webnovel

Is it just me or do you feel it too?

Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna si Tammi. Hinainan siya ng Mama niya ng meryenda. Maaga pa kaya hindi pa nakakaluto ng ulam kaya nagkasya muna siya sa meryenda. Naghahanda pa kasi ito ng mga sangkap sa ulam.

"Ano lulutuin mo Ma?" aniya habang kumakain

"Tinolang-manok ang request ng Papa mo." sagot nito

"Yon sarap." aniya, paborito niya kasi ang Tinolang-Manok. Tumayo naman siya ng matapos kumain at hinugasan ang kinainan niya.

"Iidlip muna ako Mama. Sakit ng katawan ko eh." aniya "Pakigising na lang po ako Ma pagdating ni Stan." bilin niya

"Okay sige." anito at saka siya pumasok sa silid. Dumapa sa higaan at isinubsob ang mukha sa unan. Kumalma ang pakiramdam at puso niya ng lumapag ang katawan sa higaan. Agad siyang nakatulog at hindi man lang nakapag-bihis ng pang-bahay.

Nasa kwarto ng Kuya niya si Stan at hinahanap ang uniform sa Tennis nito. Ito ang madalas gamitin ng Kuya niya noon kapag naglalaro ng Tennis. Tinext niya ang kuya niya.

"Kuya, pwede ba mahiram yung uniform mo sa Tennis?" text niya, mga ilang minuto ay nagreply ito.

"Bakit? Aanuhin mo?" reply nito

"Gagamitin sana ni Tammi para sa contest ng Nutrition Month. Kung pwede sana." paalam niya

"Sige. Nandoon sa closet ko sa dulong kanan na pinto." reply nito na tinuturo kung saan niya kukunin ag uniform.

"Thank you Kuya." reply niya

"May raketa ba siya?" tanong nito

"Wala ata Kuya. Hindi naman yun naglalaro ng Tennis eh." reply niya

"Ganun ba, kunin mo na din yung Raketa ko sa ibaba ng closet kasama yung Tennis shoes ko saka yung bola." reply nito

"Okay Kuya. Pati ba yung shoes at cap ipapahiram ko?" tanong niya

"Oo para complete uniform siya." reply nito.

"Okay kuya salamat." reply niya saka nag-umpisa na siyang hanapin ang uniform nito. Isa-isa niya itong nilagay sa higaan ng kuya niya at tiniklop ng maigi bago inilagay sa malaking Tote bag. Ang sapatos naman at bola ng Tennis ay inilagay niya sa plastic bago inilagay sa bag. Ang raketa lang ang bibitbitin niya kasi hindi kasya sa bag. Dinala niya iyon sa silid niya at nagtungo sa banyo para maligo.

Habang naliligo ay naalala niya ang tagpo sa CR kanina. Kung paano siya titigan ni Tammi. Kung paanong langhap na niya ang hininga nito sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya habang nag-uusap sila. Kung paanong pakiramdam niya ay nagpipigil ito na halikan siya dahil sa pagkagat nito ng labi nito habang nakatitig sa labi niya. IS IT JUST ME OR YOU FEEL IT TOO? tanong niya sa isip. Napapikit siya ng naramdaman niya ang pag gising ng kanyang pagkalalake. Binuksan niya ang shower at kinuha ang sabon. Nagumpisa siyang maligo habang iwinawaksi ang mga tumatakbo sa isip niya. Ngunit kahit anong pilit niya ay kusang bumabalik ang mga ito sa alaala niya. Ang mukha ni Tammi, ang mga titig nito, ang halik nito nito sa labi niya, ang mga haplos nito sa katawan niya. Pumikit siya at nagfocus sa nararamdaman niya ng oras na yun. Sinundan niya ng sabon ang mga dinaanan ng haplos ng kamay ni Tammi nung gabi na yun. Mula sa leeg niya, dibdib, pababa sa gising na gising na si junior. Napakagat siya sa labi at minassage iyon ng katulad ng ginawa ni Tammi noon. Marahan sa una habang tumatagal ay unti-unting bumibilis habang nakikita niya ang mukha ni Tammi sa isip niya, nararamdaman niya pa rin ang paghalik ni Tammi sa leeg at adams apple niya.

"Tammi" sambit niya sa gitna ng ginagawa at lalong pang binilisan ang pag-masturbate hanggang sa narating niya ang sukdulan "Aaahhhh!" singhap niya at dumaloy sa kamay niya ang nilabas niya na ang iba ay tumalsik pa. Hinugasan niya iyon pati si junior at bumalik sa pag ligo.

Pagkatapos maligo ay gumayak na siya papunta kina Tammi. Naka T-Shirt siya na Light Blue at Light Brown na Shorts. Paglabas niya nasalubong niya si Blake galing sa tindahan. Ngumiti ito sa kanya at binati siya.

"Papunta ka na kina Tammi?" tanong nito, tumango siya.

"Oo." aniya.

"Sabihin mo baka hindi na makakapunta si Blaze kasi ang daming homework. Tinutulungan ko nga eh." anito

"Ganun ba sige sabihin ko na lang kay Tammi." aniya. Tumango naman ito at pumasok na sa gate nila. Nagtuloy-tuloy naman siya sa paglalakad papunta kina Tammi.

Pagdating niya kina Tammi inabutan niya ang Mama nito na nagluluto ng ulam. Nagmano siya agad dito at inaya naman siya nito sa may kusina para ipatikim ang luto niya. Tulad ng dati ang sarap talaga magluto ng Mama ni Tammi kaya gustong-gusto niyang nagpupunta sa bahay nito. Pakiramdam niya ay nakakasama niya ang Mama niya.

"Ang sarap po Tita. Sana maturuan mo si Yaya ng recipe mo po." puri niya dito natawa naman ito.

"Papuntahin mo minsan dito ng maturuan ko ha." nakangiti nitong sagot "Bakit pala ang dami mong dala maglalaro ba kayo?" tanong nito

"Hindi po. Costume po ni Tammi para bukas. Pictorial po niya para sa Mr. Nutrition. Ifi-fit po namin." sagot niya, halatang nagulat ito at nanglaki ang mata.

"Talaga ijoh? Sumali si Tammi sa beauty contest?"tanong nitong hindi makapaniwala, tumango siya

"Opo." anito, ngumiti ito at tumingin sa Papa ni Tammi na kadarating lang

"Tiborcio ang anak mo sumali sa Mr. Nutrition. Mukhang may tiwala na siya sa sarili." masayang balita nito, natawa naman ang tatay nito, nagmano siya dito

"Eh di mabuti para hindi siya napapag-iwanan ni Tommy." anito habang nakangiting nakatingin sa kanya "Eh nasan si Tammi?" taong nito. Lumingon siya sa Mama nito.

"Ay ayun tulog sa kwarto niya." anito ng maalala ang bilin ni Tammi "Puntahan mo nga ijoh gisingin mo at kakain muna tayo bago kayo mag-fit niyang kung ano man yang dala-dala mo." anito,

"Opo." aniya at tumungo siya sa silid nito at kumatok.

Hindi ito sumagot. Pinihit niya ang doorknob, hindi ito naka-lock. Pumasok siya sa loob. Nakita niya si Tammi na nakadapa at tulog na tulog. Hindi pa ito nakakapaghubad ng sapatos at suot pa din nito ang jersey na suot nito kanina ng umuwi galing eskwelahan. Umupo siya at hinubad ang sapatos ni Tammi. Pagkatapos nun ay niyugyog niya ito ng bahagya.

"Tam." aniya, bahagya itong dumilat at kumurap.

"Stan?" pabulong nitong sabi na parang nananaginip pa.

"Oo ako to." sagot niya "Gising ka na, inaantay ka nila Tita sa hapag." dagdag pa, tumihaya ito at tumingin lang sa kanya

"Bakit?" tanong niya, bigla itong bumangon at hinatak siya, na-out balance siya at napasubsob sa dibdib nito. Nagulat siya sa ginawa nito kaya bahagya niyang iniangat ang sarili sa pagkakapatong at tumingin dito ngunit niyakap siya nito palapit at isinubsob ang sarili sa leeg niya. Huminga ito ng malalim na wari'y sinisinghot ang amoy ng katawan niya, pinakiramdaman niya ito.

"Tammi?" aniya, pumihit ito padapa kaya napailalim siya dito, nagtataka siya dito

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya dito na naguguluhan habang ang lakas ng kaba ng dibdib niya. Nanatiling nakasubsob pa rin ito sa kanya, maya-maya ay iniangat nito ang mukha at tumitig sa kanya na halata ang lungkot sa mata nito,

"Tam-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siya nitong dinampian ng halik sa labi. Nagtitigan sila. Para bang tinatansiya nila ang isa't isa. Maya-maya pa ay marahan siyang hinalikan ni Tammi. Banayad na parang humihingi ng permiso sa kanya. Pumikit siya at unti-unting gumanti ng halik dito at dahan-dahang yumakap kay Tammi. Unti-unting naging mainit ang halik na iyon, nag-alab, wari'y halik ng dalawang taong sabik na sabik sa taong minamahal. Napa-ungol siya ng bahagya GOD I MISS YOU! sigaw ng isip niya I MISS YOU TAMMI dagdag pa at nawala na ang kaba sa dibdib niya at napalitan ito ng pagkasabik, hinaplos niya ang katawan ni Tammi na nakapatong sa kanya. Ipinasok niya ang kamay sa jersey nitong suot para mahawakan ang matipunong dibdib ng binata. Napasinghap si Tammi ng maramdaman ang kamay niya sa dibdib nito. Unti-unti itong bumaba sa leeg niya papunta sa may puno ng tainga pababa sa adams apple niya. Napasabunot ang isa niyang kamay sa buhok nito.

"Tammi." pabulong na nasambit niya

"Uhm" paungol na sagot nito sa kanya at muling bumalik sa labi niya at ikinulong siya sa mainit na halik maya-maya ay narinig nila ang tawag ng Mama ni Tammi.

"Tammi, Stan, hali na kayo! Lalamig ang pagkain." tawag ng Mama nito. Natigilan sila at muling tumingin sa isa't isa. Pareho silang namumula at humihingal. Parehong ayaw bumitaw. Hinaplos ni Tammi ang pisngi niya

"Tara." aya nito, nakatulala lang siya dito habang nakayakap, muli siyang dinampian nito ng halik sa labi

"Stan." anito, dun lang siya napakurap, inalis ang pagkakayakap kay Tammi at bumangon, pakiramdam niya ay nanghihina ang tuhod niya, nanginginig ito at ang pisngi niya ay nag iinit. Hinawakan siya nito sa kamay at bahagya itong pinisil ng binata kaya muli siyang napatingin dito saka sabay silang lumabas ng kwarto.

Paglabas ng silid ay binitawan ni Tammi ang kamay niya. Nagtungo sila sa lababo at agad silang naghugas ng kamay at naupo sa hapag. Kadarating lang din ni Tommy noon galing ng school. Nilagyan siya ng kanin sa plato ng Mama ni Tammi

"Kain na ijoh wag ka mahiya. Dinamihan ko talaga ang gulay kasi alam ko mahilig ka sa gulay." anito, ngumiti siya

"Thank you po." aniya at napatingin kay Tammi, nakita niyang nakatingin si Tammi sa Mama niya at sa kanya, ngumiti ito. Nakaramdam siya ng saya sa puso niya. Pakiramdam niya tuloy ay mag-boyfriend sila ni Tammi at tanggap sila ng magulang nito.

Masaya ang naging usapan sa hapag. Panaka-naka'y binubuska ng Papa niya si Tammi kasi nga sa tinagal-tagal ngayon lang ito sasali sa contest, beauty contest pa. Napipikon man ay hinahayaan lang ni Tammi ang trip ng Papa niya. Napuno ng tawanan at buskahan ang dinner na yun.

Pagkatapos kumain ay magkatulong sila na niligpit ang kinainan. Si Tammi ang naghugas ng plato. Siya naman ang nagpunas ng mesa. Pagkatapos ay naupo muna siya sa sala kasama ng Mama ni Tammi at sinamahan ito manood ng TV. Mahilig ito manood ng Criminal Investigation Series at ito nga ang pinapanood nito ngayon. Nakita niyang natapos na maghugas si Tammi ng pinggan at pumasok ito ng banyo na may tuwalya sa balikat. Maliligo ito. Muli niya ibinaling ang atensiyon sa pinapanood nila. Nagbibigay ito ng insights sa pinapanood nila. Hindi naman sa pagmamalaki pero graduate ng Forensic Science ang Mama ni Tammi pero dahil sa nag-asawa ito ay mas pinili nitong maging housewife at negosyante. Ang dami niyang natutunan sa mga ibinibigay nitong opinyon at analysis habang nanonood ng series.

Paglabas ng banyo at nakita niya ang Mama niya at si Stan na nag-uusap habang nanonood ng TV. Para silang magbyenan na nag-uusap. Natawa siya sa isipin na yun. Inilagay niya ag tuwalya sa silid niya at nagtungo sa dalawa. Hindi siya namalayan ni Stan na nakatabi na siya dito.

"Seryoso kayo dyan ah." aniya, nagulat na napalingon si Stan sa kanya

"Kanina ka pa dyan?" tanong nito, umiling siya

"Kakaupo ko lang." sagot niya,

"Ano maghanap na tayo ng costume mo bukas?" tanong nito, tumango siya.

"Sige tara." aniya at tumayo at naglakad patungo sa silid niya

"Excuse me po." paalam ni Stan sa Mama niya at sumunod sa kanya sa silid.

Pagdating nila sa loob ng kwarto ay binuksan niya ang apat na pinto ng cabinet niya para makita lahat ni Stan ang mga damit niya. Una nitong tiningnan ang mga Polo Shirts niya pumili ito ng tatlong pinaka-maganda. Dumako naman ito sa mga black jeans at sapatos, medyas at panyo. Naupo siya sa higaan at pinanood niya lang ito na parang boyfriend na naghihintay sa girlfriend na busy maghanap ng damit para sa date.

"May suit ka?" tanong nito, umiling siya

"Wala, baka si Kuya meron wait lang." aniya at lumabas ng kwarto upang pumunta sa kwarto ng Kuya niya. Kumatok siya sa silid nito.

"Kuya." tawag niya

"Oh?" sagot nito,

"Kuya may suit ka?" tanong niya

"Meron. Bakit?" anito

"Pwede ko hiramin? may pictorial kasi ako bukas." sagot niya

"Yun oh." anito "Sige pasok ka at kunin mo dun sa cabinet sa dulo at may ginagawa ako." sagot nito, pumasok naman siya sa kwarto nito. Hindi kasi sila naglalock ng pinto. Ayaw ng Papa niya na naglalock sila ng pinto kasi ang laging sinasabi nito ay baka may mangyaring hindi maganda habang tulog sila at hindi sila masasaklolohan. Dumiretso siya sa cabinet ng kuya niya at nakita niya doon ang naka-hanger at may plastic pa na Dark Gray na Suit.

"Salamat Kuya." aniya, tumango lang ito at lumabas na siya sa kwarto nito at bumalik sa kwarto niya.

Pagbalik niya doon ay nakita niya nakalatag sa kama niya ang tatlong set ng damit na mga napili ni Stan. At inilalatag na nito ang uniform sa Tennis.

"Andito na yung suit ni Kuya." aniya,

"Okay." sagot nito na hindi tumitingin sa kanya "Isuot mo yung first set dun sa dulo tingan natin kung alin ang babagay sa suit mo." dagdag pa nito.

Hinubad niya ang T-shirt at short na suot niya at boxer ang natira. Nakita niyang napatingin sa kanya si Stan at namumula itong napanganga sa kanya pero nagkunyari siyang hindi napansin ito at isinuot niya yung itinuro nitong unang set. Black na Levis Jeans, Gray na Polo shirt at Black Suade Shoes. Isinuot ni Stan sa kanya yung suit. Umiling ito at pinahubad sa kanya ang Gray na Polo at pinalitan ng Black Turtle Neck. Inayos nito ang bandang leeg at muling isinuot ang suit sa kanya. Nakatitig lang siya sa mukha nito. Naaliw siyang pinapanood ito. Tumingin sa kanya si Stan iniwas niya ang tingin niya dito at pinaling ang tingin sa salamin.

Na-amaze siya ng makitang bagay na bagay sa kanya ang pormang napili ni Stan. Hinawakan siya sa baba ni Stan at iniharap ang mukha niya dito. Sinuklayan siya nito at inayos ang buhok niya. Nakatitig naman siya sa labi nito na bahagyang nakaawang. GUSTO KITANG HALIKAN ULIT aniya sa sarili saka pinagmasdan ang mukha ng kaibigan KASO BAKA KUNG ANO NANAMAN MAGAWA NATIN. HINDI KA PA NAMAN TUMATANGGI aniya, muli siyag nakaramdam ng lungkot ng maalala ang sinabi ni Blake. BAKIT STAN? BAKIT HINDI MO AKO PINIPIGILAN KAPAG HINAHALIKAN KITA? BAKIT HINAHAYAAN MO LANG AKO? tanog niya sa isip. Halatang naka-focus sa ginagawa niya si Stan at hindi nito napapansin ang mga titig niya. KUNG TOTOO ANG PAKIRAMDAM KO NA MAY GUSTO SI BLAKE AT LYKA SA IYO, WHERE SHOULD I PLACE MYSELF? malungkot niyang tanong sa sarili saka bahagyang yumuko.

"Ayan." anito saka iniharap siyang muli sa salamin. "Di ba ang gwapo mo kapag naaayusan ka." anito, nakatitig naman siya sa sarili sa salamin. OO NGA. GWAPO PALA AKO! sigaw ng isip niya. Lumingon siya kay Stan. Nakangiti itong nakatingin sa kanya at kinuha ang celphone nito

"Mag-pose ka. Kukuhanan kita ng picture isesend ko kay Blake."anito, nagpose naman siya. Kinuhanan siya nito ng mga ilang shots saka itinuro naman ang sportswear.

"Yung sportswear mo naman ang isukat natin." anito saka tinulungan siyang hubarin ang suit at ibinalik ito sa hanger. Bawat hinuhubad niya ay tinitiklop nito. Muli siyang nakahubad sa harap ni Stan maliban sa boxers niya. Napapansin niyang namumula nanaman ito. Isinuot niya ang uniform sa Tennis ng Kuya ni Stan. Magkasing tangkad sila ni Stam, ang kuya nito at magkasing-katawan kaya kasyang-kasya sa kanya ang damit nito. Pati ang Tennis shoes ay kasya sa kanya. Pinahawak sa kanya ang raketa at isinuot sa kanya ni Stan ang cap to complete his outfit saka siya pinaharap nito sa salamin. Nakangiti itong nakatingin sa reflection niya sa salamin.

"Wow bagay na bagay sayo." anito, pinagmasdan niya din ang sarili. ANG GALING! NAGAWA NIYA AKO PAGMUKHAING TAO sigaw ng isip niya.

"Thank you." aniya sa malambing na boses na sinamahan niya ng malambing na tingin dito. Ngumiti naman ito ng malambing sa kanya at muling kinuha ang celphone para picturan siya. Nag-pose naman siya para dito.

"Hubarin mo na para maplantsa at mahanger natin para bukas hindi lukot." anito, tumango naman siya

"Okay." aniya at hinubad nga niya ang suot na damit at iniabot dito. Kinuha naman ito ng binata.

"Nasan ang plantsa at kabayo niyo?" tanong nito.

"Nandun ata sa kwarto nila Mama. Saglit kukunin ko." aniya, tumango naman ito at nagtuloy-tuloy sa ginagawa. Lumabas naman siya upang kunin ang Kabayo at plantsa.