webnovel

Loving Unconditionally

BANG!

"DAAAD!"

Sigaw ni Kate na nagpagising sa asawa nyang si Mel.

"Kate MyWifeyLabs! Gising! Gising!"

Sabi ni Mel habang niyuyugyog si Kate hanggang sa magising ang asawa.

"Haaah! Haaah! Haaah!

Melabs! Huhuhuhu!"

Sabay akap ni Kate kay Mel.

"Shhh.... shhhh....tahan na! Andito ako WifeyLabs ko!

Alo ni Mel sa asawa.

Inalo nya ng inalo hanggang sa mahimasmasan ito.

"Uminom ka muna ng tubig."

Kinuha ni Mel ang tubig na nasa ibabaw ng bedside table at ibinigay kay Kate.

Laging may handang tubig si Mel kay Kate para pag nagising ito ng gabi at mauhaw.

"Ang Daddy mo na naman ba ang napanaginipan mo?"

Tanong ni Mel

"May nangyari kay Daddy!"

Takot na sabi ni Kate.

Kinabahan si Mel.

'Nung una si Grampy General ang napanaginipan ni Kate MyWifeyLabs at totoo ngang nalagay sa panganib ito. Ngayon naman ang Daddy nya ....'

'Juskolord huwag naman sana! Sunod sunod na itong nangyayari sa pamilyang ito!'

Dasal ni Mel.

"Kailangan kong makausap si Mommy!"

Sabi ni Kate at nagmamadali itong lumabas ng silid para magtungo sa guess room kung saan naroon si Nadine at Khim.

"Mom, please wake up! I need to talk to you."

Nagulat si Nadine ng ginigising sya ni Kate.

"Why, what's wrong? May nangyari ba?"

Pinilit tumayo ni Nadine sa kama pero mahigpit ang pagkaka akap ni Khim, tila ayaw syang pakawalan.

Kinuha nito ang unan at iyon ang pinaakap kay Khim saka dahan dahang umalis sa kama.

Nagtungo sila sa sala at duon nagusap.

"Anong nangyari Kate bakit mo ako ginising?"

Kinakabahan tanong ni Nadine sa anak.

"Kasi po si Daddy, napanaginipan ko po si Daddy! Nabaril po sya Mommy!"

Inakap nito ang ina saka umiyak ng umiyak.

Shhh.... shhhh.... tahan na!"

Alo ni Nadine kahit na nakakaramdam na rin ito ng takot sa napanaginipan ni Kate.

Nakamasid lang si Mel.

"Mommy Pretty, gusto nyo po ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo ni Kate MyWifeyLabs."

"Mel, huwag kape, mag hanap ka ng chamomile tea para ma relax si Kate."

Sumunod naman si Mel kahit hindi nya alam kung ano yung chamomile tea na sinasabi ni Nadine.

Habang nagiinit ng tubig, hinanap nito ang chamomile tea.

"Ay eto pala yun! Ganito pala spelling ng chamomile! Hehe!"

At mabango sya ah, nakakarelax nga! Next time bibili ako ng madaming ganito para ma relax si WifeyLabs ko!"

Matapos nyang ma iready ang tea, dinala nya ito agad sa magina.

Kasalukuyan namang kausap ni Nadine si Major General Cinco ng pumasok ng sala si Mel.

Alam nyang hindi matatahimik si Kate hangga't wala itong balita sa ama.

"Okey Major General, balitaan mo agad ako kapag nakita na si Jaime."

At ibinaba na nito ang phone.

"Mel amina ang tsaa!"

Eto po Mommy Pretty!"

Kinuha agad ang isang tasa at sinalinan ng tsaa.

"Mom, tell me, ano pong sabi ni Major General?"

Usisa ni Kate.

Medyo naintindihan nya ng konti ang usapan pero gusto nyang madinig ang kabuuan.

"Anak sabi ni Major General, may kumuha daw sa Daddy mo na mga kalalakihan from the bar.

But don't you worry dahil andun din daw si Grampa Joel mo para hanapin ang Daddy mo. Nagkita sila habang hinahanap ang Daddy mo.

Kilala mo naman si Grampa Joel mo alam mong hindi titigil yun hangga't hindi nya nakikita ang hinahanap nya. So stop worrying."

Sabi ni Nadine na may halong pangungumbinsi para mabawasan ang pag aalala ni Kate.

Pero tumahimik lang si Kate, nagiisip.

"Here, drink this. It will help you relax."

Hinipan pa ni Nadine ang tsaa bago ibigay kay Kate.

"Don't worry Kate, mahahanap din nila ang Daddy mo. Saka, malakas at matapang ang Daddy mo hindi basta basta mapapabagsak iyon ng sino man!"

Tahimik lang si Mel na nakikinig sa dalawa.

'Bakit feeling ko hindi lang si WifeyLabs ko ang sinusubukang kumbinsihin ni Mommy Pretty kundi pati na rin ang sarili nya.'

After a while nakatulog din si Kate. Nakaunan ito sa lap ni Nadine.

"Mommy Pretty may third eye po ba si Kate MyWifeyLabs?"

"Ha? Bakit mo naitanong?"

"Kasi po nung si Grampy General ang nalagay sa peligro, napanaginipan din po sya ni WifeyLabs ko, tapos po ngayon ang Daddy naman nya ang nawawala, napanaginipan din sya ni Kate MyLabs."

"Hindi ako sigurado pero nuon pa man ganyan na si Kate pag may napapanaginipan sya tyak nyang may nangyari sa taong yun."

"Kaya po ba hindi nyo maiwasang matakot pagkadinig nyo sa panaginip ni Kate MyWifeyLabs?"

"Mel, asawa ko pa rin si Jaime at ama pa rin sya ng mga anak ko. Kahit na ilang beses man nya akong nasaktan, hindi pa rin madaling tanggapin kung may mangyaring masama sa kanya."

Paliwanag ni Nadine.

"Naintindihan ko po, ang ibig nyong sabihin. Ngayon kasal na ako, hindi ko rin po makakaya na may mangyaring masama sa WifeyLabs ko!"

"Kaya ikaw, habaan mo pa ang pisi mo sa anak ko, malayo layo pa ang lalakbayin nyo."

"Opo, Mommy Pretty!"

"Hindi ko maipapangako sa'yo na magugustuhan ka ni Jaime one day pero isa lang ang tyak ko mapipilitan syang tanggapin ka alang alang kay Kate."

Nangiti naman si Mel.

'Okey na sa akin yun! Hehe!'

"Kahit na po saan pa kami dalhin dalawa ni Kate MyWifeyLabs, hinding hindi ko po bibitiwan ang kamay nya. Lagi akong nasa tabi nya sa bawat tagumpay nya at mamahalin ko ang mga taong mahal nya kahit na kailanman hindi ako magustuhan ng Daddy nya!

Ito po ang ipinangako ko sa anak nyo!"

This time si Nadine naman ang nangiti, napahanga na naman sya kay Mel.

'Maswerte si Kate at nakatagpo sya ng lalaking mamahalin sya unconditionally!'

*****

Kanina sa hideout ni Edwin.

BANG!

Umalingaw ngaw ang putok pero dalawa ang bumagsak, si Jaime at si .... Edwin.

Nagulat ang mga tauhan ni Edwin.

"Paanong .... "

Nagtataka sila, papaanong may tama si Edwin eh, wala namang baril na hawak si General?

Maya maya may mga naglulusuban na mula sa labas.

Nataranta ang lahat, nagkanya kanyang takbo.

"Jaime! Jaime!"

Sigaw ni Joel sa pamangkin.

Puno ng takot ang mukha nito ng makitang duguan si Jaime.

Nagawa pa rin palang iputok ni Edwin ang baril nya.

Kanina, ng makita ni Emong na tinutukan ni Edwin sa ulo si Jaime, agad itong bumunot at pinaputukan si Edwin.

Tinamaan nya ito sa balikat pero hindi nya akalain na magagawa pa ni Edwin na kalabitin ang gatilyo ng baril nya.

"ubo, ubo, ubo!"

Naiyak si Joel ng madinig ang pag ubo ni Jaime.

"Walanghiya kang bata ka, tinakot mo ako!"

Singhal ni Joel kay Jaime.