CHAPTER THIRTEEN
LEONA's POV
Gabi na ng makaakyat kami sa baguio, malapit na kami sa sentro o pinakamain na bayan ng baguio ng tumigil ang sinasakyan naming van at s'yang nagpagising sa'kin.
"Hmm, Anong nangyari? Ba't tayo tumigil?" tanong ko at maya-maya ay sunod sunod naring nagising yung mga kasama namin.
"Tignan mo" Sabi ni aries at tinuro n'ya ang harap namin.
Ang daming tao at sasakyan na nakaharang at tila ba ay nakapila sila.
"Aries, Maiwan kayo dito. Clyde tara samahan moko" Sabi ko at iniwan rin yung mga baril ko at nagsuksok lang ng kutsilyo sa buhok ko na binun ko ang tali.
Nang bumaba kami ay saka lang namin narinig ang sobrang ingay. Nagsisigawan sila, At yung mga kotse ay tuloy rin sa pagbubusina.
"Makinig ho kayong lahat, Para sa proteks'yon ng mga mamamayan sa loob nitong lugar ng baguio ay kinakailangan ho namin kayong itest o i-quarantine" Rinig na rinig pati ang paghinga at paglunok ng nagsasalita dahil sa nakakalat na naglalakihan speaker.
Dahil sa sinabi n'ya ay mas lalong nagingay ang mga tao.
"Paulit ulit n'yo na 'yang sinasabi! Kanina pa kaming umaga dito at wala namang kumukuha sa'min para itest! Gutom na gutom na ang mga anak ko! Papasukin n'yo na kami!"
"Tama! Atsaka may nakita ako kanina na babae na binayaran yung isang sundalo tapos pinapasok na! Paano naman kaming mahihirap na gustong mabuhay?"
"Isa pa, May kakilala ako na matagal ng nakatira dy'an sa loob tapos kanina, Sabay lang kaming dumating dito galing sa baba ay nakapasok na s'ya agad! Paano naman kaming nga first timer na pumunta lang dito para makaligtas sa mga halimaw sa baba?"
Sigawan ng mga tao.
Masama 'to.
Pag nagpatuloy ang ganito kaingay, Posibleng Makaattract kami ng mga zombies na papalapit sa lugar na 'to.
"PAPASUKIN N'YO NA KAMI! Sige na!"
"Itulak ang harang!"
"Tama! Itulak ang harang!"
Nagkaroon ng takbuhan at tulukan ng may sumigaw na itulak ang harang o yung malaking gate na sa palagay ko ay bagong tayo lang, kase dati na akong pumunta dito. wala namang ganito.
Agad kong hinablot kay clyde ang isang Kalibre at ipinutok 'to sa ere, na naging dahilan para matahimik silang lahat.
Sa dami ng mga taong 'to, Hindi imposibleng hindi nila mapatumba ang harang. Pero kapag napatumba nila 'yan at nakapasok nga sila, Edi wala ng harang na magpoprotekta sa lahat?
"Sundin n'yo ang sinasabi nila. Bawas-bawasan n'yo rin ang pagiingay kung ayaw n'yong makarating dito ng mas maaga yung sinasabi n'yong mga halimaw. Wag n'yo ring tangkain na sirain o buwagin 'yang harang. Dahil pag yan nasira tapos yes nakapasok nga kayo, Ano nalang ang harang na magpoprotekta sainyo? Gamitin n'yo mga utak n'yo kung gusto n'yo talaga mabuhay! Mga gunggong!" Sigaw ko.
"May baril s'ya!"
"May kasama s'yang sundalo!"
"Kuhanin ang mga baril nila!"
Agad na itinutok namin sa mga tao yung hawak naming baril ni clyde.
"Hoy babae, Sino ka para pangaralan kami? Kani-kanyang stratehiya 'to para makaligtas! Ikaw ang gunggong!" tinutukan ni clyde ng baril yung nagsalita.
"Wait people, You know. This girl had a big point. Kung sisirain natin 'yang gate na 'yan at sabihin na natin na yes, Nakapasok nga tayo. pero sa ingay natin ngayon ay Hindi imposibleng marinig tayo ng mga halimaw na 'yon sa baba na parami ng parami" sabi nung isang magandang babae.
"Tama s'ya"
"Oo nga"
"Tama"
I made a face. Seriously? Parang inulit lang naman n'ya ang sinabi ko kanina ah? Porket maganda nagsipag agreehan ang lahat ganon? Tss mga tao ngayon lahat nagiging tanga pag kausap ay maganda.
"Sige na, Sisimulan na ang pagkaquarantine, Pumila kayo. Ten lines" sabi sa speaker na sinunod naman ng lahat.
Sa dami ng tao ngayon dito ay umabot na ata sa baba ang pila susko. Naging maayos ang pagpila at unti-unti din silang nakakapasok.
Dahil sa dami ng nakapila at sa tagal ng pagchecheck sa mga tao, ay mabilis na lumipas ang oras at maguumaga na agad.
Madami parin ang tao at ang ilan ay naiinip na, Nakapila narin kami at katabi nga namin sa pila ang van namin na umuusad din kada umuusad din ang pila.
"Sa tingin mo? aabutin na ata tayo dito ng mga halimaw na 'yon hindi parin tayo nakakapasok" reklamo ni clyde na umupo na sa loob ng van.
Nakabukas kase ang pintuan ng van at nagkekwentuhan silang lahat.
Hiniram ko kay clyde yung bagay na ginagamit nila sa mga pangiispiya, Yung bagay na ginagamit para makita yung nasa malayo? Tapos may night vision din. Nakalimutan ko kase kung anong tawag d'on basta nagagamit 'yon para makita ang mga bagay na nasa malayo.
Dinikit ko yon sa mata ko at inadjust, Malapit na pala kaming makapasok. Iminove ko naman ang mga mata ko at tinignan kung gaano pa kahaba ang pila.
Napangiti ako ng makitang kahit hirap na hirap at inip na sila kakahintay at kakapila, idagdag mo pa na may mga halimaw silang kinatatakutan sa ibaba ay makikitaan mo parin sila ng ngiti sa kanilang labi.
Pilipino's are really all a hopefuls, Imagine. They can still smile despite of al the things that are happening now. Naniniwala parin sila na may pagasa at lahat ay babalik rin sa normal, na magiging okay rin ang lahat.
"Miss" Naitiklop ko ang bagay na hiniram ko kay clyde ng malamang ako na pala ang sunod sa pila.
Sabay-sabay kaming chineck ng mga sundalo, Kinakabahan pa nga ako habang nakatingin kay aries na chinecheck din e.
Pinapasok na kami at si aries nalang ang naiwang chinicheck ng sundalo. Kung kitang kita sa mukha ko ang pagkakaba ay kita naman sa mukha ni aries na kalmado lang s'ya.
May halong Tuwa at pagkalito ang naging ekspresyon ko ng malamang nakapasa si aries sa checking na 'yon. Tuwa dahil syempre, makakasama parin namin sya at hindi s'ya mahihiwalay at pagkalito dahil sa pagkakaalam ko ay galing mismo kay aries ang ViruZ na kumakalat ngayon.
Isinuot ko ulit ang bagay na hiniram ko kay clyde dahil sana ay bago kami pumasok ay gusto kong makita muli ang ngiti sa mga labi ng mga taong naghihintay, pero nasobrahan sa layo ang adjust nito at dahil d'on ay nakita kong may mga naglalakad na zombie papalapit sa mga taong nakapila.
"Tara na leona" yaya nila.
"May bahay nga pala ako dito sa baguio, Kung gusto n'yo ay doon na lamang muna kayo tumuloy" rinig kong sabi ni Mrs. Hanna. Yung may sakit na HIV/AIDS?
"Ah sige pero kase, nakita k-" Hindi pa ako tapos magsalita ng buksan ng malaki ang gate at nagsipasukan na ang lahat ng naghihintay sa labas kasabay ng malakas na pagtunog ng sirena.
"Pumasok na ho kayong lahat, may paparating na mga Carriers ng ViruZ" agad kong kinuha ang vest ko na lagayan ng mga baril at katana.
"Leona ano ba, Tara na. ano pang arte 'yan? gusto mo bang maabutan ng mga halimaw na 'yon?" bulyaw sakin ni melanie.
"Clyde, Aries and three musketeers. Tutulong tayo." sabi ko at tumango naman sila.
Konti nalang ang natirang tumatakbo papasok, punyeta papapasukin lang rin naman pala ang lahat, pinatagal pa. Mga gunggong talaga.
Isasarado na sana ang gate ng may nakita akong isang batang lalaki na na nagsasarado ng zipper. Mukhang umihi sya.
Nagsimulang umiyak yung bata ng malamang sya nalang ang natira.
tatakbo sana ako para sagipin 'yong bata ng biglang tumakbo si melanie.
Oh well, Mas mabilis tumakbo si melanie kesa sakin.
Kinarga nya ang bata at tumatakbo na sya pabalik.
Pinosisyon nila ang clyde ang sarili nila ng makitang may tumatakbo rin sa likuran ni melanie.
Ng makaabot si melanie ay agad na sinarado ang malaking gate at isang malakas na hampas ang binibigay ng mga zombie na hindi nakaabot.
kasalaukuyan naman ng pinagbabaril ngayon ng ilang sundalo sa itaas ng gate yung mga zombie na naghahampas sa gate.
"Ayos kalang?"
"Opo, salamat po pala"
Napangiti ako ng makitang niyakap ni melanie yung bata.
Mabait naman talaga si melanie kaya nga sya nagustuhan ni aries e, tsaka Dati ko rin yang bestfriend eh. Madalas nga ay pinagkakamalan kaming kambal dahil sa parehas ang ugali naming dalawa at nagiging magkamukha na raw kami. Ang nangyari, Kaya lang sya naging maldita sakin eh dahil kay aries.
Nakita kong inirapan nya ako ng makita nyang nakangiti ako sakanya.
I sighed.
Siguro, I will stop na on hoping na maibabalik pa ang dati naming pagkakaibigan.