webnovel

Chapter 36

Triton's Point of View

Ang kaninang malakas na tugtugin na maririnig sa paligid ay unti-unting humina at ang mga kaibigan namin at ibang ka-klase na nagsisigawan kanina ay natahimik nang marinig nila ang sinabi ni Lei.

"Sorry? Para saan?" nagtatakang napatingin ako sa kanya.

"Sorry kasi hindi na puwede."

"Holy shit!"

"Oh myghad."  Ilan lang iyan sa mga narinig ko mula sa likuran ko kung saan nandoon ang mga kaibigan, ka-klase at pamilya ni Lei.

"Mga anak, halina muna kayo sa loob ng bahay. Hayaan na muna natin silang mag-usap." boses iyon ni Tita Lilia.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang nga yapak nila na papalayo sa kinaroroonan namin kaya naman magkasalubong ang dalawang kilay ko nang mapatingin ako sa babaeng nasa harapan ko habang nakayuko ito.

"P-paanong hindi na puwede, Lei? A-akala ko ba puwede na kitang ligawan ngayong eighteen ka na?"  Halos mautal na ako sa pagsasalita habang tinatanong siya.

"Lei, please tell me the reason kung bakit hindi na kita puwedeng ligawan. May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako? Ano, Lei? Sabihin mo sa akin." sunod-sunod na tanong ko sa kanya at halata sa boses ko ang pagmamakaawa habang hawak ko siya sa magkabilang balikat niya.

"Triton, wala kang nagawang mali. At higit sa lahat hindi ka rin nagkulang." ngayon ay nagsalita na ito at tiningnan niya ako sa aking mga mata.

Nagulat na lamang ako nang makita kong may ilang butil ng luha ang lumandas sa kanyang mga pisngi. Kaya naman lumapit ako sa kanya at tinuyo ang kanyang pisngi gamit ang dalawang hinlalaki ko.

"Kung wala akong nagawang mali at hindi ako nagkulang sa'yo. Bakit hindi na puwede, Lei? Don't tell me, tungkol pa rin 'to sa paghalik ko sa kaibigan mo kaya ayaw mong payagan akong ligawan ka? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad sa kasalanan ko na iyon?" " mahinahong tanong ko sa kanya habang nasa magkabilang pisngi niya ang dalawang palad ko habang siya ay nakayuko.

Walang lumabas na mga salita sa kanyang bibig at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Bakit ka umiiyak, Lei?"

Inangat naman niya ang kanyang ulo at tiningnan niya ako ng mabuti.

"Sorry, Triton. Sana mapatawad mo ako. I'm really sorry." nang sabihin niya iyon ay muling lumandas ang masasaganang luha niya sa kanyang pisngi.

Ako naman ay dahan-dahan kong inalis ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at saka ako lumayo sa kanya.

"Tama nga ako, tungkol pa rin ito sa paghalik ko sa kaibigan mo?"

Nakita ko naman siya kung paano siya umiling.

"Kung gano'n bakit hindi na kita pwedeng ligawan Lei? Bakit?"

"I'm sorry, Triton."

"Bakit may iba na ba?" Hindi ako tanga para hindi malaman ang gusto niyang ipahiwatig.

Nakita ko naman kung paano siya dahan-dahang tumango bilang sagot sa tanong ko.

"I'm really sorry, Triton."

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko ngayon at parang namanhid ang buong katawan ko.

Naalala ko tuloy ang tula na ginawa ni Lei na aking nabasa. Ibig sabihin ba no'n ay kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin? Ni minsan ba 'di niya talaga ako nagustuhan kagaya ng tula na isinulat niya?

"Papaanong may iba? Hindi ba sabi mo gusto mo ako? Kaya papaanong may iba, Lei?"

"Our feelings are not mutual..."

"W-what do you mean? Hindi kita maintindihan, Lei."

"I don't like you, Triton. Simula pa lang hindi na kita gusto. Yes, I admit that I like you pero bilang kaibigan lamang."

Yes, I admit that I like you pero bilang kaibigan lamang.

Yes, I admit that I like you pero bilang kaibigan lamang.

Yes, I admit that I like you pero bilang kaibigan lamang.

Parang sirang plaka na paulit-ulit na naririnig ko sa aking tainga ang huling sinabi niya.

Kaibigan lang ang tingin niya sa akin?  Ibig sabihin tama nga ang hinala ko. Tama iyong nabasa kong tula na ginawa niya. Hindi niya ako gusto dahil kaibigan lang ang turing nito sa akin.

"I'm sorry, Triton pero may iba akong gusto at hindi ikaw iyon." mahinang sambit nito kaya naman umiling ako.

"I don't believe you, Lei. You said you like me when we we're grade seven."

"How could a person stay the same for four years?"

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Pero, sabi mo noon magpapaligaw ka sa akin after your eighteenth birthday. Sabi mo noon magiging official suitor mo ako—"

"Just accept the fact that I don't really like you, Triton."

"Hindi ako naniniwalang hindi mo ako gusto, Lei." madiin na saad ko at saka lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang dalawang balikat na ikinagulat niya. "Hindi ka naman papayag na hintayin kita na ligawan kung hindi mo ako gusto noon pa man 'di ba? Alam kong gusto mo rin ako, Lei at nararamdaman ko iyon kaya hindi ako naniniwalang may iba kang gusto—"

"I like Damon..." lumuwag naman ang pagkakahawak ko sa balikat niya nang marinig ko ang sinabi niya. "and the truth is he's my fiancé."

"You're just joking, right?" kinukumbinsi ko ang sarili ko na nagbibiro lang siya pero nang makita kong umiling siya ay nanlumo ako.

Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang sinabi ni Lei. Parang unti-unting humihina ang pagtibok ng puso ko.

"Hindi ako nagbibiro, Triton. Totoo lahat ng sinabi ko sa'yo. Fiancé ko si Damon at siya ang gusto ko, at ikaw? Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." tinalikuran na niya ako at handa na itong umalis nang muli akong nagsalita.

"Iyong apat na taon ba na ako ang kasama mo at laging nandiyan sa tabi mo, ni minsan ba hindi mo talaga ako nagustuhan?" umiling ito.

"Kahit isang porsiyento lang Lei, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?"

"Wala."

"She doesn't like me, Zapata." wika ko at saka ngumisi sa kaibigan ko at muling tinungga ang hawak kong isang bote ng alak.

Matapos kasi kaming mag-usap ni Lei ay lumabas na ako ng mansion kasama ang kaibigan ko at pinaharurot ang sasakyan papunta sa isang bar. Gusto kong magpakalasing at magpakalunod sa alak para mawala itong nararamdaman kong sakit ngayon.

"Bakit hindi ko man lang napansin iyon? Kaya pala noong nakaraang araw panay ang paghingi niya ng sorry sa akin at hindi ko alam kung bakit. Iyon pala..."

"Triton, lasing ka na. Tama na iyan. Umuwi na tayo." kinuha ni Apollo sa kamay ko ang hawak kong alak kaya naman ipinatong ko na lamang ang ulo ko sa braso kong nakapatong sa mesa.

"Ano pa bang kulang sa akin at hindi niya ako nagawang gustuhin? Gwapo naman ako 'di ba?" tanong ko sa kaibigan ko at nilingon siya na ikinatango naman niya. "inaamin ko namang hindi ako matalino pero madiskarte akong tao. May kaya rin ako sa buhay, at higit sa lahat gagawin ko ang lahat para mapasaya lang ang taong mahal ko. Kaya naman, sabihin mo nga sa akin Apollo kung saan ako nagkulang at bakit hindi pa rin ako nagawang gustuhin ng babaeng mahal ko?"

"Ventura, hindi ka nagkulang.  Kahit sabihin nating ibinigay mo na sa kanya lahat, ang oras, atensyon at mga materyal na bagay, kung hindi ka niya gusto, hindi ka niya gusto. Mahirap ipilit ang sarili natin sa mga taong una pa lang hindi na interesado sa atin." naihilamos ko naman ang palad ko sa mukha ko.

"Nangako kasi siya sa akin na gugustuhin niya rin ako pabalik kaya nga pinanghawakan ko ang pangako niyang iyon ng ilang taon."

"Triton, hindi ba sinabi ko na sa'yo dati pa na hindi ibig sabihin na nangako siya sa'yo ay tutuparin na niya. Iyong iba nga, nangangako pero napapako naman. Kagaya nang ginawa sa'yo ni Lei." tiningnan ko naman siya ng matalim kaya natahimik siya.

"Hindi ako naniniwalang gusto niya ang hilaw na Chinese na iyon, Apollo."

"Pre, tanggapin mo na lang kasi na mas pinili niya ang made in China na kagaya ni Damon kaysa sa'yo." natatawang sambit nito.

"Paano ko tatanggapin e, mas gwapo naman ako sa lalaking iyon."

"Lasing ka na." umiiling na wika ng katabi ko.

Uminom naman muli ako sa hawak kong alak bago ako nagsalita. Isang bote pa lang ang naiinom ko kaya hindi pa ako nalalasing.

"Paano mag-move-on? Gusto kong makalimot. Pakiramdam ko mamamatay ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon." mahinang sambit ko sa katabi ko.

Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ko nang marinig kong tumawa ang katabi ko.

"Bakit ka tumatawa diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Pre, seriously? Mag-m-move-on ka? Hindi nga naging kayo! Hindi ko alam na joker ka pala kapag nalalasing ka." tumatawa pa rin ito.

"Kung sakalin kaya kita ngayon?" pagbabanta ko sa kanya dahilan para tumigil siya sa kakatawa niya.

"Hindi porque walang kayo, wala ka ng karapatang mag-move-on..." napatingin naman kami ni Apollo sa lalaking nagsalita sa may tabi niya habang may hawak itong isang baso ng alak.

"Sino ka naman?"

"Who are you?" sabay na tanong namin ng kaibigan ko sa lalaking bigla na lang nakisabat sa usapan namin.

"I'm Achilles Salvador."