webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
107 Chs

Chapter 46 - The Choice

CIUDAD MEDICAL...

Mula ng maospital ang don ay palagi ng binabantayan ni Ellah ang abuelo.

Kauuwi lang niya galing opisina at dumeretso agad sa ospital.

Inabutan niyang nakaupo ito at nanonood ng telebisyon.

"Lolo, gutom na po ba kayo? May pagkain po akong dala."

"Hindi pa ako gutom, " malamig nitong tugon.

Napabuntong-hininga ang dalaga.

Alam niyang masama pa rin ang loob nito dahil sa nangyari.

Alam niya rin kung paano ito mapapasaya.

Marahan siyang umupo sa gilid ng kama.

"Lo, talaga bang ayaw ninyo kay Gian?"

Hindi pa man ito sumasagot ay nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata.

"Alam mong ayaw ko. Pero napakatigas mo kaya pwede ba huwag ka ng pumunta rito? Hindi ako natutuwa."

Napapikit siya sa narinig.

"Gagawin ko ang gusto mo."

Dahil doon, ay nilingon siya ng don.

"Ikaw na lang ang natira kong pamilya at ayaw kong mawala ka, kaya kong ipagpalit si Gian sa inyo lolo."

Sa pagkakataong ito kahit masakit kakayanin niya.

"Iyan ang pinakamaganda mong desisyon sa buhay hija, tama 'yan. Wala kang mapapala sa isang gaya niya lang."

Ngumiti siya ng mapait.

"Opo, kain na po kayo."

"Ano ba 'yang dala mo? Kanina pa ako nagugutom."

Maraming magagawa si Ellah para ipaglaban ang relasyon nila ni Gian, ayaw niya lang.

Ayaw niyang masaktan ang nag-iisang pamilyang natira sa kanya.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kasintahan.

Kahuli-hulihan niyang mensahe para sa minamahal niyang si Gian.

Gian... paalam.

Kasabay ng pagtipa ay ang pagpatak ng kanyang mga luha.

---

CANELAR HIGHWAY...

"The target is coming, I repeat target is coming. " ani Greg isa sa tauhan ni Gian na siyang nag-aabang sa paglabas ng target sa isang restaurant na may ka meeting na mga intsik.

Matapos ang pag-alam ng mga escapades ng target ay ngayong gabi isasagawa nila ang  misyon.

Gamit ang binocular telescope ay nakita niyang papalabas ang target nila kasama ang mga instik. Katatapos lang ng meeting ng mga ito.

Naghiwalay ang mga ito matapos ang iilang sandali.

Ngayon kasama ng target ang tatlong gwardya.

"Men, moved!" utos niya.

"Tandaan kailangang buhay ang target!"

"Yes sir!" sabay na tugon ng mga ito.

Ilang sandali pa papaalis na ang kotse ng target at sinundan ng kanyang mga tauhan.

Sila naman ay nakaabang.

Dalawampung metro ang layo ng target ay muli siyang nagsalita.

"Men, attack."

Hinarangan ng kotse nina Greg ang sasakyan ng mga ito at tinutukan ng mga baril ang nasa loob.

"Labas!"

Subalit hindi kumilos ang mga ito at ilang sandali pa natigagal sila nang nagkaputukan na.

"Lintek!" Pinaarangkada ni Vince ang sasakyan palapit.

Ikinasa ni Gian ang baril at nakahandang baguhin ang plano.

Subalit nabigla siya sa inabutan.

Nakabulagta ang tatlong gwardya ng target at ngayon ay pinalibutan ito ng mga tauhan niya.

Nakataas ang mga kamay ng target habang takot na takot.

Nagkatinginan sila ng kaibigan.

"Good luck Vince."

"Salamat sir."

Tuluyan na itong lumabas at mabilis na pinagbabaril ang limang tauhang nakapalibot sa target.

Ilang sandali pa nakabulagta na ang mga ito at ang mukha ng target ay tila natuklaw ng ahas.

Napapikit siya ng mga mata. Ito lang ang tanging paraan upang mailigtas ang target.

"Ayos lang ho ba kayo Congressman?" tangay ni Vince papasok ng kotse nito ang Congressman na tila wala sa sarili.

Saglit lang nilisan ng mga ito ang lugar.

"K-kilala mo ako?"

Mula sa earpiece na gamit ni Gian ay naririnig niya ang usapan nina Vince at ng kongresista.

"Oho, isa ako sa supporter ninyo. "

"Salamat sa tulong."

"Walang anuman ho, pero mukhang delikado sa inyo ang mag-isa, ang mabuti pa siguro ay sumama kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa pupuntahan ninyo."

"S-sige, salamat."

"Mukhang mapapasama kayo Congressman kung hindi ako napadaan."

"Paano mo nagawa ang gano'n? Anong trabaho mo?"

"Bodyguard ho ako sa isang maliit na hotel."

"Gano'n ba? Gusto mo bang magtrabaho sa akin?"

Nakahinga siya ng maluwag. Mas mabilis ito kumpara sa inaasahan niya.

Nilingon niya ang mga tauhang nagsibangon na.

Lumabas siya sa sasakyan.

"Good job boys."

"Sir, success!" sabay na wika ng mga ito bago nila nilisan ang naturang lugar.

Isang oras bago isinagawa ang misyon ay kinausap ni Gian ang mga tauhan sa loob ng kanyang opisina.

Ang lahat ay nakatutok sa isang mapa na itinuturo niya.

"Mamayang alas syete may ka meeting ang target sa Chinese restaurant na ito."

Tumunog ang kanyang cellphone tanda na may mensahe ngunit ipinapagtuloy niya ang pakikipag-usap sa mga tauhan.

"Iisa ang daanan papasok at papalabas sa restaurant na ito kaya dito kami pupwesto ni Vince, dalawampung metro ang layo." Muli niyang tinuro ang mapa.

"Kailangang bago kayo makarating sa pwesto namin maisagawa na ninyo ang plano.

Palagi siyang may kasamang tatlong gwardya. Hindi nagdadala ng mahahabang armas ang mga 'yon."

"Madali na lang 'yan sir!" anang isa sa tauhan niya.

"Huwag kayong pakakasiguro dahil ang tatlong 'yon ay mga professional killer."

Natahimik ang mga ito.

Dahil alam na ang ibig niyang  sabihin.

Assassin.

"Tandaan kailangang buhay ang target, kapag namatay siya tapos ang misyon, naiintindihan ninyo? Plan A walang mamamatay sa gwardya pero kapag nagkagipitan proceed to plan B still the target must alive."

"Yes sir."

"Okay move!"

Nagsialisan ang mga ito at sabay silang lumabas ni Vince.

"Pare, sa'yo nakasalalay ang misyong ito kaya galingan mo." 

"Opo, sir."

Dalawang sasakyan ang dala nila, isa sa mga tauhan at isa sa kanila ni Vince.

Pagdating ay pumuwesto sina Greg kasama ang iba pa sa area.

Sila naman ni Vince ay nasa malayo at nag-aabang gamit ang binocular telescope.

Kahit medyo madilim ang parte ng kanilang kinaroroonan ay malinaw naman niyang nakikita ang buong paligid.

Pinindot ni Gian ang earpiece upang kausapin ang isa sa mga kasamahang nasa loob ng restaurant.

"Situation Greg?"

"Target is inside the restaurant sir.

Three bodyguards and four Chinese businessmen."

"Okay stand by."

Napansin niyang inalis ni Vince ang earpiece na nasa loob ng tainga nito kaya inalis din niya ang kanya.

Ayaw nitong marinig ng iba ang usapan nila.

Isang maliit na aparato lang ito na hindi madaling makikita ng tao.

"Pare, bakit parang kinakabahan ako?"

Nilingon niya si Vince na naroon sa driver's seat.

"Bakit?"

"Ewan ko, pressure lang siguro."

"Iniisip mo kasing ito ang kauna-unahan mong misyon na ikaw ang sasabak."

"Siguro nga, sa totoo lang gusto kong gilitan sa leeg ang hayop na 'yon eh."

"Pare kalma, paano mo magagawa ng maayos ang trabaho kung galit ka, huwag kang mag-alala nakaalalay ako."

"Maraming salamat captain at nakasuporta ka sa akin."

"Wala 'yon huwag kang kabahan."

Ibinalik nila ang aparato sa tainga at muli niyang pinagmasdan ang kinaroroonan ng target.

Isinagawa nila ang misyon at na pagtagumpayan nila.

Tagumpay nilang naisagawa ang planong pagpasok sa grupo ni Congressman sa pamamagitan ni Vince.

Alam niyang nakuha na ng kaibigan ang tiwala at kalooban ng target na Congressman.

Nakasalalay na kay Vince ang lahat ngayon.

Habang nasa biyahe ay saka niya pa lang naalala ang cellphone niya.

Baka sakaling may reply na si Ellah.

Napakarami na niyang text dito pero wala itong reply kahit isa.

Ngunit tila lumukso ang kanyang puso sa tuwa nang makitang may mensahe ang kasintahan.

Babasahin na niya sana subalit natigil nang tumunog ang earpiece.

"Pare, I'm in." si Vince.

"Good, ingat pare."

"Salamat."

Nakangiti niyang hinarap ang cellphone at binasa ang mensahe ng babaeng pinakamamahal.

'Gian hindi ko kayang ipagpalit si lolo sa'yo. Patawad kung tuluyan na kitang iiwan. Hangad kong makakita ka ng mas higit pa sa akin. Gian, paalam.'

Tila wala sa sariling nabitiwan ng binata ang cellphone.

---

LOPEZ MANSION...

Makalipas ang isang linggo. Nailabas si don Jaime.

Todo asikaso ang dalaga.

"Lolo, gusto niyo po ba ng tubig?"

"Oo, sige hija. "

Agad siyang tumalima at binigyan ito ng tubig. Matapos inumin ng don ay muli itong nahiga.

"Napagod ho ba kayo lolo? Sabi kasi ng doktor kailangan niyo ng tamang ehersisyo."

"Ayos na ako hija, pahinga lang ang kulang nito."

"Sige ho, aalis na po ako, " hinalikan niya sa pisngi ang matanda.

Normal na uli ang takbo ng buhay ng dalaga. Ang mga larawan nila noon ni Gian ay hindi naman nakaabot sa medya.

Tuluyan na niyang hindi kinausap si Gian at tuluyan na rin niya itong kakalimutan.

Masakit pero kailangan.

Siguro nga hindi talaga sila ang nararapat para sa isat-isa.

Dalawang linggo na rin silang hindi nagkakausap at nagkikita.

Hindi magtatagal tuluyan na nilang makalimutan ang isat-isa.

Napabuga ng hangin ang dalaga.

'Makakalimutan din kita Gian. Pangako makakalimutan din kita.'

Masakit man sa kanya ngunit iyon ang nararapat.

Huminga ng malalim ang dalaga at pumasok sa elevator patungo sa kanyang opisina.

Nang biglang may humarang at pumasok din sa loob na isang lalaking  nakasumbrero at nakayuko.

Napaatras si Ellah nang mapagtanto kung sino ang kaharap!

"Kumusta ka na?" malamig nitong tanong.

"G-Gian? Anong ginagawa mo dito?"

Tumahip ng husto ang dibdib niya! Ang taong kinakalimutan niya ay nasa harapan niya ngayon!

"Mabuti naman, nakikilala mo pa ako, " sagot nitong hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Hindi ka pwedeng pumasok dito!"

Pinindot ng binata ang button ng elevator patungong rooftop.

"Ano bang ginagawa mo?"

Hindi ito umimik.

Naipikit niya ang mga mata. Pigil-pigil niya ang sarili na yakapin ito at halikan dahil sa totoo lang pinipilit na lang niya ang sarili na sumunod sa agos.

Ilang sandali pa, nasa roof top na sila.

"Hindi ka na pwedeng magpunta dito, " malamig niya ring wika.

Mapakla itong tumawa. "Gano'n na lang 'yon? Basta mo na lang din ako itatapon na parang si don Jaime? Mag lolo nga kayo!"

"Hindi mo naiintindihan, ayoko ng masaktan uli si lolo dahil sa akin. "

"At ako ay ayos lang na saktan mo gano'n ba?"

Hindi agad siya nakaimik. Ramdam niya ang hinanakit sa tinig nito ngunit hindi siya dapat magpadala sa emosyon lang kailangan niyang humarap sa katotohanan.

"Gian please! Intindihin mo naman, mahal ko ang lolo ko!"

Hinarap siya ng binata.

"At ako ay hindi na gano'n ba!"

Napalunok siya dahil nakikita niya ang sakit na nakalarawan sa mukha nito at nasasaktan siya.

"Mahal kita pero hindi sapat para ikaw ang piliin ko. "

"Hindi kita pinipilit na piliin ako, pero hindi ko matanggap na makikipaghiwalay ka na dahil lang sa lolo mo!"

Muli ay hindi siya nakaimik.

"Wala pa nga tayong dalawang linggo sa relasyon natin pero dalawang linggo na tayong hindi nagkikita? Alam kong iniiwasan mo ako, pero hindi ko akalaing tuluyan mo na nga akong kakalimutan. Hinintay ko ang pag galing ni don Jaime dahil akala ko babalik ka sa akin pero tuluyan ka ng lumayo. "

Nanakit ang kanyang lalamunan at nangilid ang mga luha subalit pinigilan niya 'yon ayaw niyang makita ng dating kasintahan ang totoo niyang nararamdaman.

"I'm sorry. "

"Hindi ko matatanggap ang sorry mo, hindi ngayon!"

Tuluyan na siyang napaiyak.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Hirap na hirap na ako sa inyong dalawa ng lolo ko. Na ospital siya dahil sa akin, tapos malalaman niya tayo pa rin? May relasyon pa rin tayo? Baka sa susunod mapapatay ko na ang lolo ko!"

"Naiintindihan kita, pero isipin mo naman ako, kapag tuluyan ka ng lumayo sa akin, ikaw ang papatay sa akin Ellah!"

Pinahid niya ang mga luha at matatag itong hinarap.

"Talagang hindi tayo ang para sa isat-isa. "

Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.

"Hindi 'yan totoo, mahal kita at mahal mo ako, sapat na 'yon para tayo ang para sa isat-isa. "

Nabanaagan niya ang sakit na gumuhit sa mga mata nito pinilit niyang inilingon ang paningin sa ibang dereksyon.

"Huwag mong pilitin ang hindi pwede!" Matigas niyang tugon.

Marahas na huminga ang binata.

"Kailan ba mamamatay ang lolo mo!"

Biglang nagpanting ang kanyang pandinig sa sinabi nito.

Lumipad ang palad ng dalaga patungo sa pisngi ng binata kaya nabiling ito sa lakas ng pagkakasampal.

"Wala kang karapatang sabihin 'yan lalo na sa harap ko!"

Nagtagis ang mga bagang ni Gian at hindi kumibo.

Sa ilang saglit bigla siyang na konsensiya.

"Wala ng ibang paraan para balikan mo ako, kung kinakailangan kong magdasal araw-araw gabi-gabi para sa kamatayan ni don Jaime gagawin ko bumalik ka lang!"

Naiiling ang dalaga. Naglaho ang nararamdaman niyang guilt at napalitan ng galit.

"Nababaliw ka na!"

"Umaasa akong babalik ka kapag gumaling siya. Hindi mo alam ang ginawa ko ng malaman kong na ospital ang lolo mo dahil lang sa kagagawan ng isang tao. Pero ngayong magaling na siya, hindi ka na pala talaga babalik? Anong gusto mong gawin ko ngayon? Kaya kung walang ibang paraan, ipagdadasal ko ang kamatayan niya!"

"Tama na!"

"Gagawin ko 'yon Ellah bumalik ka lang!" sigaw na ng binata.

Hindi siya sumagot pinipilit niyang magpakatatag at ang paraan lang ay ang ibahin ang usapan.

"Sino ang taong tinutukoy mong may kagagawan ng mga ito?"

"Hindi na 'yon mahalaga, dahil hindi ka naman pala babalik sa akin!"

"Sabihin mo gusto ko siyang makita!"

"Nasa ospital siya. "

"A-anong ginawa mo?"

Hindi ito umimik.

"Kahit anong gawin mo hindi na ako babalik sa'yo, " tumalikod siya.

"Ellah please!" mahigpit siyang niyakap ng binata sa likuran.

"Bitiwan mo ako!"

"Hindi!"

"Bitiwan mo ako sabi!" pilit niyang hiniklas ang mga bisig nitong nakayakap sa kanya.

"Huwag mo naman akong iwan, huwag mong gawin sa akin 'to maawa ka naman!"

"Hanggang dito na lang tayo. It's over. I'm sorry. "

" No! "

Iniharap siya nito at pilit hinahalikan sa mga labi kaya panay ang iwas niya.

"No. Please don't! " desperado na ang tinig na pakiusap ng binata sa pagitan ng mga halik.

Buo na ang kanyang pasya kaya ginawa niya ang lahat para makaiwas at hindi bumigay sa mga yakap nito at halik!

" Pakiusap mahal kita! Mahal na mahal kita!" yakap siya nito ng mahigpit.

Hindi niya tinugon ang yakap na iyon, napagod na siya sa pagtulak at pag-iwas.

"Yakapin mo naman ako o. Pakiusap " nagsusumamo ang tinig na pakiusap ng binata.

Nananatili siyang malamig at nagmistulang tuod na walang pakiramdam.

Lumuwang ang pagkakayakap nito hanggang sa unti-unti itong lumuhod sa kanyang harapan.

Shit!

Bahagya siyang tumingala, pinipigilan niya ang pamamasa ng mga mata.

Sa kalagayan nito ngayon parang pinipiga ang kanyang puso.

Hinarap niya ito "Tumayo ka diyan!"

"Hindi! Hanggat hindi ka bumabalik sa akin hindi ko 'yon gagawin. "

"Hindi mo na ako madadala sa ganyan Gian. Kaya tumayo ka! Makinig kang mabuti, pipiliin ko si lolo at ang tanging paraan ay ang kalimutan ka. Nangako ako sa kanya, tatalikuran kita at nagagawa ko na 'yon, kaya please lang huwag ka ng magpakita sa akin kahit kailan!"

Walang lingon-likod na iniwan niya ang binatang nakaluhod!

Naiiyak na pumasok siya sa opisina at napasandal sa pinto. Pinigilan niya ang pagbagsak ng mga luha.

Kailangan niyang magpakatatag ngayon alang-alang sa kapakanan ng lolo niya.

Maya-maya nakarinig siya ng malakas na kalabog sa pinto mula sa labas.

Napaigtad ang dalaga.

"Ellah! Lumabas ka diyan! Harapin mo ako!"

"Sir, huwag kayong mag eskandalo dito!"

"Ellah! Ano ba! Mag-usap naman tayo, hindi kita naiintindihan lumabas ka diyan!"

"Ilabas 'yan!"

Narinig niyang utos ng gwardya.

"Ellah lumabas ka diyan! Bitiwan niyo ako! Ellah!"

Papalayo ang sigaw ni Gian kaya natiyak niyang dinala na ito ng mga gwardya palabas.

"M-Ms. Ellah, nakakaawa ho si sir Gian. "

"Hayaan mo siya, magsasawa din 'yan. "

"Ms. tama ho bang iiwan niyo siya para sa lolo niyo?"

"Walang ibang paraan Jen. "

"Ngayon ko lang po nalaman, ang lupit ni don Jaime. "

---

PHOENIX AGENCY...

Hindi matanggap ng binata ang mga nangyayari.

Wala na siyang magagawa dahil sa pakikipaghiwalay ni Ellah sa kanya.

Ayaw lang ni don Jaime sa kanya dahil sa kanyang trabaho pero kung hindi ito ang trabaho niya ay baka sakaling matatanggap siya nito para sa apo.

Kailangan niyang mamili sa pagitan ng babaeng minamahal o ng trabahong pinagbubuwisan niya ng buhay.

Pinuntahan niya sa opisina nito ang head.

"Villareal, job well done." Masayang wika nito.

"Ang kailangan na lang ay i monitor ang mga galaw ng Congressman pati na ang mga transaksyon at kontrabando niya, and ofcourse with your leadership madali na lang sa'yo 'yon."

"Thank you sir. But I think my role is enough."

Naglaho ang sigla nito at napalitan ng pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I should quit. Hindi na tama ang nangyayari sa akin."

"Bakit? Wala namang mali sa'yo. Hindi ka naman pumalpak anong problema?"

Yumuko si Gian.

Hindi kayang intindihin ng kanyang amo ang nararamdaman at hindi niya rin kayang ipaliwanag.

Iba ang dapat niyang sabihin upang maintindihan siya nito.

"Kilala ako ng mga Delavega sir."

Dahil doon ay bigla itong napatayo.  "Ano? Paano?"

" Isa sa dahilan kaya ko ipinalit si Maravilla sa akin ay dahil doon.

Hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho dahil kilala ako ng mga Dela vega. Minsan ko ng nakasagupa ang anak niya. "

"What? Bakit ngayon mo lang sinabi? Nagsagawa ka ba ng personal mission?"

" No sir, nagkataon lang ho noong bodyguard pa ako ng apo ni don Jaime. "

"Ano bang nangyari paano ka nila nakilala?"

"Inireto ni don Jaime ang anak ni Congressman na si Xander Delavega sa apo nito, pero nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na naging dahilan ng pananakit ng anak ni Congressman kay Ellah at hindi ko pinalagpas ang bagay na 'yon."

"Sapat na bang dahilan 'yan para tumigil ka? Alam mong ikaw ang inaasahan ko sa misyong ito pumayag akong ipalit sa' yo si Maravilla dahil pinagkakatiwalaan kita tapos ngayon sasabihin mong titigil ka?"

"I am sorry sir. Pero kung hindi ko 'yon gagawin baka ako ang maging dahilan ng pagkapahamak ng kaibigan ko."

"Mamili ka, bibigyan kita ng panibagong misyon o mag leave ka muna?"

"Indefinite leave sir."

"Is that your final decision? "

" Yes sir," matatag niyang tugon.

"You disappointed me Villareal. Kapag nalaman ng nakakataas ito posibleng tatanggalin ka nila sa serbisyo, masasayang ang pinaghirapan mo. You are the best asset here!"

Nanlulumo ang head nang tumayo siya at umalis.

"Sir!"

Sumaludo siya rito at matamlay nitong tugon.

Madalas ang sasabihin nitong you can go ay hindi nito mabanggit ngayon.

Humugot na malalim na paghinga ang binata bago nagpasyang umalis.

Kaya niyang iwan ang lahat alang-alang sa dalaga.

Hindi siya susuko, iniwan lang siya ni Ellah dahil ayaw ni don Jaime sa kanya, pero kapag nalaman nitong nakahanda siyang ipagpalit ang trabaho para sa apo nito ay baka matatanggap na siya.

---

MEDC OFFICE...

Muli siyang bumalik sa opisina ngunit hindi pumasok.

Matiyaga lang siyang naghintay sa basement ng halos dalawang oras bago ito lumabas.

Tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang makita ang babaeng pinakamamahal.

Kasama nito ang tatlong gwardya habang papasok ng kotse.

Paglabas ng mga ito ay sinundan niya.

Alam niyang malaking kagaguhan ang kanyang naiisip subalit walang ibang paraan.

Napansin ni Ellah na pasilip-silip ang driver-bodyguard niya sa rearview mirror.

"Bakit?"

"Ms. , parang may sumusunod sa atin."

Kumabog ang dibdib niya saka sumulyap sa labas ng bintana.

Malapit ng dumilim at kakaunti na lang ang sasakyang dumaraan.

Nilingon niya ang likuran at nakitang may sumusunod nga sa kanilang isang itim na kotse.

"Alerto kayo," anang isa pa niyang gwardya.

Nagkasa ng mga baril ang mga ito.

Pakiramdam ng dalaga ay namumutla siya sa tindi ng takot.

Parang mauulit na naman ang nangyari noon na ikinamatay ng dati niyang gwardya.

Panay ang lingon niya hanggang sa malapit na silang maabutan nito at nakikita na niyang maigi ang naturang kotse.

Nanlaki ang kanyang mga mata at kinabahan ng husto.

Hindi siya maaaring magkamali alam niya kung kanino 'yon kahit isang beses pa lang niyang nakita.

"Paghaharangan tayo barilin niyo agad!"

"Huwag!"

Sabay na napalingon sa kanya ang mga gwardya.

"Ms. Kilala niyo ho ba 'yan?"

Tumango siya sa takot na baka mapahamak ang taong nasa loob no'n.

Nang biglang huminto ang kanilang sinasakyan kaya napahiyaw siya.

Nakaharang na pala ang kotseng sumusunod sa kanila.

Lumabas ang taong inaasahan niya at nakatutok ang baril nito sa kanila.

"Labas!"