webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
154 Chs

Anong Kwento Nyo?

"Sino ka nga ulit at anong kailangan mo kay BigBoss?"

Tanong ni Jaime sa kausap.

"Sir, ako po si Elly ang Head ng security sa Luntian Forest. Kami po ang humahabol kay Arik at kailangan po namin ang tulong ni BigBoss."

"Eh sino naman si Arik?"

Naguguluhang tanong ni Jaime.

"Sya po ang bumaril kay Chief Mel at kay Roger."

Magalang na sagot ni Elly kahit hindi nya kilala kung sino ang nasa harapan nya ngayon.

"Eh bakit kayo andito? Di ba dapat andun kayo at naghahanap?"

May pagkairitang tanong ni Jaime.

Nasa loob ng silid ngayon si Kate nagpapahinga kasama ang asawa nya. Ayaw nyang maistorbo ito.

Saka anong oras na? Alas kwatro na?!

"Jaime!"

"Sir!"

Biglang saludo ni Jaime sa dumating na si Gen. Malvar.

Nagmula ito sa silid ni Roger.

"Carry on. Asan si BigBoss?"

Tanong ni Gen. Malvar.

"Sir, ano pong kailangan nyo sa anak ko?"

"Anak mo ... si BigBoss?"

"Yes Sir! Emotionally stress po si Kate ngayon dahil sa nangyari sa asawa nya at ngayon lang po ito nakapahinga."

"Si Kate .... SI BIGBOSS???!!!"

Hindi makapaniwala si Gen. Malvar.

*****

Sa loob ng silid.

Nakahiga si Kate sa tabi ng asawa. Pilit nitong siniksik ang sarili nya hangggang sa makatulog.

Pero narinig nya ang ingay sa labas. Hinahanap sya.

"Haaay mukhang kailangan muna kitang iwan HubbyLabs!"

Hinalikan nito Mel at saka tumayo.

"Huwag kang aalis dyan babalik ako!"

Sabi nya sa asawang hindi pa rin nagigising mula kanina marahil siguro dahil sa anistisya.

Gusto ni Vicky na ilagay muna si Mel sa ICU para mas ma monitor mabuti ang kalagayan nito, but James insist na dalhin sya sa silid. Normal na naman lahat ang vitals nya.

Isang himalang paguusaapan tyak ng lahat ng staff sa susunod na mga araw.

Binuksan ni Kate ang pinto na ikinagulat ng tatlong lalaki.

"Mano po Tito Gen!"

Kinuha ni Kate ang kamay ni Gen Malvar at nagmano.

Pero habang nagmamano ito ay mabilis namang kinuha ng isang kamay ni Kate ang baril ng ama na nasa holster nito sa tagiliran.

Naka jacket si James kaya hindi halatang may baril ito.

Hindi ito namalayan ni Jaime pero napansin ito ni Gen. Malvar.

"Tres tara na!"

Sabi ni Kate kay Elly na hindi ito nililingon at dirediretso lang na umalis.

"Yes BigBoss! Tara na po General."

Gulat pa rin sa natuklasan pero sumunod naman si Gen. Malvar.

"Teka Kate, gabi na! Bakit hindi mo nalang yan antayin ang umaga? Saka, baka hanapin ka ng Mommy mo!"

Sigaw ni Jaime sa anak.

Huminto si Kate at nilingon ang ama.

"Huwag nyo pong sabihin kay Mommy kung saan ako pupunta."

At nagpatuloy na ito sa paglakad.

"Pwede ba yun? Pwede ko bang hindi sabihin sa Mommy nya kung saan sya pupunta? Eh di inaway ako nun!"

Saka ano yung nasa bewang nya? Bakit mukhang baril yun?"

Napakapa sya sa holster nya.

"Teka, nasan ang baril ko? Hindi kaya .... "

Nilinga linga nya ang paligid.

Ganitong sitwasyon sya dinatnan ni Nadine.

"At ano naman yang ginagawa mo? Naglalaro ka ba, Jaime?"

"Huh?"

"Tsch! Malala ka na!"

Binuksan ni Nadine ang pinto.

"Asan si Kate? Ba't wala dito ang anak mo?"

"Ha? Ah ... eh ... kasi...."

"Kasi? Asan nga ang anak mo?"

"Sumama kay Gen. Malvar saka dun sa security!"

"Bakit?"

"Hindi ko alam!"

"Hindi mo alam? Bakit hindi ka man lang nagtanong? Saka bakit ba kanina mo pa kinakapkapan ang sarili mo?"

"Kasi... nawawala ang baril ko at ... mukhang nakuha ni Kate."

"ANO?! Nakuhanan ka ng baril ng anak mo ng hindi mo nalalaman?

Sa tingin ko dapat ka na ngang magretiro! Imagine makuhan ka ng baril ng anak mo! Sigurado ka ba?"

"Oo kanina andito lang ang baril ko at sya lang ang lumapit sa akin."

"Jusmiyo Jaime, sundan mo ang anak mo at baka kung anong gawin nun!"

"Pero hindi ko alam kung saan sila papunta!"

"Tara, puntahan natin si James!"

Sa silid ni Karlos.

"James hindi mo pa sinasabi sa akin ang tungkol sa likidong laman ng capsule, Ano yun at saan galing? Gawa mo ba?"

"Oo at hindi. Mahirap ipaliwanag pero yun ang ginagamit ko kay Karlos kaya medyo okey na ang internal organs ng bata. Pero pwede bang bukas na lang pag gising na si Mel para hindi ko na uulitin ang hirap ipaliwanag eh kahit ako naguguluhan saka pagod na pagod na ako."

"Okey, naintindihan ko, kaya sige na matulog ka na."

"Anong ako lang? Gusto ko tabi tayo!"

Sabay hatak ni James kay Vicky sa tabi nya at bigla sya nitong hinalikan.

Mainit at maalab ang mga halik ni James na hindi nya matanggihan.

"Teka James ... akala ko ... pagod ka..."

"Mmmm..."

"Si.. Karlos... baka ... magising natin..."

"Huwag kang magalala may cover naman na kurtina."

Patuloy pa rin sa pag halik si James sa labi ... sa leeg ... sa ...

Jusmiyo! James Kristofer anong ginagawa mo?"

Mom! Dad!"

Agad na lumayo si Vicky. Inayos at inayos ang sarili.

Nanggigil sa inis si Nadine pero hindi nya magawa dahil bigla nyang naalala ang apo.

Nilapitan nya ang bata.

Dahan dahan naman na lumapit si Jaime sa dalawa.

"Miss, tapatin mo nga ako. May relasyon ba kayong dalawa o pinagsasamantalahan ka ng anak ko?"

"Dad! She's my girlfriend!"

"Girlfriend?"

"Totoo ba ito iha?"

"Vicky say something!"

Sa inis ni Nadine nilapitan nito si James at pinagpapalo ng sapatos.

"Walanghiya ka! Anong pinagsasabi mong girlfriend? Ang tagal ko na dito sa isla pero ni minsan hindi mo sya ipinakilala na girlfriend mo!"

"Teka po!"

Tumakbo ito palayo sa ina para hindi mapalo ng sapatos.

"Vicky bakit ba ayaw mong magsalita? Bakit hindi mo sinabi sa kanila na girlfriend kita?"

Naiiyak na sa kahihiyan si Vicky, tumayo ito at tumakbo palabas ng silid.

"Vicky!"

Inis na tawag ni James.

"Hoy James, hindi pa tayo tapos! Bakit kinakailangan na si Vicky ang magsabi sa akin na girlfriend mo sya? Ha? Tapos nagtataka ka kung bakit sya umalis at umiiyak! Lintek ka manang mana ka sa pinagmanahan mo! Sigurado ka ba na alam nya na girlfriend mo sya o baka pinupwersa mo lang yung tao?"

Singhal ni Nadine.

Hindi makapagsalita si James dahil hindi nya naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng ikinilos ni Vicky ngayon.

"Nadine tama na yan! Kailangan na naming puntahan si Kate!"

Hinawakan nito sa kwelyo si James at kinaladkad palabas, hindi na nilingon ang asawa.

"Teka Dad! Saan tayo pupunta? Kailangan ko munang makausap si Vicky!"

"Sa pinuntahan ni Kate! Kinuha nya ang baril ko! Kaya mamya na yan at baka kung ano pang gawin ng kapatid mo! Saka bigyan mo muna ng space yung babae, hindi mo ba nakitang hiyang hiya sya sa nangyari?"

*****

Sa sasakyan.

"So, girlfriend mo nga ba talaga sya?"

Usisa ni Jaime.

"Nagtapat na po ako sa kanya."

"Sumagot naman ba yung babae?"

"Hindi po pero ... sumagot sya ng halik sa akin kaya iniexpect ko na yun na yun!"

"Oh, I see!"

"????"

"Sya ba ang mother ni Karlos?"

"Hindi po."

"Eh, ano naman ang kwento nyo?"

"Bestfriend ko po at classmate nung college."

"Ah."

Biglang may naalala si Jaime.

"Bakit po? Ano pong iniisip nyo?"

"Nothing ... just someone."

'.... that I used to loved.'