webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
28 Chs

Chapter 7- Bayan ng Gryffindors

Hera's Pov

nagising ako sa ingay na nanggaling sa labas, mukhang nagkakasiyahan ang mga tao. pero nasan ako? nilibot ko ang paningin ko sa kubo , magandang kubo. hindi siya ordinaryong kubo, kulay Berde ang paligid halos lahat kulay berde, parang nasa gubat ka lang tapos ang higaan ang lambot-lambot kulay berde din ito at nagiba lang yung unan na puti. Sa kanan merong study table , sa kaliwa naman pero malayo sa higaan merong bathtub na gawa sa kahoy tapos ang pinanggalingan ng tubig ay na sa itaas para itong falls ang Gandaaaaa!

lumabas ako ng kwartong yun at tumambad sakin ang nakakasilaw na ilaw galing sa mga nagsasayahan na....Dwarfs?! Bakit dwarfs?!Ay! Oo nga pala nakilala ko ang mga ano nga ba yun? Aahh... gryffindor! at hinanap ko nalang sila Fatima at clarissa , nakita ko naman sila agad na nagkakasiyahan sila kasama ang mga gryffindor, habang nagtatawanan naman sila sa nagsasayaw na parang ewan, si fatima halata namang tawa ng tawa si clarissa poker face pero palihim na nagtatawa. nagsimula akong maglakad ng may tumawag sa pangalan ko...

"Ate!" napatingin ako sa batang gryffindor babae siya , halata naman kasi hindi pa ganun kapreho ang kanyang kasuotan pareho sa mga matandang gryffindor. at mahaba din ang kanyang buhok "Ate! Pupunta kadin dun po ba? Sama po ako sayo. Ako nga po pala si Elexa Ikaw po anong pangalan mo po?" natawa naman ako sa kakapo niya talagang tinuruan kung pano magrespeto.

"Ako si hera tara punta na tayo dun po." natawang sabi ko sa kanya . ngumiti naman siya iihhhh ang kyut hehehe . nagtatawanan kami habang papalapit sa mga nagkakasiyahan. medyo malayo kasi kanina ang bahay na papunta dito.

Natigil naman ang mga gryffindor nagkasiyahan at nagtatawanan nang nakita nila ako . tumayo silang lahat at yumuko sa harapan ko. ngumiti ako sa pinapakita nilang respeto sa harapan ko.

"Magandang gabi Kamahalan, masaya po kami na makita kayo sa bayan namin." Sabi ng may katandaan na lalaking gryffindor "ako nga pala si tatay Isko ang kanang-kamay ng pinuno namin na si Lokina Munor ang anak ko" napangiti ako pagpapakilala niya .

"maraming salamat at pinatuloy niyo kami dito sa inyong bayan tatay isko, masaya din po ako na nakilala ko kayo kahit ilang sandale lang pero magkikita pa po tayo sa susunod na kaarawan ko pwede kayong pumunta sa kaharian." napangiti naman silang lahat sa sinabi ko pati na si clarissa at fatima .

nung gabing yun nagpatuloy kaming lahat sa kasiyahan at tawanan . naging malapit ako sa kanila hindi katulad noon na hindi ko gusto ang may nalalapit sakin pero ngayon ang sarap pala sa pakiramdam.

nasa gitna kami ng nagkakantahan nang may naramdaman akong kakaiba sa paligid , tinignan ko isa-isa ang mga gryffindors na nagkakasiyahan pati na ang katabi ko na sina Fatima at clarissa . pero wala silang may naramdaman katulad ko, napagdesisyunan kong pumunta muna sa tinuluyan naming bahay . tumayo ako at napatingin naman si fatima at clarissa sakin.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni fatima.

"Mag-ccr lang ako sandale lang to." pilit kong ngiti sa harapan niya kahit hindi naman talaga ako iihi. Alam kong nagtataka na siya sa kilos ko at sasama yan sakin.

"Samahan kita" hindi nga ako nagkamali. tumayo na siya at pinigilan ko naman ang kamay niya.

"Wag na tim, Mabilis lang talaga to. naiihi na talaga ako." sabi ko nang deretso wala naman siyang nagawa at bumalik sa pagkakaupo.

"Oh sige bumalik ka agad ha." Sabi niya kahit alam kong labag sa loob niyang hindi ako sasamahan. Tango naman ang sagot ko.

walang ano-anu'y tumakbo ako papunta sa kubo na tinuluyan namin at hinalungkat ang gamit sa bag ko. saan naba yun?! ....

Hinahanap ko ang mapa . Oo! Ang mapa na binigay sakin ng kanang-kamay kanina ko lang na natandaan na may binigay pala na mapa.

Hinalungkat ko ang mga maliliit na bag at nakita ko naman agad ang hinahanap ko. nagbihis ako ng sandong itim at nagsuot ng jacket na hanggang tuhod ang haba kulay puti namay desenyong ginto(parang sa korea) at tinirnuhan nang jeans na itim kumportable naman suotin at ang huli ang aking sapatos na itim din. Si uretha naglagay ng damit ko sa bag .

Hindi ko na dinala ang malaking bag ko, Ang dala dala ko lang ngayon ay ang mapa ng kagubatan.

Palihim akong lumabas ng kubo at tinakbo ang direksyon kung nasan ang masikip na kagubatan. Napa ngiti naman ako nang marating ko ang dulo ng kagubatan , medyo malayo ang tinakbo ko sa hindi ko na makita ang mga kubo , ang ilaw nalang na nanggagaling sa gryffindor ang nakikita ko pero sa itaas lang.

tahimik kong pinagpatuloy ang paglalakad ko kahit nakakakilabot ang tahimik na kagubatan at huni lamang ng puno ang maririnig mo.

Ilang minuto na akong naglalakad pero puno parin ang nakikita ko. natigilan ako sa naring kong kaluskos at sa isang iglap may nakaitim na cloak ang nasa harapan ko na. pumikit ako at sa isang iglap may hawak na akong latigo. gintong latigo, sa pamilya namin ako lang yata ang taong binigyan ng latigo na to, kay mommy kasi Gintong Boomerang at kay daddy espada , sa pamilya ni mommy lahat sila ay boomerang at sa kay daddy naman espada naman ang kanila. kaya nagtataka sila kung bakit latigo yung sakin.

masyadong okupado ang isip ko nakalimutan kong may kalaban pala ako , papunta na sa direksyon ko ang itim na apoy , masyadong mabilis ang isang to , pero hindi niya alam kung sino ang nakakasalamuha niya ngayon. Napangisi ako sa kilos niya , madali lang kung alam mo pero kung hindi mo alam baka kanina pako namatay dito. Hindi lang siya magaling sa pabilisan magaling din siya sa combat.

sinuntok niya ako pero na iwasan ko naman ito, iwas lang ako ng iwas . tumakbo ako sa puno at lumipad sa Ere, sinipa ko ang mukha niya para matumba siya. pero ang hindi ko alam may isa pa palang naka itim na cloak na papunta sakin at tinutok niya sakin ang matulis na metal.

"Aaaaaahhhhh" sigaw ko. nadaplisan ang aking balikat pero hindi lang yun may kasama palang itim na maharlika. napaluhod ka sa sakit na naramdaman ko sa balikat ko.

ngumisi naman ang kaaway ko kanina, at pumunta sa harapan ko at hinawakan ang aking baba.

"Magaling ka kamahalan. napatumba moko pero katapusan mo na ngayon whahahahaha" Tumawa siya na tila may demonyong sumapi sa kanya. Napatulo naman ang luha ko, masyado akong naging selfish sa mga kaibigan ko alam kong sinamahan nila ako para matulungan nila ako pero anong ginawa ko. nagdesisyon ako sa aking sarili lamang na alam ko na panganib ang kahahantungan ko.

Isa-isang lumabas ang mga naka itim na cloak at pinalibutan nila ako. gumawa silang lahat ng bolang apoy at itinuon sa kung saan ako nakatayo at namimilipit sa sakit ng aking balikat. pumikit ako at muli tinawag ang kapangyarihan ko. pero lahat ng lakas ko parang hinihigop ng itim na maharlika na nanggaling sa balikat ko kaya wala akong nagawa kundi umiyak nalang.

Pano na ang kaharian kung wala ako, pano ko mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mommy't daddy ko kung ganito ako kahina, pano na ang mga taong nagkakasiyahan kanina na nakita ako kung ganito namang mawala nalang ako na parang bula.

pinilit kong tumayo pero pati tuhod ko ay nangangatog sa kahinaan. Bumalik nalang ako sa pag-upo, Wala na akong magawa kundi pumikit nalang at hintayin ang katapusan ko.

Ilang minuto ang nakalipas pero wala parin ang mga bolang apoy na hinihintay ko pati na ang katapusan ko pero wala may nangyari.

dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tumambad sakin ang mga walang buhay na mga naka itim na cloak na kanina lang handa na akong patayin.

"Mabuti naman at napagisipan mong gumising." napaigtad ako sa pagkakaupo at tumingin sa nagsalita. isang magandang babae , maputi ang balat at kabaliktaran naman ang kulay ng kanyang buhok napakaitim ito na hanggang bewang , may suot siyang kulay puti na bulaklak na ginawang crown, mga mata niya ay kulay Abo na parang hinihigop ka sa sobrang pagkacold, parang si clarissa pero iba ang isang to, halata sa mukha na hindi man lang ito ngumingiti siguro kong ngumiti siya mas maganda pa siya. "Tapos na ba?" tanong niya na hindi tumitingin sakin .

"H-ha?" Nauutal pa ako. Ang ganda niya kasi sobra akong namangha kakatingin sa mukha niya.

"Tss. Tapos mo na ba tignan yung mukha ko?"

"H-ha? Aaah..." hindi ko alam ang sasabihin pero ngumiti nalang ako sa kanya . "Salamat sa pagtulong." sabi ko habang nakangiti. siya naman inirapan lang ako.

"It's my duty to protect you hera." Cold niyang sabi pero may dala paring irap. Natigilan naman ako kasi kilala niya ako.

"K-kilala moko?" Tanong ko na nagtataka. Nakita ko naman kung pano bumago ang ekspresyon niya. lumungkot bigla at bumalik sa pagkacold.

"S-syempre kilala ka ng lahat k-kamahalan." Halata sa boses niya na kinakabahan siya at iniiwasan ang aking mga tingin . napakafamiliar nang kanyang mukha pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. "Kailangan na kitang samahan pabalik sa bayan ng mga gryffins." sabi niya at hinawakan ang pulsuhan ko kinuha ko naman agad ang aking kamay na hawak niya. Nakita ko naman kung pano siya nasaktan sa ginawa ko.

"May hahanapin pa ako." Sabi ko at pinagpag muna ang damit ko na naputikan na sa kakaupo ko kanina.

"Yung dragon ba?" tanong niya na nagpatigil sa kakapagpag ko sa damit ko. Matiim ko siyang tignan. ngumiti siya ng peke. "Nakita mo na siya, kaya wag kang mag-alala . Bukas pumunta kana sa dagat ang espada nalang ang pagtuunan mo ng pansin." nagtataka naman akong tinignan siya masyado siyang maraming alam. Sino ba siya?

"Sino kaba? At parang alam na alam mo ang pinunta ko dito?" Natigilan naman siya sa tanong ko. hindi ko alam pero parang may tinatago siya kaaway ba siya na nagpapanggap lang?

"Ako si Hema at hindi ako kaaway . Diba, sabi ko sayo kanina it's my duty to protect you. Kaya't hindi tayo magkaaway." Paliwanag niya. Napabuntong hininga naman ako sa mga sinabi niya. Siguro dapat ko nalang siyang pagkatiwalaan.

"Pano mo na sisiguro na nakita ko na ang aking dragon?" Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Dahil...

Ako si hema."