webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · Historia
Sin suficientes valoraciones
32 Chs

KABANATA X

Pitong buwan na akong nagdadalang tao, pahirap ng pahirap pero mas lalo akong nagagalak dahil papalapit na ang araw na makikita ko na ang anak namin ni Carlos, masaya ako dahil malapit na at kaunting tiis nalang. Narito ako ngayon sa casa nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana habang nagtatahi ng mga damit, masayang tignan ang tanawin sa labas, ang mga taong naglalakad at ang mga punong sumasabay sa hangin, tahimik ang paligid at abala ang lahat sakani kanilang gawain. Bigla kong naalala si Carlos pag mga ganitong araw ay bumibisita siya dito saamin at pumapasyal kamil sa mga parke at iba't iba pang mga lugar, naalala ko pa nung pumunta kami sa San Pedro Makati o Sampiro, kay tagal nang binyahe namin noon, dumaan kami sa Rio Pasig (Ilog Pasig) para mas mapadali ang paglalakbay, napakaganda ng Sampiro, lalo na ang itinayong simbahan ng mga heswita na tinatawag nilang Buenavista dahil sa nakapuesto ito sa magandang lugar, lugar kung saan natatanaw ang ilog pasig na kahit sino ay maakit sa ganda, dumaan kami noon sa San Pedro Makati para puntahan ang kamag anak nila Carlos at para bumili na din ng mga adobe at ladrillo (brick) na gagamitin nila Carlos para sa ipapatayong capilla (Kapilya) nila para sa mga taga San Francisco na nakaalinsunod sa apilyido nila. Masaya kaming sinalubong ng pamilya nila sa Sampiro, may simpleng handaan, mga isdang nahuli mula sa ilog at mga tanim na galing sa lupa ng San Pedro Makati, may mga manok din na alaga ng kapamilya nila Carlos. Masaya ang naging salo salo namin noon, at dumaan din kami panandalian sa Tagig, para bumili ng bigas dahil sikat ang tagig sa bigas na inaani nila. Naging masaya ang buong araw na iyon, hinding hindi ko malilimutan iyon, kaya ito ako ngayon mas lalong nangugulila kay Carlos, sana ay nandito siya sa tabi ko ngayon, sana kasama ko siya ngayon para hindi ako nangungulila ng lubos. Patuloy ako sa pagisisip kay Carlos nang may kumatok sa aking pintuan.

"Señora Esperanza pasensya na po sa distorbo pero Señora mayroon pong naghahanap saiyo sa labas" Si Rosalinda pala ang kumakatok, agad ko siyang pinagbuksan ng pintuan at nginitian

"Sino daw ang aking panauhin?"

"Si Heneral Ethan po Señora"

"Ano daw ang kanyang sadya at bakit siya naparito?"

"Hindi ko din po alam Señora pero mayroon po siyang dalang bulaklak baka po manliligaw sainyo ay mali, pasensya nap o señora hindi nap o mauulit ang pagiging lapastangan ko" nginitian ko si Rosalinda at hinawakan sa braso

"Ayos lang Rosalinda, huwag kang manghihingi ng tawad saakin wala ka namang ginawang kasalanan" nginitian ko ulit siya at binitawan ko na ang kaniyang braso, inalalayan ako ni Rosalinda pababa ng hagdanan, dahan dahan kaming bumaba ng hagdan at nakita ko si Ethan na nakatingin saamin, nakangiti siya at nakaayos talaga siya, nakaplantsa nang maayos ang damit at nakapomada pa siya, hindi ako sanay sakanyang ayos pero masasabi ko na mas naging guapo siya. Nilapitan ko siya, binate niya ako at ganoon din ako, iniabot niya ang bulaklak saakin at inilapag ko muna iyon ng panandalian sa lamesa.

"Ano pong sadya niyo ngayon Señor?"

"Uhm ano kasi Esperanza, uhm"

"Ano po iyon Señor?"

"uhm kasi, ba-balak ko sana, uhm I will going to court you, I mean li-ligawan ki-kita" Nagulat ako sa tinuran ni Ethan, hindi ko lubos maisip na liligawan niya ako, napatulala ako sakanya

"Ku-kung a-ayos lang"

"Pero po Señor, alam niyo naman po ang sitwasyon ko ngayon, ako po ay pitong buwan na pong nagdadalang tao"

"Ayos lang saakin Esperanza, I will going to take care of you and your child, aalagaan ko kayong dalawa"

"Señor kasi, pasensya na po pero mahal ko pa din po si Carlos"

"Handa akong maghintay Esperanza, I'am willing to wait anytime, kahit gaano pa katagal, kahit abutin pa ako ng ilang taon ay handa ako dahil mahal kita Esperanza" napapikit at napayuko ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya, naawa ako kay Ethan, hindi ko alam kung hanggang kailan siya maghihintay, ayaw kong paasahin si Ethan, ayaw ko siyang saktan pero anong sasabihn ko

"I Love You Esperanza, I really do" nakatingin siya sa mga mata ko, nangungusap ang kaniyang mga mata na parang may gustong iparating, masakit para saakin na iibigin niya ako pero hindi ko siya kayang ibigin

"Ma-marami pang iba diyaan Señor, makakahanap ka pa ng iba pa pong magmamahal saiyo, hindi ako ang nararapat sa pagmamahal na ibinibigay mo saakin"

"I don't care about anyone, Tanging ikaw lang ang mamahalin ko Esperanza"

"Pero Señor, ayaw kong saktan ka"

"Kung sakit lang din naman ang madarama, mas mabuti nang saiyo ko ito makukuha"

"Kahit saakin mo pa ito makukuha, kung hindi ko pa din kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo, balewala ang sakit kung ikaw lang din ang tatamasa"

"Mahal kita Esperanza, lahat ng sakit ay dadamhin ko para lang saiyo Esperanza" Hinawakan niya ang mga kamay ko at tumingin sa mga mata ko

"Bibigyan kita ng panahon upang makapagisip Esperanza, kahit gaano katagal, kahit kailan ay handa akong maghintay"

"Pagod na po ako Señor, dispensa" inilalayan ako ni Rosalinda paakyat habang dala ng isa pang ayudante ang bulaklak na binigay ni Ethan, nilingon kong muli si Ethan bago umakyat, nakatingin siya saakin, nginitian niya ako at kumaway, nginitian ko nalamang siya pabalik, alam kong sa likod ng mga ngiti niya ay ang lungkot na nadarama niya dahil hindi ako pumapayag na magpaligaw sakanya, pero pinapakita niya pa din na masaya siya, tuluyan na akong umakyat sa hagdan at dumiretso sa cuarto, sumilip ako sa bintana at nakita kong inihatid na ng ayudante at ni mama si Ethan palabas, bago siya sumakay sa kalesa ay tumingin siya sa direksyon ko, muli kaming nagkatitigan at nginitian niya muli ako bago pumasok sa loob ng kalesa. Nalungkot ako ng bahagya tinignan kong muli ang bulaklak na binigay saakin ni Ethan, ang mga bulaklak ay bulaklak ng Baino (Lotus) kulay pula at puti ang mga bulaklak, mas lalo akong nalungkot dahil ang kahulugan ng bulaklak ng Baino ay pag-ibig, compasion at kadalisayan o pureza, naalala ko bigla ang kwento ng pag-iibigan nila Juan de Salcedo at ni Prinsesa Kandarapa (Gandarapa) na pamangkin ni Lakandula, bago noon maglayag si Juan de Salcedo ay tumayo siya sa isang bato sa may bunganga o estuario ng ilog pasig ng mapansin niya ang si Kandarapa sa may tabing dagat agad nahulog ang loob niya dito, ganoon din naman si Kandarapa, subalit tinutulan ito ni Miguel Lopez de Legazpi na lolo o abuelo ni Juan de Salcedo, pati na din si Lakandula ay tutol din sa pag iibigan nilang dalawa. Bago tumungo sa Vigan si Juan de Salcedo ay ginugol niya ang buong gabi niya kasama si Kandarapa, mga mahihigpit na yakap at matatamis na halik ang pumuno sa buong gabi ng dalawa. Nang tumungo si Juan De Salcedo sa bandang ilocos ay itinatag niya ang Vigan, nanganib ang pamumuno ng mga español sa bansa dahil sa pagsugod ng mga piratang tsino na pinangungunahan ni Limahong, namatay ang conquistador na si Martin de Goiti, nagtungo pabalik sa maynila si Juan de Salcedo para kalabanin ang mga pirata, napatay niya ang hapon na kapitan ng mga pirata na si Kapitan Sojo, tumakas ang mga pirata dahil sa pagkatalo at bumalik muli ng tsina. Nagantimpalaan si Juan de Salcedo ng Encomienda sa Vigan, kapangyarihan at karangyaan ay nasakanya niya ngunit dahil sa pagkaulila kay Kandarapa ay nagdulot ito ng matinding kalungkutan sakanya at kakulangan sakanya. Nakagawa naman ng paraan si Kandarapa upang ibigay kay Salcedo ang liham at isang bulaklak ng baino (lotus) laman ng sulat ang pangako ni kandarapa na mananatili siyang matapat at patuloy na mamahalin si Salcedo magpakailanman, pero di nagtaggal ay nawalan ng komunikasyon ang isa't isa. Naging malaking hadlang si Legazpi sa pagiibigan ng dalawa, sinunog ni Legazpi lahat ng sulat ni Salcedo kay kandarapa. Kaya nagkaroon ng maling usap-usapan na si Salcedo ay nagpakasal sa anak ng Hari ng Laoag at namatay sa gitna ng laban, umabot ang balita kay Kandarapa nagdulot ito ng matinding pagkalungkot at namatay si Kandarapa na dala ang sakit dahil sa maling akala. Nang bumalik si Salcedo sa maynila upang mapuntahan ang minamahal at mapatunayan ang pagiibigan nila ay huli na ang lahat, isang masamang balita ang bumungad sakanya. Kaya bumalik siya sa Ilocos na dala ang sakit at pighati, dahil sa isang ekspedisyon ni Salcedo ay nakakuha siya ng malaria at nagdulot ito ng matinding lagnat sakanya. Naghanap siya ng maiinom na tubig at ng makakita siya ay ininom niya at binasa ang sarili sa sobrang lamig na tubig, pagkaraan ng ilang oras ay kinumbulsyon siya at namatay. Nakita sa bulsa niya sa may dibdib ang tuyong bulaklak ng daino (lotus) na ibinigay ni Kandarapa sakanya. Patunay na ang pagiibigan ni Kandarapa (Gandarapa) at ng Conquistador na si Juan de Salcedo na walang lahi o antas sa buhay ang pag ibig, na sa pag ibig ay walang imposible, na kahit pagsubok ay haharapin para sa pag ibig na dalisay.

Kinuha ko ang isang bulaklak, mayroong nahulog na kulay putting papel sa sahig, aking binasa ang nakasulat sa papel, isa iyong tula mula kay Ethan

Thy love is pure for thee

Thee is everything to me

For thee I will do everything

I Love Thee

Than the vast ocean and wide sea

I Love Thee

More than the flowers and trees

I expect nothing to thee

Nothing means love for me

Even thee will not love me

I will still love thee until my last breath