webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · Horror
Sin suficientes valoraciones
115 Chs

Chapter 41

Crissa Harris' POV

Day 14 of zombie apocalypse

Nakakabilib ang epekto sakin ng pagkakaumpog ko sa matigas na kaldero. Can you believe it? Halos isang buong araw akong nakatulog. Paggising ko that day, may kirot sa noo ko. Pero hindi ko na napansin pa masyado yun dahil napako na ang atensyon ko dun sa iba. Kumpleto ang buong squad namin na nakapalibot sa kama na hinihigaan ko. And truth be told, hindi ko lubos maunawaan yung mga itsura nila.

Sila Harriette, Alessandra, at Renzy, mukhang namumugto ang mga mata at kagagaling lang sa iyak. Si Sedrick at Lennon, nag-aalala. Si Alex at Elvis, nakatingin lang sakin habang binabato ako ng tingin na sanay-na-kami-sa-kakulitan-mo. Si Renzo at Tyron naman, mas hindi ko maexplain. Parang constipated na ewan. At nung madako naman ang tingin ko kay Christian, bigla akong umiwas. Nanlilisik ang mata nya sakin. Para bang gagawin akong sisig anytime. Huhuhu.

Hindi naman daw talaga sila masyadong nag-alala dun sa pagkakauntog ko dahil mababaw lang ang sugat na nakuha ko. Pero nung maggabi na at hindi pa rin ako nagigising, unti-unti na raw silang kinabahan. Baka raw sa time ng paggising ko, hindi ko na sila makilala dahil nagka-amnesia na ako. Pero nung sumapit ang midnight, dun na talaga sila tuluyang nasiraan ng bait kakaisip sa kalagayan ko.

At para raw may matinding kalungkutan na bumalot sa katawang-lupa nila kaya nagawa nila ang mga susunod na nakakalokong mga bagay na ito:

(In no particular order)

Harriette- nagkaroon ng emotional breakdown at nagtangkang kitilin ang sariling buhay. Sa loob ng banyo, naabutang nagpeprepara sa gagawing pagbibigti. Mabuti na lamang, stretchable garter ang nakagamit nyang pambigti imbes na lubid.

Alessandra- nagpresintang magbibihis at magme-make up sakin kapag humimlay na ako. Namataang nanghuhuli ng undead para pagpracticeang make-up-an. At sa sobrang tuwa sa kinalabasan, biglang niyakap ang undead at nakagat sya sa dibdib. Salamat nalang at 5 inches ang kapal ng foam ng bra na suot nya kaya yun ang natamaan ng ngipin ng undead at hindi sya natuluyan.

Renzy- nagpresintang sya na ang bahalang mag-arrange sa bulaklak na ilalagay sa puntod ko. Pero dahil wala syang makita na anumang bulaklak sa paligid, chicharong bulaklak nalang ang ginamit nya. At kung saan sya sa nakakuha noon, may isang source na nakapagsabing nakita daw sya na nagda-disect ng undead at kinukuha ang mga bituka noon.

Sedrick- nangahoy magdamag sa may kagubatan dahil nagpresintang gumawa ng kabaong. Sa sobrang puyat at pagod, natulog sandali at doon humiga. Nakulong siya doon ng anim na oras at nasabi rin ng source, kung hindi pa nila narinig ang impit na pag-iyak niyon, malamang hanggang ngayon, nandoon pa rin siya at nakakulong.

Alexander- hindi kinaya ang sakit na nangyari sa akin kaya humanap ng karamay sa katauhan ng alak. Nagpakalango-lango siya at nang malasing, namataan siyang naghahamon ng suntukan sa isang grupo ng undead na naglalakad. Hindi niya tinantanan iyon hanggat hindi siya kamuntikan nang malapa ng buhay.

Elvis- pinanawan ng katinuan dahil sa nangyari. Namataan sa labas na nagsasayaw na parang si Mr. Bean. Ilang oras ang lumipas, namataan nalang siya nilang source na nagpasok ng undead sa loob at ipinakilala na si Crissa iyon. Kaibigan niya raw iyon at soon to be wife.

Lennon- sumulat ng isang makabagbag damdaming awitin na gagawing pangunahing himno para sa lamay ko. Sinabi ng source na naisulat umano ang kanta sa loob lang ng isang oras dahil sa dadalawang salita lang ang lyrics nito (Goodbye Crissa..) Nahuli rin di umano ng ilang source na nagre-rehearse ito sa loob ng banyo habang nakahubo at gamit ang pamboba ng inidoro bilang mikropono.

Tyron- nagmukmok magdamag at nadiskubreng nagkukubli sa loob ng isang aparador. Sinabi rin ng source na noong magtagpuan nila ito, umaawit ito ng isang himig na nakakaantig ng damdamin. Kapansin-pansin din daw ang biglaang pagiging mukhang panda nito dahil sa makapal na eyeliner na nakapalibot sa kabuuan ng mata nito. May mangilan-ngilan din daw ito umanong hiwa sa braso gamit ang blade.

Christian- dis-oras ng gabi, namataan sa likod-bahay na nagsasagawa ng ritwal upang maihatid ng mapayapa ang kaluluwa ng yumao. Sa ibabaw ng mga umaasong uling at baga, nagsayaw siya ng kantang Dessert habang nakasuot ng bahag. Kapansin-pansin din ang mga nakasabit na laman-loob ng undead sa buong katawan nya base sa salaysay ng source.

Renzo- naghanap ng iba't-ibang improvised na gamit para gamitin pag-embalsamo sa katawan ko. Nakiusap sya sa lahat na sana, kahit sa huling pagkataon man lang, mamanyak nya ako. Sya na raw ang bahala sakin. And in the end, lahat naman ay pumayag sa mumunting hiling nya. Sinabi rin ng ilang source na nagbanta daw sa mga buhay nila ang lalaki na ito mapapayag lang sila.

Kahit alam kong puro kalokohan lang lahat nang yon, hindi ko na rin napigilan na mapahagalpak ng tawa. Bumalikwas ako sa pagkakahiga at sinapo ko yung tiyan ko na sumasakit na. Nung madako naman ang tingin ko sa kanilang lahat, dun nako nagpasyang tumigil na. Lahat sila naka poker face lang nanakatingin sakin.

"Tsk tsk. Pagpasensyahan nyo na. May tama na talaga yang kakambal ko. Labas muna kayo dun. Kakausapin ko lang saglit ng kami lang dalawa." sabi ni Christian habang itinutulak papalabas yung siyam.

Bumalik sya sa tabi ko pagkatapos. Tinignan nya ko ng seryosong-seryoso kaya napalunok naman agad ako.

"H-hehe. Hi kambal. Namiss mo ko?.. Hehehehe.." sabi ko sabay peace sign. Ang gulat ko naman nang bigla nya kong kutusan. Dun mismo sa parte ng noo ko na may sugat.

"A-awww.. B-bakit ba?.." tinapik ko yung kamay nya.

"Bakit ha? Ang kulit mo talaga e no? Hindi mo ba alam na alalang-alala kaming lahat sayo? Halos isang buong araw kang natulog. Akala namin, di ka na magigising." sabi nya ng malumanay at kalmado. Damang-dama ko sa boses nya yung pag-aalala nila sa akin na sinasabi nya.

Hinaplos-haplos nya yung buhok ko.

"Nakaramdam ka lang ng kaunting buti, naglamyerda ka na agad. Yan tuloy. Hindi ka lang nabukulan. Pumutok pa noo mo. Ano ba naman kasing naisipan mo at lumabas ka kahapon? Buti nalang daw at nasalo ka ni Tyron nung mauntog ka sa hawak ni Renzo na kaldero. Kundi, doble pa tama mo.."

Si Tyron ang nakasalo sa akin at hindi si Renzo?.. Oo nga naman. Paano ako masasalo ni Renzo ng buong-buo kung hawak nya yung kaldero? Ano yun, nashoot ako sa loob?

Pero nakakatuwa naman and at the same time nakakagulat na si Tyron talaga ang nakasalo sakin. Si Renzo lang ang nandoon nung oras na yun. Paano nangyaring nandoon na rin sya agad? Nakakapag teleport lang?

"Crissa.. Di mo pa sinasagot ang tanong ko."

"A-ah, chineck ko lang yung van natin. Baka dumihan ng undead e. Alam mo na, alagang-alaga ni Jackson sa linis yun tapos, yuyurakan lang ng undead?. H-hehehe.." palusot ko. Ayoko pang ikwento yung tungkol dun sa papel na nakita ko. Hindi pa ito yung time.

Mukhang hindi kumbinsido yung itsura ni Christian dahil kumunot ang noo nya. Pero maya-maya lang din, tumango na sya sakin. Nakahinga naman tuloy ko ng maluwag.

"About dun sa mission namin kahapon, wala sa bahay nila Alex yung mga parents nila.." sabi nya.

"Wala? Edi hindi nyo na rin sila hinanap sa buong village nila Alex?.."

"Yep. Si Alex na rin naman na ang nagdesisyon e. Kaya aangal pa ba ako? After all, syempre nasa kanya pa rin ang final decision dahil pamilya nya yun."

Bakit nag give up agad sila Alex? Siguro, inisip nila na baka kung ano yung nangyari sa parents nila Renzyo ay ganun na rin ang nangyari sa parents nila. Kahit wala pang confirmation, tinanggap na nya agad.

Tumayo si Christian at kinuha yung mga weapons nya.

"Aalis ka?" tanong ko habang pinagmamasdan syang ilagay sa holster yung baril nya.

"Oo. At dyan ka lang. Hindi ka kasama."

"Di mo na kailangang sabihin dahil wala rin naman akong balak sumama." sabi ko sabay irap. Pag umalis sya, makakapuslit ako at magagawa ko na ang gusto ko. Hihihi.

"Sinisigurado ko lang. Dahil kilalang-kilala na kita. Dyan lang naman kami e."

"Ano ba kasing gagawin nyo? At sinong kasama mo?"

"Maglilibot lang kami ni Tyron."

Marahas akong napabalikwas sa higaan. At kinapitan ko sya sa balikat.

"Sama ako!!" sigaw ko. Kumunot naman ang noo nya sakin.

"At bakit? Dahil gusto mong makasama si Tyron?"

Bigla akong kinabahan..

"A-ah, hindi! G-gusto ko lang ding maglibot!" depensa ko. Bumitaw ako sa kanya tapos humilata na uli ako sa kama. "Tsk. Bahala ka na nga. Matutulog nalang uli ako dito kung ayaw mo."

"Mabuti pa nga. Dahil kahit ano pang pagmamakaawa na gawin mo, hinding-hindi pa rin kita isasama. Magpahinga ka na lang dyan." sabi nya sabay labas. Napangisi agad ako.

Akala mo lang yun kambal. Hahaha. As soon as makaalis kayo, pupuslit ako at susundan ko kayo..

Bigla namang bumukas yung pinto at dumungaw si Christian.

"Huli ka! Wag kang ngumiti-ngiti dyan. I just want to remind you that, walo pa rin silang nagbabantay sayo. At wala ka pa ring takas.." nginitian nya ako ng nakakaloko tapos umalis.

Sumilip ako mula sa bintana at nung makita ko sila ni Tyron na medyo nakalayo na, ngumisi uli ako at dali-dali akong nagpalit ng simpleng jeans at shirt.

Naisahan ko uli si Christian. Hehehe. Hindi ako pwedeng lumabas kaya dito na lang sa loob ng bakuran ko gagawin ang gusto ko. Aba naman, isang buong araw na akong natulog, hihiga pa ba uli ako? Baka naman magka-bed sore na ko nyan. Syempre kailangan kong gumalaw-galaw muna. Tutal naman, okay na rin ang pakiramdam ko. Hehehe.. Ano kayang mainam na gawin?

Ah alam ko na!

***

"Crissa, ano ba namang pumasok sa isip mo at pinilit mo kong gawin natin to?"

"Tumahimik ka, Renzo. Basta gawin mo nalang."

"Baka umuwi na sila Christian. Paniguradong gugulpuhin ako nun pag nahuli nya tayo."

"Hindi tayo mahuhuli kung magmamadali tayo. Bilisan mo na nga lang kasi. Napapagod na ko e."

"Napapagod ka na pala e. Itigil na natin to."

"Hindi pwede, Renzo. Tatapusin natin to. Hindi ko ugaling magsimula ng isang bagay na hindi ko tatapusin. Ayoko ng nabibitin. Ganadong-ganado pa man din ako ngayon."

"Maling-mali kasi Crissa. Alam mo ba magiging bunga nitong ginagawa natin? Maaaring sakin wala, pero sayo malaki. Inaalala lang naman kita."

Itinigil ko saglit yung ginagawa kong pagkukusot sa mga damit tapos dumakot ako ng soap suds at ipinukol ko sa mukha nya.

"Drama mo naman, Renzo. Ano naman ngayon kung maglaba ako ng damit ha? Laki naman ng problema mo. Para kang constipated." sabi ko sabay irap.

"Yun nga ang problema e. Naglalaba ka kahit kagagaling mo lang sa sakit. Tignan mo nga. Damit nating lahat ang nilalabhan mo ng mano-mano. Napakarami. Mabibinat ka nyan e."

"Kaya ko nga hiningi ang tulong mo diba? Kailangan kasi natin ng mga reserbang malilinis na damit. Lalo pa at wala na tayong permanenteng lugar. Gala na tayo simula ngayon." nakayukong sabi ko.

Masakit mang isipin pero ganun talaga. Kahit hindi sinabi ni Christian, alam kong wala rin syang balak na magstay kami dito permanently. One of these days, aalis na kami.

Sa panahon naman kasi ngayon, wala nang SAFE na lugar. Pero SAFER, meron. Kaya sigurado rin akong magpapagala-gala na talaga kami.

"Tss. Pasaway ka nga talaga. Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod, hindi na ha? Idadamay mo pa ako e. Pinapabantayan ka samin ni Christian tapos sa huli, kakasabwatin mo pa ko sa kalokohan mo." umiiling na sabi ni Renzo. Niyakap ko naman sya. Bait talaga nito ni Renzo.

"Hehehe.. Sorry na. Promise last na to."

"Pasalamat ka at di kita matanggihan. Tapusin na natin to tapos magpahinga ka na ha?"

"Yes boss! Hehehe." niyakap ko pa sya lalo pero ginulo nya yung buhok ko. Nabasa tuloy ng may sabon.

"Hmp. Ganon ah?" sumalok ako ng isang tabo tapos binuhos ko sa ulo nya.

At ayun, nagbuhusan na kami parehas.