-Nobyembre 15, 2017 Malate Manila.
Ako ay nag lalakad patawid papuntang Minimart kasama ang aking ina na sobra ang ligaya dahil ito lang naman ang unang araw na nakuha ko na ang aking sweldo mula sa pagiging working student.
Kami ay simple lamang ng aking minamahal na Ina, ako ay simpling anak lamang na nag aaral ng mabuti kahit ipinangungutang lang ako ng aking magulang, dahil sa ako ngayon ay malapit ng maging ganap na Guro nais ko naman sana na pasayahin ko ang aking mahal na ina dahil kaming dalawa na lamang ang naiwan para ipag patuloy ang laban ng buhay.
sa hindi inaasang pangyayare habang kami ay nasa kalagitnaan ng kwentuhan papatawid sa pupuntahan, ako'y bilang nagulat at napamura dahil kami ay muntik ng masagasaan ang nasabi ko na lang ay "Nak ng Teteng, mag ingat naman kayo sa pagmamaneho niyo pre, yan na lang nga ginagawa niyo di niyo pa ayusin pag mamaneho niyo!"
At ng kami ay makalagpas na [Bang! Bang! Bang! ] ako'y nagulat ng ang aking ina ay bigla na lang tumumba!, ang aking Mahal na ina ay Binaril na pala ng mga G*** sabay harurot patakbo.
Ako ay napadapa na lamang habang hawak ko ang kamay ng aking Ina, biglang alis ang mga taong nakasagasa saaking Ina habang sinisigaw ang "Kwits na tayo! Kwits na tayo! G*** ikaw na isusunod namin!"
Sa oras na yon walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang aking mahal na ina na nag hihingalo na dahil sa tama niya sa Ulo.
"Ben! Ben! Patawarin mo ako aking anak, palagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita. "
Iyan ang mga huli niyang kataga saakin at yan din ang pinaka nakapanlalambot kong karanasan na di ko pa rin lubusang maisip kung bakit nangyare.
Ang mga tao sa paligid nung oras na iyon ay nag bubulung-bulungan at nag kanya kanya pang live Video sa Fb para ipakita lang ang mga nangyayare saamin, ang di ko lubusang matanggap e na ni isa man lang sakanila ay walang nakaisip na tumawag ng Ambulansya para makatulong saamin.
Ang aking ina ay pumanaw sa aking mga kamay, nawala ang aking ina sa buhay ko na wala man lang akong nagawa para maipagtanggol at maligtas siya sa bangungot na pangyayare sa buhay namin. . . .
Disyember 20 2017-
Mula sa pagkawala ng aking Ina ako ay di pa rin nakaka move-on sa bawat gabi ay palagi ko pa din siyang naiisip na kung sana sa oras na ito ay magkasama pa kami, kami sana ngayon ay masayang nag kwekwentuhan sa mga pangarap niyang bahay, simpleng karenderya at marami pang iba, pero wala na Finish na tapos na ang kasiyahan kong ito, at ito ay pakana lang naman ng mga walang hiyang mamatay tao na iyon.
Mag hihiganti ako! ibabawi kita Mahal kong ina sa mga taong umagaw ng buhay mo. iyan ang mga katagang binitawan ko nung gabing iyon, uubusin ko kayong lahat kayong mga walang hiya kayo na Mamamatay tao! may araw din kayo.!
Para sa aking ina iisa-isahin ko kayo at itaga niyo yan sa bato!
Yan ang mga lumabas sa aking labi na mga kataga noong ika apatnapung araw ng aking ina mula ng siya ay mamatay, kahit na alam ko lang na pagkakakilanlan sakanila ay ang sinabi nilang "Kwits na Tayo, kwits na tayo ikaw na ang isusunod namin" at may pare-pareho silang Tattoo sa Leeg na simbolo ng Orasan.
Maraming salamat po sa pag Basa niyo sa Time Manipulator.
patuloy niyo po sanang suportahan ang kwento na ito.
Pagpalain pa nawa tayo ng Dios!
Ngayon pa lamang ay nag papasalamat na ako sa lahat ng mga boboto.
sa mga Comment niyong iiwan or suggestion ay atin itong tatanggapin para sa ikagaganda ng storya.
Patuloy niyo po sanang Samahan sila Ben at Ai's kung paano nila mapagtatagumpayan ang darating na Problema sa kinabukasan ng bayan.