webnovel

Supremo

Shaun

*****

Paglabas nya sa banyo ay nagulat sya sa kanyang nasaksihan.

"Meron ka palang ganito? Diba kinukuha 'to ng guard? Paano mo napalusot 'to?" Tanong ko sa kanya habang winawagayway ang mga porn magazines na galing sa loob ng box na nakita ko sa ilalim ng kama nya.

"Simple lang.." Sabi nya saka punas sa buhok nyang pumapatak pa ang tubig.

"Nilagyan ko ng cover ng storybook na pambata." Sabi nya saka may kinuha pa sa ilalim ng kanyang kama na limang piraso ng porn magazines saka inilahad nya sakin.

"Medyo luma na yan kasi first year ko pa yan nabili." dugtong nya.

"Paano ka nakabili?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalala ko eh pinagbabawal sa mga estudyante ang pagbebenta nito.

"Kakilala ko yung bumebenta." Nakangiti nyang sagot.

"Nice." Nakangiti kong sabi saka ko isa-isang binuklat ang bawat pahina nito.

"Hindi ka pa ba nakakabasa ng ganyan?" Tanong nya sakin.

"Ayaw akong pabentahan eh." Inis kong sagot sa kanya.

Natawa nalang sya sa sinabi ko.

Sigurado ako, magkakasundo kami nito.

Lumabas ako ng kwarto dahil medyo naboboringan ako na humilata lang buong araw sa kwarto.

Marami-rami din ang nasa labas ngayon. Karamihan sa kanila ay nakikipagkwentuhan sa iba. Medyo nakapag-adjust na din naman ako sa paligid ko.

Ikalawang araw ko na dito sa paaralang ito, pero hindi ko pa nalilibot ang lugar na ito. Napapaligiran rin ng kagubatan ang tatlong gusaling nasa likod ko ngayon.

Bukas pa daw magsisimula ang klase ng mga freshman. Gusto nila kaming maging pamilyar sa buong pasikot-sikot dito. Hindi na din nagparamdam sakin ang apat na leader namin, siguro para hindi mapaghalataan ang posisyon ko sa kanila.

Naglakad-lakad ako hanggang sa mapunta ako sa kagubatan na hindi ko alam kung nakalabas na ba ako sa teritoryo ng pula.

May nakita akong isang duyan na nakasabit sa isang malaking sanga ng puno ng mangga. Lumapit ako doon saka ako nagmasid sa paligid kung may tao ba o wala.

Noong nasigurado ko na walang tao ay umupo ako sa duyan saka ko ito tinulak gamit ang paa ko.

"Presko no?" Biglang may nagsalita sa kung saan kaya ako napatayo mula sa duyan at nagmasid sa paligid at hinanap kung saan galing ang boses ng lalaking iyon.

"Dito sa taas." Sabi nya saka ko napagtanto na nasa taas pala sya at nakaupo sa malaking sanga ng mangga.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Sya kaya si Kamatayan?

Bigla syang tumalon patungo sa baba saka pinagpagan ang kanyang kamay saka ito nilahad sa harap ko.

"Red, ikaw? Sino ka?" Sabi nya habang nakangiti.

"Saang grupo ka nanggaling?" Tanong ko sa kanya.

"Black. Ikaw?" Tanong nya sakin pabalik.

"Ba't naandito sa sa lugar ng pula?" Tanong ko sa kanya.

Natawa sya sa sinabi ko.

"Anong nakakatawa dun?" Takhang tanong ko.

"Mali ka, nasa teritoryo ka ng itim." Sabi nya.

Maya-maya ay may mga nagsilabasan sa likod ng mga puno. Lahat sila ay may mga dalang patalim.

"Anong ginagawa ng taga-pula dito?" Tanong ulit na lalaking nasa harap ko.

Bigla akong kinapitan ng dalawang lalaki mula sa likod saka ako tinulak paluhod.

Tinutukan ako ng nagngagalang Red ng kutsilyo sa leeg.

Tiningnan ko sya sa mata.

"Naglalakad lang ako upang magpahangin. Wala akong balak na manmanan ang grupo nyo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Talaga?" Sabi nya saka ibinaon ang dulo ng kutsilyo sa leeg ko. Napangiwi ako sa sakit na idinulo nito.

"Sinong maniniwala sayo?" Kinuha nya ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ko. Nakita ko ang aking dugo sa dulo ng kanyang patalim. Ramdam ko din na unti-unting tumutulo ang dugo  mula sa sugat na dinulot nito.

"Alam mo ang nangyayari sa mga umiispiya?" Tanong nya saka inapakan ang aking balikat.

"Pinapatahimik." Nakangiti sya na parang sinapian ng demonyo.

Itinaas nya ang kutsilyo saka ito iniamba sa akin.

Napapikit ako dahil natakot ako.

"Enough." Isang malalim na boses ang aking narinig bago ko iminulat ang aking mga mata.

Nakita ko si Supremo sa aming harapan. Nakasuot sya ng kulay abong long-sleeve saka sya nakapamulsa.

"Shit." Bulong ni Red kuno bago ito napailing. Binitiwan ako ng mga kasama nya saka lumuhod at yumuko sa harap ni Supremo.

Dahan-dahan din syang humarap kay Supremo saka ito yumuko.

"Supremo." Sabay nilang tugon.

Tumayo ako saka ko pinagpagan ang aking kamay.

"Get lost." Maotoridad nyang sabi. Dali-dali namang nagsipulasan ang lahat na sa loob ng sampung segundo ay nawala na sila sa isang iglap.

"Salam—" hindi ko naitapos ang aking sinabi dahil bigla nya akong tinalikuran saka naglakad palayo.

"Bwesit." Bulong ko saka ko sinipa ang maliit na bato sa harap ko na tumama sa kanyang paa. Bigla syang huminto na ikinatakbo ko ng mabilis.

Ayoko pang mamatay.

Nakabalik ako sa aming dormitoryo sa loob ng sampung minuto. Medyo malayo-layo na pala talaga ang nalakbay ko.

Bumalik ako sa kwarto ko ngunit wala doon si Ezekiel. Tatanungin ko kasi sana kung saan pwedeng bumili ng makakain.

Lumabas ako ng kwarto na sakto naman ang pagdaan ng isang lalaki.

"Bro, matanong ko lang. Saan ba pwedeng bumili ng pagkain?" tanong ko sa kanya.

"Bibili ka ba? Tama yan at sumama ka sakin. Pupunta din ako dun." Sabi nya.

Dali-dali kong isinara ang pinto ng kwarto saka ako sumunod sa kanya.

"Malayo ba?" tanong ko sa kanya pagkalabas namin ng gusali.

"Hindi naman. Sa sentro lang naman yun. Saka alas-singko naman na." Sabi ni Caloy.

Sya si Caloy, Sophomore, at isa ring myembro ng pula.

"Anong meron kung alas-singko na nang hapon?" tanong ko sa kanya.

"Tiatawag namin itong 'The Safest Hour'." Sagot nya.

Bago kami makalabas ng dormitory ay isang malakas na tunog ng kampana ang umalingawngaw sa buong paligid. Ibig sabihin daw nito sabi ni Caloy ay umpisa na ng tinatawag nilang 'The Safest Hour'. Simula alas-singko ng hapon saka alas-sais ng gabi ay magiging ligtas ka sa panganib. Kung sino man ang gagawa ng masama sa pagitan ng alas-singko at alas-sais ay mapapatawan ng kaparusahan.

"Kaya pala madaming estudyante sa buong paligid." Nakangiti kong sabi.

Dumiretso kami sa canteen at pumila para makakain.

"Wala akong perang dala." Gago kong sabi.

"Ayos lang yan, libre ang pagkain dito sa eskwelahan." Nakangiti nyang sabi.

Nagningning ang aking mga mata sa aking narinig. Nakikita ko ang mga pagkain na kumikinang at nagsasayawan sa kanilang mga pwesto.

Noong ako na ang nasa harap ng counter ay pinili ko lahat ng masasarap.

"Nakahanap ka na ng pwesto?" tanong ko kay Caloy.

"Wala pa eh." Sagot nya.

Binuhat ko ang aking tray na maraming pagkain saka humanap ng pwesto.

"May isa doon oh." Turo ko sa pinakagitnang lamesa na walang estudyante ni isang nakaupo.

Papunta na sana ako doon ng pigilan ako ni Caloy.

"Bawal tayong umupo dyan, pwesto yan ng mga Datu." Bulong sakin ni Caloy.

"VIP parin sila kahit dito?" bulong ko din pabalik.

"Sa lahat." Sagot nya sakin.

Nilibot ko muli ang aking mata at nakita ko si Ezekiel na nakaupo sa pinakatabing lamesa ng canteen.

"Doon nalang tayo kay Ezekiel." Nguso ko sa direksyon patungo kay Ezekiel.

"Kilala mo?" tanong nya sakin.

"Karoommate ko." Nakangiti kong sagot.

Lumapit kami sa pwesto ni Ezekiel.

"Pwedeng makishare ng upuan?" tanong ko at tumango sya bilang sagot.

Saktong pag-upo ko ay nakita ko si Ethan na naghahanap din ng mauupuan hawak ang kanyang pagkain.

"Ethan!" tawag-pansin ko sa kanya.

Lumingon sya sa pwesto ko saka sya lumapit.

"Pwedeng makikain?" nakangiti nyang tanong.

"Syempre naman." Ako na ang sumagot saka sya naupo  sa tabi ni Ezekiel.

"Kumusta ang kwarto mo? Ayos din ba?" tanong nya saka ibinigay sakin yung sopas na dala nya.

"Kasya naman kami. Sya nga pala si Caloy, ka-myembro ko at saka si Ezekiel, ka roommate ko." Nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. Nagtanguan lang sila bilang tugon.

"Eh ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Kasama mo ba yung kambal sa kwarto mo?" dugtong ko pa. Pinili ko yung atay sa pansit saka ko ibinigay sa kanya. Hindi kasi ako kumakain ng ganun, di ko type yung lasa.

"Hindi eh. Iisang kwarto sila, saka si Kito yung kasama ko sa kwarto." Sagot nya.

"Asan sya?" tanong ko.

"Nandun sa kwarto, ayaw lumabas." Sagot nya.

"Magsyota ba kayo?" tanong ni Caloy samin.

"Oo." Pabiro kong sagot na sinang-ayunan naman ni Ethan.

"Kaya pala." Nakangiti nyang sabi.

"Hindi ka nandiri?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Sabi nga ng karamihan eh huwag mong hadlangan ang dalawang taong nagmamahalan." Nakangiti nyang tugon.

Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Labing limang minuto nalang, kailangan na nating bumalik sa dormitoryo." Sabi ni Caloy pagkatapos naming magkwentuhan.

Tumingin ako sa relo na nakasabit sa dingding ng Canteen. Tama nga sya, delikado na ang paligid lalo na ang gabi.

"Mauna na kayo." Sabi ni Ethan.

"Hindi, umuwi ka na din. Delikado na ang paligid kapag tumuntong ng alas-sais." Bulong ko sa kanya.

"Naiihi pa kasi ako eh." Sabi nya sabay hawak sa pantog nya.

"Mauna na tayo Shaun." Aya ni Caloy sakin.

"Ikaw?" tanong ko kay Ezekiel.

"I have to run some errands." Sabi nya saka tumayo at iniwan kaming tatlo.

"English-english pa tong hayop na 'to." Bulong ko noong nakalayo na sya.

"Mauna na din kami bro, kita nalang tayo bukas sa first subject." Sabi ko kay Ethan saka kami naglakad ni Caloy palabas ng Canteen.

Nakabalik naman kami ni Caloy sa dorm bago tumunog muli ang kampana. Nagpaalam na din sya sakin dahil may bibisitahin daw muna sya sa kabilang building.

Pag-akyat ko patungo sa kwarto ay naabutan kong wala pang tao.

Kinuha ko aking tuwalya at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Pagkatapos ng sampung minuto ay lumabas ako ng banyo habang pinupunasan ko ang aking basang buhok.

"Oh, andito ka na? San ka galing?" tanong ko kay Ezekiel saka ako humarap sa salamin para magpapogi.

Dumiretso sya ng banyo saka ko narinig ang paglagas ng tubig.

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok at magbihis ay dumiretso agad ako sa kama ko para matulog.

Kinabukasan ay bumangon agad ako ng alas-syete saka ako nag-asikaso ng sarili dahil ayokong malate sa klase ko ng alas-nuwebe. Wala na si Ezekiel sa kwarto pagkagising ko, may pasok siguro yun ng alas-syete.

Paglabas ko ng dorm ay nagpulot ako ng tatlong bato na katmtaman ang laki. Incase lang na may biglang manggulat at pumatay sakin sa daan. Pasimple ko itong nilagay sa bulsa ng jeans ko saka ako swabeng naglakad patungo sa eskwelahan.

Pagdating ko doon ay hinanap ko agad ang Room 13. Pagkakita ko ng room ay dali-dali akong pumasok, nagbabakasakaling nasa loob na ng kwarto si Etahan.

Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko sya doon sa likod habang kakwentuhan ang kambal.

Lumapit ako sa kanila saka ako naupo sa kanilang tabi.

"Doon ka sa harapan." Sabi ni Ethan.

"Bakit?" takha kong tanong.

"Maliit ka." Pagkasabi nya noon ay sinuntok ko kaagad sya sa kanyang balikat ng pabiro.

Pero may diin.

Porke't kasi hanggang balikat lang nila ako tatlo ay ganyan na nila ako tratuhin.

"Kumusta naman ang tulog mo?" tanong sakin ni Rover pagkaharap ko sa harapan.

"Maayos naman. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka bang nabalitaan?" sabat naman ni Loki.

"Anong meron?" tanong ko saka humarap sa kanila.

Tumingin muna sya sa paligid, at noong nakita nyang busy ang aming ibang kaklase sa pakikipagkwentuhan sa katabi nila ay lumapit sya sakin saka ibinulong ang kanyang balita.

"May natagpuang patay na estudyante sa teritoryo ng pula." Bulong nya.

Lumaki ang aking mata dahil hindi ako makapaniwala.

"Ba't di ko yan nalaman na taga-pula ako?" takha kong tanong.

"Sa Chicks lang kasi lumilinaw ang pandinig mo." Kantyaw sakin ni Ethan. Tiningnan ko naman sya ng masama.

"Nakita syang wala ng buhay sa kagubatan. Nakasandal sa isang puno saka nakadikit sa itaas ng kanyang ulo ang isang kulay gintong papel na hugis rectangle. May nakadrawing din ditong koronang tinik." Bulong ni Rover.

"Anong ibig sabihin noon?" tanong ko.

"Ayun sa tsismis na narinig ko ay yun daw ang simbolo ni Death." Sagot ni Loki.

"Hindi pa malaman ang dahilan kung bakit pinatay ni Death ang isang estudyanteng iyon." Bulong ni Rover.

"Kaya mag-ingat ka. Nagpakita si Death sa kampo nyo." Paalala ni Ethan sakin. Tumango lang ako bilang sagot.

Tumigil lang ang aming pakikipagkwentuhan ng dumating ang isang may edad ng lalaki at inilagay ang kanyang dala sa lamesa sa harapan.

"Good Morning Freshman, I'm your Math Professor for the whole semester. My name is Stephen Dela Cruz. And welcome sa Villegas High." Nakangiti nyang sabi.

Ayan na naman ang nakakakilabot na pagwewelcome samin sa malademonyong eskwelahan na ito.

Buong araw ay inisip ko ang malagim na trahedya na nangyari kagabi. Ni wala akong kaalam-alam sa pagpatay kahit na malapit lang sakin ito nangyari. Nagpaalam muna ako kila Ethan na uuwi muna dahil nakalimutan ko ang aking isang notebook para sa 1pm class namin.

Pagbalik ko sa Dorm ng tanghali ay dumiretso agad ako sa kwarto upang hanapin si Ezekiel.

Nangyari ang kaganapan kagabi sa oras na wala sya sa kwarto.

Nakita ko syang nagbabasa ng manga habang nakahiga sa kama nya.

"Pwede ka bang maistorbo?" tanong ko sa kanya.

"Ano yun?" tanong nya pero patuloy paring nagbasa.

"May kinalaman ka ba sa nangyari kagabi?" tanong ko.

Itiniklop nya ang kanyang binabasa saka naupo mula sa kanyang pagkakahiga.

Tumingin sya sakin saka ngumiti ng nakakaloko.

"Gusto mong malaman?" malademonyo nyang tanong.

"Oo."

*****

XoXo