webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
65 Chs

Kei and Harvey’s ARC   

Chapter 61 (Last): Kei and Harvey's ARC 

Harvey's Point of View 

 Nag-aayos ako ng libro sa books shelves ngayon kahit wala naman din akong dapat na ayusin. Maalikabok lang siya kaya kahit hindi naman kinakailangan, inalis ko lahat ng libro sa kung saan sila nakalagay para punasan ang mga 'yon. 

 Karamihan dito ay mga dictionaries at iilan sa mga subject book in case man na wala ang isa sa mga estudyante. May ganito lahat ang bawat classroom para hindi kami madalas pumunta sa library. Maalas lang pumunta ang mga estudyante roon kapag may mga major research silang gagawin. 

 Sumunod ang tingin ko kay Haley noong papalabas siya sa classroom. 'Tapos ay ibinalik na lamang ulit 'yung tingin sa mga librong pinupunasan ko. 

 Hindi na sana ako babalik dito sa classroom dahil hindi naman kami magka-klaseng mga players pero dahil nakita ako ni Rose na pagala-gala sa kung saan, iginiya niya ako rito para maglinis. Hindi raw ako pwedeng tumakas. 'Di na ako umangal, pabor pa nga ito sa akin para malibang-libang ako't makalimutan ko 'yung mga na sa isip ko-- kahit papaano. 

Flashback

 Ginawa akong goal keeper sa free ball namin dahil nagkapantay ang score namin sa huling oras. Pumusisyon ako't itinuon ang buong atensiyon sa bolang na sa lapag. Napakainit, namumuo ng tensiyon ang buong paligid. 

 Kung hindi ko 'to masasalo, matatalo kami. 

 "Go, captain!" 

 Paulit-ulit na naririnig kong cheer mula sa mga kasamahan ko. I'm trying to convinced myself to focus on the game at lahat ng nangyari sa amin ni Kei ay pwede pa ring maibalik sa dati once na matapos lang 'tong laro, kaya wala akong dapat na ipag-alala. 

 

 Malakas na sinipa ng ace sa kabilang team ang bola. Confident na sana akong 

saluhin pero biglang pumasok sa isip si Kei. 

 …Pa'no kung hindi na makipag-ayos? 

 Sa kaisipan na 'yun, nawala lahat sa isang iglap ang confidence na mayro'n ako. Iyong focus ko sa paglalaro, biglang lumipad. 

 And before I knew it, nakalagpas na 'yung bola sa akin. 

 Malakas na sipol ang tanging naririnig ko at ang mga hiyaw ng kabilang team. 

Nanginginig ang mga mata kong nakatingin sa kawalan. 

 Lumapit ang mga team mates ko sa akin na may pilit na ngiti sa kanilang mga labi. "Ano'ng problema?" Iyan kaagad ang unang tinanong nila sa akin. 

 "Makukuha mo sana 'yun, eh." Sambit naman ng isa. 

 "Bigla kang nawala." Segunda naman ng isa sa mga defender. 

 Hindi ko na nagawang makapagsalita at napatungo na lamang. Handa ng maiyak lalapit pa lang sa 'min 'yung kabilang team para makipag shake hands ay umalis na ako sa harapan nila para pumunta sa kalapit na banyo. Pumasok ako sa isang stool 'tapos ipinatong ang noo sa kamay na nakadikit sa pinto. 

 Mabilis na bumagsak 'yung mga luha sa mata ko na kanina'y nanlalabo. "Ano ba'ng ginagawa ko?" Paanas at nanginginig kong tanong sa sarili ko. 

End of Flashback 

 Nung araw na iyon, sa halo-halong emosyon. Hindi ko sigurado kung umiyak ba ako niyon nang dahil sa pagkatalo namin at ako ang may kasalanan o dahil sa anxious thoughts kong hindi na kami babalik sa dati ni Kei. 

 Lumapit ang isa sa mga kaklase kong babae at yumuko para silipin ako. "Gusto mong tulungan kita?" Tanong niya sa akin kaya sumulyap ako sandali sa kanya bago ko ibinalik ang libro sa book shelves. 

 

 "I'm fine, thanks." Simple kong sabi kaya umayos na siya ng tayo. 

 "Ask mo lang kami, ah?" At umalis siya sa classroom. Nilingon ko naman kung saan siya lumabas. Sigurado naman akong kaklase ko siya pero hindi ko siya madalas makita rito. Kaso sandali. Wala na ba silang titser at lumalabas na sila ng classroom? 

 Pumasok si Rose na katatapos lang yatang magpunas ng bintana sa labas. Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Oy, lumalabas na 'yung iba nating kaklase." 

 Itinuon niya ang tingin niya sa akin na kanina na nakabaling doon sa harapan kanina. "Ay, oh?" Hindi makapaniwalang reaksiyon niya saka lumabas 'yung pagka-president mode niya. "HOY! Sino may sabing pwede kayong lumabas?!" Bulyaw niya sa mga kaklase namin habang dinuduro duro ang mga ito. Hinagis pa niya sa akin 'yung ginamit niyang basahan. Buwisit na babae 'yun! 

 "Nakita ko si Keiley kanina sa school lounge. May umaamin yata sa kanya kahit alam nung boy na may boyfriend siya. " 

 "Ah, oo! Nakita ko nga. Binigyan pa nga yata ng pudding ba 'yun? Pero mahal iyon, ah?" 

 

 Narinig ko 'yan sa dalawang babaeng estudyante na dumaan sa classroom namin. 

Tumayo ako 'tapos iniwan muna sandali 'yung trabaho ko para hanapin si Kei. Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi kami nag-uusap. Mababaliw kung mananatili kaming ganito. 

 "SMITH! Hoy! 'Di pa tapos 'yung trabaho mo!" Inis na habol ni Rose sa akin mula sa bintana ng classroom namin. 

*** 

 DUMIRETSYO AKO sa school lounge dahil iyon ang narinig ko sa dalawang babae kanina subalit na-disappoint akong wala akong naabutang Kei kaya palingon-lingon ako sa paligid dahil baka nandito pa siya. 

 Ngunit napalingon ako sa mga lalaking nagkukumpol kumpol sa gilid. Tinatapik-tapik nila 'yung likod nung lalaking na sa gitna na parang humahagulgol doon. 'Tapos nagulat na lang ako noong bigla siyang sumigaw. "Hindi ko isusuko 'yung pag-ibig na mayro'n ako kay Keiley kahit pa na may boyfriend siya!" 

 Nakabuka lang ang bibig ko noong luminya ng ngisi ang labi ko at naglakad palapit sa kanila. "Talaga ba?" Tanong ko na nagpalingon sa kanila matapos kong makahinto sa harapan nila. Pare-pareho silang mga nataranta nung makita ako. 

 "S-Si Harvey!" 

 "Gag* ka! Wala akong kasalanan diyan, ah!" 

 Mabilis pa sa cheetah ang pag-alis nila sa harapan ko. Naiwan lang 'yung lalaking humahagulgol kanina. Ito siguro 'yung tinutukoy nila na nag confessed kay Kei. 

 Nanginginig siya samantalang nakatingin lang din ako sa kanya. 

"Uhm--" Aabutin pa lang siya para tapikin 'yung balikat niya dahil nakakamangha rin 'yung lakas ng loob niyang umamin pero bigla siyang tumakbo paalis. Mukhang natakot kahit wala naman akong gagawin. 

 Napatingin na rin 'yung ibang estudyante sa akin samantalang nagtaka naman ako 'tapos itinabingi nang kaunti ang ulo ko. "What?" 

 Humalakhak naman ang pamilyar na boses mula sa likuran ko kaya inis kong nilingon si Jasper. Turo turo niya ako habang nakahawak sa kanyang tiyan ang kaliwa nitong kamay. "Hindi ka magkakaro'n ng maraming kaibigan niyan kung mukha kang demonyo sa mas demonyo dahil diyan sa mata m--" Malakas ko siyang binatukan nang madaanan ko siya. 

 Nagpamulsa ako at umalis na lamang doon. "Gag* ka talaga, Harve-- Ay, sorry, Ma'am! Nandiyan ka pala. He.He.He." Piningutan kasi siya ng isa sa mga old teachers namin noon. 

 

 Bumuntong-hininga na nga lang ako. 

*** 

 TUNGO AKONG naglalakad sa corridor dito sa first floor nang mapahinto ako noong makita ko na si Kei na kalalabas lang sa faculty. "Thank you, Teachers." Magalang na sabi nito bago niya isara ang sliding door at mapalingon sa akin. 

 Napaawang-bibig ako at sa hindi malamang dahilan, bigla akong kinabahan. "Kei--" 

 Humarap siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. "Narinig ko sa kasamahan mo na natalo kayo sa game. Are you okay?" Pag-aalala niyang tanong na ikinabilog ng mata ko. Pagkatapos ay pasimpleng napangiti. 

 "Yeah. Nangyayari talaga minsan 'yun." Sagot ko naman na mas nginitian niya. 

 "I'm glad that you're not feeling down or anything like you used to before. But I'm pretty sure you were crying after the match though." She said as if she was teasing me. 

 Namula naman ako. "I-I'm not." Deny ko na ikinatawa niya. 

 "But don't ever blame yourself just because you didn't catch the last ball, nobody think it's your fault that your team lost the game." 

 Natahimik ako. Walang nag-iisip pero bakit gano'n? 

 "Makukuha mo sana 'yun, eh." Naalala kong sabi ng kasamahan ko dahilan para ikuyom ko ang kamao ko. 

 "They wanna win the match as much as you do. Actually when I was talking to your friends," Tukoy niya sa mga kasamahan ko sa soccer. "They told me that they regretted not doing their very best at nagre-rely lang daw sila madalas sa 'yo."

 Muli akong napaawang-bibig. 

 "They want to do it better next time kapag mayro'n pang pagkakataon na makapaglaro sa malalaking game." Sambit niya at lumingon sa kanang bahagi para tingnan ang labas ng bintana. "The whole team is responsible, hindi lang ikaw. So, you don't need to worry anything." Pagkibit-balikat niya nang ibalik ang tingin sa akin. 

 Napaisip pa ako sandali at napahawak na lamang sa dibdib nang biglang lumuwag ang pakiramdam ko. Tumingala ako para pantayan ang tingin ni Kei. Kapag siya talaga ang kausap ko, nagiging magaang ang pakiramdam ko. 

 Tumitig pa ako sa mukha niya lalo na mga ngiting ibinibigay niya sa akin nang bigla kong makita si Lara sa kanya. Napatigil ako dahil doon, magsasalita sana nang bigla akong tawagin ng isa sa mga ka-team ko sa soccer. 

 "Captain!" Tawag ng isa sa kasamahan ko 'tapos biglang tumakbo para yakapin ako. Dumating din 'yung iba ko pang mga team mates at sabay-sabay na pinagdambahan ako. 

 "Hey! Get off! You guys are suffocating me!" Udyok ko. 

 Tila para namang humagulgol ang isa sa kasamahan. 

 "Sorry kung may nasabi man akong mali nung matapos 'yung game!" 

 "Huwag kang mag ku-quit, captain! Kailangan ka namin!" 

 "Kasalanan namin dahil na-pressure ka!" 

 "Kyahh! Kyahh! Smith!" 

 Pinaltukan ko naman 'yung huling nagsalita. "T*ngina naman, umalis kayo--" Pero mas ginitgit nila ako't niyakap. 

 Sa huli, hindi na kami nakapag-usap ni Kei dahil dinala ako bigla ng mga kasamahan ko sa club room dahil may mga binili raw na pagkain 'yung kasamahan namin. Celebration na rin daw 'yun para mas maging better kami sa susunod na laro.

 Kakausapin ko na lang siguro si Kei pagkatapos nito. 

*** 

 Oras ng tanghalian.

 Pamulsa akong papasok sa canteen nang mahagip ng mata ko si Reed na kumakain mag-isa sa hindi kalayuan. Bumili na muna ako ng pagkain ko bago lumapit sa kanya't umupo sa kanyang harapan. 

 "Ikaw lang?" Tanong niya na animo'y may hinahanap pang iba. 

 "Yeah. Galing ako sa clubroom mula kanina." Sagot ko kaya bigla siyang natawa. 

 "Kaya pala badtrip si Rose habang binabanggit 'yung pangalan mo." kwento niya dahilan para kilabutan ako. Nakalimutan kong balikan 'yung mga book shelves.

 Tumikhim lang ako 'tapos kumamot sa ulo ko. "G-Gano'n?" Nasabi ko lang.

Kumain lang kami ng tahimik nang may biglang pumasok sa isip ko kaya tinawag ko. Lumingon-lingon muna ako 'tapos ibinalik kay Reed. "Posible bang ma-in love sa isang tao kapag mayro'n siyang similarities doon sa minamahal mo?" 

 Inangat niya ang tingin niya. "Si Lara at Kei ba tinutukoy mo?" Hindi niya siguradong tanong pero namangha ako dahil nalaman niya kaagad 'yung tinutukoy ko. 

 Kaso hindi ako umamin. "Hindi." 

 Tumaas ang dalawa niyang kilay at binigyan ako ng pagdududang mukha. "I've never seen anyone lie with such a straight face before." 

 "Obvious ba masyado?" Eh, sa hindi siya naniniwala sa akin, eh. 

 "Hindi naman sa obvious, pero hindi ka naman madalas nagtatanong ng mga ganyang bagay maliban na lang siguro kung tungkol sa 'yo." Paliwanag niya 'tapos pinaglaruan ang kutsara niya. "Imposible namang sa ibang tao 'yan. Eh, wala ka namang pakielam sa iba, eh." 

 Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Maybe you're right." Pagsang-ayon ko 'tapos ibinaba ang tingin. "Pero pa'no mo nalaman na si Lara 'yung isang tinutukoy ko?" 

 "Bakit? Hindi ba?" Tanong niya kaya ipinalo ko na sa ulo niya 'yung wallet na nagmula pa sa bulsa ko. 

 "P*tangina mo. Kinakausap ka nang maayos, eh." Iritable kong sabi. 

 "H-Hula ko lang talaga 'yun." Sagot niya 'tapos uminum ng tubig niya. "Pero ba't nga sa akin mo tinatanong 'yang mga 'yan?" Sunod-sunod niyang tanong na nagpapitik sa ugat ng sintido ko. 

 "Wala rin akong ideya kung bakit nga ba sa 'yo." Pagpipigil ko ng inis. 

 

 Kumamot naman sa batok si Reed. "Hindi ko sigurado kung tama ba 'tong isasagot ko pero masasabi mo ba talagang in love ka sa isang tao ng dahil lang sa may nakikita kang similarities doon sa taong minahal mo ngayon? Hindi ba't parang admiration lang naman 'yun dahil naaalala mo sa kanya 'yung taong pinakamamahal mo?" Patanong na sagot niya. It's so accurate that I'm not sure how to respond. 

 

 "Bakit ganyan 'yung reaksiyon mo?" Tanong niya, ano ba'ng ginagawa kong ekspresiyon ngayon? 

 Umiwas na lang ako ng tingin pero ibinalik din ulit sa kanya noong mapasigaw siya. "Ah! In love ka pa rin kay Lara--" Mabilis akong napatayo para pasakal na akbayan siya't takpan 'yung bunganga niya. "!@#$%^&*(" May sinasabi siya pero hindi ko na naiintindihan. 

*** 

 ORAS NG DISMISSAL. 

Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko saka sila umalis ng campus. Lumingon muna ako, hindi ko na kasi nakita si Kei mula kanina nung nag-usap kami sa Faculty. Ang busy niya ngayon, ano ba'ng ginagawa niya?

 

 Tinanong ko rin si Haley nung bumalik ako sa classroom pero ang sabi nga niya, may official business si Kei kaya hindi pa bumabalik. Inayos ko na nga lang 'yung pagkakasabit ng sports bag ko sa kanan kong balikat. Handa na sanang umalis ngunit napatigil nang makita ko si Kei sa hindi kalayuan, may mga dala-dala siyang folders. Kita ko 'yung pasimple niyang pagbuntong-hininga, tila parang napagod sa mga ginawa niya ngayong araw. May mga estudyanteng nagbigay ng alok na tulungan siya pero ngiti lang niya itong tinaggihan. 

 Nagsalubong ang kilay ko at patakbong naglakad palapit sa kanya. 

Kei's Point of View 

 Ngiti kong kinawayan 'yung tinanggihan kong estudyateng na nag-alok ng tulong sa akin. Ayoko lang kasing maisturbo siya lalo na't marami rin siyang dala-dala. 

Tungo lang akong naglalakad nang makita ko ang mga sapatos ng kung sino dahilan para tumigil ako at tumingala para makita ang taong iyon. 

 Siya pa rin pala ang makikita ko bago ako umalis ng E.U. 

Iyong usual na bored look ni Harvey at ang napakaitim niyang mata at buhok, ta's iyong natural style niyang nakapamulsa nagpapa-cool sa dating niya. Siyang siya talaga. 

 "Where are you going?" He's asking me that with his blank expression. 

 Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. "Somewhere." Sagot ko na lang. 

 Humakbang pa siya nang kaunti palapit sa akin. "I'll come with you. Samahan kita." 

 

 Tumitig ako sandali sa kanya nang bigyan ko pa ulit siya ng ngiti. Pagkatapos ay inalis din ang tingin sa kanya. "It's fine. May pupuntahan din ako." Tugon ko. "Sige, mauna na ako." Paalam ko at nilagpasan siya. Kinuha niya bigla ang pulso ko kaya napatigil ako. 

 "Are you avoiding me?" Tanong niya, ramdam ko rin ang pagkunot-noo niya kahit hindi ko pa siya nakikita. 

 Lumingon ako sa kanya. "I-I'm not." 

 "Then why won't you meet my eyes?" Tanong niya at mas nagsalubong ang mga kilay. "Hindi pa tapos ang problema natin, Kei. We have to talk for pete's sake." Nagpipigil siya ng inis pero hindi ko talaga magawang gustuhin na makausap siya ngayon. 

 "I'm sorry, but I have to go." Hinila ko ang kamay ko pabalik sa akin at dali-daling naglakad. 

 Ngunit sa pagkakataon na ito ay napatili ako sa biglaang pagbuhat ni Harvey sa akin na tila para akong isang prinsesa. Pumukaw ang atensiyon ng mga estudyante sa amin samantalang dikit-kilay kong tiningnan si Harvey. "Har--" 

 "If you're not going to shut up. Hahalikan talaga kita rito." Napatikum ako dahil doon. Kahit alam kong hindi niya iyon magagawa dahil na sa skwelahan kami, nanahimik na lang ako. 

 

 Holding me tight in his arm. May mga babae ng nagkukumpol kumpol para kuhanan kami ng lirato. "Damn it." he cussed irritably and forces his way through the students. Then he makes his way towards his new sports car parked on the side of the road. 

 Kasi nga, 'di ba? Sira na 'yung sasakyan dahil sa binangga bangga namin ni Mirriam sa sasakyan ni Ray para magising si Haley. 

 He opened the door, sits me down gently onto the soft sear and close the door. 

 Pumasok na rin siya sa driver's seat at pinaandar na ang makina ng sasakyan niya. Nakita pa kami nung mga kasamahan niya sa soccer na mukhang may hinihintay sa crossing kaya kinantyawan pa muna kami.

 Nakatungo lang din ako at pagod na inilagay ang mga hawak kong folders sa compartment ng sasakyan niya. 

 "Where do you plan on taking me? Sabi kong may pupuntahan pa ako, kailangan kong asikasuhin 'yung pinapagawa ng school." Pagsisinungaling ko ng hindi siya tinitingnan. Because I lied.

 Hindi na nga ako sumabay kay Haley umuwi dahil gusto ko ring mapag-isa.

 

 "School related?" Tanong niya. "I'm going to ask the principal and teachers kung may pinapagawa sila sa 'yo just to make sure." Mas natahimik ako kaysa kanina. Hindi ko na magawang magsinungaling. 

 Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin habang nakapatong ang kaliwa niyang siko sa manibela. "Whether you like it or not, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. But I really want to talk to you. Just the two of us, malayo sa lugar na 'to." Diretsyong saad niya. 

 Nakapatong sa kandungan ko ang dalawa kong kamay nang mapayukom ito. "I might not really want to hear it. Nothing will change even if I do, right?" 

 Sandali siyang hindi sumagot. Nakita ko sa peripheral eye vision ko ang pagbaling niya ng tingin. "Maybe this isn't what you want to hear, but you see? It was starting to hurt," Hawak niya sa dibdib niya. "…that you didn't know how I felt." 

 You're wrong. 

 "Being the way I am, I didn't really have no idea how to put it. But I can't just sit here and do nothing, nahihirapan ako, eh." Pag-iling niya. "Kaya gusto kitang kausapin." Seryoso dagdag niya noong ituon ko na sa kanya ang tingin ko. "Hindi pwedeng bukas. Gusto ko ngayon." Paghawak niya sa kamay ko na nilayuan ko lang ng tingin. 

*** 

 SA AMUSEMENT PARK niya ako dinala pero pumasok kami sa katabi nitong mall dahil sabi kong gusto kong mag ice skating lalo na't nandito na rin naman kami sa malawak na area niyon. 

 Pumayag naman siya pero wala siyang ideya ba't doon ako nagpasyang mag-usap kami. 

 "Okay lang ba na mag skate ka ta's nakasuot ka pa ng uniform? Hindi ka ba makikitaan niyan kapag nadulas ka o mahanginan?" Nag-aalala niyang tanong sa akin habang hinihintay ang turn namin para magbayad. Nakapila kasi kami, pero hindi naman gano'n kahaba. Weekdays naman ngayon 'tapos gabi na kaya wala rin masyadong tao. 

 Ngumiti ako 'tapos tinapik-tapik ang balikat niya. "You're always worried about me, pa'no kung hindi na tayo magkasama niyan?" Tanong ko sa kanya dahilan para mag-iba ang paraan ng kanyang pagtingin. Ibinaling ko na ang tingin ko para iwasang makita ang kanyang nalulungkot na mata. "Palagi akong nagsusuot ng shorts, don't worry." Dugtong ko. 

 

 Nagbayad kami sa entrance noong makaalis na 'yung tao sa harapan namin 'tapos sinuot na nga ang skating shoes pagkatapos. Nung una, medyo nawawala sa balanse si Harvey na maglakad kaya inalalayan ko siya. Ngunit noong magkabangga ang katawan namin dahil muntik na rin siyang bumagsak. Lumayo na ako, kaya nang dahil doon ay natumba na nga siya. 

 Subalit noong makapasok na kami sa mismong ice field, nagsimula na kaming mag skate at nakakagalaw na kami ng maayos. 

 

 Hindi gano'n kabilis ang pag slide ng mga bakal sa sapatos ko roon sa yelo pero nararamdaman ko 'yung malamig na hangin na mas lalong nagpabigat sa nararamdam ko. Pakiramdam ko ay maluluha ako kung makikita ko 'yung mukha ni Harvey ngayong na nasa likuran ko. Isinabay mo pa 'yung broken hearted song na pinapatugtog ngayon. 

 "Bago ang lahat" Panimula ni Harvey na hindi pa rin ako sinasabayan sa pag I-skate. "Kei, gusto ko lang malaman kung ano ba 'yung gusto mong mangyari sa 'ting dalawa?" Tanong niya na mahahalata mo sa boses ang pagpipigil sa pag-iyak. Medyo nanginginig kasi ito. "Kasi tapos naman na, 'di ba? Nahuli na si Ray, pero hindi ka pa rin bumbalik sa akin. Kaya iniisip ko kung talaga bang mayro'n akong nagawa para ganitohin mo 'ko." Litanya niya. "Naghihintay ako rito, naghihintay sa pagbalik mo sa 'kin, Kei." 

 Huminga ako ng malalim para makakuha ng sapat na hangin. Mas bumibigat kasi ang pakiramdam ko kaysa kanina. 

 

 "Mahal kita." Salita na nagpalabo sa mata ko dahil sa namumuong luha. Umikot ako para humarap sa kanya at kinuha ang kamay niya para isayaw siya. 

 Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata pero patuloy pa rin ako sa pagsuot ng ngiti sa nakaawang-bibig na si Harvey. Mahal kita pero, 

 "Let's just called this a farewell dance." 

 …na sa maling panahon tayo, eh. 

 Narinig ko ang pagsinghap niya. "I don't understand." Naguguluhan niyang sambit. 

 Ibinaba ko nang kaunti ang mata ko. "Harvey. Ba't mo nga ako minahal?" Mainahon kong tanong. "Minahal mo lang ba ako dahil sa may naalala kang tao whenever you see me o dahil lang sa wala kang choice?" Duda ko. 

 Natulala siya, hindi alam kung ano ang isasagot. Doon pa lang, makikita mong marami ng tanong ang namumuo sa kanyang isip. Kung mahal niya ako, wala ng paligoy-ligoy. Hindi na niya kailangang mag-isip. 

 Kanina, hindi ko sinasadyang marinig 'yung usapan nila Reed noong kumakain sila sa canteen. 

 I was about to talked to them but, 

 "Ah! In love ka pa rin kay Lara--" Naalala kong sigaw ni Reed nung nag-uusap sila kanina. Lara, of course I know her. Pinakilala siya ni Dad at Haley sa akin when we were at the cemetery. I was happy that I got to meet her, pero ngayon. Hindi ko na alam. 

 She's not here pero naiinggit ako sa kanya. Nakikita ko kung gaano siya kaimportante sa mga taong na sa paligid niya, including Harvey. 

Na recently ko lang din nalaman mula kay Haley na magkababata sila. 

 

 Huminto kami sa pag skate pero nakahawak ang kanan kong kamay sa balikat niya. Iyong mata ni Harvey at unti-unti nang namumula dahil sa pagpipigil ng kanyang luha. "I love you." Tanging nasabi niya pero umiling ako't inalis na ang kamay sa balikat niya upang pa-slide na lumayo paatras sa kanya. 

 Inilagay ko sa likod ko ang mga kamay ko at pinag intertwine. "Harvey, I want to officially end our relationship." 

 Sumalubong ang mga kilay niya. "Bakit nagde-desisyon ka ng hindi mo pinag-iisipan? Huwag naman gano'n." 

 Hindi ko na napigilan, tumulo na 'yung mga luha ko. "Everything was wrong from the start. My decision to end it here is the right thing to do." Wika ko at tumungo. Mas bumibigat 'yung mata ko. Ang sakit, napakasakit. 

 

 "Wala na talaga akong naiintindiihan, eh. Anong mali? Kei, if you think na mahal ko si Lara at nakikita ko siya sa 'yo. Mali ka! Matagal na siyang wala, at ikaw ang gusto ko--" 

 Sumabat ako. "It's true that I'm jealous a bit pero that's not only the reason why I want to break up with you." Pag-iling ko para subukang ipaliwanag sa kanya nang maayos. "Hindi rin sa nagpapaalam na ako ng tuluyan sa 'yo, Harvey. Gusto ko lang munang tapusin 'tong mga 'to ngayon para makita pa natin kung ano ang para sa 'tin. Sa dinami-rami ng mga nangyari sa 'tin for the past few weeks, I realized that there are things that we still have to learn nang hindi magkasama--" Pinutol niya ako. 

 "Lalabanan naman natin 'yung mga pagsubok na 'yun, eh-- ng magkasama. Kasi tatatag tayo when we do that." Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin 'yung mga ganitong bagay. 

 Tumingala pa ako para makita si Harvey. Nagbago ba siya? 

 "Marami akong bagay na hindi sinasabi sa 'yo, that's true. But I'm trying to be worth it for you despite of my past. Hindi ko lang naman sinabi 'yung mga ganoong alaala hindi dahil sa wala akong tiwala sa 'yo, it's just because I thought you would hate me." 

 "Hindi ba't parang hindi mo rin ako pinagkakatiwalaan because of your reason? Why would I hate you because of that? Masakit, but I also want to suffer with you. But don't get me wrong, hindi ko tinapos 'yung relasyon natin because of your past. I love you for who you are, marami ka mang pagkukulang o pagkakamali, mahal kita. Until now, but," Humawak ako sa dibdib ko. "Maraming humahadlang, Harvey. Parang hindi pa talaga 'yung tamang panahon para sa 'tin." 

 Hindi na siya nagsalita pero mas bumagsak na 'yung luha niya. Hindi ito 'yung madalas niyang isuot, there's no any blank reaction on his face. The only thing you could see is pain. 

 

 Ngumiti ako pero hindi mawawala ang aking pag-iyak. "I'm sorry for being weak, Harvey. But I want to end it here." 

 

 "I…" Nahirapan pa siyang sabihin iyon. "…don't want to end it here." Paanas pero sapat lang upang marinig ko. Basag na rin ang boses niya. 

 "Lahat ng mga bagay na natatapos, pwede ulit simulan." I hope mapatawad mo 'ko sa future. 

 Nag skate siya palapit sa akin. Hinawakan ang mga pisngi ko at inangat ito para magkapantay kami ng tingin. Pareho kaming umiiyak. 

Pero nanlaki ang mata ko't mas lalong tumulo ang luha sa paglapat ng mga labi niya sa aking noo-- senyales na nirerespeto niya ang desisyon na ginawa ko. 

 "I'm so sad…" Malungkot na sambit niya. "Because you're important to me that I can't do anything about it." Wala akong imik sa sinabi niya at ipinikit na lamang ang aking mga mata. 

Harvey's Point of View 

 Pareho na kaming nakauwi ni Kei sa bahay. Hinatid ko lang siya sa kwarto niya bago niya isara ang pinto. 

 

 Is it a good-bye to me? 

 You were crying in silence in front of the door. You cried, and I had no choice but pretending to be strong after I became weak. I didn't want you to dump me as you turned your back to me but there's nothing I can do now. I love you, I want to respect your decision. 

 

 Lumakad ako papunta sa balcony, binuksan ang pinto kung sa'n tumambad sa akin si Haley na nakatingala lang at nakatingin sa maliwanag na buwan. 

Lumingon siya sa akin, samantalang nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at tumabi sa kanya. 

 "I'm not good at this, but what's wrong?" Tanong niya. 

 Walang bumuka sa bibig ko at nanatili lamang na nakatingin sa kawalan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Haley at humarap sa akin. Nagulat nang bigla niya akong pasakal na inakbayan. 

 Mahigpit iyon kaya hindi ako halos makahinga. Hinampas hampas ko 'yung cement balusters na nasa kanan kong bahagi bilang pagsuko kaya binitawan niya ako. Kumuha ako ng maraming hangin bago siya bigyan ng masamang tingin. "You should be grateful you were born a woman, amazona girl. You'd be dead in a heartbeat if you were a guy, b*tch." Inis na inis kong sambit na ikinangiti niya. 

 "Iyan, dapat ganyan ka lang palagi." Sabi niya na parang natutuwa na naiinis ako. 

 "Huh?" Iritable ko namang reaksiyon. 

 "May nangyari sa inyo ni Kei?" Tanong niya na nagpalunok sa akin bago humarap kung nasa'n iyong buwan. Na sa gitna lang namin siya ni Haley. 

 

 "You don't hesitate to ask anything, do you?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya at napailing. 

 "I hate being ignorant." Pagkasabi ni Haley no'n ay pumasok sa isip ko si Kei. 

Kaya siguro disappointed sa akin si Kei because I didn't choose to trust her at all. Kasi nga hindi ko sinabi sa kanya, kaya siguro parang nawalan din siya ng tiwala sa akin kaya nagkaganito. I don't know, wala pa rin akong ideya sa gustong mangyari ni Kei even though she already explained it. 

 Pero sana man lang, naghanap siya ng isang rason para manatili sa akin. 

 "Harvey. If you keep dwelling on your problems alone. You'll end up sinking deeper." advice ni Haley sa akin. "Someone that stays besides you just like this helps you in any way, right?" 

 Tiningnan ko na siya. Wala naman siyang kahit na anong ekspresiyon at nakatingin lang siya sa akin. Parang handang makinig sa kung ano ang sasabihin ko. 

 "I'm fine." Pagsisinungaling ko. "Thank you." 

 

 Mas lumakas ang pagbuga ng kanyang hininga. "You're so hopeless. I don't know what to do with you." Paghawak niya sa noo niya kaya sinimangutan ko siya. 

 "Hindi ko naman kasi sinabing pakielaman mo 'ko." 

 Nakita ko 'yung nanggagalaiti niyang mukha pero pinili na lamang niyang ikalma ang kanyang sarili. Sumandal siya sa balusters 'tapos humalukipkip. "Well, I guess. Getting depressed isn't a bad thing at all. Rather, it makes you distressed if you try too hard to stand up again. But look, everything is just temporary, I have no idea what will happen to the both of you but it'll turn into energy pushing you to move forward in the path na talagang para sa 'yo. Just take this as your inspiration to make yourself better-- pero 'di ko rin naman sinasabing wala kang kwenta or anything pero pwede na ri--" Napatigil siya sa pagsasalita nang matawa na ako. 

 Parang ito rin 'yung panahon na nagkasakit ako at sobrang daldal niya. "Bakit ka biglang natawa?" Naguguluhan niyang tanong sa akin pero ipinatong ko lang sandali ang kaliwa kong kamay 'tapos nagpamulsang naglakad paalis doon. 

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, muli nanaman akong napahinto. "Haley." Tawag ko sa kanya. 

 "What?" Tugon niya kaya lumingon ako at nginitian siya. 

 "Hindi ko susukuan 'yung kapatid mo." Saad ko bago bumuka ang bibig niya't labas sa ilong na ngumiti. 

 

 "Sure, kuya." Pagkindat niya sa akin kaya mas lumapad ang ngiti ko at pumasok na nga sa loob. 

 No matter what obstacles that I will encounter in the future. Lies beyond the truth. I will believe that my heart, the love that I have for her is real. 

TJOCAM 2: The Authentic Love is finally complete!

Now onto the next one! Just click my icon to visit my timeline and find the third season of the series. "TJOCAM 3: Secluded Feelings"

And also!

Three Jerks, One Chic, and Me Part 2 will be published under PSICOM. Please support it including the second volume of Paper Hearts! Collaboration by Eunoia (w/ 10 authors)

To get more updates, you can reach me here:

Twitter: @_YulieShiori

Instagram: kmlhojas_

Facebook page: Yulie_Shiori

Thank you for reading! See you next season. :D

Yulie_Shioricreators' thoughts