webnovel

#15. Sa makabagong henerasyon

Platapormang walang kwenta,

Mga kandidatong nalulong sa pera;

Kabataan ay lumalaban,

Para sa susunod na halalan

Kasinungalingan ay pinili,

Sapagkat ang salita'y ibinahagi;

Araw-gabi parang maydebate'

Palaboy-laboy pa sa kalye

Balita'y laganap na laganap dito,

Kanya-kanyang pang-unawa ho!

Naglalakihang mga ngiti,

Senyasan ay nakakubli

Pagkatapos ng botohan,

Wala na akong naramdaman;

Naglaho sila na parang bula,

Buong akala'y ito na ang simula.