webnovel

Chapter 10

Wei Su's POV

Ang malas ko naman talaga at dito pa ako nabilang sa pamantasan ng Lieren Jiandie.Hayyst at talagang si binibining Yue pa ang guro namin.

Habang kasalukuyang nagsasagot ang mga kamag aral ko, ay pasimple ko namang sinilip ang sagot ng katabi kong si Yu Zhu. At nakita ko ang sagot niya sa ikalawang tanong.[Yao Jia at Chen Wei Fu]

Hmm teka paanong nasama ang pangalan ni ama sa aklat? Seryoso ba'to?

"Pst! Hoy..Yu Zhu!" Pabulong kong tawag sa katabi ko at kaagad naman ring lumingon.

"Hm? Bakit?"–Yu Zhu.

Bago ko siya sinagot ay nilapit ko naman ang bibig ko sa tenga niya at doon bumulong.

"Nakita kong sagot mo sa ikalawang tanong, at nagtataka lang ako kung bakit kasama si ama dun sa sagot mo?"

"Di kaba nagbabasa? May aklat ka naman ah, makikita mo dun kung bakit siya kasama,huwag mo na akong guluhin."–Yu Zhu.

Akma siyang bumalik sa pagsasagot at patingin tingin naman ako sa kabilang gilid ko upang tingnan rin ang kanilang sagot pero bigla nalang…

*Boogggssh!!*

"Aray ko po!!" Napadaing ako't napahawak sa aking tenga ng may tumama sakin na aklat.

"Seryosong nagsasagot ang iba! Tapos ikaw mangongopya kalang?! May sinabi ba akong pwedeng komopya sa katabi ha?! Chen Wei Su!!" Sigaw ni bruha, ah este..ni binibining Yue.

Grabe ang lakas ng pagbato niya sakin ng aklat ah, di man lang ako nakailag.

"Ehem, s.sinong nangongopya? A.ako? Huh! Gaano ba sila katalino para kopyahan ko sila?" Pagmamayabang ko pang palusot sabay tumayo't nakapamewang sa magkabilang bewang.

"Papalusot ka pa?! Huling huli kana nga! Lumapit ka rito!"–binibining Yue.

"Tsk..at anong gagawin niyo? Sasaktan niyo ko? Huh! Anak ako ni Chen Wei Fu! Hindi niyo ko masasaktan!"

"Oh talaga?! Anak ka lang! Hindi ikaw siya!" –binibining Yue.

*Boogggssh!!"*

Bigla akong napatalsik sa isang Matigas na pader dito sa likuran naming lahat at Sobrang sakit ng likod ko, sa buong buhay ko..Ang bruhang yan lang talaga ang unang nanakit sakin ng ganito.

Parang nakisilip lang naman ako ng sagot, talagang mangyayari sakin toh? Nakakainis ha.

Marahan akong tumayo at di inasahan bigla naman itong lumapit sakin at hinila pa ako sa damit at tila nilalapit niya pa ang mukha ko sa mukha niyang empakta, kala mo maganda, kolorete lang naman ang nagpapaganda!

"Hoy! Ulitin mo pang, kawalang galang mo sakin, di lang pader ang tatalsikan mo! Bumalik kana sa upuan mo! At umayos ka sa klase ko!" –binibining Yue.

Talagang tinulak tulak niya pa ako pabalik dito sa pwesto ko, tsk.. pinapahiya niya na ako.

"Tatlong minuto nalang, ang natitira sa inyong pagsasagot! At ikaw bilisan mo na! Pag wala ka pang naisagot, parusa talagang matatamo mo sakin!" Dagdag pa niya habang ako ay nandito na sa aking pwesto't nakaupo.

*3minutes after*

Lahat ay nagpasahan na ng kanilang mga papel kay binibining Yue na bruha at akin nalang ang natira bagama't ay iniisip ko pa ang huling sagot sa huling tanong.

Hmm ano nga bang posibleng dahilan nang biglang pag alis ng babaeng alamat?

"Hoy! Chen Wei Su! Ano't di mo pa iyan pinapasa ang papel mo?!" Tanong ni bruhang binibining Yue, na ikinabaling naman ng tingin ng lahat sakin.

"Uhm..d.di pa ako tapos, huling sagot nalang toh." Sagot ko naman na tila yata kinabahan pa ako.

"Nagsasagot ka parin? Oh sige bibigyan kita ng sampung segundo, Bilisan mo!"–binibining Yue.

Sampung segundo lang? Seryoso ba siya? Hayyst ang daya.

Dahil sa maikling segundo ay binilisan ko naman ang pag iisip ng sagot, hanggang sa…hmm nakaisip narin ako. At pagkatapos ay ipinasa ko na Ito.

"Ehem, Ayan na..sigurado namang tama ako diyan." Kampante ko at tumalikod na ako sa kanya at hahakbang na nga sana pabalik sa pwesto ko nang bigla nalang…

"Ano toh? Anong klaseng sagot toh?!"–binibining Yue.

Pffft, tama naman ako dun eh, haha.

"Hoy! Chen Wei Su, tama ba'to ha?! Pinag isipan mo ba talaga Ito ng tama?!"–binibining Yue.

Marahan kong ibinalik ang tingin ko sa kanya at nagpipigil nalang ako ng tawa.

"Hmm pff..ehem.. s.sabi niyo kung ano yung palagay namin, at Ibig lang sabihin dun ay opinyon,Walang tama walang mali,kasi nga opinyon diba? O eh anong problema niyo sa opinyon ko?"

"Seryoso ka talaga dito sa opinyon mo,ha?!"–binibining Yue.

[Ans: Sa aking palagay umalis ang alamat na babae dahil maaring ninakaw niya lang yung aklat ng Fennu zhi jian kaya alam niya na pinaghahanap na siya at para makatakas nagpakalayo layo siya.]

"Ehem.. Sigurado ako diyan, kayo na nga diba ang nagsabi? Hawak ng babaeng yun ang aklat ng Fennu zhi jian, kaya ang posible talagang dahilan dun ay ninakaw niya yun, kaya siya nagpakalayo layo tsaka,saan ba kayo nakakita ng magnanakaw na lumalapit pa sa ninakawan?"

"Hahahaha kaya nga naman!" Biglang tawanan ng mga kamag aral ko maliban lamang dun sa babaeng si Lin Li Wei,tila walang pakialam sa mundo,pamatay kasiyahan siya at mukhang sagabal lamang siya saking kasikatan.

"Magsitahimik kayong lahat! At ikaw..Chen Wei Su! Bumalik kana sa pwesto mo!" Naiinis na sigaw ni bruhang binibining Yue, hahaha.. Hayst matalino yata ako.

*Pagkatapos ng klase*

Pinuntahan ko naman sa pamantasan ng Chen Jian ang dalawa kong kaibigang sina Qin Hong at Ping Xian upang makipagyayaan sa kanilang magsaya ngayon.

Ngunit nang ako'y akmang papasok pa lamang sa tarangkahan ng kanilang pamantasan ay bigla naman kaming nagkasalubong ng babaeng karibal ko sa aking pagpapasikat na si Gao Li Xue na sadyang ikinasama ko naman ng tingin.

Ang babaeng ito talaga ang siyang dahilan kung bakit hindi ako napapansin ng mga taga Shandian simula pa noong aming kabataan.

Ngunit ang ama niya ay matalik na kaibigan ng aking ama at ang kanyang ina naman ay anak anakan ni Lola Wei Ying noong yun ay walong taon pa nang mamatay bigla sa nagdaang digmaan ang tapat nung mga magulang.

"Tsk, ikaw na naman?! Hanggang kailan kaba mawawala sa paningin ko ha?! Gao Li Xue?!"

"Ohh?? Malay ko, ngunit huwag kang umasa, hmm papansin!"– Li Xue.

"Sino bang mas papansin sa ating dalawa, ha?! Ikaw lang naman itong maraming tagahanga!"

"Oh talaga? Hahaha, pasensya na mali pala ako..hindi ka pala papansin, kundi inggitero!"–Li Xue.

"H.hoy! Hindi ako inggitero!"

"Hoy hindi ako inggitero, tsk.. bleh!!"–Li Xue.

Nakakainis na talaga siya kaya akma ko na nga sanang hampasin ng bigla nalang siyang nakatakas gamit ang makinang pakpak niya at lumipad pa sa ere.

"Hoy!!! Nakakainis kana talagang babae ka! bumaba ka rito!!"

"Hm! May pakpak ka diba? Hahaha habulin mo nalang ako! At kapag ginawa mo yun, Isa kana sa mga tagahanga ko!"–Li Xue.

Umalis siya matapos niya yung sabihin at nakakainis na talaga sobra ang babaeng yun, magnanakaw ng atensyon!

Ngunit ilang sandali ay pinili ko nalang na yayaing magsaya sina Qin Hong at Ping Xian kesa mag aksaya pa ng oras sa babaeng nakakainis na yun isa pang empakta!

"Hm, Hoy! Qin!! Xian!!" Tawag ko sa kanilang dalawa nang maparito na ako sa mismong loob ng kanilang pamantasan.

"Uy! Wei Su! Hehe anong meron?"–Qin Hong.

"Labas tayo, tapos naman siguro kayo diba?"

"Oo, at sakto lang ang dating mo."–Qin Hong.

"Kung ganun tara, tsaka may ikukwento ako sa inyo kaya bilis na."

"Tungkol naman saan yan?"–Ping Xian.

"Basta, Doon na sa kainan natin pag usapan."