webnovel

To Capture a Flame

Si Rebel ay laking-kumbento at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para maging malaya. Si Bullet ay isang mersenaryo na inupahan upang sundan siya. Isang dalagang rebelde at isang lalaking matalas ang mga mata, saan magtatagpo ang dalawa? Rebel was free! She was done at playing dumb, submissive, and oh-so-obedient. When she turned twenty-one, she got her trust fund. She bought a yacht and planned on a world tour. Bullet was a mercenary who accepts money to hunt a fugitive. And he was commissioned to catch a fugitive lady, Rebel Tiangco. Her name alone said something about her—that she would fight him than let him capture her!

ecmendoza · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
16 Chs

Chapter Nine

"NANDOON ang casino," aniya habang hinahawakan ang isang siko nito.

Pumiksi ang babae ngunit ibinalik lang uli niya ang mga daliri. He took her by the arm again and again, hanggang sa magsawa ito sa kapapalag.

"I'm not going to take advantage of you, Miss Tiangco," pahayag niya sa mababang tono.

Pinukol siya ng matalim na irap ni Rebel. "I find that hard to believe, Mr. Sanchez!"

He shrugged languidly. "Wala akong magagawa, kundi patunayan ang sinabi ko," wika niya.

Nakarating sila sa pinakamalaking casino ng Cebu City, habang nagtatalo.

"Good evening, sir, ma'am," ang magalang na bati sa kanila ng mga tauhan sa kasino.

Ikiniling ni Bullet ang ulo sa mga ito matapos ngumiti nang pormal.

Iginiya sila ng isa sa mga ito patungo sa chips counter.

"Doon tayo," aniya habang hinihila patungo sa roulette table ang pumipiksing dalaga.

He placed a small stack of round chips on a number slot. Ni hindi niya sinulyapan kung ano ang numerong napili.

Nakatutok kasi siya kay Rebel.

This woman is trouble, paalala ng utak niya.

Ngunit hindi pa rin mawaglit ang pasinasyon niya para dito. Daig pa niya ang naengkanto. O nahipnotismo.

"Nanalo ka!" Siniko siya ni Rebel. "Tumama ang numero mo, o!"

Nagpalakpakan ang mga katabi nila. "Buwena-manong buwenas ka, pare," wika ng isang naka-formal suit. "Buti ka pa, tumama na. Ako, paubos na, o?"

Dumampot ng dalawang chips si Bullet at iniabot dito. "Balato mo, pare."

"Salamat!" Inilapag din agad ng sugarol ang mga iyon sa slot na pinili niya. "Babakas na lang ako sa 'yo. Baka maambunan ng suwerte, he! he!"

Hindi kumibo si Bullet pero ikinalat niya ang mga chips para marami ang matayaan.

Napakamot ng ulo ang sugarol nang hindi ang dinikitang numero ang lumabas.

"O, ayan ang huling balato mo, pare." Binigyan niya ng limang chips ang lalaking gustong bumuntot sa kanya. "Ayaw kong mahawa sa malas mo, kaya huwag mo nang ipakita ang mukha mo sa akin."

"P-pasensiya na, pare. Uuwi na lang ako. Salamat dito, ha?"

Napailing na lang si Bullet. "Poor bastard," he muttered to himself. "Isusugal pati ang kaluluwa!"

"Ikaw?" pakli ni Rebel. "Paano ka naman magsugal?"

"You'll see," tugon niya. "Halika, doon naman tayo."

Sa mahabang hilera ng mga slug machines sila humantong.

"Ito ang pinaka-reyna sa lahat ng sugal," pahayag niya. "Ikaw ang maglaro, o." Dumukot siya ng ilang token coins.

"Talaga? At ano naman ang hari?" tanong ng na-curious na dalaga.

"Poker, siyempre." Nakangiti siya nang muling tumingin dito.

Kaya nahuli niya ang kislap ng interes na nasa mga mata ni Rebel.

"Marunong ako n'un, a?"

"Itinuturo ba 'yan sa kum--" Napahinto si Bullet.

"Ano'ng sabi mo?"

"Wala."

Ang slug machine na lang ang hinarap ng dalaga.

Tumawa ito nang biglang bumuhos palabas ang mga coins na napanalunan.

"Suwerte, a?" bulalas nito. Parang musmos sa katuwaan. "Isa pa!"

"Sa iba naman," suhestiyon niya. "Bihirang manalo nang sunod sa slug machine."

Ito na mismo ang naghulog ng token.

At nang muling manalo, nagtatalon na ito sa kasiyahan. "Panalo na naman!"

"Gusto mo pa ba?"

Umiling si Rebel. Abala ito sa paglalagay ng mga napanalunan sa plastic bag na ibinigay ng isang casino attendant.

"Tama na 'to," wika nito nang matapos. "O, saan naman tayo?"

Game si Rebel. Iyon ang naging impresyon niya.

Habang lumalalim ang gabi, nagiging masigla ito sa paglalaro.

Hindi naman sila pulos suwerte. Nakakatikim din sila ng pagkatalo, pero hindi naman malalaki.

Napansin niyang maingat humawak ng pera ang dalaga. Ginagamit nito ang talas ng isip bago magbitaw ng taya.

"Let's have a drink," aya niya rito.

"Sandali, isa na lang." Nakatutok ang paningin nito sa gumugulong na dice. "Baka akin pa ito."

Tumama nga ang dalaga. Ito na naman ang nanalo.

"Last na 'yon. Gusto ko nang umuwi," anito nang sumisimsim na sila ng malamig na pineapple juice.

Tumango si Bullet. "Nagbabakasyon ka lang ba dito?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Rebel. "Hindi. Ikaw?"

"Hindi rin."

"Anong dahilan ba't nandito ka?"

"Business," ang maikling tugon ni Bullet.

Naramdaman niya ang panakaw na sulyap nito sa kanya.

"Tena, ipapalit na natin ang mga 'yan sa counter," aya niya sa dalaga.

Naglakad lang uli sila pabalik sa hotel, kahit na mayroong mga taksing nakaabang.

"Hanggang kailan kayo mananatili dito?"

Tumingin muna sa kanya ang babae. "Depende sa mga kasama ko."

"Marami kang kasama?" paniniguro niya. "Bakit wala kang kasabay kumain?"

"May mga pinuntahan sila. Nagkanya-kanya kaming lakad."

"Kung gayon, maaari ka bang maanyayahang kumain sa labas bukas?"

Hesitante ang dalaga nang magsalita. "Talaga bang nagagandahan ka sa akin?" tanong nito, seemingly spontaneous.

Napamaang si Bullet. With another woman, that question would sound coquettish.

Pero iba nga si Rebel. May istilo ito na kakaiba sa lahat ng mga babaeng nakilala niya.

And he was feeling more and more intrigued.

"Kapag nagkaroon ka ng pagkakataong mabihag ang kapatid ko--gawin mo. Dalhin mo dito si Rebel. Para maibsan na ang paghihirap ng loob at isipan ng Papa namin." This was the secret command of Richie Tiangco. Inihatid siya nito sa pantalan. Magkasama sila sa kotse nito.

"Huhulihin ko siya na katulad ng ginagawa ko sa mga kriminal?" paniniguro niya.

Tumango si Richie matapos magbuntonghininga. "Huwag mo lang siyang sasaktan," dugtong nito.

"Puwede ko bang gamitin ito?" aniya. Ipinakita niya ang tranquilizer gun.

"Ano 'yan?"

"Pampatulog."

Pumikit muna si Richie. Tila biglang nagtalo ang isipan.

"Bahala na. Basta't siguraduhin mong hindi siya masasaktan."

Isang matipid na ngiti lang ang itinugon ni Bullet.

"Hindi mo na ako sinagot?" untag ni Rebel.

Ibinalik niya ang sarili sa kasalukuyan.

"Maganda ka talaga, Rebel," pahayag niya. "Mas lalo na siguro kapag nag-ayos ka."

"Talaga?"

"Oo."

"Bakit parang sigurado ka sa sagot mong 'yan? Nakita mo na ba akong nakaayos?" pananalakab ng dalaga.

Ngumiti si Bullet habang hinahaplos niya ng tingin ang mga pisnging makikinis. Naalala niya ang isang letrato ni Rebel nung ika-labing-anim na kaarawan nito.

"Tell me the truth," utos nito. She eyed him speculatively.

"Kilala mo na ako bago mo ako nilapitan kanina, hindi ba? Ikaw ba ang sugo nina Papa?"

Hindi agad nakasagot si Bullet.

*****

THERE was something powerful that lured her towards this man. He seemed exciting…

And Rebel was not one to resist a challenge.

"O, hindi ka na sumagot?" she chided him. "Hindi ka puwedeng magkaila, Bullet Sanchez. Kaninang muntik mo nang mabanggit ang 'kumbento', huling-huli ka na."

Walang nang nagawa ang lalaki kundi ang umamin.

"You're sharp," ang tanging nasambit nito.

Ikiniling niya ang ulo. "I know," she said modestly. "Ano'ng balak mong gawin sa akin?" she asked him as she delved his deep-setted eyes.

Ngunit sarado ang ekspresyon ni Bullet Sanchez. "Bakit sumama ka pa rin sa akin, gayong may suspetsa ka na?" tanong nito.

Her lips smiled at him daringly. "Gusto kong makilala ang kalaban," tugon niya. "I also find you exciting and stimulating. Just like a potent drug."

He winced slightly. "I'm not a drug," pakli nito. "Do you take drugs?"

"No, I don't," sambit niya. "What about you?"

Umiling ang lalaki. "Kalaban ba ang tingin mo sa akin?"

Hindi muna siya sumagot. "Hindi ka ba kalaban? I bet, ibinilin pa ni Kuya Richie sa 'yo na ibalik ako sa kanila--by hook or by crook."

"That's the idea," he replied reluctantly. "Paano mo nalaman?"

"Ganyan ang palaging ginagawa nina Papa, kapag tumatakas ako sa kumbento noon," pagtatapat niya.

"Hindi ka ba natatakot na baka gawin ko ang gusto ng kuya mo?"

Walang gatol ang pag-iling niya. "Wala na akong dapat na ikatakot. Nakuha ko na ang hinihintay ko."

"Which was?"

"My trust fund," tugon niya. "Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko. Makakapunta na ako kung saan ko ibig--dahil may pera na ako. I'm sure, alam na nila ang tungkol d'on."

Tumango ang lalaki. "Yes, you're right."

Ngumiti uli siya, wala pa ring init.

"Bakit kailangan mo pang tumakas?" tanong ni Bullet, kapagkuwan. "Nasa hustong edad ka na, hindi ba?"

Nagkibit ng mga balikat si Rebel. "Hindi nila ako papayagan. Kukumbinsihin nila ako na mali ang iniisip kong gawin."

"At natatakot kang baka makumbinsi ka?"

"Yeah, you're right," tugon niya. Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga. "Mahal na mahal ko si Papa. Kaya malimit niya akong makumbinsi na gawin ang hindi ko gusto."

Nakita niyang tila naging interesado ang lalaki. "Gusto ka pa rin ba niyang ibalik sa kumbento?"

Tumawa si Rebel. Pagak at malamig ang tunog. "Higit pa r'on ang nais niyang paglagyan sa akin."

"Saan?"

Like it ? Add to library!

ecmendozacreators' thoughts