webnovel

The So-Called "Ex"

Jeyson Break never expects that he will wake up one day torn and broken. With so much pain about the sudden break up, he can't find the reasons to move on and the seemingly nightmare haunts him always. Known to be a heart breaker, Evo Thunders asks a favor to Jeyson. As a true bestfriend, Jeyson accepted the deal. But Jeyson's conscience was later hammered with guilt, realizing that it wasn't him who should be the one to break an innocent girl's pure heart on behalf of his senseless friend. Too late enough to step back, Jeyson has no choice but to face the consequences. However, the roller-coaster ride revelation has something more to unveil! The So-Called "Ex" All Rights Reserved

2ndHandBoyFriend · Real
Sin suficientes valoraciones
20 Chs

TSCE: A Night Of Nightmare To Me!

***

"So, let us all witness, the "couple of the night" in their special dance."

Dahan-dahang humawi ang mga tao, hanggang sa pinaiikutan na nila kami. Ganunman ay tila ba pareho kaming walang balak na humakbang palapit sa isa't-isa. Hanggang sa marinig na namin ang isang sweet instrumental background. At batid ko na kinikilig ang lahat para sa'ming dalawa. At aaminin ko, ganun din ang nararamdaman ko. Damn!

Pagkuwa'y may biglang tumulak sa likuran ko upang lumapit pa ako ng husto kay Jemmi. Nagulat ma'y hindi ko na inalam kung sino ang gumawa nun sa akin dahil tingin ko'y ang makukulit ko na namang mga kaibigan ang may pakana. Tuloy ay halos mapasubsob ako ngunit ay kaagad ko namang naitayo ng maayos ang aking sarili.

Subalit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit maluha-luha si Jemmi habang nakatingin siya sa akin. Nag-aalinlangan na marahan ko pa siyang nilapitan ng husto. Nagtataka na ako dahil iba na ang ikinikilos niya. Para bang may nais siyang sabihin sa akin na hindi ko lang makuha at maintindihan.

Biglang tumutok sa akin ulit ang nakakasilaw na spotlight. Dalawang kamay ko na nga ang aking ginamit upang iharang ito mula sa ilaw na direktang tumatama sa akin.

"Ladies and gentlemen, let me introduce to you Mr. Jeyson Break..."

Nagulat ako sa aking narinig mula sa speaker ng malaking sound system dahil hindi na si sir Tammy ang nag-aannounce sa mic. Maging ang mga tao sa paligid ay nagtataka na din.

"Look at this guy..." ang pagpapatuloy ng nagsasalita.

Mapapansin sa reaksyon ng mga tao ang pagka-dismaya habang pinagmamasdan nila ako. May iba na nagpipigil lamang sa kanilang pagtawa. At may ilan na nangangantyaw.

Kinabahan na ako ng husto habang palinga-linga ako sa aking paligid. Ano'ng nangyayari? Ano ba talaga ang nangyayari? Iyon ang paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili. At nang balingan ko si Jemmi ay may pumapatak nang luha sa kanyang mga mata.

"J-Jemmi?" humihingi ako ng kasagutan mula sa kanya.

Hindi ko halos maintindihan ang mga sinasabi niya. Basta't ang maliwanag lang sa akin ay ang salitang "set-up" na mahinang sinasambit ng kanyang mga labi.

Pagkaraa'y may kung sino ang lumapit sa'kin at biglang may hinablot na kung anong idinikit sa aking likuran. Si Buns iyon nang aking pansinin. At isang papel ang hawak niya. Bigla kong naalala ang taong tumulak sa akin kanina. At malamang na kung sinuman iyon, siya ang pasimpleng nagdikit ng papel sa likod ko.

"B-Buns, ano 'yan?"

Marahang ini-abot ang bagay na iyon sa akin ni Buns. At nang mahawakan ko ay binasa ko ang mga bagay na nakasulat doon. "STUPID PERVERT "EX". 'WAG NA 'WAG TUTULARAN!".

Nagulat ako ng husto mula sa aking nabasa. Napabaling ako kay Jemmi na hindi na magawang tumingin sa akin.

"'Wag na 'wag ninyong tutularan ang stupid pervert guy na ito who happened to be the "EX" of my present girlfriend, Ms. Jemmi Mayhem!"

Halos ay madurog ang puso ko habang aking naririnig ang mga bagay na sinasabi ng taong nagsasalita na si Harris, ang kasalukuyang boyfriend ni Jemmi.

"Hindi pa daw siya makapag-move on. Imaginine niyo 'yon? More than one and a half years na after their break-up, hanggang ngayon ay pinagpapantasyahan pa rin niya ang girlfriend ko. It sounds rediculuos para sa isang tao na normal pa ang takbo ng kanyang utak. And this night only proves how he's still into my girlfriend. A so disgusting, stupid, pervert man!" anito pa.

Nabingi ako sa naging katahimikan. At nung sandaling 'yun ay nais ko na talagang bumiak ang lupa at lamunin na ako nito. Nais ko na ring maglahong bigla o 'di kaya naman ay lumiit at hindi na makita ng mga taong nakapaligid sa amin.

Sa kabilang dako, bagama't masakit sa dibdib ang masasakit na salitang aking naririnig ay sinubukan ko na lamang na intindihin ang lahat. Tama nga naman marahil siya. Siguro ay mahaba na ang halos ay isa't kalahating taon upang ibura ko si Jemmi sa aking isipan at magpatuloy na ako sa panibagong yugto.

"Eh, gago pala 'to eh!" narinig ko ang galit na pagsasalita ni Buns. Kaagad ko naman siyang pinigilan.

"Hayaan mo na..." ang marahan kong sambit malapit sa kanya.

Batid ko na naawa para sa akin sina Raw at Buns. Ngunit ay wala akong kung anuman na sinabi. Hindi ko na rin binalingan pa ng tingin si Jemmi. At marahan na lang akong naglakad papaalis. Sinusundan naman ako ng tingin ng lahat.

Doon ko lang napagtanto na na-set up ako. Sinet-up ako upang ipahiya sa maraming tao!

Sinasabi ko na nga bang hindi na ako a-attend pa sa Prom. Kaya pala wala na akong gana, because this night will be a nightmare to me!

***

So, bibitinin muna kita. See you sa next update. :)

--- SHBF

2ndHandBoyFriendcreators' thoughts