"Magandang araw po BigBoss!"
Buong pakumbabang bati ni Eman.
Natutuwa sya at ngayon ay nakaharap na nya si BigBoss. Matagal na nyang hinahangad na makausap ito pero hindi sya magkaroon ng pagkakataon.
Kaya laging pinagbubutihan ni Eman ang trabaho nya para kahit papaano ay mapansin ni BigBoss.
Bakit? .... syempre sikat ka kung mapansin ka ng BigBoss.
'Si BigBoss ito eh!'
Kita ang ngiti ni Eman sa excitement na nararamdaman nya dahil kausap sya ngayon ni Kate.
May lihim na pagtingin kasi sya kay Kate.
'Sino ba naman hindi mabibighani sa ganda nitong si BigBoss? Kahit malaki na ang tyan nito, napakaganda pa rin!'
Kaya buong tamis nya itong tiningnan kahit na naka taas ang kilay nito sa kanya.
Tapos ay bigla nyang napansin na umirap ito ng nakawan ng tingin ang asawang si Chief Mel.
Pati tuloy sya, napairap din.
'Jusmiyo, ano ba naman kasing klaseng asawa ito? Ang lamya!'
'Sa itsura nito, natitiyak kong palamunin ito ni BigBoss!'
'Kala mo kung sino kung makaasta!'
Di ka naman magiging Chief dyan kundi dahil sa lalabs kong si BigBoss Kate!'
'Susme ang itsura! Mukhang tanga na naghahanap ng atensyon ni Lalabs!'
'Iniirapan na nga kinikilig pa din!'
'Pero maganda ito! Mukhang nagkakalabuan ang magasawa kaya sya inirapan ni Lalabs!'
Lihim na nangiti si Eman habang pinagmamasdan ang mga palitan na reaksyon nila Kate at Mel.
Ang di alam ni Eman, naguusap ang dalawang magasawa. Naguusap sila sa tingin.
'Aba aba! At may pa irap irap pa itong si KateMyLabs!'
'Akala mo hindi ko alam yang ibig sabihin ng pairap irap mo sa akin ah!'
Kinikilig na tiningnan ni Mel si Kate.
Napataas tuloy ang kilay ni Kate.
'Jusmiyo 'tong asawa ko! Humanda ka sa akin mamya!'
'Alam mong marupok ako, titingin tingin ka ng ganyan!'
'Anubahhh!'
Sabay irap ulit ni Kate sa asawa.
'Ayeeeiii! Haaangsweet ng irap ng WifeyLabs ko!'
'Gusto mo ng umuwi at mag dessert anuh?'
Panunuksong tingin ni Mel sa asawa.
'Kainaman itong asawa ko di makuha sa tingin!'
'Haaay matapos na nga ito ng makapag dessert na!'
Kaya lalong napataas ang kilay ni Kate at inirapan ng matindi si Mel saka iniwas ang tingin sa asawa at dinako sa lalaking nasa harapan nya na buong seryoso nyang tiningnan.
"Ehem!"
Sabay taas ang isang kilay kay Eman.
Gusto ni Kate ipahiwatig na magpaliwanag sya.
"Uhm, BigBoss magandang araw po! Ako si Eman, isa sa mapagkakatiwalaang nurse dito sa ospital!"
Sabay buong ngiting lahad ng kamay nito kay Kate.
Kate: (rolled eyes!)
Hindi ito pinansin ni Kate.
Napataas pa nga ang kilay nito sa sinabi ni Eman na 'isa sa mapagkakatiwalaang nurse'.
'Hmm, I'll be the judge to that!'
Nilibot nya ang mga mata sa paligid, tinatandaan ang bawat isa na naroroon.
"Anong ginagawa nyong lahat dito?"
Nakapamewang na tanong ni Kate sa mga nasa paligid.
Pero kita ang hiya at pagkailang sa lahat maliban kay Eman na hindi maitago ang ngiti dahil finally nilapitan din sya at kinausap ni Kate.
"Nagkukwentuhan lang BigBoss! Pampalipas oras! Hehe!"
Pero hindi na muling dinapuan ng pansin ni Kate si Eman, ramdam nya na ang intensyon nito kaya lumayo ito kay Eman.
Dahil kahit hindi pa rin buong bumabalik ang alala ni Kate, hindi naman nagbago ang attitude nya sa mga lalaking nagpapapansin sa kanya.
Lalo na sa mga lalaking katulad ni Eman na may kagwapuhan nga hambog naman!
Pilit na sumunod si Eman ng makitang lumakad papalayo si Kate.
'Hindi ako makakapayag na hindi ko man lang sya makausap! Pagkakataon ko na ito!'
Pero mabilis ang mga bodyguard ni Kate. Hinarangan sya agad kaya hindi na nakasunod si Eman.
"Makinig kayo! Hindi ko kayo pinipilit na magstay dito! Pero kung iniisip nyo na nasa panganib kayo sa pagstay sa isla, bukas na bukas din palalabasin ko na kayo!"
"Huh?"
Gulat ang lahat.
Hindi nila ito inaasahan.
"Hindi ko kailangan ang mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob!
Lahat kayo dito ay natulungan nila Don Miguel at Doña Isabel!
Hindi lang kayo pati na ang pamilya nyo!
Kaya anong karapatan nyong paalisin sila dito?"
"Pero BigBoss, maawa po kayo! Naimbitahan lang po ako dito! Wala po akong kinalalaman sa balak ni Eman!"
"Ako din po BigBoss wala din po akong alam!"
"Ako din po!"
At sunod sunod na silang nag taasan ng boses at nagsalita.
"Diaz, bahala ka na sa kanila! Pagod na ako!"
Utos ni Kate sa assistant nya.
Yun lang ang sinabi ni Kate at umalis na ito kasama si Mel. Hindi na pinakinggan ang mga hinaing nila.
'Wala akong panahon sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob! Masasayang lang ang oras ko sa kanila, baka sa huli sagpangin pa ako ng mga ito ng hindi ko namamalayan!'
At dahil sa hindi sila pinansin ni Kate, kay Eman napunta ang atensyon nila.
"Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari ito!"
"Kung hindi dahil sayo hindi mangyayari ito!"
"Ngayon wala na kaming trabaho dahil sayo!"
Hindi sila makapagpigil at sa galit, sabay sabay nilang sinugod si Eman.
*****
Samantala.
Umiiyak na nagkulong si Nicole sa loob ng banyo.
'Kainis sya! Bakit ba nya ko iniiwasan? Naligo naman ako!'
'Ni isang kiss wala! Huhuhu!'
Simula ng dumating si Edmund, iniwasan na sya at nagtungo sa study room.
Dinalhan nya ito ng makakain pero pinalapag lang sa pinto at di man lang sya pinagbuksan.
Pinakuha sya ng damit at pagbalik nya ay nakita nyang wala na ang tray ng pagkain na pinaghirapan nyang lutuin para sa asawa.
"Edmund, Honey, open up! Andito na ang pinakuha mong damit!"
Pakilapag na lang dyan sa may pinto Honey!"
"Huh?"
"Pasensya na Honey may kausap kasi ako eh! Pakibaba na lang dyan kunin ko na lang mamya!"
"Bakit dimo kasi buksan para ako na lang ang magpasok?"
"Sorry Honey but this is a close door meeting kaya di ka pwede pumasok!"
Sagot ni Edmund.
Hindi nya alam na nagtatampo na ng sobra ang asawa sa mga kakaibang kilos nito lately.
Pero di nya talaga pwedeng buksan ang pinto dahil sila Mel at Kate ang kausap nya sa isang linya at sa isa naman ay ang mga tauhan nyang nagiimbestiga ng kaso ni Doña Isabel at napaka secret ng usapan.
Walang nagawa si Nicole kundi iwan ang mga damit at umiiyak na umalis.
Nagtatampo talaga sya.
"Huhuhu! Hindi na talaga ako mahal ng asawa ko! Ayaw na nya sa akin!"
Masamang masama na ang loob ni Nicole.
Galit na talaga sya.