webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
154 Chs

And I am Never Yours!

Kinilabutan si Kate sa pag amin ni Ethan, hindi nya tuloy napigilan ang masuka.

"Elise ..."

"Don't touch me!"

Iritang sabi ni Kate kay Ethan sabay tulak nito.

"I just wanna help you!"

"I don't need your help! Hindi mo ba naiintindihan?"

Sabay urong si Kate ng mapansin nitong gusto muling lumapit ni Ethan sa kanya.

"No! Stop! Don't go near me! Ayoko na nilalapitan mo ako at ayokong hinahawakan mo ako! Don't you touch me, nandidiri ako sa'yo! Bakit mo nagawa sa akin yun?!"

Umiiyak na sa inis si Kate. Tumitili na ito dahil makulit si Ethan, pilit pa rin syang nilalapitan at gusto syang hawakan.

Nadinig sya ng mga tao sa loob kaya naglabasan ang mga ito at nagtungo sa hardin kung saan sila naroon.

"Elise please! I just want to comfort you!"

"NO! NO! NO! Don't come closer to me! DON'T TOUCH ME! And don't call me Elise because I'm not Elise!"

"But you are Elise to me! My Elise!"

"No I am not Elise and I am never yours!"

"But Elise .... "

"Akala ko kaibigan ka! Nagtiwala ako sa'yo pero hindi ko inaasahan na pagsasamantalahan mo ang kahinaan ko! Mula ngayon ayaw na kitang makita, naalala ko lang ang ginawa mo sa aking pananamantala! Nakakadiri ka!"

At patakbo itong umalis.

"No Elise, you don't understand! Let me explain!"

Pilit nyang hinabol ito pero hinarang sya ni Edmund na unang nakarating sa hardin.

"Hangggang dyan ka na lang!"

"Please pwede ba let me pass! I need to explain something to Elise!"

"Hindi mo ba nadinig ang sinabi nya? Hindi sya si Elise, sya si KATE at ayaw ka na nyang makita!"

"No! I need to explain something kaya padaanin mo ako! Kailangan ako ni Elise!

"Hindi nga pwede eh, ang kulit mo! Kasing kulit ka nitong tatay mo!"

Sabay tingin ni Edmund kay Jaime.

Jaime: "....."

Napakunot ang noo ni Jaime, napipikon na ito sa pangungutya sa kanya ni Edmund. Gusto nya itong lusubin pero hindi nya kaya, nanghihina pa sya.

"Bakit, may mali ba akong nasabi? Totoo naman ah! Pasakit ka sa pamilya mo, napaka selfish mo kasi! Ang yabang yabang mo puro pride at ego na lang yan pinaiiral mo! Kahit wala ka na sa katwiran ipagpipilitan mo pa rin ang gusto mo! Gaya ng ginagawa nitong anak mong 'to ngayon!"

Hindi makapagsalita si Jaime dahil aminado syang nakikita nga nya ang sarili nya kay Ethan.

Nagpumilit pa rin si Ethan na habulin si Kate kaya sa pikon ni Edmund, nasuntok it. Ayun knockout si Ethan.

Sa bahay na ni Joel nagising si Ethan.

*****

"Kate My WifeyLabs, oras na siguro para bumalik na tayo ng Sinag."

Sabat ni Mel sa kanila.

Hindi namalayan ng mga kababaihan na naroon na ito at nakalapit na sa kanila.

Ibig sabihin, may posibilidad na narinig nito ang pinaguusapan nila. Yun ay tungkol sa ipinagtapat ni Ethan kay Kate nung mga panahon na nasa isla ito at comatose.

Nakaramdam ng hiya si Kate ng makita si Mel. Hindi sya makatingin dito.

"Melabs, iho, andyan ka na pala! Narinig mo ba ang pinaguusapan namin?"

Bati ni Nicole sabay tanong. Kinakabahan sila sa magiging reaction ni Mel.

"Yes po Tita Mommy at hindi po ako naniniwala sa sinasabi nung Ethan na yun sa WifeyLabs ko!"

Nakita ni Mel ang palitan ng tingin ni Nadine at Nicole, halatang hindi naniniwala sa sinabi ni Mel.

'Marahil ay hindi sila naniniwala sa sinabi ko.'

Nilapitan nito si Kate at tinabihan sabay akap.

"Sige na WifeyLabs, uwi na tayo sa Sinag."

"Pero HubbyLabs .... "

Hindi na mapigilan ni Kate ang pagtulo ng luha nya.

"Oh, bakit ka umiiyak?"

Pinunasan nito ang mga luha ni Kate pero hindi maubos ang luha nito.

"WifeyLabs tahan na! Hindi mo kailangan iyakan ang iniimbentong kwento ni Ethan."

Alo ni Mel kay Kate habang pinupunasan nito ang mga luha na walang katapusan sa pag agos.

"Teka lang sandali Beshy, paano mo nasisiguro na nagsisinungaling lang si Ethan?"

Nacurious na si Eunice kaya nagtanong na ito.

"Nadinig ko!"

"Nadinig?"

Naguguluhang tanong nila.

"Opo! Nadinig ko po, tinanong po kasi si Ethan nung duktor na tumingin kay WifeyLabs nung unang araw na natagpuan natin sya at isa yun sa tinanong ng duktor sa kanya."

"Uhm, ganunpala!"

"So Beshy, are you telling na iniimbento lang ni Ethan yung kwento? Pero bakit?"

"Hindi ko sure, pero baka kasi gusto nya na maging intimate na si Kate sa kanya. Simula kasi na unti unti ng bumabalik ang alaala ni WifeyLabs at madalas na kaming magkasama, napapansin kong gumagawa sya ng paraan mailayo ang asawa ko sa akin.

Matagal ko na po syang inoobserbahan, sya po talaga ang ayaw umalis sa tabi ni Kate MyLabs!"

"Haaay josme! Akala ko tapos na ang problema nyong dalawa kay Kuya Jaime. Heto na naman, may isa na naman na gusto kayong paghiwalayin!"

Sabi ni Nicole.

"Manang mana talaga dun sa gunggong na tatay nya."

Sabi ni Edmund na dumaan lang pero hindi naman huminto.

"Kaya nga po, Tita Mommy, Mommy Pretty and Sissy, sana payagan nyo na kami na umuwi na ng Sinag.

Sa tingin ko mas makakabuti yun sa kanya."

"Pero HubbyLabs, paano ang napanaginipan ko? Natatakot ako na baka mangyari yun! Kailangan magbalik na completely ang memory ko!"

"Nanaginip ka? Sinong napanaginipan mo?"

May kabang tanong ni Nadine.

Aware sya sa mga panaginip ni Kate.

"Si Lola Ganda po ang napanaginipan nya!"

At ikinuwento ni Kate ang panaginip nya sa kanila.

"Jusko...!"

"Buti pa ganito, tatawagan ko si Lolo Miggs at sasabihin ko ang tungkol dito!

Pero ngayon mas makakabuti ngang bumalik na kayo ng Sinag. Makakatulong ang Secret sa sitwasyon nyo."

"Yan din ang nasa isip ko Sissy kaya gusto ko na syang iuwi."

Kaya ng araw din iyon ay lumipad si Kate at Mel patungong Sinag Island at si Edmund ang naghatid sa kanila.

Nagpupuyos naman sa galit si Jaime ng malaman na nakaalis na ang anak pag balik nya at hindi man lang sya inantay.

*****

Samantala.

Tinawagan agad ni Eunice si Don Miguel.

"Lolo Miggs, hello po! Si Lola Nanay Issay po?"

"Tumawag ka lang para tanungin ang Lola Issay mo! Bakit sya lang ang tinatanong mo, andito naman ako?"

May tampo ang tinig nito.

"Lolo Miggs emergency po ito, wag na po kayong magtampo. Para po kayong bata!"

"Hmp! Naglalambing lang, masama ba yun? Ano bang kailangan mo sa asawa ko? Ako na lang magsasabi sa kanya!"

"Bakit po, wala po ba dyan si Lola Issay?"

Wala, nasa Cebu, may nagimbita sa kanya para sa 10th year anniversary ng isang school. Bakit ba?"

At ikinuwento ni Eunice ang tungkol sa napanaginipan ni Kate.

Natahimik si Don Miguel ng matagal sa kabilang linya. Kinakabahan sya.

Totoo man o hindi ang napanaginipan ni Kate, basta may kinalalaman ito sa asawa nya, hindi nya maalis na kabahan.

Dahil dito, nagdagdag sya ng security para sa asawa at agad itong gumayak para sundan ang asawa kahit hindi pa nito oras umalis.

Wala silang kamalay malay na sa mga oras na iyon ay nasa panganib na si Issay.