikaw din, Sam."

"Hindi naman ako pupunta."

Nagulat ang dalawang lalaki sa sinabi niya.

"Bakit pa ako magpapagawa?"

"Bakit hindi ka pupunta sa prom?" tanong ni Ryan.

"Hindi naman kasi ako mahilig sa ganyan," ang sabi niya. "Ayoko iyong mga uma-attend sa mga ganyan."

"Hindi naman siguro ito ang first time na mag-a-attend ka ng formal event, 'di ba?" tanong ni Ryan. "Sigurado lagi ka nang sinasama nina Don Baste sa mga events na pinupuntahan nila."

"Oo, pero hindi naman naka-make up tsaka hindi naman ganyan kagarbo ang sinusuot," ang sabi ni Sam.

"Eh bata ka pa kasi," ang sabi ni Ryan. "Thirteen ka pa lang, di ba? Kaya lang, third year high school ka na kaya kailangan ka na ring mag-attend sa ganito. Bahala ka. Sa college, hindi ka na pwedeng bumalik sa high school para lang mag-attend ng prom kapag 15 ka na."

"Ah, basta! Hindi pa rin ako pupunta."

Wala nang nagawa pa si Ryan kundi ang hayaan na lang si Sam sa trip nito. Pero hindi lang si Sam ang nag-decline sa invitation ni Ryan. Maging si Kenneth ay hindi rin daw sasama sa prom.

"Hindi rin kasi ako mahilig sa ganyan," ang sabi ni Kenneth.

"Hay! Bahala na nga kayong dalawa diyan." Pinuntahan na lamang ni Ryan ang iba nilang mga kaklase na mas interesado sa nalalapit nilang prom.

"Salamat, ha?" ang sabi ni Kenneth kay Sam. Alam niyang siya talaga ang dahilan kung bakit hindi ito pupunta sa prom nila. Ayaw nitong ma-left out siya dahil kahit na anong mangyari ay hindi niya afford ang pumunta sa sosyal na Junio-Senior prom ng CPRU.

"Ha? Salamat saan?" Alam ni Sam kung ano ang tinutukoy nito, pero alam niyang mas mahihiya si Kenneth kapag mas pinalaki pa nila ang discussion sa issue na iyon.

Hindi na lamang sumagot pa si Kenneth. Alam niyang nagkakaintindihan na silang dalawa ni Sam.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Ilang linggo pa ang nakalipas at natapos na rin sila sa COCC training nila. Si Kenneth ang hinirang na Corps Commander o ang pinakamataas na posisyon sa mga CAT officers. Si Sam naman ang kanyang Corps Executive Officer o Ex-O. Balita nga na konti lang ang points na lamang si Kenneth kay Sam. Kung hindi ay babae ang magiging Corps Commander ng CPRU for the first time in history.

"Mabuti na lang pala at medyo tinamad sa training itong si Sam," ang sabi ni Ryan kay Kenneth.

"Oo nga, eh," ang sabi ni Kenneth. "Kung hindi, siya na ang Colonel natin next year."

"Ikaw na nga ang first honor, ikaw pa ang Colonel?" ang sabi ni Ryan kay Sam. "Kinuha mo na lahat."

"Kaya nga kay Kenneth na ang CAT, eh," ang sabi naman ni Sam. "Sa akin na ang Acad."

Si Ryan naman ang naging Corps S3 o ang Training Officer. Ito ang magiging head ng training ng mga COCC cadets next year, pati na rin ng mga CAT privates o mga 4th year students na hindi officers.

"Akalain mo, ano? Akala natin, babagsak ka na sa first initiation pa lang," ang sabi ni Sam. "Tapos ngayon, ikaw pa ang S3 natin."

"Kaya nga, eh," ang sabi naman ni Ryan. "Siguro naisip nila, lahat ng kahirapan, naranasan ko na. Ako na talaga ang hari ng COCC training. Kaya ako ang ginawa nilang S3."

Natawa sina Kenneth at Sam sa sinabi nito.

Tuluyan na ngang na-recognize si Ryan bilang parte ng grupo nina Sam at Kenneth. Hindi lang ang pagiging bully nito ang nawala. Gumanda rin ang standing ng grades nito dahil na rin sa impluwensiya at tulong nina Kenneth at Sam. Dahil dito, silang tatlo ay tinaguriang Power Group dahil na rin sa achievements nila sa academics pati na rin sa extra-curricular activities, partikular na sa COCC.