Nakarating na ako ng eskwelahan, agad kong hinanap si Berry. Nang namataan ko siya sa cafeteria ng school, kasama nanaman niya ang mga babae niya. Araw araw nalang ganito ang makikita ko, tumungo na ako kung saan siya naroroon.
"Goodmorning, Ice" aniya ng nakita niya akong paparating.
"Morning" sabay upo sa tabi niya.
Nakita kong nagiba ang mukha ng mga babaeng kasama niya, parang ayaw na nandito ako. Well, wala silang magagawa kaibigan ko ang gusto nila. Kapag may mga kasama siyang mga babae laging nawawala sila sa mood pag dumarating ako. Nginitian ko lamang ang mga ito at umalis na sila.
"Bye, Ryson. See you tonight" sabi ng isang babaeng petite, medyo chinita, mahaba ang buhok at maputi sa isang flirty tone, sabay lip bite at kindat. Ew! wtf.
"What was that for? Kadiri" nandidiring tanong ko kay Berry
"Niyaya niya ako sa bahay nila mamaya" ngingiti ngiti niyang sagot. Alam ko na kung anong ibig niyang sabihin, at madumi yun. Nakakadiri sila, ibibigay lang nila ang katawan nila ng basta basta.
Naglalakad na ako pauwi ngayon, medyo mahina nga lang dahil hindi ako masyadong makagalaw ng maayos. Ayoko ring mag taxi ang mahal ng bayad ngayon pa na sobra ang traffic, malalagay ko pa sa alkansiya ang naiwan na pera.
Habang lumalakad ay kumakanta kanta ako para hindi mabored sa daanan, may biglang bumusina sa harap ko kaya napatingin ako sa kung sino yun.
Napatulala nalang ako ng makitang si TJ yun, bigla akong kinabahan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hirap na ako sa pag hinga.
"Hey" aniya
"Ahh..Ha..Hi" kabado kong sagot
"Uuwi kana?" tanong niya.
"Ahh..Oo eh"
Bakit ba ako sobrang kabado ngayon, nauutal utal pa. Hindi ko masabi ng diretsa ang mga gusto kong sabihin.
"Hatid na kita"
Hindi na talaga ako masyado makahinga, rinig na rinig ko na talaga yung tibok ng puso ko.
"Wag..na. Nakaka...hiya naman"
Kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko pero umalis na rin naman siya.
Sana pala nag oo nalang ako. Nakakainis naman oh. Sa pag lalakad ko nakasimangot lang ako hanggang sa nakarating ako ng bahay.
"Andito na ako"
Baka sakaling nandito na sila Mommy at Daddy, pero walang sumagot saakin. Walang katao tao ang bahay namin. Ano pa bang ineexpect ko. Wala rin pala akong baon para bukas. Sa ipon ko nanaman ako kukuha.
Umaalis sila lagi ng hindi nag iiwan ng pera sa bahay para saakin, kahit piso wala! Mabuti nalang at may ipon na ako dati pa. Nagbihis na ako at kumain, pagkatapos ay natulog na.
Kinaumagahan ay nagluto ako ng breakfast ko tutal mamaya pang ala una ang klase ko kaya marami pa akong oras dito sa bahay. Nang matapos na ako kumain ay naupo nalang ako sa sala at nag cellphone. Binuksan ko ang facebook ko at nakitang maraming nag add saaking lalake. Ni isa wala akong kinonfirm sa kanila.
Nag sscroll lang ako sa feed ko nang biglang may nag add.
Theo Jaillory de Asis sent you a friend request.
Confirm or Delete
Hindi ko kilala kung sino ang nag add saakin kaya pinindot ko iyon para mapunta sa timeline niya. Pinindot ko ang profile picture niya para mas makita ang mukha niya. Wala siyang ibang picture, tanging ang profile picture niya lang.
Omg...
Si TJ!!!
"So Theo Jaillory pala ang pangalan niya" napasabi ko nalang sa sarili ko.
Nagpagulong gulong ako sa sofa dahil sa kilig, ngayon ay nasa floor na ako dahil sa ginawa ay nahulog ako. 5 minutes ago yun, so online siya! Dali dali kong clinick ang confirm.
You are now friends with Theo Jaillory de Asis.
Oh sheeet!
Ang bilis nanaman ng tibok ng puso. Pakiramdam ko sobrang pulang pula na talaga ang mukha ko.
Ilang sandali lang ay may nag pop up sa messanger. Nang makita kung kanino yun galing ay mas lalong nag histerya ako, si TJ yun. Binuksan ko na ang message niya.
Theo Jaillory de Asis
Hey
Nagtipa naman ako ng reply sakanya. Kahit kinikilig ay nakaisip ako agad ng reply.
Me
Hello
Pagkasend palang ng message ko ay nakita kong agad na naseen niya agad iyon at nag reply siya.
TJ
What are you doing?
Pagkabasa ko non ay agad na ako nag tipa ng reply.
Me
Surfing the internet. Hbu?
Nag dalawang isip pa ako kung yun na ba ang isesend ko o hindi. Kalaunan ay nasend ko na rin.
TJ
Waiting for your replies.
Abala ako sa pag isip ng reply sa chat niya ng makita ko ang oras sa cellphone ko. Alas dose na at ala una ang klase, malelate na ako. Dali dali na akong nagpunta sa kwarto ko para makapag bihis at lumabas na ng bahay.
Nag taxi na ako dahil pag lumakad ako ay paniguradong malelate na ako dahil alas dose na at hindi pa maayos ang paglalakad ko. Pag dating ko sa room ay saktong pagpasok ng prof namin.
"Good afternoon Ms. Tan" pagbati namin sa kanya.
Nagsimula na ang klase, naalala ko na hindi nga pala ako nakapag reply sa chat niya kanina, mamaya nalang ako mag rereply pagkatapos.
Tumunog ang cellphone ko dahil may nag text. Si Berry iyon.
Berry
Nasaan ka?
Ano kayang kailangan ng lalakeng ito at hinahanap ako. Nag tipa ako ng reply sakanya.
Me
Palabas ng room, bakit?
Berry
Nandito ako sa cafeteria, may nag hahanap sayo.
Sino naman kayang mag hahanap saakin. Wala naman akong maalalang kahit ano na pinasukan ko para may mag hanap saakin. Nagtungo na ako kung nasaan si Berry. Nakatalikod ang isang lalakeng kasama niya. Matangkad, malaki ang pangangatawan at ang ganda ng tindig. Sino kaya ito.
"Ano na, sino ang naghahanap saakin?" tanong ko
Nginuso niya ang kasama niya at napabaling naman ako doon. Si TJ yun, paano...paano niya nalaman na dito ako nag aaral at paano niya nalaman na kaibigan ko si Berry.
"Iwan ko na kayo ha, tol ikaw na ang bahala jan" kita kong natatawa si Berry nang sabihin niya iyon. Tumango naman si TJ sakanya at sinaluduhan.
"Oo, tol. Salamat Son"
Nagulat ako dahil kilala niya ang kaibigan ko. Saan kaya sila nag kakilala nito.
"Anong...ginagawa mo dito?" tanong ko agad sakanya
"Hindi mo na ako nireplyan kanina eh kaya pinuntahan kita" sagot niya
"Paano mo nalaman na nandito ako, at paano mo nakilala si Berry"
"Barkada ko siya"
Ohh.. barkada naman pala pero bakit hindi niya 'to saakin napakilala. Makakatikim talaga yung Berryson na yun saakin pag nagkita kame.
Nagkwentuhan lang kame at kumain, pagkatapos ay hinatid niya na ako sa bahay namin. Nalaman ko pala na taga rito din pala siya, pero medyo malayo lang ang bahay niya saamin.
Antay lang sa kabanata 4, busy pa ako sa events namin sa school kaya medyo matatagalan mag update pero i'm working on it naman. TY