webnovel

this is how you fall in love (GL) [FILIPINO]

Isang babaeng lubog sa utang na may taong sasalo sa kanyang kahirapan. Ngunit may kapalit ito. Kaya bang itaya ang pagmamahal dahil lang sa pera? This is LGBTQIA+ story and available on WATTPAD!

leavamarie · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

Chapter 8 - Yakap

"Kamusta na kayo ng amo mo?"

Sinamaan ko ng tingin si Kevin na kanina pa dikit ng dikit sa akin sa maluwang na sofa. Buti na lang kami lang nandito sa bahay. Si Lola ay busy sa pagwawalis ng bakuran namin at si Irene naman naglalaro sila ng kalaro niya sa labas ng patintero.

Ako iniinterview ako ni Kevin kung kamusta na raw kami ng amo ko.

"Wala ka na don." sabay flip ng hair ko sa mukha niya.

"Ano ba yan! Nakain ko yung buhok mo." daing niya, "Pero bakit parang kinikilig ka kagabi?" tukso niya sa akin.

"Babae yon, Kevin. Magtigil ka." sabi ko sa kanya.

"Ano naman kung babae? Pwede naman magkagusto ang babae sa kapwa babae. Diba?" May point siya pero hindi pa ko handa. Hindi ako handa umamin na ganito nga ako na...

May gusto ako sa babae.

"Ah basta!' tumayo ako, "Basta hindi ako kinikilig." pagdiin kong sabi at may bumubulong sa likuran ko.

"Kita ko kagabi kung paano ka namumula." kantyaw niya sa akin.

"Kevin!" binato ko siya ng unan para tigilan niya ako.

"Ate, umamin ka na lang kasi para hindi na kita asarin ngayon." sabi niya at napansin ko si lola pumasok at narinig niya tuloy ang sinabi ni Kevin.

"Sino aamin?" tanong ni lola.

Binato ko ng unan si Kevin na huwag niyang sabihin at lumapit pa talaga siya kay lola ha? Nakakabwiset talaga.

"La, si-" hinatak ko si Kevin papunta sa kwarto para tumigil na siya.

"Oo aamin ako. May gusto ako sa amo ko. Okay?" pag-aamin ko sa kanya at niyakap niya ako.

Buti tanggap ako ng kapatid ko. Alam mo naman silahis din ito si Kevin. Laging may hawak na ballpen na may feather. Eh, nakuha lang niya naman yon sa pagpak ng kalapati sa amin. Pagkatapos kinulayan niya ng pink. Pero kidding aside, buti na lang talaga masaya ako tinanggap ako ng kapatid ko.

"Welcome to the club of LGBT!" pagkatapos niya ako niyakap ng mahigpit.

Umupo muna kami sa kama ko.

"Bakit ka kinikilig kagabi?" atat na tanong sa akin ni Kevin.

"Sinabihan niya lang ako nag-enjoy siya kahit malungkot siya ngayon." sabi ko sa kanya at kinilig din ito si Kevin. May paghampas pa sa akin oh!

"I mean wala man ako nagawa kagabi na para i-comfort siya pero siguro masaya siya sa performance ko." at nagsimulang nagtaka si Kevin kung anong performance na nabanggit ko.

"Nagperform ka, ate? Hindi ba tumigil ka na?" pagtataka ni Kev.

"Alam ko. Alam ko na tumigil na ko pero nahila lang naman ako. Emergency lang kailangan nila ng singer kasi nga nagback out daw." sabi ko sa kanya at napailing siya sa akin.

Alam kong hindi matutuwa ang inay namin sa nakikita niya ngayon sa akin. Pero kahit sandali lang naman na gawin ko lang naman yung gusto kong gawin sa buhay ko.

"Suportado naman kita, ate sa pangarap mo. Kahit ano man desisyon mo sa buhay. Susuporthan ka namin. Basta alagaan mo yung puso mo." sabi niya sa akin at niyakap niya ako.

Biglang may nagtext sa akin. Si Jacey.

Are you up? - Jacey

Tumingin ako kay Kevin na kinikilig ako ngayon kasi tinext niya ako kung gising na daw ba ako.

"Ehem! Kailangan ko na mapag-isa baka sakalin mo na ko sa kilig eh."

Tumayo na ang aking kapatid, "Love at your own risk!" payo niya sa akin at nag-okay ako sa kanya at tuluyang umalis na siya sa kwarto.

Yes. Nagb-breakfast ako Ikaw ba? - Me

I'm done. *sent a picture*I just want to tell you na may outing kami ni Chloe at Clint mamaya. Pupunta ka? Im okay if you have other plans - Jacey

Parang wala naman akong plano mamaya. Dito lang ako nakatambay sa bahay. Hindi rin natuloy yung paghahanap ko sa trabaho ko dahil nga nabayaran na yung 500k. Kailangan ko rin gawin ang dapat.

Sasama ako. Text me the deets. - Me

Sure I'll send it rn. See you, Scar. - Jacey

Same to you, Jacey. - Me

Ang pa-sweet girl ko naman sa reply ko pero masaya ako ngayon. Walang tatalo sa haba ng hair ko abot lapag.

Naghanap na rin ako ng damit para may maisusuot akong maganda mamaya at kaso wala ako makita.

Tutal meron naman ako natitirang sahod. Pwede ako magmall mag-isa. Dahil masaya ako, magwawaldas tayo ng pera ngayon. Nagpaalam na ko kay lola na gabi ako uuwi at huwag na ako hintayin. Nagtanong siya kung saan ako pupunta pero sabi ko may outing lang mga kaibigan ko. Pumayag naman siya at mag-ingat ako. Nagpaalam na rin ako kay Kev, bili daw ako pasalubong pauwi.

Papunta ako ngayon sa mall para bumili ng damit at accessories. Marami akong napuntahan na store pero wala ako napupusuang damit.

Kumain na lang muna ako ng hotdog sandwich habang naghahanap ng damit ko at bigla akong napatigil sa isang mannequin na naka-Boohoo oversized shirt at ang pang inner naman ay sleeveless cropped white. At may white short rin na nakasuot.

Mukhang eto na ang hinahanap ko. Excited na talaga ako. Pagkatapos nito, bonggahan natin ang fez natin later.

Sinuot ko ito at nagrampa ako sa loob ng fitting room. Buti na lang walang tao.

Bagay. Pak! Ganern! Pose dito. Ang ganda ko dito sa susuotin ko.

Pwede ko na raw suotin ang damit at ibigay na lang raw ang price tag. Sabi ng cashier kamukha ko raw daw si Heaven Parelejo. Huy! Ako lang to Scarlet de Guia nga pala. Sabi ko sa kanila huwag nila ako icompare kay Heaven, mas maganda yon sa akin. Basta iba ang ganda ko sa kanya. Maniwala kayo sa akin.

Biglang nagtext ang bebe ko. Charing! Friend ko pala.

I will pick you up. - Jacey

I'll send you my loc. - Me

Sabay send ko ng location ko sa kanya.

Kanina pa ko naghihintay dito sa labas ng Starbucks pero hindi pa rin niya ako mahanap. Wala na siyang reply sa akin nung sinend ko yung location.

Hindi ba matutuloy? Ala sais na kasi. Sayang pa naman dam-

"Miss..." may kumalabit sa akin.

Napalingon ako dahan-dahan at nakita ko si Jacey na naka-short ito, sun glasses at naka oversized na shirt na puti habang binubuksan niya ang pinto ng front seat.

"Hello, Ms. De Guia." ngiting sabi ni Jacey at biglang nagbaba ng bintana sa may passenger seat. Nakita ko sina Chloe at Clint na kumakaway sa akin.

Napabusangot ako.

Hindi ko masosolo si Jacey. Sayang naman. Pero okay lang talaga. Better luck next time.

Umupo ako sa front seat at panay ubo ang nasa back seat at napailing ako dahil nag-aacting lang sila na mukhang may something kaming dalawa.

"May Covid ba kayo?" tanong ni Jacey sa kanila.

"Wala naman." klinaro ni Clint ang boses niya.

"Parang may something..." panay acting ni Chloe na inuubo at napatingin ako sa kanya. Napa gesture siya na 'im watching you' sa akin, "something sa lalamunan ko. I need tubig, dear Clint." binigay naman ni Clint ang juice niya.

Ngayon driver si Jacey at ako naman nasa front seat katabi niya.

"Quiet. I need some peace." sabi ni Jacey at natawa si Chloe.

"Edi sana papuntang church tayo, gusto mo ng peace eh." natawa ako sa sinabi ni Chloe. May pakakwela din ito.

"So kamusta kayong dalawa, may progress na ba?" tanong ni Clint sa amin at nagkunwari akong nagtaka. Napatingin na lang ako sa bintana para hindi sagutin ang tanong ni Clint.

"Clint, we're just friends. Right, Scarlet?" sabi niya.

Ako? tinuro ko yung sarili ko.

"Of course. Friends lang muna tayo." sabi ko at they shouted 'muna'.

"Umaasenso ang bangka natin. 'Friends muna' sila." hindi ko sinasadyang sabihin yon pero wala tinawanan ko na lang para hindi mukhang awkward sa akin.

"Doon din nagsimula lolo't lola ko." biro ni Clint.

"Anong nangyari sa lola at lolo mo?" sinakayan ni Chloe ang biro niya.

"Nagkatuluyan din." Kinilig si Clint at Chloe.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.

"Speaking of pupuntahan, pupunta tayo ng Antipolo. May hanging bridge don so doon tayo pupunta." sabi ni Chloe.

Shet! Natatakot ako sa heights. Help me. Ayoko rin naman umatras din sayang experience din pero takot talaga ako sa heights pramis! Para akong nalulula.

"Meron pa tayo pupuntahan bago yon." sigaw ni Chloe.

"Spill it." bored na sabi ni Jacey.

"Pupunta tayo sa Enchanted Kingdom."

Lalo tuloy ako kinabahan dahil may mga rides na hindi ko kaya doon.

Help me lord. Kung sino man yung savior na tutulong sa akin. Hulog ng langit yon. Thank you talaga.

"Hindi na tayo bata, Chloe. May pa-enchanted pa talaga." reklamo ni Jacey habang nagdadrive ito.

"Kahit bata o matanda, nagrirides pa rin, Jacey." sambit ni Chloe habang kumakain ng chips sa likuran.

"Nagustuhan mo ba mga pupuntahan natin?" tanong ni Clint sa akin.

"A-ayos naman." Hindi ayos sa akin kasi panay search na ko sa google kung ano mga rides na hindi pwede sa akin.

Meron akong nakita sa site nila na may Extreme Tower Ride na nasa itaas ka pero bibiglain ka ihuhulog pababa.

Ayoko non.

Lalo na sa Space Shuttle. Jusme! Gusto ko pa mabuhay.

At eto pa yung ferris wheel. Alam kong naman na pang romantic ang ferris wheel pero takot ako sa heights. Hindi ko kakayanin magtagal doon.

Paano kung lumindol tapos nandoon kami sa tuktok diba? Kinakabahan ako sa mangyayari sa amin.

Huminga na lang ako ng malalim para mawala ang kaba pero nananatili pa rin kinakabahan ako. Dapat 'di na lang ako sumama pero kasi ininvite ako ni Jacey so syempre sasama ako kahit saan man siya pumunta. Kahit papunta sa kanya, pwede naman. Ang harot ko dito! Sorry. Pasintabi sa mga single ngayon na walang ka-talking stage.

Ilang sandali lamang, nakatulog kami sa byahe at tinapik niya ako sa balikat para magising.

"Nandito na tayo. Pakigising na yung iba." sabi niya at sinunod ko naman ito.

"Gising na, Clint at Chloe!" sabi ko at nagsigising naman silang dalawa.

"Nasan na tayo?" antok na sabi ni Chloe.

"Nasa entrance na tayo. Magsiayos na kayo." bilin ni Jacey.

Nagretouch na ako para maganda ang fez natin mamaya.

Pagkatapos magpark ni Jacey, nandito kami sa entrance at tapos na kami nakapila. Yung ticket na binili pala nila all rides all you can pala so doon tayo sa pambatang rides!

Syempre joke lang! Nakakahiya naman kay Jacey kung doon tayo. Hindi ako magpapapakatalo 'no kahit nanginginig na ang aking paa sa takot.

Nagsimula kami sa Extreme Tower Ride. O diba! Nakakatakot to. Ito yung nakita ko sa site kanina ng enchanted kingdom eh. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Jacey.

"Hindi eh. Kinakabahan ako." sabi ko sa kanya na hinihipan ko yung kamay ko dahil namamawis ito.

"Akin na." hinawakan niya ang kamay ko kahit may pawis ito.

"May pawis yan." bulong ko pero yung takot ko kanina pinalit ng kilig. Kinikilig ako shemay!

Napansin din ni Clint at Chloe kaya vinideohan pa nga ito. Sabi ni Chloe sa akin 'proof' lang for investigation kaya pagpatuloy daw namin yan.

Sumakay na kami sa Extreme Tower Ride at umupo kami habang magkaholding hands. Kinantyawan kami ng mga staff na kung kami daw. Dineny naman agad ni Jacey na hindi kami kaya nasad ako. Pwede naman kasi magpanggap kami na 'kami' talaga ngayong araw lang.

Sumakay din kami sa Rio Grande at nabasa kami buti na lang may bilihan dito na damit kaya may palitan. Pagkatapos, dumeretso kami sa Space shuttle. Doon hindi na kami nagkaholding hands kasi na-enjoy ko naman daw rides.

Last spot namin ay Wheel of Fate bago kami mag hanging bridge sa Antipolo.

"Takot ako sa heights." bulong ko at napansin Jacey ang sinabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at kinilig na naman ang ate niyo.

Pasakay na sana kami sa apatan pero hindi kami pinapasok ni Chloe at Clint.

"Kuya, magkadate yang dalawang yan kaya ipa-solo po yang dalawang yan." sigaw ni Chloe at nahiya tuloy ako dahil ang dami nakarinig.

Nagyiee din ang ibang sasakay sa amin at mga staff. Sobrang pagdeny ni Jacey sa kanila na hindi 'kami'.

Pwede naman kasi totohanin na lang?

Sumakay din kami ni Jacey at nagsimula umandar ito dahan-dahan. Dahan-dahan ang andar ito pero doon ako napapikit at sobra kong higpit ang kapit ko kay Jacey.

"Open your eyes." sabi niya.

"Ayoko. Natatakot ako." sabi ko sa kanya.

"Kasama mo ko. Don't worry. Just open please?" dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at may tinuro siya kaya napatingin ako.

At nakita ko ang mga city lights dahil pagabi na ito.

"Ang ganda."

"Maganda nga." napatingin ako sa kanya at binaling niya ang atensyon sa mga nakikita namin na city lights. Pinicturan ko ito at nagselfie.

Nakita kong nakatingin lang sa malayo si Jacey habang magkaholding hands kami.

Kumalas ako sa paghahawak ng kamay namin at napansin niya ito.

"Picture tayo?" sabi ko sa kanya at himindi siya.

"No. I don't do picture." nahihiya pa to si Jacey.

"Alam mo nandito na tayo atleast may memories ka with your friends right? Friends naman tayo diba?" I want to convince him pero sa dulo ako pa rin ang panalo.

Nagpicture din kami.

May picture na rin kaming dalawa at pwede ko ito i-wallpaper.

"Wallpaper ko to ha?" sabi ko sa kanya.

"I know they usually use it as wallpaper if they are officially girlfriend or boyfriend." sabi sa akin ni Jacey at napatigil ako sa pagset ng wallpaper.

"Friends naman tayo..." sabi ko sa kanya at nagpatuloy akong sa pagset ko ng wallpaper.

"Yeah. But..."

Pinakita ko sa kanya ang wallpaper ko sa phone at umiwas siya ng tingin. Tinuon niya na lang ang atensyon niya kina Chloe at Clint na kanina pa nakamasid sa aming dalawa.

"Okay. Fine. Hindi ko na iseset." malungkot kong sabi habang papalitan ko sana.

"No. You have the right naman to choose your wallpaper. So pwede naman unless you mean it." ginulo niya ang buhok ko. Eto na naman siya ginugulo ang buhok. Inayos ko na lang at nagsalamin ako para ayusin ang buhok ko na ginulo ni Jacey.

What if I mean it?

"You aren't scared na?" tanong niya sa akin at umiling ako.

"Kasama kasi kita eh." sabi niya at tiningnan niya ko na nagtataka siya sa sinabi ko, " I mean we're friends at tinulungan mo ko para hindi matakot." dagdag ko.

She said 'Ahh.' pero naging awkward na kami pagkatapos.

May sinabi ba akong ikaka-awkward namin sa isa't isa?

Tapos na ang rides para sa Wheel of Fate. Tapos na ang fear, excitement at fun sa mga sinakyan namin rides kaya here we go Antipolo!!

Second to the last destination ang Antipolo kasi ang last daw ayon kay Chloe, sa Kiel Beach Resort kami. Nandoon daw ang mga friends ni Chloe at Clint. Nandoon daw si Megan pero hindi alam ni Jacey. Kami lang nakakaalam.

Nakaimik nagd-drive si Jacey na parang may iniisip ito.

Kanina pa siya ganyan. Hindi ba tungkol sa picture na nilagay ko sa wallper? Kanina pa siya tahimik sa kotse. May times na kinakausap siya ni Chloe at Clint. Ang tipid niya sumagot.

Pagkarating namin sa Antipolo. Bumaba agad ako para baguhin ko yung wallpaper.

"Tara na, Scarlet!" tawag sa akin ni Chloe.

Eto na babaguhin ko. Papalitan ko na lang yung selfie ko sa ferris wheel para hindi awkward sa aming dalawa. Kinakabahan ako ngayon kasi nasa harap na ko ng hanging bridge at nasa gitna na si Chloe at Clint.

Si Jacey naman nasa likuran ko hinihintay ako makatawid pero hindi ko kaya talaga.

"Tss. Come on. Nasa gitna na sila." sabi ni Jacey at she held my hands quickly para makatawid.

Sa pinakaunahan pa lang ako pero hindi pa masyado nakakatakot dahil inaalalayan ako ni Jacey.

"Just trust me. You'll be okay." pagconvince niya sa akin na kaya ko to habang inaaalalayan niya ako.

Dahan-dahan lang kami at sobrang likot ni Chloe kaya napa-gewang niya ang hanging bridge kaya lalo ako natakot. Napaupo ako at umiiyak.

Umiiyak ako dahil tumingin ako sa ilalim na sobrang lalim nito. Nakita ko na puro mga puno ito at naisip ko bigla kung paano naputol itong hanging bridge dahil sa pagewang ni Chloe kaya lalo tuloy umiyak.

Nagpanick si Jacey at pinunasan niya ang luha ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Trust me, Scarlet. Just h-hold my hand. I know you can do it." sabi niya sa akin kahit alanganin niyang nilahad ang kamay niya.

Um-okay ang aking pakiramdam habang naglalakad kami dahan-dahan sa tulay. Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Jacey at sa mismong tali ng hanging bridge.

Pagkarating namin sa dulo na kanina pa kami hinihintay ni Chloe at Clint dulo ng hanging bridge. Pumiglas ng pagkahawak ng kamay si Jacey at nauna siya maglakad sa akin.

Natatakot ako pero bahala na. Nakatingin pa rin ako kay Jacey na gusto kong magpatulong sa kanya.

"Alam kong kaya mo, Scar. Just trust yourself." sigaw ni Jacey at nilakasan ko ang loob ko.

Dahan-dahan ako naglakad habang nakahawak pa rin ako sa gilid ng tali sa hanging bridge at sinalubong nila ako lalo na si Jacey.

"Nagawa ko...." napanatag ang loob ko at nakita ko si Jacey na nakangiti.

"Good jo-"

Niyakap ko siya ng mahigpit dahil nagawa ko ang pagtawid sa hanging bridge nang dahil sa kanya.

Napaubo sina Clint at Chloe at napansin namin na nagkaroon ng flash ang camera.

Pinicturan ba naman kami habang nakayap pero hindi napansin ni Jacey. Nakatalikod kasi ito at natawa na lang ako habang yakap si Jacey.

Kumalas sa pagkayakap si Jacey sa akin at kumalas din ako.

"Sorry... nabigla ako." pagpapanggap ko kahit gusto ko pa rin siya yakapin.

Tsansing na kung tsansing kay crush 'no!

"It's okay." nahiya tuloy si Jacey sa akin.

Ako naman nakatago ang ngiti sa labi ko sa sobrang kilig. Pero naalala ko na naman ang sinabi ng kapatid ko 'Love at your own risk!' Alam ko naman masasaktan din ako pero hindi ko na lang iniisip. The more na iniisip ko, the more na magiging conscious ako baka hindi kami magkaroon ng maganda koneksyon ni Jacey.

Ngayon feeling ko gusto ko na i-risk ang feelings ko kay Jacey.

Gusto ko siya pero gusto niya ba ako?

Alam ko naman na mahal niya pa rin si Megan. Alam ko masakit sa part ko yon pero bigyan naman niya ako ng pagkakataon para mapakita ko sa kanya kung ganito ako ka-sincere sa kanya.

It's my first time to like someone na same gender din. I am new with this pero sincere ako na may gusto ako sa kanya.

Pero gulung-gulo ako ngayon. Akala ko okay na ko na masaya na ako kasama si Jacey pero may humahadlang sa kasiyahan ko...

Pakiramdam kong masakit sa tuwing nakikita ko sila. Parang ngayon, nandito kami sa Kiel Beach Resort.

Ininvite ni Chloe si Megan at yung fiance nito.

Habang ako naman katabi ko lang si Jacey na habang busy siya sa pagtitig kay Megan.

"Hanggang kailan titigil ang pagtitig mo sa kanya?" iritang sabi ko sa kanya at tumingin siya sa akin na nagtataka ito sa sinabi ko.

Bakit sa unang part pa lang ng love story namin masakit na?

Like it? Add to Library!

Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @leavamarie

> twitter: @leavamarie

This story is also available on Wattpad!

leavamariecreators' thoughts