webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
69 Chs

Nothing More, Nothing Less (1)

"Mari Alyssa, bumangon ka na nga dyan at tulungan mo ang ate mo sa pag-eempake."

Tiningnan ko lang saglit si Mama bago ulit ako pumaling sa sandalan ng sofa. Buong umaga na akong nakahilata sa sofa namin pagkatapos kong tumugtog ng isang buong pyesa. Dalawang linggo na lang at patapos na ang Mayo. Ibig sabihin din patapos na ang bakasyon kaya itong si ate malapit na din umalis ng bahay. Sa Maynila kasi siya mag-aaral at Arts and Design ang track na kukunin niya.

"Magandang hapon po!"

"Sige iho, doon ka muna sa salas, tatawagin ko lang si Liza."

Bumukas ang pinto at iginalaw ko ang ulo ko para tingnan kung tama ba ang hula ko kung sino ang dumating.

"May dala akong ice cream. Nasaan na yung tatlo?" tanong niya habang may hawak hawak siyang plastic bag.

Mas madalas pa dito si Lance sa amin kesa sa dalas kong makita si Stan. Pagkatapos nang nangyari noong grad ball, nagsimulang iwasan ako ni Stan. Natigilan siya sa sinabi ko at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko mawari kung lungkot ba o pagkadismaya dahil binigo ko siya. It was just like I felt I was driven into a corner and I wanted him to only look at me, see the real me. I had been so selfish, and I betrayed our friendship.

Nagsisi kaagad ako pero masyadong huli na ang lahat para bawiin ko pa iyon. Hihingi sana ako ng patawad pero biglang may kumulbit sa akin, si ate. Tinanong niya ako kung pwede daw ba magpapicture yung kaklase niya. Tiningnan ko si Stan pero umalis na siya bago pa man ako makasagot kay ate. Kaya ayun, malungkot siguro yung kaklase ni ate na nagpapicture kasama ko dahil sobrang pilit ang mga ngiti ko.

Noong uwian naman, wala na si Stan doon sa table nila. Tanging PS Vita at charger na lang ang nandoon. Pinadalhan ko naman agad siya ng text pero wala akong reply na natanggap at kahit noong tinawagan ko siya, hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tinawagan ko din siya sa telepono sa bahay nila pero ang nakuha ko lang ay ito. "Naku, iha, dumiretso na kaagad sa kwarto niya pagkauwi. Sasabihin ko na lang bukas na tumawag ka."

Kinabukasan ay nagtext pa din ako at tumawag sa cellphone niya pero kahit isang salita wala akong nakuha. Syempre, tinawagan ko din siya sa bahay nila pero sabi ni Tita umalis daw at natanong pa ako ni Tita kung magkagalit ba kami ng anak niya.

Hinayaan ko siyang magpalamig ng isang linggo. Hindi ako nagtext, tawag at kahit ano wala. Natapos ko na yung laro pero inantay ko pa din ang Sabado bago ako nagtext sa kanya. May dahilan na uli ako para makita siya. Sa halip na matuwa ako dahil nagreply na siya sa wakas ay lalo akong nadismaya. Dalawang salita lang ang laman ng text niya. Saka na.

Sinabi ko kasi na tapos na ako doon sa laro at isasauli ko na yung PS Vita niya. Idinagdag ko pa na okay lang sa akin na kahit ako pa ang pumunta sa kanila para isauli sa kanya. Dahil hindi ko inaasahan na sasagot siya sa text ko, pinangunahan ko na siya at papunta na ako sa bahay nila nang natanggap ko yung text niya.

Bumalik na lang ako sa amin ng sawian pero hindi pa din ako nawalan ng pag-asa na kakausapin niya ako dahil nagreply na siya sa text ko. Determinado akong ibalik ang pagkakaibigan namin at handa akong itapon ang nararamdaman ko para lang pansinin niya na ulit ako. I may have been desperate when I confessed but I'm even more desperate not to totally lose him.

At noong isang umaga, ihinatid ko ang tatlo kong kapatid kay na Stan pero hindi ako pumasok sa loob. Inantay ko lang sila makapasok nang pinagbuksan kami ng pinto ng papa ni Stan. Saktong pagkalabas ko ng gate nila ay nakasalubong ko siya. Kasama niya si Lance at mukhang kakatapos lang nilang magbasketball.

Hindi ako nakapagsalita at wala din namang sinabi si Stan. Medyo nagulat siguro siya pero biglang napalitan ito ng ilang na kilos siya. Iniwasan niya ako ng tingin at tila hindi niya alam kung kakausapin ba niya ako o magkukunwari na lang siya na hindi niya ako nakita. Sa daming oras kong pinag-isipan kung ano ang mga sasabihin ko sa kanya, ngayong nasa harap ko na siya, nawala lahat.

"Err, Risa," bati ni Lance na medyo hindi siya sigurado kung tama ba yung ginagawa niya. "May lakad kayo?"

I'm sorry ngayon ko lang ako nakapag-upload. If you're following my other story, you must have read why. Anyway, a lot has happened this week. Bad things mostly. Enough of that. Thanks for waiting and reading. I'll try to upload tomorrow as well.

wickedwintercreators' thoughts