"Jaime, alam mo ba ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ng Ninong Anthon mo?"
Nagulat si Jaime sa tanong ni Issay.
Nasa isang silid sila na nagsisilbing private room ni Issay.
"Dahil po may iba na kayong mahal sa isa't isa?"
Maingat na sagot ni Jaime.
Maingat syang sumagot kay Issay dahil sa edad nyang ito, malaki ang takot nya kay Issay. Pakiramdam nya kasi sinasapian si Issay ng Lola Fe nya pag kinakausap nya ito.
"Minahal ako ng Ninong Anthon mo nung mga bata pa kami na hindi ko nalalaman at nalaman ko lang ng muli kaming magkita.
Nauwi ito sa isang magandang relasyon at muntik na nga kaming ikasal pero .... "
Tumigil si Issay. Naghahagilap ng tamang salita kung papaano ipapaliwanag ang nangyari sa kanila ni Anthon noon.
"Minahal ako ng Ninong Anthon mo, yung batang version ko. Hindi nya matanggap na nag grow na ako, I mean not physically! Forty five years old na ako ng maging nobyo ko sya pero ang trato nya sa akin ay para pa ring sixteen years old, samantalang isang taon lang naman ang tanda nya sa akin!"
Kwento ni Issay.
"Nanay Issay, alam nyo po ba na kayo ang labis na pinagsisihan ni Ninong. Bakit po ba hindi nyo sya nabigyan ng isa pang pagkakataon?"
Usisa ni Jaime na may halong panghihinayang.
"Mahal ako ng Ninong Anthon mo pero ..... NAKAKASAKAL ang pagmamahal nya, hindi na ako makahinga!"
Sagot ni Issay na ikinagulat ni Jaime.
'Anong ibig nyang sabihin sa nakakasakal?'
"Nanay Issay, may ginawa bang hindi magandang bagay si Ninong sa inyo?"
"Hindi kasi matanggap ni Anthon na kaya ko syang higitan sa lahat ng bagay. Hindi nya matanggap na hindi nya ako makontrol."
Deretsahang pag amin ni Issay.
"Hindi nyo po ba pinaghihinayangan ang naging relasyon nyo?"
"Hindi, dahil hindi ako ang minahal ni Anthon kundi ang AKO na kaklase nya nuon. Hindi ko kailangan ang lalaking hindi ako kayang mahalin at tanggapin ang buong pagkatao ko!"
Paliwanag ni Issay.
"Kaya nyo po ba pinakasalan si Don Miguel dahil mas malakas sya sa inyo?"
"Hahahaha! Hindi ko akalaing baba pala ng pagtingin mo sa akin, Jaime."
Natahimik si Jaime. Hindi alam ang sasabihin.
"Sorry po!"
"Alam ko kung gaano mo kamahal ang Ninong mo kaya malamang iniisip mong naging malupit ako sa kanya kaya hindi kami nagkatuluyan. Pero gaya nga ng sabi ko, minahal ng Ninong mo ang younger version ko at yun ang nakita nya sa asawa nya ngayon. At kung may labis man syang pinagsisihan sa akin, bakit hindi sya ang tanungin mo kung ano yun?"
Sabi ni Issay.
Tumahimik muli si Jaime, nagiisip.
"Gusto mo bang malaman kung bakit kinukwento ko ngayon ang bagay na ito sa'yo?"
Tanong ni Issay.
Yan nga ang gustong itanong ni Jaime.
"Bakit po?"
"Dahil kay Nadine.
Katulad ko, nasasakal na rin ang asawa mo sa mga pinag gagawa mo.
Kahit na sabihin pang isa kang general, alam mong mas higit na makapangyarihan si Nadine sa'yo.
Mas malakas sa'yo ang asawa mo, mas matapang, mas magaling, mas matalino, mas madiskarte at higit sa lahat, hindi ka nya kailangan dahil kaya nyang mabuhay ng wala ka!
Kaya pwede ba itigil mo na ang pagiisip bata mo! Grow up! Tama na ang pride at ego! Hindi yan ang magpapasaya sa'yo! Kung gusto mong maging masaya, tanggapin mo ang buong pagkatao ng asawa mo!
Pero kung mas mahalaga pa rin sa'yo ang pride at ego mo, pakawalan mo na sya ng makahanap na sya ng magmamahal sa kanya ng higit pa sa'yo! Naintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, JAIME SANTIAGO?!"
Nakaramdam ng sobrang kaba si Jaime habang sinasabi ito ni Issay.
Pakiramdam nya, sumapi na naman ang Lola Fe nya sa Nanay Issay nya.
"O-Opo! Pa-Pangako po Nanay Issay!"
At parang isang maamong tupa itong tahimik na naupo.
Habang si Nadine ay nasa labas ng silid, nakikinig, tinatakpan ang bibig para hindi matawa sa itsura ng asawa.
"Nadine, pumasok ka nga dito!"
Gulat si Nadine ng bigla syang tawagin ni Issay.
'Patay!'
Dahan dayan itong pumasok sa loob na ikinagulat ni Jaime.
"Kanina ka pa ba sa labas 'Ling, nadinig mo bang pinaguusapan namin ni Nanay Issay?"
Tanong ni Jaime.
"Hindi naman, natawa lang ako sa itsura mo, parang ang bait mo!"
Sarkastikong sagot ni Nadine.
Napataas ang isang kilay ni Issay.
'Lintek na bata ito, kanina pa sya dyan, nakikinig, kunwari pa!'
'Kurutin ko kaya sa singit ito!'
"Ling sorry na, alam kong may pagka imature ako at marupok but please give me a chance and promise I will make it right this time! Hindi ko kayang mawala ka at ang mga anak natin sa buhay mo! Miss na miss na talaga 'Ling! So please pauwiin mo na ako sa bahay!"
Pagmamakaawa ni Jaime.
Wala na syang pakialam ngayon sa pride at ego nya hindi nya kayang ipaubaya si Nadine sa ibang lalaki.
"Hindi ka pwedeng umuwi hangga't hindi mo natatanggap si Mel!"
Sabi ni Nadine.
"Ang lupit mo naman, Ling!"
Sabi ni Jaime.
"Oonga naman Nadine ang lupit mo! Ikaw nga tatlo na anak mo hindi pa ri natatanggap ni enzo si Jaime!"
Sabat ni Issay.
"Kita mo 'Ling naintindihan ako ni Nanay Issay! Baby ko yun eh, kaya kahit kelan hindi ko matatanggap na may iba ng lalaki na mas mahal ang baby ko!"
Natutuwang sabi ni Jaime.
Nakasibangot na tiningnan ni Nadine si Issay.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan, nagpapakatotoo lang ako!"
Sagot ni Issay sa mga tingin ni Nandine.
"Pero 'Nay ayaw nya pong tantanan yung dalawa! Naawa na ako sa kanila! Baka pag hindi nya tinigilan yung dalawa, isang araw maglaho na lang sila at hindi na magpakita! Ayokong mawala sa akin si Kate!"
Naiiyak na sabi ni Nadine
"Jaime, alam kong mahirap tanggapin si Mel sa buhay ng anak mo pero hindi naman ata tama na hadlangan mo ang kaligayahan ng anak mo. Hindi naman ginawa ni Enzo kay Nadine yan! Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Mel, hindi mo man lang sya mabigyan ng pagkakataon?"
Tanong ni Issay.
"Kasi po .... kasi .... masyado syang malambot!"
Sabi ni Jaime.
"Grabe ka naman sa amin ni Mel, Jaime. Ganyan ka pala!"
Sabi ni Issay.
"Oonga! Hindi mo ba alam na small but terrible yang si Nanay Issay!"
Sabi ni Nadine sabay hampas sa asawa.
"Oo nafefeel ko nga eh!"
Sagot ni Jaime.
"Jaime, ayusin mo ang pakikitungo mo kay Mel at maging sensitive ka na sa feelings ng asawa mo at ng mga anak mo lalo na kay Kate or else ako na mismo ang maglalayo sa'yo sa pamilya mo! Utos 'to hindi pakiusap!"
Mariing sabi ni Issay.
"Naiintindihan ko po Nanay Issay. Gagawin ko po ang lahat para maayos ang pamilya ko. Katunayan, may plano na po akong mag retiro. Pagod na po akong maging sundalo."
Pagtatapat ni Jaime.
Nasa retirement age na talaga sya at aminado syang pagod na sya. Pakiramdam nya hindi na sya masaya sa buhay sundalo.
"At bakit, ano naman ang gagawin mo pag nag retiro ka na?"
Mataray na tanong ni Nadine.
"Pagsisilbihan ka!"
Sagot ni Jaime ng buong lambing.