webnovel

I should be.

Pagbalik niya ay wala na si Tammi sa may couch pero naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Binaybay niya ang daan patungo sa banyo at nakita ang bahagyang nakabukas na pinto.

"Tammi?" tawag niyang patanong

"Yow?" sagot nito

"Andito na yung towel, boxer at sando." aniya.

"Sige, lagay mo na lang dito sa loob. Bukas naman yang pinto." sagot nito. 

Kinabahan siya.

"Okay." aniya, saka dahan-dahang binuksan ang pinto, at pumasok sa loob.

Nakita niya ang reflection ng anino ni Tammi sa shower curtain. Napalunok siya. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang isang sink na may extended counter na lagayan ng damit kapag naliligo. Inilapag niya doon ang towel at damit na kinuha niya para kay Tammi. Saka muling tumingin sa reflection ni Tammi sa shower curtain. Nakikita niya ang bawat kilos nito sa pamamagitan ng anino nito. Pinagpawisan siya ng malamig habang nagba-bungee jumping ang puso niya sa kaba.

"Babe?" anito, napakislot siya. 

"Nandiyan ka pa?" tanong nito, napalunok siya bago sumagot

"Ahhhh - oo, palabas na." sagot niya

"Maliligo ka rin ba?" anito, tumango siya

"Oo." aniya,

binuksan nito ang kurtina bigla, napatigil siya ng paghinga ng makita ang kabuuan ni Tammi na hubo't hubad, nagtama ang tingin nila.

"Sabay na tayo." anito habang nakapako ang tingin nila sa isa't isa.

Naumid ang dila niya sa sinabi nito. Lumapit ito sa kaniya ng dahan-dahan, napaatras naman siya. Inabot nito ang door knob na nasa likod niya at isinara ang pinto. Gusto ng tumalon ng puso niya ng naglapit ang mga mukha at katawan nila. Hindi nito inaalis ang tingin sa sa mga mata niya. Narinig niya ang pagclick ng lock ng pinto.

6 AM

Nagising siya sa pagkatok ni Yaya Tising sa pintuan ng Guest Room. Tumingin siya sa paligid. 

UMAGA NA aniya sa isip. 

Naramdaman niya gumalaw ang nasa tabi niyang si Stan. Tulog na tulog itong nakayakap sa kaniya. Tulad niya wala itong kahit isang suot na damit. Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mata nito. Napangiti siya. Hindi niya alam kung naka-ilan sila kagabi at kung anong oras sila natapos. Basta ang alam niya, last night was the best part of his life. Hinalikan niya sa noo ang boyfriend saka ginising ito.

"Babe." aniya "Gising na alas-sais na. May pasok pa tayo." aniya. 

Kumurap-kurap ito at tumingin sa paligid bago muling tumingin sa kaniya. Ngumiti siya. Ngumiti din ito. Pero nang aambang babangon ay napahiga ito ulit.

"Aw." anito na parang nasaktan

"Okay ka lang?" tanong niya, tumango ito

"Uhmmm, medyo masakit lang maupo saka, masakit ang hita ko." sagot nito

"Huwag ka na kaya muna pumasok." aniya, umiling ito

"Kaya ko to." anito saka tumigin sa kanya 

"Just please help me get up." anito na namumula.

Ngumiti siya at bumangon saka inalalayan itong bumangon. Akay-akay niya itong dinala sa banyo para maligo.

Pagdating sa bahay ay agad siyang nagtungo sa kwarto niya para magbihis. Nakita naman siya ng Nanay at Tatay niya. Nagtataka na sumunod sa kaniya ang Tatay niya at huminto sa may pinto niyang nakabukas. 

"Hindi ka umuwi kagabi." bungad nito, lumingon siya saglit habang nagsusuot ng uniform. "Saan ka natulog?" dugtong pa

"Kina Stan Pa." sagot niya 

"Sobrang dami ng assignments namin 11:30 na kami ng gabi nakatapos kaya doon na ako nakitulog." aniya, tumango naman ito. 

"Kumain ka na ba?" tanong nito

"Hindi pa nga po eh. Nagmamadali po ako umuwi para makapagbihis." aniya

"Wala ka bang practice ngayon?" anito, umiling siya

"Wala po." aniya, tumango naman ito 

"Hali na't kumain." aya nito at nauna na sa may mesa. 

Lumabas naman siya at inilagay ang bag sa sofa. Pritong talong, dilis, itlog at sinangag ang almusal nila. Naghugas siya ng kamay at naupo na sa hapag. Umupo na rin ang kuya niya sa harap niya. 

"Papa, malelate po ako ng uwi mamaya kasi tatapusin namin yung project sa Laboratory." paalam ni Tommy. Tumango naman ang Tatay nila

"Mag-chat ka sa Mama mo kung anong oras ka makakauwi." sagot nito. 

"Opo." anito at bumaling sa kaniya 

"Tam." anito tumingin naman siya dito, 

"Si Blake nag-chat sasabay daw siya sayo pumasok." anito tumango siya. 

Ngumiti naman ito ng makahulugan

"Mukhang may patutunguhan na kayo ah." dugtong nito attumingin sa Tatay nila na napangiti din. Pinukol niya ng masamang tingin ang Kuya niya

"Issue ka nanaman Kuya." aniya, tumawa naman ang Tatay niya

"Oh bakit? napakagandang bata ni Blake. Ikaw din baka maunahan ka pa kung hindi ka kikilos." anito, 

Nagpalit-palit ang tingin niya sa Tatay at Kuya niya na parehong nakangiti. 

MAY BOYFRIEND NA PO AKO gusto niyang sabihin pero hindi niya masabi dahil nangako siya kay Stan na isisikreto nila yun.

"Pa. Magkaibigan lang po kami ni Blake." aniya, 

"Asus pasasaan ba at magkakagustohan din kayo." anito 

"Dalawa lang naman sila na gusto ko para sayo. Si Blake o si Lyka." anito, 

Napakunot naman ang noo ni Tommy.

"Sandali lang Pa." anito, tumingin naman dito ang Tatay nila 

"Wag mo na idamay si Lyka. Akin na yun eh." anito, natawa ang Tatay niya

"Humanap ka ng ka-edad mo." sagot naman ng Tatay nila, natawa siya

"Pa" protesta nito

"Napakabata ni Lyka para sayo. Andyan naman ang Ate ni Stan." anito, 

Natigilan siya habang napapasimangot naman ang Kuya niya, bumulong ang Tatay niya pero dinig pa din nila sa mesa. 

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." anito, 

Nagtawanan silang lahat maliban sa kuya niya namumulang napayuko.

"Papa naman eh." anito

"Tama na yan kayo." saway ng Nanay nila 

"Bilisan niyo na kumain at baka malate kayo." dagdag pa nito kaya bumalik na din sila sa pagkain. 

"Nga pala Tammi yung baon mo nandoon na sa may counter dinamihan ko na yun para makapagbigay ka sa mga kaibigan mo." anito sa kaniya. Tumango naman siya

"Thank you Ma." aniya nakangiti 

"I Love you." dagdag pa, napangiti naman ito

"Hmmm sipsip." sagot nitong napangiti din 

Ng matapos kumain ay gumayak na sila ng kuya niya paalis. Dinatnan nila si Lyka na papunta na sa kanila. Ngumiti ng malapad ang Kuya niya ng makita ito. Napapailing na lamang siya. Kinuha niya ang laptop bag nito at naglakad na sila patungong labasan ng sitio. 

Sa di kalayuan ay natanaw nila si Blake na naghihintay sa kanila. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na halatang basa pa mula sa pagligo. Siniko siya ng kuya niya. Tinapunan niya ito ng masamang tingin pero ngumiti lang ito sa kaniya na halatang nang-aasar. Ng matanaw sila ni Blake ay kumaway ito habang nakangiti. Kumaway din silang tatlo. Napabuntong-hininga siya 

NAPAKAGANDA TALAGA NIYA sigaw ng isip niya. 

Ng makalapit sila ay agad itong yumakap kay Lyka, sa kuya niya, at sa kaniya. Kinuha naman niya ang laptop bag nito. Siya din namang labas ni Stan sa Gate nila. Napatingin silang apat dito. Ngumiti naman ito ng makita sila. Nagtama ang tingin nila. Nagumpisa ng mag-bunjee jumping ang puso niya. 

HAY LAGI NA LANG KAPAG NAKIKITA KITA aniya sa sarili. 

Nagtitigan sila saglit bago muling ibinaling nito ang tingin sa Kuya niya. 

"Good morning." bati nito sa kanila na nakangiti. 

Napakagwapo nito kahit naka-uniform lang. Natatawang napailing si Tommy

"Wala na, andito na ang crush ng bayan." anito. 

Lalong napalapad ang ngiti ni Stan lumabas tuloy lalo ang malalalim na dimples nito sa magkabilang pisngi. Siya namang pagdaan ng jeep, kaya't pinara naman ito agad ni Tommy. 

"Siya mauna na ako sa inyo. Ingat!" anito 

"Ingat!" chorus nilang apat.

Lumapit sa kaniya si Stan at kinuha ang Laptop bag ni Lyka sa kamay niya saka sila sabay-sabay na naglakad patungong eskwelahan. 

Pagpasok nila sa Gate ng school, lahat ng dinadaanan nilang estudyante ay napapatingin sa kanila. Napapagitnaan ni Stan at Tammi si Blake at Lyka. Si Lyka ay nasa may tabi ni Stan at si Blake naman ang nasa tabi ni Tammi. Kinikilig ang iba. Ang iba naman ay naiinggit. Lalo na si Jenny na kung pwede lang matunaw si Blake sa tingin ay baka natunaw na niya ito sa titig niya. Lalo na ng hawakan ni Tammi ang kamay nito habang paakyat papunta sa building nila. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Sasha. Bumuntong-hininga ito.

"Jen, I think it's better to give up." anito, napalingon siya dito 

"He is not what he used to be." dagdag pa nito

"I am his first." sagot niya na halatang naiinis habang naka-tiim bagang na muling tumingin kay Tammi at Blake.

"I should be his only one." dugtong niya na pilit pinipigil na pumatak ang luha, 

"I should be the one standing next to him." dagdag pa saka palihim na pinahid ang luhang nagsimula ng pumatak. 

Hinagod-hagod naman ni Sasha ang likod niya.

"I heard. Si Andrew ang makaka-partner ni Blake sa JS Prom." anito, napalingon siya sa kaibigan

"Si Andrew? Paano mo nalaman?" aniya

"Narinig ko nag uusap sila sa room ng Emerald kanina pagdaan ko. Pinagyayabang ni Andrew na kinausap ni Stan ang Uncle niya na Chairman ng SGO para makapartner si Lyka pumayag naman daw si Chairman as long as papayag si Blake na makapartner si Andrew." kwento nito. 

Nabuhayan siya ng loob at agad napangiti.

"So kung papayag si Blake. Hindi na kailangan ni Tammi na i-cancel yung pangako niya sa akin?" aniya na hindi mapigilan ang tuwa. 

Tumango naman ito,

"So kung ako sayo kausapin mo si Blake. Kasi si Blake lang ang pag-asa mo." anito. 

Tumango siya at muling lumingon kay Tammi na may hawak na walis tingting at naglalakad papunta sa likod kasunod si Stan. 

"Bakit kasi siya tumigil mangligaw noon?" tanong niya 

"Sasagutin ko na sana siya noon eh." dagdag niya pa, bumuntong hininga si Sasha

"Hindi naman niya kasalanan na maging karibal ang Captain nila. Sa tingin ko kaya siya tumigil dahil dun." anito

"Pero ganun ba kabilis maglaho ang pag-ibig Sash?" aniya, yumuko ito at muling hinaplos ang likod niya. 

Maya-maya ay nag-ring na ang Bell. Nagtungo na sila sa classroom. Sa may pintuan ay nakasabay niya si Tammi. Nagtama ang tingin nila, ngumiti ito. Ngumiti din siya saka pinauna siyang pumasok nito bago sumunod sa kaniya. Ng makaupo ay nilingon niya ito at muling nagtama ang tingin nila. Muli niya itong nginitian sumagot lang din ito ng ngiti saka naman dumating ang teacher nila sa first subject. 

Nakatingin siya kay Jenny. Pinagmamasdan niya ito, alam niyang kay Tammi ito nakatingin lalo't halata ang saya sa mga mata nito. Lumingon siya kay Tammi. Nakita niya itong nakatingin din kay Jenny at bahagyang nakangiti. Tumingin siya kay Stan na katabi nito. Bahagya siyang nagulat ng makitang nakatingin sa kanya si Stan. Ngumiti siya dito at gumanti naman ito ng ngiti. Bumuntong hininga siya at binawi ang tingin sa binata. Ng Dumating ang teacher nila sa first subject at sabay-sabay silang bumati ng 'Good Morning'. Tumingin sa kaniya si Lyka habang binubuksan niya ang assignments niya.

"Natapos mo ba lahat ng assignments mo Beauty?" tanong nito. 

Tumingin siya dito at nakangiting tumango. 

"Hay ang dami no." dugtong pa nito. 

Tumango lang siya ulit saka pilit na ibinalik ang focus sa klase. 

I'M SORRY LYKA HINDI KO PA KAYA MAGING NORMAL aniya sa isip at lumingon sa gawi ni Tammi. Nakatingin naman ito sa teacher nila at nakikinig. 

I NEED YOU TAMMI bulong niya sa isip 

I HOPE I CAN COUNT ON YOU dugtong pa saka muling binawi ang tingin at nagfocus na sa klase. 

PE Subject

Nagbibihis si Lyka sa Girls Locker Room kasama ang ibang mga babaeng kaklase nila. Inipit niya ng Pony Tail ang mahabang buhok para hindi istorbo sa kaniya. Volleyball ang topic nila this week kaya naman this time ay i-a-apply nila ang natutunan during discussion. Kulay Blue ang uniform nila sa PE. Sa gilid ng pants sa kanan ay ang abbreviation ng pangalan ng school. Sa kaliwa naman ay ang letters na PE. Sa T-Shirt naman sa likod nakasulat ang Apelyido sa harap ang Logo ng school. During Thursday and Friday ang PE nila kaya sa mga araw na ito baon nila ng PE uniform nila. Ng matapos siya magbihis ay lumapit siya kay Blake na nag-susuot ng rubber shoes. 

"Ipitan na kita." aniya at kumuha ng suklay at pony tail sa kanyang purse at inumpisahang ipitan ang kaibigan. Hindi naman ito gumalaw hanggang matapos siya. 

"Done." aniya.

Tumayo si Blake at humarap sa kanya habang inaayos ang T-Shirt. Nakatitig siya dito. Mas matangkad ito sa kaniya. Hanggang balikat siya ito. At sa malayo man o malapitan ay maganda talaga ng kaibigan niya. Ngumiti siya at ngumiti din naman ito. 

"Bakit?" tanong nito, umiling siya

"Wala." sagot niya 

"Ang ganda mo kasi.." dagdag niya. Ngumiti ito na parang nahihiya.

"Binobola mo ako ha." anito na nangingiting napayuko. 

Hinawakan niya ang baba nito para i-angat ang mukha nito at iharap sa kaniya.

"Hindi ako nambobola. Napakaganda mo talaga." aniya, nagtitigan sila,

"Kapag hindi ka tumigil. Hahalikan kita." anito, natawa siya

"Hahalikan mo ako?" aniyang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

"Oo." sagot nito, lalo siyang natawa, natawa na din ito,

"I dare you do that." aniyang natatawang hinamon ito at namewang

"Oy nanghahamon." anitong tumatawa na rin

"Oh bakit? Nakatitig pa rin ako sayo oh kasi gandang-ganda ako sayo" pangbubuyo niya pa.

 Napailing ito at tumingin muli sa kaniya. Maya-maya ay kinabig siya nito at napayakap siya dito.

"You asked for it." anito saka siya binigyan ng isang mainit ngunit banayad na halik.

Nagulat at nanlaki ang mata niya hindi niya inasahang papatulan siya ng kaibigan sa pangbubuyo niya dito. Napakapit siya sa T-shirt nito. Saglit lang ang halik na yun pero sapat na para ang kaba ng dibdib niya ay pahinain ang tuhod niya. Dahan-dahang humiwalay ang labi nito sa kaniya, tumitig sila sa isa't isa.

"Beauty." nasambit niya, ngumiti ito,

"Congratulations. You just got my first kiss." anito sabay dampi ng isa pang halik sa noo niya bago siya binitawan sa pagkakayakap sa baywang 

"Tara na." aya nito.

Hindi pa din siya gumalaw sa kinatatayuan. Nagugulumihanan sa mga nangyayari. Nanatili pa siyang nakatayo bago muling narinig ang tawag ni Blake. Sumunod naman siya na puno pa din ng kaba ang dibdib.

Pagdating sa court ay nakita niya ang mga kaklaseng lalake at babae na pumaligid kay Blake. Normal na ang ganitong eksena sa tuwing may PE sila. Kahit ano kasing ipasuot mo kay Blake ay umaangat ang kagandahan nito. Lumingon ito sa direksiyon niya at ngumiti ng makita siya. Kinawayan siya nito na lumapit. Pinilit niyang pawiin ang kaba sa dibdib niya at nagtungo dito. Inakbayan siya nito habang masayang nakikipag-usap sa mga kaklase. Binati naman siya ng mga ito at ngumiti din siya in return. Muli siyang tumingin kay Blake. 

BAKIT PARANG OKAY LANG SIYA? tanong niya sa sarili 

WALA LANG BA SA KANIYA NA HINALIKAN NIYA AKO KANINA? aniya sa isip. 

Tumingin siya sa labi nito napabuntong-hininga siya 

THAT WAS MY FIRST KISS TOO YOU KNOW aniya sa isip saka ibinaling ang tingin sa net na nakaayos na sa gitna ng court. 

"Tara Pretty laro tayo." aya nito saka hinila siya papunta sa gitna ng court. 

Sumunod lang siya dito. Kinuha nito ang bola na hawak ni Tammi. Lumapit sa kanila ang ibang gustong maglaro pati si Sasha at Jenny na pumunta sa side nila. Ngumiti siya sa kanila. Ngumiti din naman ang mga ito sa kaniya. 

"Kulang pa kami ng dalawa." sigaw ni Blake lumapit si Carly kasama ang isa pang babae.

"Pwede sumali?" anito, lumingon sila dito

"Sige." sagot ni Blake. 

Nakangiti itong lumapit kay Blake at kinuha ang bola mula dito,

"Pwede ba akong libero?" tanong nito kay Blake, tumango naman ito. 

"Sure." sagot nito. 

Tumingin sa kaniya si Blake, kinabahan nanaman siya 

"Ikaw?" tanong nito

"Kahit saan." aniya habang kinakabahan. 

Pumwesto si Sasha sa gitna, magaling na setter kasi ito. Si Blake at Jenny ang sa magkabilang gilid. Matatangkad kasi ang tatlong ito. Magkaka-height sila. Siya, si Carly at yung isa pang babae na ang pangalan ay Cheska ang nasa likod. 

Nag umpisa ang laro. Nakita niyang seryoso si Blake at Jenny sa laro kahit na friendly match lang ito. Kakatingin niya kay Blake ay hindi niya namalayan na ang bola ay papunta sa kaniya. Buti na lang at mabilis si Carly at nasalo nito ang bola at naipasa ito kay Sasha pero na out balance ito at nadapa. Napatakbo sila palapit dito. 

"Okay ka lang?" tanong ni Blake. Tumango ito.

"Okay lang ako." sagot nito, nakita niyang hinaplos ni Blake ang noo nito

"May gasgas ka sa noo. Sure ka okay ka lang? Dalhin kita sa infirmary." anito, ngumiti ito

"Okay lang ako. Makita lang kitang worried sa akin okay na ako." sagot nito, napakunot ng bahagya ang noo ni Blake

"Ha?" tanong nito, tumayo ito 

"Wala, tayo na, balik na tayo sa game." sagot nito at naunang bumalik sa laro. Sinundan naman ito ni Blake. Lumingon ito sa kaniya.

"Okay ka lang?" tanong nito habang naka-thumbs up, tumango siya. 

"Focus tayo guys. Magseserve na sila." ani Sasha, ibinalik nila ang focus sa laro lalo na siya na mula ng halikan siya ni Blake ay hindi na napakali ang isip at puso niya.

Nang matapos ang laro sila ang nadeclared na winner. Competitive talaga si Sasha, Jenny at Blake. Pag pinagsasama silang tatlo sa court hindi talaga ito nagpapatalo. Magaling din si Carly kahit injured ito ay ipinakita nito ang galing sa paglaro. Pumasok sila sa Girls locker room para magbihis. Nakita ni Blake ang gasgas sa tuhod ni Carly ng maghubad ito ng pants. Nakita niyang kinuha nito ang first aid kit sa bag niya.

"Carly." tawag nito, 

Lumingon ang dalaga, lumapit si Blake dito at hinawakan sa braso ang dalaga at inalalayan papunta sa bench. 

Pinaupo nito ang dalaga at saka naglabas ng cotton ball at panglinis ng sugat. Pumunta siya sa bench na malapit sa dalawa at pinagmasdan niya ang kaibigan, 

NAPAKABAIT TALAGA NI BEAUTY, aniya sa isip tumingin siya kay Carly. 

Nakita niya kung paano nito tingnan si Blake. Para siyang dalagang nakatingin sa lalakeng nagugustuhan. Bahagya itong nakangiti na nakatitig sa kaibigan niya. Nakaramdam siya ng inis, 

GRABE NAMAN SIYA MAKATINGIN KAY BEAUTY, aniya sa isip. 

Nilagyan ni Blake ng band aid ang gasgas sa tuhod at siko. Naalala nito na may gasgas din ito sa bandang noo. Tumayo ito at iniangat ang baba ni Carly para mapatingala ito at makita niyang mabuti ang gasgas nito. Sa buong time na ginagawa ito ni Blake ay hindi inaalis ni Carly ang tingin sa kaibigan niya. Nilinisan din ni Blake ang sugat nito doon maya-maya ay nakita niyang napatingin si Blake dito kay Carly. Nagtitigan ang dalawa saglit, ngumiti si Carly kaya ngumiti din si Blake saka nilagyan ng band aid ang sugat. Napairap siya.

"Thank you." ani Carly, tumango naman si Blake,

"You're welcome." sagot ni Blake. 

Saka niya nakitang tumingin ito sa direksiyon niya umiwas siya ng tingin dito at kinuha ang bag niya. Lumapit ito sa kaniya,

"Babalik na ba tayo sa classroom o kakain muna tayo?" tanong nito sa kaniya.

"Balik muna tayo sa room para mailagay ang gamit natin." sagot niya,

"Okay." anito saka kinuha ang bag at umakbay sa kaniya at sabay sila lumabas ng Locker room. 

Bago tuluyang makalabas ay nilingon pa niya si Carly na nakita niyang nakatingin sa kanilang dalawa. Tumingin siyang muli kay Blake, pinagmasdan niya ito, 

SUPER ATTRACTIVE SIYA NA KAHIT BABAE NATOTOMBOY SA KANIYA, aniya sa isip ng bigla itong lumingon sa kaniya

"Bakit?" tanong nito, umiling siya,

"Wala." aniya,

"Ang galing ni Carly no. Bagay na bagay siyang libero." anito, tumango siya, 

NOW SHE IS ADMIRING HER sigaw ng isip niya.

Kumaway ito ng makita sila Tammi at Stan na nag-aayos ng kakainan nila. Kumaway naman pabalik ang dalawa. 

"Beauty." aniya 

"Hmmm?" anito

"That was my first kiss too." aniya, 

Napahinto ito kaya napatingin siya dito. Nagtitigan sila 

"Now I know how a kiss felt like." dagdag niya

"Galit ka ba?" tanong nito na halatang nagi-guilty

"No." agad niyang sagot 

"Hindi ako galit. Nabigla lang ako kasi hindi ko inaasahan na gagawin mo talaga eh." dagdag niya, napakamot ito

"I'm sorry." anito 

"I'm sorry for taking away your first kiss." dagdag pa, niyakap niya ito

"Don't say sorry. It's not your fault. Sumobra lang ako sa pag-tease sa iyo." aniya saka muling tumingin kay Blake at ngumiti 

"Tara na." aya niya at nauna ng naglakad papunta sa classroom.

Sa di kalayuan naman ay nakatingin sa kanila si Carly. Naka-fix ang matalim na tingin nito kay Lyka. 

"I should be the one she is hugging." anito sa sarili 

"I will make sure to take her away from you." dagdag pa na may halong galit at inis.