Chapter 32: Abstruse
Irish's Point of View
"Oh ~ Giliw ko! Miss na miss kitaaaa ~! Sanay lagi kitang kasama" pagkanta ko na may pag wave pa ng boses na nalalaman at walang ganang tiningnan si Reed na nakasalong baba sa upuan niya't pinapanood lang ako. "Oh, 'tapos? Ano nangyari?" Ibinaba ko na nga lang ang mic at ipinatong sa ibabaw ng karaoke. Pagod na akong kumanta.
Pumalakpak naman ang mga customers kaya napahawak ako sa likuran ng aking ulo at nag bow. "Thank you, thank you." Pagpapa-salamat ko. Nandito kami sa karindirya namin, isinama ko si Reed dito nang makasalubong ko siyang naglalakad sa side walk.
Wala siyang partikular na pupuntahan kaya kinaladkad ko siya rito nang matuloy namin ang so-called operation: how to make Haley fall in love with him, kuno. Yuck.
Umupo na nga lang ako sa inuupuan ko.
"Wala, iyon lang. Nag-aalala lang kasi ako dahil madalas siyang wala sa bahay."
Humalukipkip ako. "Nag-aalala ka, eh ba't hindi mo siya sundan nang malaman mo kung saan siya nagsususuot?" Tanong ko sa kanya pero bumuntong-hininga lang siya.
"Ginawa ko 'yan ng isang beses pero nahuli niya kaagad ako. At ayoko ng gawin dahil hiyang-hiya na ako. Nagmukha pa 'kong stalker." Pagtungo niya.
"Bakit? Hindi ba?" Painosente kong tanong kaya sinimangutan niya ako nang tumingala siya para makita ako.
"Nang-aasar ka ba?" Hindi niya siguradong tanong pero nagkibit-balikat lang ako.
Ibinaba ni ate Che ang pitchel na may lamang juice. Isa siya sa mga nagta-trabaho sa karindirya.
Hinawakan ni Ate Che ang braso niya at inalog ako. Binulungan niya ako pagkatapos. "Sino 'tong pogi mong kasama?" Tanong niya habang nakasulyap kay Reed. "Boyfriend mo?" Paglingon niya sa akin kaya umurong ako upang lumayo sa kanya.
"Okay ka lang?"
"Ay, hindi? Edi manliligaw mo?" Tanong pa niya kaya kumunot-noo ako.
"Mali ka," Pag-iling ko 'tapos humawak sa aking dibdib na animo'y proud kong sasabihin ang ibubuka ng bibig ko. "Ako ang kupido sa isang magaling na manhid at torpe na si Haley at Reed kaa hindi mo pwedeng sabihin sa akin na manliligaw ko ang monggoloid dahil hindi pwedeng mangyari iyon." Wika ko na parang nagsasalaysay.
"Naririnig kita." Parang napipikon na sabi ni Reed.
Tumikhim ako 'tapos tinulak na nga palayo si ate Che. "Doon ka na nga, makikita ka ni Auntie. Bulyawan ka no'n--"
"Pogi, pogi. Ayaw mong ligawan 'to? Maganda naman siya. Morena, matangkad, 'tapos matiyaga rin. Bobo nga lang." Biglang bumanat ng pang-aasar, eh 'no?
Hinampas ko ang pwetan niya. "Nakakainsulto ka. Lumayas ka na nga rito." At tinulak ko pa siya palayo na tinawanan naman niya.
"Enjoy kayo." ani Ate Che bago umalis.
Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos tumabi kay Reed. Sinundan naman niya ako ng tingin at kunot-noo akong tiningnan. Nagtaka sa bigla kong patabi sa kanya.
"Excuse me, huwag mo 'kong bigyan ng ganyang tingin, ha? Hindi kita kakainin." Saad ko matapos kong makaupo. Kinuha ko 'yung phone na hawak-hawak niya at kinuha iyon.
"Oy! Ano'ng gagawi--"
Sinenyasan ko lang siya na tumigil bago buksan ang phone niya. Wala siyang password kaya malaya kong nakikita ang home screen. Pero pagka-swipe ko para ipunta sa main menu.
Gusto kong matawa kasi lumitaw 'yung photo ni Haley habang sumusubo ng pagkain. "Gaano mo kagusto si Haley na pati 'yung paglamon niya, kinuhanan mo ng litrato? No wonder kung ba't pag-iisipan ka niya ng stalker." Pang-aasar ko.
Huminga siya nang malalim na parang nagpipigil na maasar sa akin. "Ano bang gagawin mo sa phone ko?" Mainahon niyang tanong sa akin.
Pinindot ko ang contacts at hinanap ang number ni Haley. Hindi naman ako nabigo sa paghahanap ng pangalan niya dahil nakita ko kaagad pero hindi ko nakayanan 'yung contact name niya sa dulo kaya hindi ko napigilan na humalakhak nang malakas. "H-Haley Cutie Pumpkin?" Basa ko ro'n sa contact name niya kaya namula si Reed. "Ang corny corny mo pa lang lalaki ka?" Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang hindi matigil-tigil sa pagtawa. "Alam b-ba ni Haley 'yung endearment na ibinigay mo sa kany-- pfft!" Mas lumakas ang paghalakhak ko kaya kinukuha kuha na niya sa akin ang phone niya.
"Akin na nga 'yan!" Paghablot niya ng phone niya na inilayo layo ko lang.
Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtawa habang patuloy pa rin si Reed sa pagpilit niya sa pagkuha ng phone niya. Subalit nang dahil doon,
...iba na ang nahablot niya.
Ipinagdikit ko ang mga labi ko bago ko dahan-dahang ibinaba ang tingin sa kamay niyang hawak-hawak ang dibdib ko. Gulat na gulat din siya habang tulala ro'n sa hawak niya.
Kumuha ako nang maraming hangin bago ko binigyan nang malakas na sampal si Reed.
Inilapit ko ang cellphone sa tainga ko matapos kong pindutin ang berde na tap call, hinintay na sagutin iyon ni Haley. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko dahil mabilis niyang sinagot. "Hello?" Sagot ni Haley sa kabilang linya na medyo nagpaawang sa bibig ko.
Ang lamig nung boses niya.
Nilingon ko si Reed na hawak-hawak pa rin ang pisngi niyang sinampal ko, nanginginig siya sa pwesto niya.
"Hi, Haley. It's me, Irish." Sagot ko gamit ang malambing na boses. Pang-asar lang.
"Kasama ko si Reed ngayon, did you know that he just groped my--" Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.
"Manahimik ka! Ano'ng sinasabi mo-- Luh!" Tinulak ko siya palayo sa akin.
Bumaling ako sa hindi kalayuan. "Hale--"
"Sorry, kailangan ko munang ibaba. Mag enjoy lang kayo." ani Haley.
"Ha? Sandali--" Hindi na niya ako hinintay na magsalita at binabaan na kaagad.
Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko upang tingnan ang screen. Pinatay niya nga!
"What just happened?" Naguguluhan kong tanong kaya para namang ewan na napasigaw si Reed sa tabi ko habang nakapatong ang noo sa lamesa.
"Wala na! Galit na si Haley sa akin!"
"Ah..." Nasabi ko na lang habang walang ganang nakatingin sa kanya.
Nag crossed legs ako't tumingala. Pero oo nga, mahirap kausapin si Haley kahit boses lang niya 'yung naririnig ko.
Ibinaba ko na ang tingin ko kay Reed na nanlulumo na ro'n sa pwesto niya kaya bumuntong-hininga ako. Mahirap-hirap 'to.
Mirriam's Point of View
Inayos-ayos ko ang bangs ko ngayong na sa harapan ako ng mansiyon nila Jasper. Wala siyang kaalam-alam na pupunta ako rito dahil surprise visit lang ang ginawa ko lalo pa mang mang weekend ngayon. Hindi ko rin sinasabi sa kanya na off ako ngayon sa pagbabantay sa shop.
Lumingon ako sa kanang bahagi nang makarinig pa rin ako ng tuloy-tuloy na ingay mula sa martilyo.
"Miryenda na muna tayo!" Rinig kong anyaya ng lalaking construction worker habang papalapit sa kanya ang iba niyang kasamahan. Ibinaling ko ang tingin sa soon-to-be convenience store na malapit-lapit na rin sigurong matapos kung tuloy-tuloy.
Pumaharap na ako ng tingin at nag door bell. Naghihintay sa pagbukas ng gate.
Ilang minuto rin akong nakatayo bago may magbukas na nung gate, at nakakahiya na si Ate Yiah pala ito. "Arasho ~ What a pretty lady, do you have a date with my brother?" Tukoy niya kay Jasper.
"A-Ah, no. Dumalaw lang ako rito pero wala kaming date." Sabay yuko dahil nahihiya ako. Ang ganda ganda kasi ni Ate Yiah kahit na nakasuot lang siya ng pajama ngayon.
Humagikhik siya. "I see, pasok ka. Puntahan mo na lang siya sa kwarto niya." Wika niya 'tapos bumulong sa akin. "And while he is sleeping, you can eat him up." Biro niya kaya inilayo ko ang tingin habang nararamdaman ang pagpula ng mukha ko.
"Ate, wala pa kami sa stage na 'yan. I can't do that." Sagot ko kaya malakas itong humalakhak bago niya ako yakapin.
"You're so adorable," Humawak siya sa magkabilaan kong balikat upang mailayo ang sarili sa akin. "If there's anything wrong, just approach me, okay?"
I nodded. "Yes, thank you." Labas ngipin kong pag ngiti.
***
NAKAAKYAT NA AKO'T na sa harapan na ng pinto ni Jasper. Bago ko buksan ang pinto niya, ibinaba ko muna ang tingin sa suot-suot kong bestida.
Sinasabi kong hindi ko pa siya sasagutin hangga't hindi ko pa nakikita 'yung mga grades niya pero heto ako't parang nagpapa-easy to get, 'tapos parang umaarte pa akong girlfriend niya dahil dinadalaw-dalaw ko siya.
Nagbuga ako nang hininga. Ang tagal-tagal ko na 'tong ginagawa, ngayon pa ako nag-alanganin?
Hinawakan ko na nga lang 'yung door knob, handa ng buksan ang pinto nang marinig ko ang boses ni Jasper. "Oo, sa ngayon wala namang problema. Pero sana makabalik ka rin kaagad dahil narinig ko kina Reed na nag-iba ang schedule nila Tita Rachelle, anytime uuwi na sila rito."
Si Haley ba 'yung kausap niya?
"Baka kasi hanapin si Haley." Kumunot-noo ako. Mali, mukhang hindi si Haley.
Makikinig pa sana ako pero bigla bumukas ang pinto at bumungad si Jasper. Nagulat siya at mabilis na pinatay ang tawag sa phone niya. "M-Mirri! Hindi ko alam na pupunta ka rito." Parang natataranta niyang wika na hindi ko kaagad inimikan. "Kanina ka pa ba riyan?" Dagdag tanong pa niya sa akin.
He's obviously hiding something.
Ngumiti ako. "Hindi, ngayon ngayon lang talaga." Sagot ko at sandaling napatingin sa bandang kamay niya na nakatago sa likuran bago pasimpleng nagbuga ng hininga. Pumasok na ako sa loob ng kwarto niya ng walang sabi sabi.
Umupo ako sa edge ng kama ni Jasper habang nakababa lang ang tingin sa carpet. "Ang sabi ni Kei, wala raw si Haley sa bahay. Alam mo ba kung nasaan?" Tanong ko ng hindi siya tinitingnan.
"Mukhang may narinig ka."
Lumingon ako sa kanya, nandoon pa rin siya sa frame ng pintuan. "Wala ka namang tinatago sa akin, 'di ba? Kayo ni Haley?" Paninigurado ko.
Hindi siya sumagot at seryoso lamang akong tiningnan. Naglakad siya't pumunta sa harapan ko, laking pagtataka ko nang bigla siyang lumuhod. "B-Bakit ka biglang lumuho--" Kinuha niya ang kanan kong kamay, at nanginginig ito kaya bumuka nang kaunti ang bibig ko.
"Alam kong nagtatanong ka dahil nakakaramdam ka, at ayokong magsinungaling sa'yo dahil gusto kong ako ang unang-una mong pagkakatiwalaan. Ayoko ring mag-away tayo ng dahil dito." Pati ang boses niya, nanginginig.
Isinara ko na ang bibig ko. "What happened?" Nag-aalala kong tanong.
"Hindi ko masabi kasi hindi ko pa naiintindihan." Ipinatong niya ang noo niya sa mga kamay namin. "Ngayon lang 'to, Mirriam. Sasabihin ko rin lahat, lahat lahat." aniya na parang nagmamakaawa.
Humawak din ako sa kamay niyang nakahawak sa kanan kong kamay kaya tumingala siya.
Ngayon ko lang napansin pero ang itim itim ng ibabang mata niya. "..."
Tumitig pa ako sandali sa mukha niya bago ko siya hilahin para yakapin. Nanatili lang siyang nakaluhod sa carpet. "I trust you." Saad ko. "Just don't go too far, okay?"
Wala siyang sinabi at niyakap lamang ako nang mahigpit. I only patted his head before I closed the both of my eyes.
Wishing that everything that is happening will turn out to be okay.
*****