webnovel

CHAPTER EIGHT

CHAPTER EIGHT

VIMI's POV

"Magkano kilo dito sa tilapia?" Tanong ko habang kinukunpirma ang freshness ng tilapia na tinitinda nila. Mahirap na, Baka mamaya inuuod na pala 'to tapos nasabawan ko pa, edi tawag na d'on sinabawang tilapia na may uod, yuck.

"Ah suki, 120 ang kilo suki. bili na"

"Ah sige, Isang kilo nga" sabi ko habang kinakapa ang wallet sa bag ko. Balak kong lutuan si aries ng paborito nyang sarshadong tilapia.

Oo at wala si aries sa bahay at hindi ko alam kung nasa'n s'ya. Magiisang linggo na s'yang wala. At sa pagbabakasakali na ngayon umuwi si aries sa balak ko itong lutuan ng paborito n'yang ulam.

"AAAAHHHH!! TULONG!!" Tumaas ang kilay ko ng otomatiko akong napatingin sa sumisigaw ng tulong.

Isang babae, Kinakagat s'ya sa balikat ng isang lalaki na duguan at may hawak na itak. Nagsipagtaasan ang mga buhok ko sa katawan ng Biglang nagflashback lahat ng naranasan at napagdaanan ko makalipas ang dalawang dekada.

Tila ba'y naestatwa ako habang pinapanood kung paano kagatin nung lalaki yung babae na tumitirik na ang mga mata. Ang iba ay nagsipagtakbuhan na ng malamang may iba pa palang nangangagat bukod sa lalaking 'yon.

Nanlaki ang mga mata ko at tila tuod na hindi na talaga gumagalaw ng makitang may papalapit sa akin at nakadiretso pa ang tingin. Pero di tulad ng iba ay mukhang nasabugan ng kung ano ang papalapit sakin na lalaking 'to. Dahil putol ang isa n'yang kamay at may mga malakaking butas ang suot n'yang damit.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses ng lagpasan n'ya ako at kagatin ang tao na nasa likuran ko.

Hindi naman sa sinasabi kong nasaktan ako nangyaring 'yon, pero ang mga nilalang na 'to ay piniling iwasan rin ako?  Anong bang mali sakin? Yung totoo?

Kinuha ko ang dalawang itak na ginagamit sa paghati ng mga isda at agad na tumakbo. Kung tama ang hinala ko, Bumabalik nanaman ang ViruZ na kumalat dati. At kung kanino galing ang ViruZ? malamang galing kay aries.

Pero bakit naman ni aries ipagkakalat ang ViruZ na meron sya? Araw araw kong pinagsasabihan si aries kung anong klaseng virus ang dala dala n'ya na hindi n'ya dapat maishare o maipasa sa iba. Parang jowa lang, Hindi mo dapat ishare kase malaki ang kasiguraduhan na magreresulta ito sa patayan.

Alam ni aries ang lahat ng bagay tungkol sa kan'ya, Magmula sa kung sino ang tunay ba nanay at tatay n'ya at sa kung anong klaseng tao s'ya.

Magmula ng iwanan sakin si aries ng ama n'yang si john at ng kan'yang inang si Iris ay nangako ako na hinding-hindi ulit kakalat ang ViruZ na 'yon. Pero anong nangyayari? Bakit kumakalat ulit?

Habang tumatakbo ay may isang kakaibang carrier na sumalubong sa akin. Para sakin ay kakaiba na s'ya kase ang buong mukha n'ya ay bumubuka at kapag bumukha ang mukha n'ya ay makikita mo ang naglalakihang ngipin at pangil at pakiramdam ko, Kaya nitong lumunok ng isang buong tao.

Naghanap ako ng pwede pang daanan maliban dito sa daanan na 'to na makakasalubong ko 'yong halimaw, pero kung sinuswerte ka nga naman. WALA AKONG MAHANAP na ibang daanan.

Hawak ang itak ay idinikit ko ito sa aking leeg. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang kesa maging kagaya nila at manghawa rin.

Madiin na idinaan ko ang talas ng itak sa leeg ko. Masakit pero Hinayaan kong sumirit ang dugo at hindi ko man lang ito tinakpan hanggang sa mapaluhod ako't tumumba.

Tapos naman na siguro ang misyon ko dito sa mundo, Maayos kong napalaki ang ni Iris na si Aries. I can die freely now.

Nakapikit ang aking mata subalit ako'y nakakaramdam parin.  naramdaman kong may mga kamay at ngipin na pumunit sa aking balat.

tumulo ang luha ko sa sakit, Pakitigil na please. Ayoko na.

LEONA's POV

Sa bahay namin dinala at pinatuloy ang lahat ng nailigtas namin pati na mga sundalo.

Ngunit bago kami dumating dito sa bahay ay nadatnan namin itong magulo. May mga tama ng bala sa ibang parte ng bahay at may naabutan rin akong sulat sa aming sala na may bahid pa ng dugo.

'General Paulo's Daughter,

We heard the news that your father's laboratory has successfully explode and the new version of carriers of the ViruZ came out from your father's laboratory and they're now currently spreading throughout the Philippines. You know that I felt bad for what is happening. And oh, Did you know that your father is with us? And here is a secret, he's actually fun to be with.

Leona Darling, If you want a solution for all of this sh*ts, Kindly surrender yourself with the guy they're pointing that is carrying the ViruZ since he is just a child. I want the both of you as soon as possible.

Sincerely yours,

H

May nilagay s'yang address sa likod ng papel kung saan n'ya kami pinapunta.

I sighed.

Kasama ko na si aries, Ngayon naman si dad ang wala. Plus, Kahit na medyo malapit lang ang baguio dito. Mahihirapan parin kami sa pagpunta doon dahil sa mga nagkalat na zombies.

"Leona! Si aries!" rinig kong tawag ni melanie.

Agad akong lumapit sa kanila at tinignan ang kalagayan ni aries. Nanginginig s'ya at mataas rin ang lagnat n'ya at namumutla rin s'ya.

Tumakbo ako papuntang kusina saka kumuha ng ilang gamot at pinainom 'yon kay aries. Dahil sa ako ang naglalagay ng gamot sa bibig ni aries at idagdag mo pa na nanginginig s'ya at tulog, hindi n'ya kontrolado ang sarili n'ya at nakagat ako.

Dahil sa wala namang nakapansin dahil abala sila ay pinagpatuloy ko nalang ang pagpapainom kay aries kahit na tumutulo na ang dugo ko sa loob ng bibig n'ya.

Nang matapos ako sa pagpapainom kay aries ay pinalagay ko si aries sa isang kwarto dito sa bahay saka ako dumiretso sa kwarto ko at nilinis ang sugat ko sa kamay, gawa ng aksidente nga akong nakagat ni aries.

' Hindi ba't may dala dalang Virus si aries?'  isang tanong na biglang sumagi sa isip ko.

I gulped.

Hindi naman siguro ako mahahawaan. Daplis lang naman.

Sana.