webnovel

The Suitors and the Heroine

Hosea Davian Wilson, ang babaeng may limang lalaking kasama sa iisang bahay. The Five suitors. She's the only heiress and she's bound to get married to the man she choose.

BOOKWORM · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
12 Chs

Chapter 4

"You all didn't like my suggestion. Kung pumasok tayo na sakay ng eroplano edi sana grand entrance tayo!" Patuloy na reklamo ni Julius at matalim na sumulyap kay Israel na nauna ng pumasok sa university.

Kami naman ay naiwan sa labas, admiring the tall and sophisticated gate of the university. Hindi nagtagal ay sumunod na si Elon na pumasok. Sumunod din si Gavien kalaunan.

"We'll be eating dinner later. Sunduin kita sa room mo, okay?" He said as he patted my shoulder.

Para naman akong naiihi sa kilig. Enebe crush.

I smiled and nodded.

Naiwan kaming tatlo, Julius and Samuel, both have the friendly aura. We stayed there for a while hanggang sa biglang nag salita si Julius.

"Those three." He muttered pero pareho kaming napalingon ni Samuel sa kanya, he awkwardly smile and shake his head, telling us na parang it's nothing.

"What about them?" 'Di mapigilang tanong ni Samuel. Huminga ng malalim si Julius.

"I have a very long reason about them! Can we walk while I'm explaining?" He suggested and we both nodded. As soon as he started stating his reasons we began walking.

Nasa gitna siya sa amin ni Samuel. "They are so cold! Well, Gavien is cooking and doing the kitchen chores for us, so it means he cares for us." He reason out. "Okay! Those two nalang! Exempted na si Gavien." I softly chuckled.

"Israel and Elon. Both are so cold and distant." Samuel and I nodded at his statement, totoo naman kasi.

Napansin ko ang iilan sa mga estudyanteng nakakasalubong namin na saglit itong titigil sa paglalakad at para bang inuusisa kami. Hindi ko nalang ito pinansin.

"Elon is introvert, diba nasabi mo iyon sa akin?" I asked. Napahawak ito sa kanyang baba tila ba nag-iisip.

"I guess he is. I rarely get to see him every time na may event sa bahay nila." Si Samuel naman ito ngayon. Mabilis na lumingon si Julius sa kanya.

"Napunta ka na sa bahay nila?!" He asked with his eyes widen. Samuel nodded coolly.

"Yes. His parents are friends with mine." Tuloy-tuloy lang si Julius sa pagtatanong at si Samuel naman sa pag sagot. Ako, nakikinig lang sa kanila. Nakikichismis ganon.

"Hosea, 2nd year college ka.....Hindi ba?" Nag-aalangang tanong ni Samuel. Napahinto pa nga ito sa paglalakad.

"Oo." Ngumiti ito sa sagot ko, Julius too!

"Then we're really gonna be close." He stated and can't hide the smile painted on his lips. Julius joined too. "I totally agree!"

Our conversation didn't last long. We didn't have the same course, I'm into business kasi, Si Julius ay sa arts at si Samuel naman sa engineering. Nakakapagtaka lang dahil they chose the course that they want, maganda iyon, oo, pero who's going to handle their business? Mga tagapagmana kaya sila.

It's not the first day of classes but it's my first day as the well-known heroine.

I'm sure lots of students heard about the news. Me, having 5 suitors and I'm now living with them. Dati kapag dumadaan ako sa hallway or sa field hindi naman madalas lumingon ang mga estudyante sa akin, but now, nagbago na.

"She's the heroine! She's freaking lucky! Isa sa mga suitors niya si Israel! Crush ko kaya iyon!" The girl that's sitting across me must've said her thoughts without even noticing it.

Ang lapit ko kaya sa kanya. Normally, masasanay din ako na mapag-usapan ng kung sino. Binuklat ko ang librong kanina pa nasa armchair ko. Mukhang nakaligtaan ng kung sino.

Maraming mga naka-ipit sa librong ito, kunot noo kong pinagmasdan muli ang cover nito. It's just got a plain brown color. Makapal at mukhang alagang-alaga. I can't really tell kung bago ito o luma na. I stared at the book for a while hanggang sa nakangiting dumating na ang prof. namin.

The long hours of torture has come to an end! Sa wakas! As soon as the bell rang nagsitayuan na agad ang iba sa mga estudyante, ang iba naman ay mabagal na nagliligpit ng kanilang gamit, Mukhang sinusulit ang oras.

Ako kasi hindi, nagmadali ako sa pagligpit, nakita ko ang maliit na salamin na nasa loob ng bag ko, kinuha ko ito at agad na tinutok sa mukha.

I looked so pale! Sinubukan kong mag pulbos pero nag mukha tuloy akong patay! Pilit ko itong binura gamit ang panyo, nag apply nalang ako ng light pink na lip tint.

Mabuti na lamang ay nakapag-ayos na ako ng sarili bago dumating si Gavien.

"Let's go?" Aniya at bahagyang binuksan ang nakaawang na pinto. Nakangiti akong lumapit sa kanya. Oh god he smell so nice! Kinuha nito ang bag ko at sinaklay sa balikat niya. Naghuhurumantado naman ang puso ko sa simpleng ginawa nito.

Tahimik kaming dumaan sa hallway dahil wala din naman ng estudyanteng pakalat-kalat dito. Pero syempre, lunes ngayon at may training sa soccer field, for sure naroon ang mga estudyante.

Papalabas pa lamang kami sa hallway ay naririnig na namin ang mga hiyawan mula sa field. The not so hot sun lights up my pale face and body, tila ba nang-aakap ito.

"ISRAEL! ISRAEL!ISRAEL!" Dinig kong paulit-ulit na chant ng mga estudyante, karamihan pa ay babae. Bago kami makalabas ng university ay kailangan muna naming dumaan sa may field.

Sinundan ng mga mata ko ang direksyon o dahilan ng mga hiyawan ng mga babae. Israel's sweaty face catch my curious gaze. Hindi naman kami malapit sa kanya, pero nahanap niya agad kung saan kami.

"Hosea! Don't enjoy too much with Gavien! Sa Wednesday ka na mag-enjoy!" Napakurap ako sa sigaw nito na siyang narinig ng marami. Sa Wednesday ang date namin, ako mag-enjoy? Psh, monday ata ang pinaka-masayang araw ko e. Sumulyap ako sa katabi ko. Wala itong pinapakitang emosyon.

"Israel, Umuwi ka ng maaga, magluto ka." Sumbat nito kay Israel na nanlalaki ang mata ngayon.

"Wow! Marunong magluto ang bebe Israel natin!" Hiyaw ng kung sino.

Napangisi ako kay Israel na mukhang binagsakan ng langit at lupa. "I have a lot of dates to attend to!" He reasoned out. Umiling si Gavien.

"Your 'dates' can wait." With that being said, hinila na ako nito palabas.

Ang akala ko ay uuwi pa kami sa mansyon para magpalit man lang ng damit pero dumiretso na agad ito sa isang private restaurant.

He pulled out a chair for me and my heart hammered crazily. These crazy heart beats!

We talked casually and eat. Paubos na ang pagkain na hinanda para sa amin pero we didn't even get to know each other. Pero okay na to, basta kasama siya.

He drove the car away from the restaurant, Hindi na ako umasang may pupuntahan pa kami, that's so..... Ewan.

When he already parked the car inside the mansion, Handa na akong lumabas pero sa sinabi nito ay natigil ako.

"I have a girlfriend."

What the?! In just a simple sentence my heart shattered into a million pieces.