"Yuki, yung mga gamit mo nakakalat nanaman dito sa kwarto mo!"
"Ma, hayaan mo na yan liligpitin ko din yan mamaya. Bakit ba kase pina-alis mo si yaya. Wala tuloy naglilinis dito."
"Kaya di ka natututo kaka-asa mo sa iba, Aba matuto kang kumilos hindi habang buhay may gagawa ng trabaho mo. Tingnan mo ito nasa ilalim ng kama yung pinag-gamitan mong panty" sabay taas nya sa underwear kong pink na nagamit ko na last week pa yata. Hinablot ko naman sabay lagay sa laundry bin.
"Ma, oo na magliligpit na, labas na nga. " at hinila ko na sya palabas. Ni-lock ko ang pinto at humarap sa kwarto kong makalat. Tama si mama nasanay ako na may gumagawa ng ibang Gawain para saken. Nasanay kasi ako sa marangyang buhay.
Kain, tulog, school, mall at bahay lang ang Gawain ko dati. Hina hayaan lang ako ni mama at papa na gumasta at gumala. Marami kasi kaming pera. May personal driver ako, marami kaming maids. Mamahaling sasakyan. At malaki ang allowance ko kada araw. I had a perfect life BEFORE.
Oo dati! Pero unti-unti ay nawala. Nawala ang driver. Lumiit ang allowance ko. Nawala ang mga maids namin at higit sa lahat wala ng Shoppings. I ask my mama why? But her answer..... It is for our own good. To make us learn to be wise in near future. To make us realize what is the real value of money we are spending for some petty things.
I just said. Okaaaay? But I know what is really happening. We are losing millions of our money, and I don't know why.
It is actually fine with me. I understand them. But not my kuya Trivan. Kung sa luho lang, marami sya at mukhang hindi nya matanggap na naghihirap na kame. Well, he is used to have a wealthy life. So I can't blame him. Sa loob ng 21 years syang mayaman, buti nga sya nakapag debut pa nga! Eh ako? Nga-nga. Hindi ko na yata maraanasan yun. I'm just 14 at ngayon ko pa lang nararanasan mag-bloom.
I decided to clean my room. Inayos ko yung mga libro na nakakalat. Pati yung mga make-ups ko sa vanity mirror ko. Lahat ng pinag-balataan ng junk foods tinapon ko. In short nag general cleaning ako sa buong kwarto ko. Alas-cinco na ako ng matapos at kulang yung salitang pagod para I-describe yung nararamdaman ko.
"Haist! Ang sakit ng likod ko!" Humiga ako sa kama at pumikit. Inantok kase ako sa pagod. Wala pang limang minuto ay nakatulog na ako.
Tok. Tok. Tok
"Yuki. Baba ka na, maghapunan na tayo" pupungas-pungas ako ng bumangon. Feeling ko bitin yung naging tulog ko. Kahit mag-eight na ng gabi. I slept that long!
"Opo, maliligo lang ako!" Balik na sigaw ko kay mama
"Naku, bilisan mo ah. Kakaltukan kita. Lalamig ang pagkain"
"Opo. "
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at naligo na agad. Pagbaba ko ng dining area ay naka-upo na si mama habang si kuya ay nagce-cellphone lang.
"Ma san si papa?" Tanong ko
"Di pa umuuwi. "Parang wala lang na sagot ni mama. Sanay na kase kami.
"Nilinis mo na ba yung kwarto mo Yuki?"
"Oo ma, kaya nga ngayon lang ako lumabas ei"
"Ikaw Trivan, Aba maglinis ka din nang kwarto mo. Kung saan-saan nakakalat yung marurumi mong damit. Tapos nung isang araw may nakita pa akong panty sa drawer mo. Mukhang gamit na at small pa. Kapag ikaw talagang bata ka nakabuntis nang maaga. Lumayas layas ka sa bahay na ito ha. Jusko 21 ka pa lang." Mahabang sermon ni mama. Ayun si kuya, dedma lang.
Ako naman pinagmamasdan lang sila habang kumakain ng luto ni mamang sinampalukang manok.
Nakakatuwa talaga sila minsan. Maraming napagkakamalang magkakapatid lang kame nila mama at kuya. May lahi kasi si mama, half filipina at half Australian. 16 lang si mama ng mabutis sya ng jowa nyang Canadian. Isang taon lang sila nagsama at naghiwalay din. After six years. Nakilala ni mama ang papa kong Japanese. Nung pumunta sya sa japan para magtrabaho. Nabuo ako. Tapos umuwi si mama dahil sa komplikado ang relasyon nila. May asawa na pala si papa ko. Kaya na-single ulit si mama. Hanggang sa nakilala nya ang step-father kong si Harold. 39 lang sya habang si mama ay 37. Pero mukha lang syang 28. Marami nga ang naiinggit sa kanya.
"Wag kang mag-alala ma, may plastic akong suot lagi. " bored nyang sagot, natawa naman ako kahit hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin.
"Manahimik ka dyan Trivan. At ikaw Yuki magtino ka hah! Wag kang tatawa-tawa dyan, at ayokong mabalitaan na nakikipag-boyfriend ka na kung kani-kanino. "
"Yes ma!"
I don't have plans yet, about that's boyfriend thingy. I will enjoy my freedom and youth.
Natapos ang hapunan namin, pero hindi ang bunganga ni mama. Wala pa kase si papa. Hindi naman ako gano nag-aalala kase nga sanay na kame. Mabait naman si Papa Harold. Kahit hindi nya kame tunay na anak ni kuya Trivan, ramdam kong mahal nya rin kame.
I am lying in my bed now. Browsing my facebook newsfeed. Ako kase yung tipo ng taong hindi mahilig sa chat at text. Kapag importanteng lang saka lang ako nagte-txt. Miski tawag ay hindi ko rin hilig. Ang sakit Kaya sa tenga ang pakikipag-tele-babad. Pero sabi ng iba tamad daw ako. I don't care. This is my life. They don't have a damn to tell me what I need to do or what to do. I was startled with the beep sound of my phone. I reach my bedside table to read the coming message.
From: Arabella bitch
(Hi Yuki, gala tayo sa mall bukas?)
Me:
(I don't have money, maybe next time. )
From: Arabella bitch
(I know you, it is just some of your excuses, tinatamad ka lang. Why don't we enjoy our last week of vacation? Before we start our hell year in grade 9?")
Me:
(I'm not making excuses, I already expend my allowance for my new Prada bag. And mommy is so furios when she learned about it. So yeah, I don't have money for shopping. )
From: Arabella bitch
(Aww. That's cool. Is it the new summer collection Prada bag?)
Me:
(Yeah. The sling one)
From: Arabella bitch
(Your so lucky bitch. I'm dying to have one like that. It is fabulous)
Me:
(Your rich too. Why not buy one?)
From: Arabella bitch
(Well, we're not kinda very rich. We are just the middle class of people. Not poor and not too rich. Everything I have is from my HARDWORK and allowance. Haha!)
Nagtaka naman ako. Panong hardwork ei hindi naman to nagtratrabaho.
Me:
(Well, that's great)
From: Arabella bitch
(How about you go here at my place, sleep over! That's fun, bring your USB or we will watch Netflix in my laptop!)
Me:
(Okay! That's better. I will give you a call when mom let me.)
From: Arabella bitch
(Okay! Bye bitch!)
Me:
(Bye! Slut!)
She's Arabella De Rio. Classmate ko sya nung grade 8 at hopefully this year. Nagkakasundo kasi kami sa mga bagay-bagay.
Nakaramdam ako ng uhaw kaya minabuti kong bumaba sa kusina. Kukuha nalang ako ng pitcher para di na ako pababa-baba.
Paliko na sana ako ng makita ko si mama. Nasa may front door sya at inaalalayan si papa. Katulong nya si Tito Edwin. Mukhang lasing na lasing si papa. Hinayaan ko nalang sila. Kasi nga hindi na bago sakin ito. Madalas umuwi ng lasing si papa at si Tito Edwin ang nag-uuwi sa kanya. Mabait sya, hindi nya pinapabayaan ang papa ko.
Pagbalik ko sa sala ay wala na sila. Baka nasa taas na. Gumawa pa kase ako ng sandwich kaya ako natagalan.
**********************************************
Hey Guys.
This is my first story here in Webnovel.
Sana magustuhan nyo!
don't forget to vote and leave a review.
every vote and review are so much appreciated.
Caio!