webnovel

Or Else What?!

Lumipas ang ilang araw eto si Nicole, nasa airport ulit.

And this time hindi na sya umiiyak bagkus, magkasalubong ang dalawang kilay nito.

Paano ba naman, sa tagal nya sa Australia di man lang sya naalala ng asawa't mga anak nya. Imbyerna na sya.

Akala nya kasi pag nalaman ng asawa nya na nasa Australia sya, susundan sya nito at aamuin. Mas pinili pa naman nya dito kesa umuwi sa Zurgau sa mga magulang nya.

'Hmp! Langya, wala man lang nakaalala sa akin!'

'Naisip ko pa naman na sa Australia tumuloy para makapag bakasyon din kami ni Honey ko at para may privacy kami, dahil, tyak ko na aawayin sya ng Papa pagnalaman nun ang ginawa nya sa akin!'

'At ito namang dalawang anak ko .... naku, naku! Ihanda nyo ang mga pwet nyo Earl, Eunice, at dadapa kayong dalawa pag dating ko!'

'Ni hindi man lang ako, na mommy nila, naalalang kamustahin kung buhay pa ko o hindi!'

'Haaay! Wag nilang sabihin malalaki na sila, wala akong pakialam!'

'HMP!!!!'

Ramdam ng mga kasabayan ni Nicole ang masungit at galit na aura nito kaya halos lahat ay umiiwas. Feeling nila anytime, mananapak itong si Nicole.

Paglabas nya ng airport mas lalong umusok ang ilong ni Nicole.

'Langya, nagiwan pa ko ng message na ngayon ang uwi ko pero bakit tila wala man lang susundo?'

Salubong na ang dalawang kilay ni Nicole.

Pero paano ba naman sya maaalala ng asawa nya e eto si Edmund hindi na umaalis ng bahay at laging naka kulong sa study room, kausap sila Kate at mga tauhan nya, pilit na pinipigilan ang pagkalat ng ingay tungkol sa virus.

Alam na nila kung sino ang salarin, si George, ang panganay na anak ni Don Miguel. At alam na rin nila ang target nito.... ang Sinag Island.

Gustong angkinin ni George ang ari arian ng magasawang Miguel at Issay. Ang mga pinaghirapan ng dalawa na kung tutuusin ay wala ng kinalalaman si George dahil naibahagi na ni Don Miguel ang dati nyang kayamanan sa una nyang pamilya at yun ay sila George.

Wala syang itinira maliban sa korporasyong pagaari ng pamilya Saavedra. Ngunit maging ito ay ibinigay nya na rin sa iba nyang kamaganak upang makapagsimula sya ulit ng maganda kasama ng kanyang iniirog na si Issay.

Ginawa ito lahat ni Miguel Saavedra, nagpaka baba sya nagsimula sa umpisa para kay Issay. Upang sa ganun, hindi na maghabol ang mga kamaganak nya sa anuman ipupundar nya kasama ang pinakamamahal na asawa.

Ngunit dahil sa natatago nitong angking galing, naging maganda ang kapalaran kay Miguel.

At dahil na rin sa magkatuwang na husay ng dalawa, ilang taon lang ay napalago na nila ang negosyong ipinundar nila at yun ang nakatawag pansin kay George.

Hindi nito matanggap na ilang taon lang eto na naman ang ama nya gumagawa na naman ng ingay sa business world samantalang sya ay hindi man lang magawang madagdagan ang assets ng kompanyang iniwan sa kanya ng kanyang ama. Hindi nya matanggap na hindi nya man lang kayang pantayan ang galing ng kanyang ama.

"It only takes him 5 years to go back on track, how can accept it!"

"I'm his son, he should tell me his secrets and teach me everything he knows!"

Yan ang laging iniisip ni George, may sekreto ang ama kaya napakagaling nito at yan ang gusto nyang malaman kaya lihim nyang inimbestigahan ito ngunit sa pag iimbestiga nya, dun nya natuklasan ang Sinag Island at nagkainteres sya dito.

Pero hindi naman tanga si Don Miguel para di malaman ang kinikilos ng kanyang anak sa unang asawa na si George.

Alam nyang pinaimbestigahan sya nito kaya sa simula pa lamang ay naghanap na ito ng papalit sa kanya sa Sinag Island at dalawa lang ang nakita nyang may potential, ang magpinsang si Kate at Eunice.

Kung tutuusin, sa dami ng ipinagawa ni Don Miguel sa dalawa, hindi matatawag na pamana kungdi kabayaran ang Sinag Island.

Kaya sa simula pa lamang ay nasa pangalan na nila inilagay ang pag aari ng isla.

Ngunit hindi interesado dito si Eunice kaya ibinigay nya ang parte nya sa kaibigang si Mel, kaya ang buong Sinag Island ngayon ay pagaari na ng magasawang Mel at Kate.

Pero hindi naniniwala dito si George. Ang tingin nya mga dummy lang ni Don Miguel ang dalawa para hindi nya makuha ang Sinag Island.

Ganito sya magisip, sadyang sakim ..... bagay na namana nya sa lolo nya ang ama ni Miguel.

Natural na atang maitim ang budhi ng taong ito at ang tingin nya ay may karapatan sya sa lahat dahil pagaari nya ang mga ito.

Mabilis kung kumilos si George, ginagamit ang kahinaan ng mga tao para makuha ang gusto nya at yan naman ang sinusubukan pigilan ni Edmund.

*****

"Ate, what the hell is going on to Dad? Bakit parang praning na sya? Ni hindi na sya halos lumalabas ng study room!"

"Ewan ko Earl but I'm worried! It's good that Mom is not here or else...!"

"Or else what?"

Gulat ang dalawa na napalingon sa direksyon ng kadarting lang na si Nicole.

"MOM!"

Gulat na sabi ng dalawa.

Natataranta tuloy sila ng makita ang ina.

Sinadya kasi nilang hindi ipaalam ang nangyayari sa Daddy nila kaya hindi nakikipag kominikasyon ang mga ito sa ina.

Hindi nila kayang magsisinungaling sa Mommy nila kaya mas minabuti nilang manahimik at hayaan na munang magsaya ang ina sa baksyon.

"Anong nangyari sa inyo, ba't para kayong nakakita dyan ng multo?"

"Mom, bakit po andito na kayo? Kala ko po nageenjoy kayo sa vacation nyo?"

Sabi ni Eunice.

Habang nagiisip ng way para mailayo ang ina dito sa bahay at baka magalit pag nalaman ang pinag gagawa ng ama.

"Yes Mom, just saw your last post, your so happy and enjoying! So bakit po kayo umuwi agad?"

Sabi ni Earl.

"Soooo, nakikita nyo pala mga post ko!"

"Yes Mom, we did!"

Buong ngiting sagot ni Earl sabay tingin sa ate nya inaantay na umoo din ito pero nanahimik lang si Eunice.

Dahil ramdam ni Eunice ang namumuong galit sa aura ng mommy nya, lalo na ng madinig ang sinabi ni Earl.

'Jusmiyo bakit ba sa edad kong 'to at engage na ko, takot pa rin akong matsinelas ni mommy?'

"Ate ...."

"I'll deal with both of you later! Nasaan ang Daddy nyo?"

Inis na sabi ni Nicole.

"Uhmm....."

Hindi sila makasagot pero di maiwasan ni Earl na tumingin sa taas sa direksyon ng study room.

"Mom, pwede po ba tayong magusap? Please?"

Pigil ni Eunice sa ina sa pag akyat.

"Okey speak!"

"Mom, can you sit down first?"

"No! Just tell me what you want to say Eunice dahil malapit na kitang mapadapa!"

Dumadagundong ang tinig ni Nicole sa buong katauhan ni Eunice. Nakakaramdam sya ng matinding takot.

"First, sorry po kung hindi namin nagawang kamustahin at kausapin during your vacation. Hindi po namin gusto gawin yun pero need po namin dahil .... "

Hindi maituloy ni Eunice ang sasabihin.

"Dahil po kay Daddy!"

Si Earl ang nagtuloy.

"Why, what's wrong with your Dad? Speak!"

"He's there po Mom, since you left!"

"What?"

"Hindi po sya lumalabas ng study room at worried na po kami ni Ate Eunice! Hindi na po namin alam kung ano ang gagawin!"

"Eunice...?

What exactly is going on to your Dad?"

"Haaaay!"

Buntonghininga ni Eunice.

"Hindi ko po alam exactly. Ang alam ko lang they are trying to stop spreading something. A rumors about some kind of virus. Kausap nya po sila Ate Kate."

"What virus?"

Naalala ni Nicole ang usapan kanina sa eroplano.

May kumakalat daw na virus somewhere sa bansa na nagmula sa isang country at ang pagkakaintindi nya sa kwentuhan kanina sa eroplano, na mukhang madami na ang bansang dinadapuan nito na tila nagsisimula na ang epidemya.

Kinuha nya ang phone ang sinearch ang tungkol dito.

"Anong kinalalaman ng Daddy nyo sa balitang ito?"

"Huh? May kinalaman si Daddy dyan? Yan ba ang pinag gagawa ni Daddy, Ate Eunice?"

Hindi makapaniwala si Earl na hindi man lang sya sinabihan ng ate nya tungkol dito.

Hindi nya alam kung maiinis sya.

"Hindi po ako sure Mom, inaalam ko pa po! Hindi ko po nakakausap si Daddy kaya gumawa po ako ng sarili kong imbestigasyon.

Kaya wagka na dyan magtampo Earl, sasabihin ko naman sayo e pero di pa ko tapos sa imbestigasyon ko!"

Paliwanag ni Eunice.

"Earl, kunin mo ang susi ng study room! Oras na para kausapin ang Daddy nyo!"

Pero bago tumalima si Earl may dumating na bisita si Doc Sherwin ang kaibigan duktor ni Edmund dala ang test results nito.