webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
54 Chs

Chapter 49

Xyzrielle's PoV:

"Ready na ba ang lahat? Ang una nating game is *tudtudtudtudtud* Saluhin mo ang itlog ko!" The host said that makes the crowd laughed. May pagka-ibang meaning kasi 'yon.

I scanned my group's reaction. Sina Athena at Ella lang ang hindi tumatawa. Luh. Magbestfriend nga talaga.

Si Stacey atsaka Jared nga ay tuwang-tuwa eh. Pumasok na naman sa isipan ko 'yung situation nila Stacey at Margarette ngayon. Shocks.

"So ang first game natin is consists of 8 members. Ang matitira ay para sa next game. Pumili na kayo kung sino ang maglalaro sa inyong group."

Inexplain din ng host kung paano ang mechanics ng game. By partner pala ito. Each partner ay may panyo. Dito dapat maglaland 'yung itlog. Kapag nagland na sa panyo ay ipapasa nyo naman sa next partner by throwing. Syempre, bawal gumamit ng hands. Kaya dapat ay tantyado ang binibigay na lakas para hindi mabasag 'yung itlog. Once na mabasag 'yon ay automatic na talo na kayo kaagad.

"So, sino gustong maglaro sa first game?" Tanong ni Jared. Sya ang captain ng group namin.

May mga nagtaas ng kamay. I guess, sasakto na 'yon sa 8.

"Oh Xyzrielle, hindi ka sasali?" Tanong ni Justin na syang katabi ko bukod kay Athena.

"Hindi eh. Sa next game na lang siguro ako." I answered to him.

"Huh? Bakit naman?"

"Hindi kasi ako magaling sumalo." At yumuko pa.

Opo, tama kayo ng pagkakabasa. Ito ata ang hindi ko na master na game eh. Baka kapag ako ang sumabak doon ay automatic na talo na kami kaagad. Suddenly, I heard a tss and a whisper besid me.

'Pafall ka kasi. Kawawa siguro ako kapag nagkataon.'

Ayokong mag-assume pero kilala nyo naman siguro ang katabi ko diba? Imposible namang si Justin 'yon dahil tumayo na rin sya maya-maya. Napaisip ako sa narinig kong bulong.

Sa paanong paraan ako naging pafall? Hindi naman ako nanghuhulog. Hmp.

Wait. Aha! Alam ko na! Baka hindi talaga ako ang sinasabihan non. Oo nga, tama. Ang talino mo talaga kahit kailan, Xyzrielle.

Si Jared at ang 7 pa naming kakampi ang pambato ng group namin. Mukhang katulad ko ay hindi rin muna nagparticipate sina Erin at Margarette.

"Ang unfair naman siguro kung laging sa A tayo magsisimula. Why don't we start with team J and team I?"

Whooo! Mabuti naman at sa huli mag-iistart. Maganda na rin 'yon at magkakaroon kami ng idea kung paano ang takbo ng game.

Nagsimula na ang laban ng Team J at Team I. Masasabi ko ngang mahirap. More on timing at dapat alalay lang sa lakas na ibibigay nyo para masalo rin ng susunod na partner. Team I ang nanalo sa unang game.

Maya-maya ay nagtuloy-tuloy na ang flow ng game hanggang ang team namin at team C na ang maglalaban. Ang mananalo ay may points na kaagad at may chance na makuha ang prize.

Umabot ng ilang minuto ang laro at halos tutok na tutok ang lahat. Kinakabahan tuloy ako huhuhu. I'm playing with my hands to prevent from being nervous.

Pero mukha atang napalakas 'yung pagkabato ng isang pair mula sa Team C kaya ang ending, kami ang nanalo.

Yehey! We're now jumping in joy. We're also celebrating for our victory. Peeo syempre, hindi masyadong malakas.

Hinayaan muna kami ng host na magdiwang ng ilang saglit bago magproceed sa susunod na game.

"What a good start we have there, students?! Alright, let's go to the next game that is entitled as *tudtudtudtudtud* Pass Me Baby!"

Sinimulan na nyang iexplain kung paano ang mechanics ng game. 7 players ang maglalaro dito. Bawal ng sumali ang mga players sa naunang laro.

So bale, pabilisan ito. Cheese ring pala ang pagpapasa-pasahan. Mas maraming mailagay na cheese ring sa box ay mas maganda dahil mataas ang chance na manalo kayo. Straw ang gagamitin bilang pagpasa sa susunod na player. Pwedeng gumamit ng kamay basta't hindi mismo hahawakan 'yung straw.

Sinimulan na naming ipwesto ang sarili namin. Ganto ang pagkakasunod-sunod :

Kaye - Ako - Athena - Ella - Erin - Margarette at Stacey

Pansin ko lang na lahat pala kami ay babae. Okay 'yon. Girl Power, let's go!

Binigyan na kami ng tig isa-isang straw at masasabi kong malaki ito. Mukhang pahirapan kapag ipapasok sa butas. Kailangan talagang madiskarte ka.

"Ready... Set... Go!!!"

Sabay-sabay na nagsimula ang lahat ng grupo. Mayroon din na katalagang teacher na magsisilbing watcher para walang mandaya.

Medyo nahirapan kami gawa dahil ang hirap ishoot. Grabe naman huhuhu. Bakit ba kasi ang liit ng butas nito? Argh. Nakagagawa naman naming ipasa kaso mabagal nga lang.

"Try to imagine that you're kissing me." Automatic na nanlaki ang aking mata at napanganga dahil sa sinabi nyang 'yon. Is that for real?

I gulped. Nagwawala na naman ang puso ko sa kilig. Hindi ko alam kung paano nasabi 'yon ni Athena gayong may straw sa bibig nya.

Magrereact na sana ako nang magsalita syang muli.

"Wag kang magsalita. Naisip ko lang 'yon na strategy."

I nodded and tried to do what she said. Imagine. Imagine. Imagine.

At tadaaa!!! Tama nga si Athena. Mabilis lang na naipasok ang cheese ring sa kanya. Medyo bumilis-bilis kami dahil mukhang nakuha na rin ng mga kateam ko ang technique. 

Hindi ko alam kung ilang minuto ba ito basta't nakarinig na lang kami ng isang malakas na tunog na nagsasabing tapos na.

"Oh damn." I heard someone said. Kilalang-kilala ko kung kaninong boses iyon.

I looked at her and I saw na parang kinakabahan sya. Bakas ito sa kanyang mukha. Pero kahit na ganon ay hindi pa rin nabawasan ang gandang ni Athena.

I slowly slipped my hands on her. Nakita kong napatingin sya sa akin.

"It's going to be fine." I said. I gave her a reassuring smile. She didn't respond but I felt that she held my hands. Now, magkahawak na ang aming mga kamay. Our fingers are etangled on each other with no spaces in between.

Pumunta ang isang teacher sa harapan. May hawak syang mic. Mukhang i-aanounce nya kung sino ang nanalo ah.

Napapikit ako ng wala sa oras. I'm silently praying. Okay lang kahit hindi kami ang 1st. Nag-enjoy naman kami. Dagdag points na lang po na nahawakan ko 'yung kamay ni Athena.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, students. Ang may pinakamaraming nailagay na cheese ring ay ang team... A! Congrats!"

Waaahh! We're now celebrating with so much joy and happiness.

Ang galing! Parang nabuhayan ako sa aking narinig. Na-energize ako. I'm excited to be part of the upcoming programs.

Tuwang-tuwa kaming lahat dahil nakaka dalawa na kami. Sana ay magtuloy-tuloy pa ito para Palawan, here I come~

_____//_____

Hindi namin namalayan na maggagabi na pala. Marahil ay dahil masyado kaming nag-eenjoy. Sa lahat ng game ay halos kami ang panalo. Ang pinakamatindi namin talagang kalaban ay ang Team C, ang dati kong grupo.

"Hey, kakain na raw." I said to Athena. Sya nga pala ang makakasama ko isang kwarto. Double deck naman kaya okay lang. Ako sa top at sya sa bottom.

Hindi ako ang nagdecide nito kung hindi 'yung admin. Sabi kasi nila na kung sino raw ang katabi mo sa upuan sa bus ay sya na lang na karoommate mo para less hussle.

Dapat talaga ay si Shane 'yon. Kaso kashare nya na 'yung isa nyang frenny. Kaya no choice ako.

"Yeah. Susunod na lang ako sa cafeteria."

Pagkatapos non ay dumiretso na rin ako sa cafeteria. It's dinner time na kasi. Mukhang nagpaiwan pa si Athena. Before namin ilagay ang aming mga gamit, we took a bath first. Syempre, para refreshing sa pakiramdam.

"Babe, tara. Sabay na tayo." Pag-aya ko kay Shane matapos ko syang makita.

We ordered first. Iginaya ko na sya sa table nila Erin matapos nitong kumaway sa akin. She's motioning to come. Andito rin pala ang nga kaibigan ni Athena. Sya lang ang wala. Maya-maya rin ay pupunta na ang isang 'yon.

"Uhm... sorry." I said to Shane na syang katabi ko.

"Huh bakit naman?" Confusion is written on hee face.

"Wala lang. Naguguilty kasi ako."

"Huh? Kung 'yung sa Team namin ang iniisp mo, okay lang 'yon. It's just a game. Nothing serious." She said and gently squeezed my hands. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon. She really knows me.

Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa isang taong kadadating lang dahil pabalang at pabalya itong umupo. At sa harapan ko pa talaga. Napakalakas ng itim na aurang nagmumula sa kanya. Hindi rin maipinta ang kanyang mukha.

Hmmm... Baka may period sya kaya ganyan.

We keep our mouth shut dahil baka mamaya, matrigger itong si Athena at magbuga nalang bigla ng apoy. Grr. Nakakatakot.

"Babe?" Pagtawag-pansin sa akin ni Shane. I hummed as an answer.

"Free ka ba after nitong trip?"

Napaisip ako bigla. "Yeah. Wala naman akong gagawin."

"Pwede bang pafavor?" She whispered. I wonder what is it. I felt uneasy dahil ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin. Nakakatakot ang mga titig na ibinabato sa akin.

"Sige, basta ba keri ko lang."

"Ipapakilala sana kita sa parents ko." Nagylat ako dahil sa sinabi nya kaya hindi ko maiwasang mapasigaw. Naka-agaw 'yon ng atensyon ng mga kasama ko rito sa table.

"You okay there, Xyz?" Jared asked me.

"Oo naman. Sorry, guys. Ito kasing si Babeang hilig magbiro." I'm shy. Hindi ko alam kung bakit but I just earned a kick from someone.

Ang una kong tinignan ay ang taong nakaupo sa harapan ko. At mukhang tama nga ako na sya ang may gawa non. She's giving me her famous death glares. Nakita ko kung gaano kahigpit ang pagkakawak nya sa kanyang kutsara.

I gulped. Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"So babe, anong masasabi mo?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Shane. Pabigla-bigla naman kasi sya eh.

"Dali na pweaseee~" She said at mas lalong pinacute-an ang kanyang boses. Eto pa naman ang kahinaan ko. Jusko po.

She held my hand as if she's pleading me. Mukhang wala na akong magagawa kung hindi ang um-oo.

Akmang magsasalita na sana ako nang may walang habas na tumayo. That person loudly slammed the table. Nagitla kaming lahat dahil doon.

Doon ay nakita naming lahat ang walang emosyon na si Athena. Nakakatakot salubungin ang kanyang mga tingin. Parang nag-aapoy sa galit ang kanyang mata.

Walang pasabi syang naglakad papaalis. Hindi man lang nya inubos ang kanyang pagkain. Sayang naman. Ano na naman kayang nangyari sa kanya? Masakit ba ang kanyang puson?

"Very wrong, Xyzrielle." Nakangising turan ni Ella. Ano kinalaman ko roon? Wala naman akong ginagawang masama ah.

"Bakit kasi sa harapan nya pa kayo naglandian? Aish." Stacey said habang umiling-iling.

Huh? Anong landian ang sinasabi nya? Hello~ Kumakain lang po ako rito nang mapayapa.

"Oh eto, ice cream. Sundan mo ang isang 'yon tapos ibigay mo ito." Jared said. Nagulat ako dahil may hawak-hawak na syang ice cream. Saan nya kaya nakuha 'yon?

"Sige, sige. Thank you." I said kahit na naguguluhan. Sinunod ko na rin ang sinabi nila. I biddes my goodbye to them bago ako tuluyang umalis.

Hindi ko alam kung nasaan si Athena ngayon. Napahinga ako nang malalim. I decided to search her outside but to my dismay, wala akong makita ni isang tao.

Ilang minuto na akong naghahanap sa kanya. When suddenly, I remembered something. Hindi ko pa pala napupuntahan ang room naming dalawa. Sana naman ay andoon na sya.

I quickly made my way to our room. Nakita kong nakabukas ang pinto noon. I silently celebrating in joy. Ako at si Athena lang ang makapagbukas non dahil kami ang may hawak ng susi.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob at isinara ang pintuan. Para na rin walang makarinig ng pag-uusapan naming dalawa. Ibinaba ko na rin muna ang ice cream na hawak ko at inilagay 'yon sa isang table.

"Hey.." I said ngunit hindi man lang sya agresponse sa akin. Yakap-yakap nito ang kanyang tuhod habang nakayuko.

"Athena." Umupo ako sa kanyang tabi. Pero wala pa ring epekto sa kanya. Hindi man lang nagbago ang kanyang posisyon.

"Anong nangyari?" I asked but this time, tumingin na dya sa akin. Doon ko nasilayan ang hindi maipintang mukha nya. Ang cute.

"Bakit ka andito? Doon ko na lang sa Babe mo!" Nakasimangot nitong turan sa akin. Napatawa naman ako.

"So that means, 'yon ang dahilan kaya ka nagkakaganyan?"

"Definitely no! Argh! You know, dapat ay hindi mo iniwan ang babaitang iyon. Kahit magsama pa kayo riyan, wala akong pake! Hmp." She said at umub-ob na uli.

I heaved a deep sigh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko. I started to gently stroke her hair. Wala akong narinig na violent reaction mula sa kanya. I guess, it's okay to do that.

"Come on, tell me."

"Anong problema ng Athena ko?" Malambing kong turan. Marahang hinaplos-haplos ko ang kanyang pisngi. Napakaganda nya talaga.

Mukhang nakuha ko ang atensyon nya dahil doon.

"I hate you."

"I hate you and that Shane the Snake."

"Puro kayo landian! Nakakairita. Nakakaasar. Ang pangit nyo sa paningin sa totoo lang. Ang sakit sa mata. Nakakasira ng araw." She's really mad.

"She's my friend, Athena." Malumanay kong saad. Narinig kong napatawa sya. Ramdam na ramdam ko ang sarcasm doon.

"Oh really? Magkaibigan? Sinong niloko mo? Ako? Kung umasta ang Shane na 'yan, akala mo jowa! Baka naman kasi magka-ibigan na kayo!"

"Ayun ba ang kinagagalit----" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang sumabat sya bigla.

"Shut up! You're asking me what's my problem right? Wag kang magsalita hangga't hindi pa ako tapos." Masungit nitong turan kaya napazip na lang ang aking bibig.

Nagsimula na syang mag rant ng kung ano-ano tungkol kay Shane. Halatang inis na inis si Athena. Pero bakit? Wala namag ginagawang masama 'yung tao.

"Duh. Kung tutuusin ay napakalaki ng pagkakaiba namin ng Snake na 'yon. Literal na mas lamang ako. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa kanya...."

Bago pa mapaos ang boses ni Athena.

Bago pa sumakit ang tenga ko dahil sa kakasigaw nya.

At bago pa matunaw 'yung ice cream.

Ginawa ko na ang sa tingin ko ay dapat kong gawin.

'Yung makakapagpatahimik sa kanya.

She's busy talking when I pulled her closer and kissed her lips. Yup, 'yan sa tingin ko ang makakapagpatahimik sa kanya.

Sa una ay nagpupumiglas pa sya ngunit maya-maya rin ay nakuha na ni Athena na tumugon sa aking halik.

I started to gently bit her lower lips. I inserted my tongue on her which she gladly accepted. This time, I let her to be the dominant between us.

Ang halik ni Athena ay naging aggressive at madiin. Halatang inis sya. Pero hindi ako nagreklamo. I let her do what she wants. I smiled when it turned into a passionate kiss.

She ended our kiss. I noticed that she's sitting on my lap. Nakakandong sya sa akin habang ang mga kamay nya ay nakapulupot sa aking batok. Nakatingin sya ng diretso sa akin. And damn, parang nahihypnotize ako.

"I'm sorry." She said. To say that I'm surprised is an understatement. Imagine, nag-apologize lang naman ang Queen Bee ng University sayo.

"Woah! Isa pa nga. Dali. Parinig pa ako." Saad ko at pinacute pa ang aking boses. She just rolled her eyes to me. Napakaattitude talaga ng babaeng ito kahit kailan.

"Na-uh. Ayoko ng ulitin pa. Kalanan mo na 'yan kung hindi mo narinig." Mataray nitong turan. I shooked my head and giggled.

"Stop laughing!" She said and smacked my arms. Awww... parang natuwa lang. Hmp.

I composed myself first. I slowly wrapped my arms on her waist. She did the same on my nape. Nakaangkala ang kanyang kamay sa aking batok. Our bodies are touching.

Napapikit ako nang mariin. Namiss ko 'to. I'm craving for her touch and hugs.

"I'm sorry." She said and buried her faace on the crook of my neck. Marahang hinaplos-haplos ko ang kanyang likod.

"I'm sorry too if I make you feel that way. Pero bakit parang ang init ng dugo mo kay Shane?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Hey! Don't even utter her name. Nakakaasar." She said at sumimangot pa. I giggled because of that. Confirmed. Mainit nga ang dugo nya kay Shane.

Para hndi na mabuhay uli ang kanyang inis, naisipan kong yayain syang kumain ng ice cream na ibinigay ni Jared sa akin.

"Gusto mo ba ng ice cream?" Nakita kong patang nagningning sa tuwa ang kanyangmga mata.

"Oo! May dala ka ba?" Energetic nitong saad. Parang nawala ang kanyang inis. She's like a child who's eager to get her treats. So cute.

"Oo, mandyan sa may table." Pagkatapos kong sabihin 'yon, parang naging si The Flash si Athena dahil napakabilis ng kanyang kilos para makuha ang ice cream. Nakita ko na lang na nilalantakan na nya ito.

I guess, ito ang pamparelieved nya ng stress or nagpapakalma sa kanya.

"Athena.." I called her again. May favor kasi ako. Sana naman ay okay lang 'yon sa kanya.

"What?" She asked while eating.

"Uhm... pwede bang tabi na lang tayo?" Nakita ko kung nagsalubong ang dalawa nyang kilay dahil sa sinabi ko. Pero dapat ay mapapayag ko sya.

"Hindi ako malikot. Hindi rin ako manggugulo sayo." I added at tinaas pa ang aking kamay na parang nanunumpa.

She rolled her eyes to me. "Duh. Wala kabang kama? Tsk. Sige na nga! Just hug me later kapag matutulog na tayo."

"Pwede bang ngayon na?" Hirit ko pa. I placed my hand on her waist and hugged her from behind.

"Aba! Abuso ka na ah!" She said pero hindi nya naman tinanggal ang kamay ko sa kanya. I giggled because of that.