webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
81 Chs

CHAPTER SIXTY THREE

(Kensington High School, Monday morning)

(Kath Rence's POV)

MONDAY.

Ngayon na ang simula ng examination.

Hahatiin ang examination sa dalawang araw para sa siyam na subject. Mauuna ang English, Math, Science, Practical Arts at Foreign Language habang sa susunod na araw naman ang Filipino, MAPE, Values at History.

Nag-aral kami ni Sachi at handang-handa kami para sa examination. Ewan ko lang sa mga kaibigan namin pero siguro naman ay prepared sila para sa exam.

And speaking of Sachi, very happy and inspired siya dahil buo nang muli ang pamilya niya. Pero nananatili pa ring tago ang ugnayan nila sa takot na baka malaman ni Aling Vivian na buhay si Tita Esprit at Chelsie. Ayoko namang mapahamak sila kung kaya naman itinago muna namin nina Mikki, Yusof at Joshua ang totoo sa ibang tao para maprotektahan namin sina Sachi. And so far, wala pa namang nakakaalam ng lihim namin. Sana nga'y wag na lang nilang malaman para wag nang masirang muli ang pamilya niya. Hanggang ngayon nga'y hindi ko pa rin halos mapaniwalaan na magagawa pala ni Aling Vivian na manira ng pamilya para lang sa kanyang pansariling ambisyon. Alam kong masamang magkimkim ng galit sa ibang tao pero hindi ko pa rin maiwasan dahil siya ang punu't dulo ng paghihirap ng pamilya ng mahal ko.

Ngunit kung anuman ang mangyari sa mga susunod na araw ay wag sanang maapektuhan si Sachi maging sina Tita at Chelsie. At sana'y makunsensya na si Aling Vivian sa mga ginawa niya sa pamilya ni Sachi.

(IV-1 Classroom)

(Kath Rence's POV)

HABANG busy sa pagre-review ang buong klase ay tinuturuan ko si Sachi sa Math nang dumating na si Ma'am Nicdao.

"Good morning, class." bati ni Ma'am.

"Good morning, Ms. Nicdao." bati naman namin sa kanila.

"So this is your first exam, you're supposed to be passed in your first test in order for you to get high grades and to be one of the top ten for this grading period. Kaya galingan nyo ha."

"Yes, Ma'am." sabi namin.

"Okay, pakihintay nyo na lang ang first proctor nyo for this exam." at lumabas na si Ma'am. Muli'y back-to-normal na ulit ang buong klase. Nung dumating na ang proctor namin ay inumpisahan na ang exam sa English.

(IV-2 Classroom, Lunch time)

(Yusof's POV)

KAKATAPOS lang ng exam namin sa Science nang mapansin kong busy sa pagbabasa si Mikki. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig ako sa kanya.

Hanggang...

"Huy, Yusof, okay ka lang? Kanina ka pa naka-smile dyan, para kang sira." sabi ni Jhake sa akin.

"Ha? Ah eh...o-okay lang ako." sabi ko.

Eto talagang si Jhake, kung anu-ano ang pinagsasasabi.

"Okay. Ingat ka lang ha, baka mahulog ang ngipin mo sa kakangiti mo dyan." pang-aasar pa niya sa akin, dahilan para mabatukan ko siya.

"Grabe ka naman! Parang binibiro lang kita eh." sabi pa ni Jhake.

"Kailangan ko nang kumilos." sabi ko.

"Ha? Anong sabi mo?" gulat na tanong sa akin ni Jhake.

"Ah...eh...w-wala. Sige, sa cafeteria muna ako." sabi ko sabay tayo ko sa upuan ko. Lumabas ako ng classroom and as usual, tilian na naman ng mga estudyante pagkakita nila sa akin. Tss. Nakakasawa na.

(Cafeteria, Lunch time)

(Yusof's POV)

PAGDATING ko sa cafeteria ay nabungaran ko sina Joshua at Gianna na kumakain habang nagre-review ng kanilang test mamayang hapon. Nilapitan ko sila.

"Hi, utol. Hi, Gianna. Can I join you?" bati ko sa kanila.

"Sure, Yu. Maupo ka." at ipinaghila ako ni Joshua ng upuan. Naupo ako sa tabi niya.

"Tara, kain tayo." anyaya sa akin ni Gianna.

"Salamat pero busog pa ako. Anyways, may itatanong lang ako sa inyo. Ano bang magandang kanta ang madaling tugtugan ng gitara?" tanong ko sa kanila.

"Ahm, sa pagkakaalam ko'y kanta ng MYMP. No Ordinary Love ang title. Bakit?" sabi ni Gianna.

"Kasi..." at lumapit ako ng husto sa kanila. "Haharanahin ko si Mikki sa kanila mamayang gabi."

"HA?! SERYOSO KA BA DYAN?!!" shocked na sabi ng kakambal ko.

"Ssh! Wag ka ngang maingay dyan! Mamaya, baka may makarinig pa sayo, mabulilyaso pa tuloy yung plano ko." sita ko sa kanya.

"Ehehe. Sorry." at nag-peace sign si Joshua.

"Ganun ba? Baka makatulong ako. Marunong akong mag-gitara." sabi ni Gianna.

"Salamat, Gia, pero ang gusto ko'y ako mismo ang mag-e-effort para sa kanya. Tsaka marunong naman akong tumugtog ng gitara. Pero hindi ko lang alam ang tempo ng kanta. Pwede bang mahiram ang chord lyrics ng kantang sinasabi mo?" sabi ko.

"Sige, walang problema." at ibinigay sa akin ni Gia ang guitar chord book niya. "Nandyan yung kantang sinasabi ko. Wag kang mag-alala, madali lang tugtugin yun."

"Salamat ah. Wag kang mag-alala, aaralin ko kaagad ang kantang yun."

"And speaking of Mikki...I like her for you, Yu." seryosong sabi ni Joshua.

"Talaga? Wow. Salamat kung ganun." ang nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bagay naman kayong dalawa ni Mikki eh." sabi ni Gia.

"Salamat, Gia." I said.

Haay salamat na lang dahil nakapa-supportive ng kapatid ko at ng girlfriend niya.

And speaking of my plan...sana'y magtagumpay ako.

* feeling hoping *

(Roswell Mansion, evening)

(Mikki's POV)

BUSY ako sa paghuhugas ng pinggan sa kitchen nang makita kong lumapit sa akin si Gianna/Chelsie.

"Good evening, Mikki! Tulungan na kita dyan." alok niya sa akin pero magalang akong tumanggi.

"Wag na, Che-che. Kaya ko na 'to."

"Sige na. Can I help you, please?" and she pouted her lips very cutely.

"Sige na nga." ang sabi ko sabay bigay ko ng wipes sa kanya. "Ikaw na ang magpunas ng mga nabanlawan kong pinggan."

"Okay." at sinimulan na niyang punasan ang mga binanlawan kong pinggan.

Haay...ba't ang hirap tanggihan ang cute na dyosang 'to?

Habang sinasabunan ko na ang mga ginamit na kaldero't kaserola ay nakarinig ako ng tila isang malamyos na tugtog mula sa gitara.

"Che, nag-gi-gitara ka ba?" sabay lingon ko sa kanya pero nakita kong nagsasalansan na siya ng mga plato sa cabinet.

"Ha? May sinasabi ka ba, Mikki?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"W-wala. Wag mo na akong intindihin." sabi ko sabay balik ko sa ginagawa ko.

Hanggang...

♪ This could have been just another day

But instead were standing here

No need for words it's all been said

In the way you hold near ♪

"Yusof?" ang bulong ko sa sarili ko sabay bitaw ko sa hinuhugasan kong mga kaldero. Patakbo akong lumabas ng mansyon at laking gulat ko nang matanaw ko si Yusof na tumutugtog ng gitara at may hawak na puting teddy bear at bouquet of white roses.

"A-anong ginagawa niya rito? At a-ano 'to?" ang buong pagtatakang tanong ng isipan ko habang nakatitig ako sa kanya.

♪ I was alone on this journey

You came along to comfort me

Everything I want in life is right here

Cause... ♪

"Y-Yusof..." and I saw myself blushing. Hindi ko maiwasang kiligin ng ganito sa mga pinagagagawa niya ngayon.

♪ This is not your ordinary, not ordinary love

I was not prepared enough to fall so deep in love

This is not your ordinary, no ordinary love

You were the first to touch my heart

And everything's right again with your extraordinary love... ♪

Mahal na nga yata kita....

Yusof Khan...

(Yusof's POV)

♪ I get so weak when you look at me

I get lose inside your eyes

Sometimes, the magic is hard to believe

But you're here before my very eyes ♪

Siya ang nasa isip ko habang kumakanta...

♪ You brought joy to my world

Set me so free

I want you to understand

You're every breath that I breathe ♪

Si Mikki...

♪ This is not your ordinary, not ordinary love

I was not prepared enough to fall so deep in love

This is not your ordinary, no ordinary love

You were the first to touch my heart

And everything's right again with your extraordinary love... ♪

Siya lang ang babaing minahal ko. Walang iba.

♪ From the very first time that we kissed

I knew that I just couldn't let you go at all

From this day on, remember this

That you're the only one that I adore ♪

Yung ginawa kong paghalik sa pisngi niya nung minsang inihatid ko siya ay ramdam ko pa rin hanggang ngayon. And that feeling makes me shiver.

♪ Can we make this last forever

This can't be a dream

Cause it feels so good to me ♪

I feel so alive when I'm with her.

♪ This is not your ordinary, not ordinary love

I was not prepared enough to fall so deep in love

This is not your ordinary, no ordinary love

You were the first to touch my heart

And everything's right again with your extraordinary love... ♪

Nakita ko si Mikki na papalapit na sa akin. She's smiling at me.

♪ This is not your ordinary, not ordinary love

I was not prepared enough to fall so deep in love

This is not your ordinary, no ordinary love

You were the first to touch my heart

And everything's right again with your extraordinary love... ♪

"For you." at ibinigay ko sa kanya ang dala kong teddy bear at bulaklak.

"Salamat." sabi niya sabay yakap niya sa bigay kong teddy bear.

"Ahm...Mikki..." marahang tawag ko sa pangalan niya.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

"C-can I...court you?"

(Mikki's POV)

"C-can I...court you?"

Ang tanong na yun ang bumulabog sa akin.

Yusof is going to...

COURT ME?!

SERYOSO BA 'TONG PANGET NA 'TO?!

"Y-Yusof...s-seryoso ka ba? L-liligawan mo ako?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Oo. Seryoso ako. Liligawan kita." diretsahang sabi niya sa akin.

"Mahal mo ba ako?" ang hindi ko napigilang tanong sa kanya kasabay ng paghahalu-halo ng emosyong nararamdaman ko.

Huminga ng malalim si Yusof bago siya magsalita.

"Oo. Mahal kita. Noong una pa lang, mahal na kita. Kaya kita iniinis at pinipikon noon ay dahil gusto kong mapansin mo ako. Na maramdaman mo ang pag-ibig ko para sayo. Pero habang tumatagal ang pambubuwisit ko sayo, nararamdaman kong lumalayo na ang loob mo sa akin. Natakot ako na baka mangyari yun kung kaya naman binago ko ang strategy ko. Gumawa ako ng paraan para mapalapit ako sayo. Kinaibigan kita at natuklasan kong mabait ka talaga. Kung kaya naman naglakas-loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko. Mikki, sana, ngayong sinabi ko sayo ang nararamdaman ko...sana'y tanggapin mo pa rin ako. And I hope one day...mahalin mo rin ako...katulad ng pagmamahal ko sayo." at medyo natigilan ako nang hinaplos ni Yusof ang mukha ko. "Mahal na mahal kita...Mikki."

"Y-Yusof..." at mas natigilan ako nang hagkan ni Yusof ang mga labi ko. Sandali lang yun pero ramdam na ramdam ko ang katotohanan sa mga sinasabi niya.

"Mikki...I love you. And I'll do anything...just to be with you." and again, he kissed my lips. Sa pagkakataong iyon ay mas matagal na ang halik na yun. Habang hinahagkan niya ang mga labi ko ay ramdam kong palakas na ng palakas ang tibok ng puso ko. He kissed me until we feel out of air. Dahan-dahan niyang binitawan ang mga labi ko.

"Y-Yusof..." ang nauutal na sabi ko habang hindi ako makatitig sa mga mata niya.

"Again, Mikki...I'm asking you. Can I court you?" ang mas malambing na sabi niya sa akin.

I smiled and said...

"YES. YOU WILL."