webnovel

Prologue

Takbo ako ng takbo hanggang sa hindi ko na alam kung saan patungo ang lugar na ito. I know by this time na ito na ang katapusan ko, but I have to run fast dahil may kailangan pa akong tapusin at sa akin nakasalalay ang buhay niya. Matagal na akong nag mamasid pero iniwawaksi ko lang sa isipan ko. I did'nt study psychology or physiology but I know I have the potential to read mind and action. Instinct lang yan e, pero pag nagpaka bobo ka naman talagang wala ka nang maasahan sa huli.

Wala akong alam kung ano ang plano nila but one thing is for sure, they want him replace by another person pero hindi ko alam kung sino and I don't want to think further than that. Ang kailangan ko lang intindihin ngayon ay kung paano makalabas dito.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko ng biglang nahulog ang mga mumunting kahoy mula sa itaas. Naiwasan ko naman iyon. Hindi ako tumigil sa pag takbo habang iniilagan ang mga kahoy at....

bato!?

F*ck this sh*t

Bumagal ako sa pag takbo nang makita sa hindi kalayuan ang malaking pader na naka harang sa harapan. I can already smell my death.

"If you won't stop running, I would never hesitate to pull this fucking trigger and shoot you senseless"

Nanghina ako ng marinig ang boses na iyon. Gumulo ang isip ko. Why is he here? Don't tell me alam na niya? At kung alam man niya bakit ginagawa niya ang lahat na ito. I know him. He would never do such thing without thinking. Humarap ako sa kanya. Tumatagaktak ang mga pawis mula sa noo ko pababa sa mukha at leeg. Makikita sa mukha ko ang pagtataka, lito at takot.

"Clayton"

"Don't speak! Just.... don't you fucking liar"

Napakurap ako sa kanyang sinabi. What? Ano nanaman ang kalokohan na ito. Bakas sa mukha niya ang galit, pagsisi, kalungkutan at disgusto. Aakma na sana akong mag salita pero ginalaw niya ang baril na hawak at mas itinututok sa akin. Nasasaktan ako sa kaniyang inasta, wala akong ka ideya-ideya sa mga sinasabi niya. Hinawakan ko ang pader na nasa likod ko at doon kumuha ng lakas. I just can't see the man that I love willing to kill me for no reason. 

"Kuya! Put that gun down!" Sabi ni Clarisse na tumatakbo palapit sa kanya.

"Stay out of this Clarisse" malamig na sabi ni Clay.

Pursugido siya na patayin ako. In that thought it already kill me. I have no idea what's going on and so he is. Napatigalgal ako ng maglakad siya papalapit sa akin without putting the gown down. Kung siguro ikakalabit niya yang baril ay diretso sa ulo ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Namamanhid ang buong katawan ko at hindi na rin gumagana ng maayos ang utak ko.  Humihikbi si Clarisse sa kakaiyak at pilit na hinihinaan ang paghikbi.

"Clayton you have to listen to me, kailangan mo ng uma---- " 

Bang !

Napabalikwas ako ng tumama ang baril sa gilid ko. Tumalsik ang mga maliliit na semento sa mukha ko. Medyo malayo sa kinagagalingan ko ang tama ng bala.

"Ahhhhh! sh*t kuya stop it!"

Lumakas ang iyak ni Clarisse at buong abandonado na building ay naabot ito.

"You don't have any right to call me in my name and stop talking before I could kill you"

Nabaling ang aking atensyon ng may pumasok na mga nakaitim na mga lalaki sa isang sirang pintuan sa gilid ni clarisse. Sa kahulihan na iyon ay si tito Rod at ang mama niya. Umiiyak ang mama niya at pulang pula ang mga mata. Napatitig lang ako kay tito rod na galit na galit at kay tita medel na hindi halos maka hinga sa kakaiyak.

I mentally roll my eyes. I hate this scene, this moment, this scenario at lalong lalo na ako pa iyong dehado.

"Kill that useless, worthless, shameful women Clayton" Utos ng kanyang tito.

"Wh-at !?" Gulat na sabi ng mama niya.

I just smirk.

Binalingan ko ng tingin si Clayton at lumunok. Sobrang galit ang nag uumapaw sa kanya ngayon, tila sarado ang kaniyang isipan at nakain na ng ka demonyohan ngunit gwapo parin.

Clayton, the man in my dreams at nasa harapan ko na siya ngayon. Abot ko na sana pero biglang nakawala. I don't know what happened and I don't have any idea why he act like this but still I love him with all my heart.

Naalarma ako ng sumigaw ang kaniyang tito parang galit na galit.

"You shoud've kill that women already clayton before we got here. She does'nt know what kind of mess she did! She killed your Lolo, Clayton at parusa lamang sa kaniya iyon ang mapatay siya!"

Mas lumakas ang iyak ni tita medel at ni Clarisse. Ako ay nakatulala lang at nakatingin sa kawalan. Patay na si Lolo?

"After all the kindness that we gave to her, ito ang ibabalik niya sa atin? What kind of women did you loved Clayton ? Such a shameful creature"

Gulat na gulat, wala ng kasing gulat ang nangyari ngayong araw. P-patay na si lolo? At ako ang pumatay? His beloved Lolo is dead kaya ganyan nalang ang galit niya sa akin. Hindi na ako magaakala kung bakit ganito ang sitwasyon ngayon.

I look at her mom, his tito and lastly his sister, clarisse. Kahit kailan hindi ko magawang mag loko sa kanila at manakit lalong-lalo na si Lolo. I look again at tito Rod who's fuming mad and Tita medel na humihikbi sa gilid at nakatungo lang ang ulo.

I just smirk at that thought at umiling-iling pa pero bago pa ang lahat ay biglang namanhid ang aking katawan at nanghina. Hindi ko na halos maramdaman ang aking katawan. Napaluhod ako dahil sa kahinaan. Dahil sa kahinaan ay napahiga ako sa sementong sahig. Hindi ko na kayang imulat pa ang mata dahil sa balang na tamaan ang aking hita nadagdagan pa ito sa kabilang hita ko.

Nakita ko si Clayton na gulat din sa nangyari. I just smile knowing nagawa talaga niya ang bagay na iyon. Before I could close my eyes ay lumabas sa aking labi ang katagang hindi ko rin inaasahan na noon ko pa sana sabihin sa kanya.

Mahal kita.