PHOENIX AGENCY...
Halos tumalon si Gian sa lamesa makalapit lang agad sa dalaga.
"Ellah? Anong ginagawa mo dito?"
"Busy ka raw? Palagay ko nga. "
Hinawakan niya ito sa braso at inilabas.
"Bakit ka nandito? Alam mong delikado sinabi ko na sa'yo hindi ba? Paano ka nakarating dito?"
"Tinulungan ako ni Vince. "
"Si Vince? Gago 'yon ah hindi ipinaalam sa akin. "
"Gian, hindi basta-basta ang pagpunta ko dito, gusto lang kitang makita kahit hindi na makausap, ako ang nagsabi kay Vince na huwag ng ipaalam sa'yo pero hindi ako nakatiis sa nakita ko kanina. "
"Sinabihan na kita ah? Ang tigas mo naman!"
Hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses.
"Nandito na ako, pababalikin mo pa ba ako!"
Dinala niya ito sa likod kung saan may terrace at malakas ang ihip ng hangin.
Silang dalawa lang ang naroon.
"Wala bang nakasunod sa'yo?"
"Wala naman."
"Okay ka lang ba? Natakot ka ba?"
Hindi ito sumagot.
Niyakap niya ang dalaga mula sa likuran.
"Pasensiya ka na, gusto lang kitang makita, hindi ka na kasi tumatawag eh. "
"Medyo busy lang sa opisina."
"Busy ka nga. "
Kumalas si Gian sa pagkakayakap.
"Paano 'pag nalaman ito ni don Jaime?"
"Alin ang kinatatakot mo 'yong malaman niyang halos isubo mo na ang dibdib ng babaeng 'yon?"
"Ano ka ba, kasamahan ko lang 'yon sa trabaho. "
"Masarap pala ang trabaho mo ano? Libre ang magandang tanawin?"
"Selos ba 'yan?" nangingiti niyang tanong.
"Halata ba? Kaya pala hindi ka na tumatawag 'yon pala ay may pinagkakaabalahan kang iba!"
Muli niyang niyakap ang dalaga.
"Bitiwan mo ako!"
Pero mas hinigpitan pa niya ang yakap.
"Na miss kita," bulong niya sa tainga ni Ellah.
"Kaya ako nagpunta dito dahil miss na rin kita tapos 'yong ganoong tanawin ang madadatnan ko? Lagi ba kayong gano'n kung mag-uusap ha? Kulang na lang lamunin mo 'yong dibdib niya. Huh! Kaya pala..."
Naudlot ang sinasabi nito ng selyuhan nang labi ng binata ang mga labi ng nobya.
Nanulak si Ellah pero sandali lang, agad na nitong tinugon ang halik.
Mabilis lang ang halik na 'yon, pinakalma niya lang ito.
"Salamat sa pagdalaw mo, buti nakalusot ka sa mahigpit mong bodyguard?"
"Ginawan ko ng paraan."
"Talaga? Ulitin mo ha."
"Sira!" siniko siya nito sa tagiliran.
"Ouch!"
"Hmp! Naiinis ako sa mga ganyang babae, ang lalandi nila!"
"Relax lang, kahit maghubad sila sa harapan ko hindi ko sila papatulan."
"Sinungaling, eh kanina nga halos kainin mo na 'yong dibdib niya."
"Hay, selosa pala ang girlfriend ko?"
Hinalik-halikan niya ito sa buhok habang nakayakap sa likuran ng dalaga.
"Hmp! Playboy pala ang boyfriend ko?"
"Hindi ah, ikaw lang ang gusto nito." Inihimlay niya ang mukha sa balikat ng kasintahan.
"Paano, labas tayo?"
"Sigurado ka? Hindi ba delikado?"
Natawa ang binata.
"Hindi kapag kasama mo ako. Pumapayag ka na?" nakangiti niyang tanong.
"Oo na. "
"Yes! Sandali lang ako, babalikan kita dito. "
Humalik siya sa pisngi nito bago umalis.
Dumeretso siya sa opisina ni Vince.
"Kararating mo lang?"
Bungad niya rito.
"Oo, andito ang girlfriend mo ah? Naks! Pare ikaw na ang hinahabol, matinik ka talaga! Sa sobrang tinik mo pati ako damay lintek!"
Natawa ang binata.
"Pare, wala talaga akong alam, sumulpot ba naman sa harapan ko, nagselos pa nga eh. "
"Talaga bakit naman?"
"Nakita niya si Hailey, ang sabi kinakain ko raw ang dibdib no'ng babae. "
"O ano, nabusog ka ba?"
"Gago! Bakit 'di mo sinabi? Nasorpresa ako ah!"
Humalakhak si Vince.
"Mas matinik kasi ang girlfriend mo kaya hinuhuli ka at nahuli ka nga!"
"Tarantado ka talaga, kinuntsaba mo pa. "
Natawa si Vince.
"Pare, ikaw na muna bahala dito ha? Alam mo na, lalabas muna kami sandali ni Ellah na miss ako eh."
"Sus, bilib na talaga ako sa'yo sobrang galing mo."
Natatawang iniwan niya ang kaibigan.
Gamit ang kotse niya ay tinungo nila ang isang restaurant.
"Kotse mo?" tanong ni Ellah.
"Sa kumpanya."
"Hindi ito ang nakita ko last time ah nasaan na 'yon?"
Sumagi sa isipan niya kung paano pinaulanan ng bala ng kalaban ang sasakyang 'yon.
"Ah' 'yon ba? Nasira na 'yon."
"Nasira? Mukhang bago pa naman 'yon."
Hindi na lang siya kumibo hanggang sa makarating sila.
"Nandito na tayo."
Binuksan niya ang pinto at inalalayan itong makababa.
---
BETCHIE'S RESTAURANT...
Ilang sandali pa, magkasabay na silang naglalakad habang nakahawak siya sa siko ng dalaga.
"Pasensiya ka na kung hindi ito kasing mahal ng floating restaurant pero sana magustuhan mo. "
Hindi ito umimik at inilibot ang paningin.
"Gian sandali. "
Nag-aalalang tiningnan niya ang kasintahan.
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Hindi sa gano'n, kaya lang bakit lahat yata dito mag ka partner? Wala akong nakikitang mag-isa o 'di kaya ay tatlo, at ang table ay para lang sa dalawa."
"Ito ang tinatawag na couple restaurant, lahat ng nandito puro magkapares, bawal ang single, mahiya ka naman kung nag-iisa ka lang."
"Gano'n? Pero hindi ba nakakahiya yata?"
"Bakit ka mahihiya eh may partner ka? "
"Good evening ma'am, sir. This way please. "
Ginabayan sila ng waiter at sumunod sila rito.
Napansin niyang hindi naman mga kasing edad lang nila ang nandito dahil maging matatanda na ay nandito rin at masayang kumakain.
Mayroong nagsusubuan, nagtatawanan at 'yong iba kumakain.
Dinaanan nila ang isang magkapares na matandang lalaki at babae na mukhang may seryosong pinag-uusapan.
Sa katabi nitong mesa sila pumuwesto at ipinaghila niya ng upuan si Ellah.
"Thank you. "
Binigyan sila ng menu ng waiter bago ito umalis.
Habang nagbabasa ay nagtanong ang dalaga.
"Pinagplanuhan mo ba 'to?"
"Oo naman! Actually balak talaga kitang sunduin sa opisina niyo kanina kaya lang inunahan mo ako. "
"Hindi ka naman makakalusot sa mga 'yon. "
Ang mga body guards nito ang tinutukoy.
"Madali lang 'yon, kikidnapin kita at ng mabaliw sila sa paghahanap, baka nga aatakehin pa si don Jaime eh. "
"Ah, speaking of my lolo, nakakalakad na siya! "
"Wow! Ang galing congratulations! Natutuwa ako para sa kanya. "
Kahit hindi sila in good terms ng don ay totoong natutuwa siya dahil magaling na ito.
"Salamat, tuwang -tuwa talaga ako nang malaman ko 'yon."
Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mga mata ng dalaga kaya napangiti siya.
"Magandang balita 'yan, dapat i celebrate natin 'yan!"
"Tama ka, i celebrate natin. "
Matapos makapili, ay nag-order na sila.
Anim na pares bawat isang putahe iba pa ang desert para dito.
"Hindi kaya napakarami no' n?"
"Tama lang 'yon malakas ka namang kumain," kantyaw niya rito.
"Ano?" kinurot siya nito ng pino sa braso.
"Aray ha. "
Natawa ang dalaga at napangiti si Gian.
"Hoy! Para sabihin ko sa'yo, lamang lang sa akin ng tatlong paligo ang lalaking 'yan!"
Natahimik si Ellah nang marinig ang malakas na boses ng matandang lalaki malapit sa kanilang tabi.
"Ay sus! Noon 'yon forty years ago, ako itong kasing ganda ng babaeng 'yan, noong hindi mo pa ako pinakasalan!"
Napalingon siya sa dalawang matanda na medyo mataas na ang boses ng mga ito.
Nakaharap ang mga ito sa isa't-isa.
"Aba, kasing ganda? Ang pangit mo kaya, pinikot mo nga lang ako noon eh. "
"Hoy! Anong pinikot? Mahiya ka nga eh ikaw itong habol ng habol sa kagandahan ko. "
"Kagandahan? Noon 'yon thirty years ago!"
"Makakita ka lang ng maganda akala mo biyente anyos ka pa!"
"At ikaw? Makakita lang ng gwapo nagmumurang kamatis ka na!"
"Tumahimik ka Ramon!"
"Kumain ka na lang Celia!"
Natahimik ang dalawang matanda.
Tiningnan niya si Gian, nakatakip ang menu sa mukha nito na tila walang pakialam kaya tinanggal niya kunwa'y nabigla pa ito.
"Hoy! Nakikinig ka ano?"
"Sa alin?"
"Kunwari ka pa, palagay mo tayo kaya ang tinutukoy ng mga 'yon?"
"Malamang."
Nilingon niya ulit ang dalawang matanda, masama ang tingin ng mga ito sa isa' t - isa.
Nakasimangot si manong Ramon at si manang Celia ay nakanguso.
"Cute." Nakangiti niyang wika.
"Ellah, ano 'yang binabalak mo?" nasa tinig ng binata ang pagbabanta.
"Sandali lang 'to. "
Tuluyan na siyang lumapit sa dalawa.
"Hello po, " nakangiting bati ng dalaga.
Sabay na napatingin sa kanila ang dalawa.
"Ang cute niyo hong tingnan. "
"Gano' n?"
"Ah, hija anong pangalan mo?" singit ni mang Ramon.
"Ellah ho. "
"Ako si Ramon, itong asawa ko si Celia, 'yong asawa mo anong pangalan?"
"Ho? Ah, Gian ho, pero hindi ko asawa," ngumiti siya.
"Nobyo mo ba hija?" tanong ng babaeng matanda.
Nahihiyang tumango ang dalaga.
"Alam mo hija, noong kasing edad ako ng nobyo mo, lamang lang sa akin ng dalawang paligo 'yan," gagad ni mang Ramon.
"Hindi ho ba tatlo?" pagtatama niya.
Natawa ang matandang babae.
"Narinig mo pala hija? "
"Opo, pasensiya na po," nahihiya niyang saad.
"Naku wala 'yon, alam mo noong kasing edad mo ako, maraming naghahabol sa akin, pero ngayon sa itsura ng nobyo mo natitiyak kong maraming umaaligid diyan."
Naalala niya ang babaeng malaking dibdib sa opisina nito.
"Tama ho kayo madam. "
"Naku hija, ang dapat sa ganyan, binabantayan, maraming langaw sa masarap mong kinakain. "
Natawa ang dalaga.
Tumikhim si mang Ramon.
"Alam mo hija, sabi nga nila to get a man's heart is through his stomach kaya pakainin mo ng masarap!"
"Ramon?" saway ni Aling Celia.
"Masarap na pagkain, ' yong espesyal."
"Ramon!"
"Iyong hindi niya makakalimutan 'yong ang pagkain na 'yon ay para lang talaga sa kanya."
"Iyang bibig mo Ramon!"
"T-talaga ho?" amuse niyang tanong.
"Oo, 'yong kakaibang putahe na kapag natikman ng nobyo mo tiyak ikaw agad ang maaalala niya."
"Ramon 'yang bibig mo!" Masama na ang tingin ng matandang babae sa asawa.
"Bakit ba Celia? Eh ikaw nga pinakain mo ako ng kare -kareng binagoongan, o hanggang ngayon naalala ko pa't hindi ko nakakalimutan. "
Lumapit ang binata sa kanila at tumabi sa kanya.
"Magandang gabi ho lola. "
"Lola?" dismayado at gulat na tugon ng ginang.
"Ah, nanay? Kumusta ho kayo?"
"Hijo, para sabihin ko sa 'yo lamang lang ako ng tatlumpung taon sayo. "
"Gano' n ho ba?"
"Hijo, tanggalin mo nga 'yang sumbrero mo, " wika ng matandang lalaki.
"Ho?"
"Nahahamon ako ng itsura mo eh, tanggalin mo, " utos nito.
"Sige ho, " sinunod ng binata ang utos nito.
Napatanga ang dalawang matanda na animo namatanda!
"S-sobra pala ang kagwapuhan mo, limang paligo pala ang lamang mo sa akin."
Natawa sila.
"Hijo, hindi kaya nagkita na tayo noon pero hindi lang tayo nagkakakilala?" si Aling Celia na kumikislap ang mga mata.
"Ha?"
"Umandar ka na naman Celia!" sita ng asawa.
Tumahimik ang babae.
Binalingan ng matandang lalaki ang dalaga.
"Hija, napakaganda mo naman at napakakinis, artista ka ba?"
Natawa si Ellah "Hindi ho. "
"Modelo?"
"Hindi ho. "
"Kung gano'n, bakit parang nakita na kita noon?" Tila nangangarap na tanong ng matandang lalaki.
"Ramon! Nag-uumpisa ka rin!"
Sabay na nagtawanan ang apat.
"Sir, madam here's your order, " wika ng waiter na nasa mesa nila.
"Ah, paano ho, balik na ho kami," paalam niya sa mga ito.
Tumayo sila, hinawakan ng nobyo ang kamay niya.
" Hijo, alam naman nating marami talagang masarap na ulam diyan sa tabi-tabi pero tiis-tiis lang, mas masarap pa rin ang nakasanayan."
Natawa ang binata.
" Salamat ho sir Ramon. "
" Kahit ganito kami ng asawa ko, mahal namin ang isat-isa kaya umabot kami sa ganitong edad na magkasama, hija, ingatan mo ang nobyo mo, huwag kang paaapi sa mga mas malalandi pa sa'yo. "
Napangiti siya "Salamat ho madam Celia. "
"Hijo, hija, sa pagkakaroon ng relasyon, lagi ninyong tandaan, dapat may tiwala kayo sa inyong pagmamahal. Igalang ang desisyon ng bawat isa at magbigayan, huwag kayong maglihim sa isat-isa gaano man kaliit ang problema. Dahil 'yan ang magpatatag sa inyong pagsasama."
Naalala niya ang mga pinagdaanan nila ng kasintahan kaya maluha-luhang napatango siya.
"Salamat ho sir Ramon, madam Celia."
"Walang anuman, sige na bumalik na kayo sa inyong mesa at lumalamig ang pagkain."
"Sige ho salamat," sagot ni Gian.
"Hindi na kami magtatagal ha, mauuna na kami sa inyo," ani Aling Celia.
"Maraming salamat ho," sabay pa nilang wika ni Gian.
Ngayon magkaharap na silang dalawa sa pagkain. Pero parang busog na sila sa payo ng dalawang matanda.
"Noong una nasusuka ako sa dalawang 'yon pero sa mga sinabi nila, nawala ang pagsama ng sikmura ko," wika ng binata.
"Ang yabang mo talaga!"
"Narinig mo ang sinabi ni sir Ramon ha, sobra ang kagwapuhan ko, lalaki pa 'yon. "
"Naku! Ang yabang mo!"
Natawa si Gian.
"Kumain na nga tayo. "
"Sige. "
Maya-maya tumingin ang dalaga sa nobyo habang kumakain.
"Sa palagay mo Gian, aabot kaya tayo sa ganoong edad na magkasama pa rin?"
"Sa palagay ko ikaw na lang. "
"Ha?"
"Alam mo ang trabaho ko, alam mo kung gaano ka delikado. "
"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Matagal ka pang mamatay masamang damo ka eh!"
Natawa si Gian.
"Infairness masarap ang food pati ang venue, dagat pala ito sa likod?"
"Oo, kaya masarap dito."
"May," alanganing hinarap ni Ellah ang boyfriend.
"May dinala ka na ba dito bukod sa akin?"
"Oo naman, " sagot nito habang kumakain.
Kumulo bigla ang dugo niya.
"Parang proud ka pa yata? Alin 'yong malaki ang dibdib?"
Napatingin ito sa kanya.
"Hindi ah! Si Vince ang dinala ko dito."
"Ha? Pero lalaki 'yon. "
"Partner naman kami, partners in crime!"
"Nakakabaliw kang kausap."
Tinitigan siya ng malagkit ng binata.
"Ikaw rin, nakakabaliw," sabay kindat.
"Hmp!"
Nakakainis talaga ang manyak na ito!
Nagsimula siyang kumain, marami na ang sinusubo niya mabilis pa.
"Dahan-dahan naman, baka tumaba ka."
"Wala akong pakialam!"
"Sa bagay, maganda nga 'yong mataba may laman."
"Nakakainis ka!" reklamo niya.
Panay ang tawa ng binata.
Mabilis siyang uminom ng tubig.
"Tapos ka na?" tanong nito habang umiinom ng wine.
"Tapos na."
Sinalinan siya nito ng wine sa kopita.
"Here."
"Thanks" tinanggap ni Ellah at ininom.
Napakagaan ng kanyang pakiramdam mula ng marinig ang payo ng dalawang matanda. Para bang mas nagkaroon siya ng lakas ng loob para ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Dinala ni Gian ang dalaga sa likuran kung saan tanaw ang dagat at nalalanghap nila ang simoy ng hangin.
"Ito ang first date natin, masaya ka ba?"
"Oo naman, maraming salamat. "
Niyakap niya ang dalaga mula sa likuran, hinawakan naman nito ang kanyang mga braso na nakayapos sa beywang nito.
"Kailan kaya natin sasabihin sa lolo mo ang totoo?"
"Natatakot pa ako sa ngayon. Pero hahayaan ko muna siyang gumaling ng husto para maipagtapat ko na. "
"Ang gusto ko sana, dalawa tayong magtatapat. "
"Ako na lang muna, tinatantiya ko pa si lolo. "
"Salamat, dahil sa kabila ng pagkatao ko, tinanggap mo ako ng buo.
Alam kong takot na takot si don Jaime para sa'yo dahil nakadikit ka sa isang tulad ko. Pero huwag kang mag-alala dahil nakahanda akong itaya ang buhay ko para sa'yo. "
Napapikit si Ellah sa napakasarap na pakiramdam dahil sa sinabi ng kasintahan.
"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sa akin, gayong sa umpisa pa lang tinarayan na kita at hindi na 'yon nagbago, kaya nagtataka ako kung bakit mo ako nagustuhan. "
"Hindi ko rin alam, bigla ko na lang naramdaman, ikaw bakit mo ako nagustuhan?"
"Hindi kaya! Pinilit mo lang ako. "
"Ang yabang nito, " hinalikan niya ang dalaga sa pisngi.
Napangiti si Ellah na nilingon siya bago muling humarap sa dagat.
"Ewan ko ba, hindi ko rin alam. "
Sabay pa silang bumuntong hininga.
"Pero hindi ba napakagaling ng sinabi ng dalawang matanda na 'yon?"
"Sabagay. Pero hindi na yata ako maghahanap ng kapalit mo."
Tumikwas ang kilay ng nobya na nilingon siya.
"Bakit parang hindi ka sigurado?"
"Mukha bang hindi?" kunwari ay nagtataka niyang tanong.
"Gian ha? Kasasabi lang noong dalawa na dapat maging tapat sa isat-isa eh hmp!"
Nakanguso itong kumalas.
Hinila niya ito pulso at kinabig payakap.
"Ikaw lang ang mamahalin ko pangako 'yan." Nakapikit niyang hinalikan sa buhok ang nobya.
"Ako lang talaga wala ng mas gaganda pa sa akin."
Nagkatawanan ang magkasintahan!