webnovel

Chapter Eight

\

\\

...

Na kay Sherrylou Sagrado na ang lahat - ang yaman, kagandahan at katalinuhan. Lagi siyang masaya sapagkat lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya tuwing siya ay gumigimik sa gabi.

Isang gabi sa Hot Beat Club, kasama ni Sherrylou ang mga kabarakada niya. Pinakilala siya kay Ricky. At nahulog ang damdamin nila sa isa't isa. Hindi pa umiibig si Sherrylou noon. Ngayon lang siya umibig nang husto nang nakilala niya si Ricky. Si Ricky naman ay galing sa buena familia na tinakdang magpakasal sa pinsan ni Sherrylou na si Amy. Nang nalaman ni Sherrylou ang tungkol dito, akala niya ito na ang katapusan ng kanyang masasayang araw. Subalit nalaman niya na nagdadalang tao siya at si Ricky ang ama ng kanyang dinadala. At ito na ang pagkakataon para pigilan niya ang pinsan niya magpakasal kay Ricky.

Isang araw sa restaurant, habang hinihintay ni Ricky si Amy, dumating si Sherrylou. Siya ay binati at kinausap. Sinabihan niya si Ricky na siya ay nagdadalang tao at siya ang ama ng dinadala niya. Nagulat si Ricky. Hindi niya akalain na mangyayari ito. Pero, ayaw panagutan ni Ricky ang bata. Gusto pa rin niya ituloy ang pagpapakasal niya kay Amy. Sapagkat si Amy talaga ang mahal niya.

Nung araw ng kasal nina Ricky at Amy. Si Amy naman ay nasa mansyon pa at inaayusan ng make-up artist. Ito naman si Sherrylou, hindi pa nakabihis ng gown na pang bride's maid. Nagpakita siya kay Amy. Nagtataka tuloy si Amy, "Bakit hindi ka pa bihis? Akala ko mauuna na kayo papuntang simbahan?"

Ang sabi naman ni Sherrylou, "Bakit ako pupunta ng simbahan? May kasalan bang magaganap?"

Nagulat naman si Amy sa inasal ni Sherrylou, "Hindi kita maintindihan. Ano itong pinagsasabi mo?"

At isiniwalat ni Sherrylou ang lahat, "Buntis ako. Si Ricky ang ama ng batang dinadala ko. Kaya kita pinuntahan dito para ipaalam sa iyo na hindi ko pababayaan ang batang ito na mawalan ng ama."

Magkahalong galit at lungkot ang naramdaman nilang dalawa ng mga oras na iyon. Hindi akalain ni Amy na pagtataksilan siya ng kanyang kasintahan.

Sabi ni Amy, "Bakit mo ito ginawa sa akin? Pinsan pa naman kita. Wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Bakit pa si Ricky ang gusto mong agawin sa akin?"

Sagot naman ni Sherrylou, "Mahal ko rin si Ricky. Siya lang ang taong unang minahal ko."

At ang sabi naman ni Amy, "Ang kapal ng pagmumukha mo! Lumayas ka sa kuwarto ko!"

Umalis na nga si Sherrylou.

Ang binilin ni Amy sa wedding coordinator niya, "Hindi ako pupunta ng simbahan. Hindi na matutuloy ang kasal."

Sagot naman ng wedding coordinator, "Yes, ma'am. Sasabihin ko po kina Dona Carmen."

\

\\

...

-END-