CHAPTER ONE
LEONA's POV
Nasa kalagitnaan ako ng pagpaplantsa sa uniform ko ng magring ang phone ko.
I immediately grab my phone and answer it without looking on the caller ID.
"Aries, kung manghihingi kalang nanaman ng cake, eto lang masasabi ko sayo. UBOS NA ANG CAKE SA SHOP KO DAHIL SAYO! LANGYA KA ANG TAKAW TAKAW MO NALULUGI AKO SAYONG PESTE KA!" pagkasabi ko nun ay natahimik ako bigla. Bat antahimik ata ni aries?
Dahil sa katahimikang naririnig ko sa kabilang linya, ay tinignan ko ang caller ID. Si aries ang nakalagay sa caller ID pero bakit hindi umiimik tong kupal na to?
"Hello?" Mahinahon kong sambit.
"Ahm hello miss, This is Nurse Gwyneth, Nandito sa hospital ang may-ari ng phone na 'to dahil sa aksidente at wala pa syang malay" Nanlaki ang dalawang singkit kong mata sa sinabi ng nurse.
"ANO!? nasaang hospital kayo?"
"Dito po sa Miraculous Hospital"
"Teka muna, bakit nga pala ako yung tinawagan mo?"
"ikaw kase yung nakalagay sa recent phone calls miss, so ayon. Sana pakipuntahan dito yung gwapo mong boyfriend salamat"
biglang nagend ang phone call, WTF? Gwapo kong boyfriend? nauulol na ata yung nurse na yon e.
pero ano kayang nangyari kay aries? Tanghaling tapat naaksidente? susme.
Bumalik sa reyalidad ang utak ko at naalalang nagpaplantsa nga pala ako ng uniform, at kung sinuswerte ka nga naman! SUNOG!
Agad kong hinugot ang saksak ng plantsa at tinapon sa basurahan ang blouse ko na nasunog saka bumuntong hininga.
Andami-dami ko ng pinoproblema dumagdag pa yung kupal na yon nasan na ba nanay non? hays.
Nagmamadaling nagbihis ako at nagayos saka ako lumabas ng bahay at pumara ng tricycle papuntang miraculous hospital.
Dahil sa wala akong load- well, never naman akong nagpaload, chinat ko sa FB ang nanay ni aries na si tita vilma.
'Hello po, sorry po sa istorbo tita pero yung anak nyo po kasing si aries eh nasa miraculous hospital dahil naaksidente raw po, si leona po ito yung pinakamagandang kaibigan ni aries'
napabuntong hininga ako matapos kong pindutin ang send button.
oo nga, ako si Leona Ocampo. Ang KAIBIGAN hindi KA-IBIGAN ni aries.
dapat di ko na to kargo e hays.
MELANIE's POV
"Ma? Pa?" tawag ko habang paika-ikang naglalakad palapit sa pintuan nitong kwarto dito sa hospital na pinagdalahan nila sakin.
kanina pa kase ako nakakarinig ng sigawan at takbuhan sa labas.
gusto ko ring makichismis ano! malay nyo may artista pala kaya sila nagkakaganon.
Hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ng bumukas yon at lumagapak sa lupa ang nanay ko habang kinakagat sya leeg ng isang babae.
"OMYGOD! ate layuan mo nga nanay ko! Aso kaba? yuck" nagsimula akong kabahan ng makita kong hindi lang laway ang umaagos sa bibig nung babaeng kumakagat kay nanay, kundi may kasama naring dugo.
"K-kuya! KUYA PUNYETA GUMISING KA!" Napapamura ako ng wala sa oras dahil sa kaba tapos idagdag mo pa tong kuya ko na ang sarap sarap ng tulog sa kanilang kama.
Maya-maya pa ay tumigil sa pagkagat kay nanay yung babae at halos mapatayo ako ng tuwid sa gulat ng tumingin sya sakin-ay ewan ko kung nakatingin ba talaga sya sakin kase WALA SYANG MATA!
"KUYAAAAAAA!!!!" Napatili ako bigla ng tumalon na parang tipaklong yung babaeng nangangagat kay nanay kanina papunta sakin tapos si nanay nangingisay!
"HOY! SIGE SUBUKAN MOKONG KAGATIN TIGNAN KO LANG KUNG MAY MAKAGAT KANG LAMAN! TIGNAN MO KASE PURO BUTO AKO HUHU HINDI AKO MASARAP!! KUYAAAAAA ANO BAAAAA" tulo ng tulo yung laway nung babae na animo ay takam na takam sakin, syet ganon ba ako kasarap?
"HOY! ANONG GINAGAWA MO SA KAPATID KO?" biglang tumalsik palabas yung babae at nakahinga ako ng maluwag ng gising na si kuya.
"KUYA SI MAMA!" Nag-ala Gymnast sa lambot ng katawan si mama, nabali bali pa yung katawan nya! OMG I CAN HEARD IT! geez creepy!
"M-ma" yun na lang ang nasambit ni kuya ng dukutin ni mama ang sarili nyang mata at kinain yon.
"yuck, eto na ba ang nagiging epekto ng hindi pagkain sa tamang oras? kadiri ha." bulong ko.
Isinarado bigla ni kuya ang pinto at nilock yon ng matapos si mama sa pagnguya ng mata liek ew.
Iiyak na sana ako at magmomoment ng may kumalampag bigla sa pintuan.
"Kuya! Huhu ano ba yung mga yon?"
"Hindi ako sigurado, kase bata pa ako ng huli kong makita ang mga kagaya nila. pero sa pagkakaalam ko naubos na sila eh. tsaka bakit parang mas rapid sila ngayon?" ISANG MALAKING HUH? Seryoso, wala akong naintindihan ni isa sa mga sinabi ni kuya.
LEONA's POV
Dumating ako sa hospital at naabutan ko na may mga pulis at task force na sasakyan na nakaparada sa labas ng hospital.
papasok sana ako sa hospital ng harangin ako ng isa sa kanila.
"May nangyayaring hindi kagandahan sa loob ng hospital, mas nakabubuti kung umuwi kana lang sa bahay nyo at maglock ng pinto"
"Ha? Teka lang po nandyan po kase sa loob ang kaibigan ko e"
"Hindi pwede miss, Kaibigan mo man o tatay o kung sino man ang nasa loob, ay inatasan kami ng gobyerno na wag magpapasok at magpapalabas dito sa hospital na to" inirapan ko siya.
"eh kuya, ano ba kaseng nangyayari dyan sa loob?" tanong ko.
"its too confidential miss, Lalo na at isa ka lamang na hamak na sibilyan" napataas ang kaliwang kilay ko sa sinabi nya.
"Tatay ko si General Paulo Ocampo, ako si Leona Ocampo at apo rin ako ni General Bato Delarosa"
"Wala akong pake kung anak ka pa ng kung sinong mataas na tao, Isa ka paring sibilyan!" inirapan ko sya sa sinabi nya.
GrrRrr nakakagigil to ha.
naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya naman ay kinapa ko yon sa bulsa ko at ganon na lang ang tuwa ko ng makitang si aries ang tumatawag.
"ARIES!" Sigaw ko.
"I saw you, Wag na wag kang papasok dito sa loob, umuwi kana sainyo" napakunot ang noo ko.
"Luh, naalog ba utak mo nung naaksidente ka? nandito ako para sayo noh! wag ka ngang choosy!"
"Tss, bakit ba ang tigas ng ulo mo ha? May nangyayaring hindi maganda dito sa loob. Kilala kita, duwag ka pa naman. hindi mo kakayanin dito"
"ah ganon? Hinahamon mo ba ako?"
"Oh holy cow, Hindi kita hinahamon okay? I just want you to be safe! Makinig ka naman please!" napakurap kurap ako sa sinabi ni aries.
He want me to, ano daw?