webnovel

THE RUN AWAY WIFE

Hindi madaling mabuhay kung ang pakiramdam mo ay nag-iisa ka na lang... Dahil nawala na ang lahat sa'yo at walang naiwan. Kun'di mga sugat sa iyong puso... Ngunit ito rin ang naging dahilan para maging matatag ka at matapang. Upang hindi ka na nila muli pang masaktan. =GIVENEA ALCANTARA= ______ Bakit kahit may kasama ka ang pakiramdam mo nag-iisa ka pa rin? At kahit anong gawin mo hindi ka niya magawang pansinin. Pakiramdam mo palagi ka na lang namamalimos ng kanyang pagmamahal. Dalawang bagay lang naman ang gusto mo ang makasama siya at mahalin niya. Dahil doon ka lang magiging masaya. =DANIEL KEIFFER SOLMERAZ= Si Givenea Alcantara isang simpleng babae na sa kabila ng lahat. Naging matatag at matapang.. Handang gawin ang lahat para sa iisang hangarin. Si Daniel Keiffer Solmeraz: Gwapo, matalino, mayaman at tagapagmana. Handang gawin ang lahat para sa kanyang minamahal. Pero paano kaya sila pagtatagpuin ng tadhana? Kung magkaiba ang kanilang ginagalawan at lagi nang may hadlang at dahilan... Ngunit paano ba nila hahamakin ang lahat para sa pag-ibig na sapat na walang pinipiling pagkakataon o maging ng panahon... * * * A/N: ANO MANG PARTE SA ISTORYANG ITO ANG MAY PAGKAKAWIG SA IBA GAYA NG PANGALAN, KARAKTER, LUGAR, SALITA, MAN O PANGYAYARI AY HINDI PO SADYA. ANG LAHAT NG NILALAMAN NG ISTORYANG ITO AY BUNGA LAMANG NG IMAGINASYON NG MAY AKDA. HINDI RIN PO ITO MAAARING KOPYAHIN O GAYAHIN NG SINO MAN... MARAMING SALAMAT PO!? BY: MG GEMINI 05-14-2020 @LadyGem25

LadyGem25 · Integral
Sin suficientes valoraciones
13 Chs

Twelve: THE DECISION

"What?! Sinasabi mo bang.. OMG! Bakit?" Gulat na bulalas ni Kat.

"Napag-isipan mo na ba 'yang binabalak mo hija? Bata ka pa naman, ano at naisip mo 'yan, pwede ka pang mag-asawa ah?"

Tanong ng kanyang Tita Adela na halata ang pagkadisgusto sa sinabi ng pamangkin.

"Tita alam mong hindi ang idad ko ang problema. Pinakinggan ko na kayo dati, sabi n'yo subukan ko ulit. Sinusubukan ko naman pero ano ba ang nangyari? Yung lalaking pinagkatiwalaan ko masahol pa pala sa una. Dahil dalawa pala ang reserba. Hindi pa ako nadala umulit pa ako ulit. Ayun, dahil lang hindi ko s'ya pinagbigyan, nakabuntis ng iba. Dapat ba akong paulit-ulit na lang magmahal, umasa at masaktan?" Tanong ni Given na nilagyan na nang diin ang bawat salita. Desidido na talaga s'ya sa naisip na plano.

Dahil wala na rin s'yang tiwala sa mga lalaki. Paulit-ulit na lang s'yang nasasaktan, ayaw na rin n'yang umasa na magkakaroon pa s'ya ng matinong relasyon.

Tanggap na rin n'ya na mananatili na lang s'yang single. Masaya naman s'ya sa buhay niya ngayon kahit pa wala siyang karelasyon.

Pero s'yempre gusto niyang magkaroon ng anak na magiging kasama niya sa buhay. Bukod du'n gusto rin niyang magkaroon ng kabuluhan ang kanyang pagiging babae at higit sa lahat. Gusto rin niyang maranasan ang maging isang ina.

"Coz, h'wag ka namang agad na mawalan ng pag-asa." Pakiusap na ni Kat sa kanya.

"Sasabihin mo na naman na hindi pare-pareho ang lalaki sa tingin mo ba hindi ko pa alam 'yun, ikaw na nga ang good example hindi ba? Dahil ikakasal ka na sa lalaking mahal mo at mahal ka. At ikaw na rin ang nagsabi na hindi rin pare-pareho ang kapalaran ng tao. Nagkataon lang siguro na hindi talaga ako kasing swerte mo at tanggap ko na 'yun. Kaya hayaan mo na lang ako, okay? Pero ikaw h'wag mo ng pakawalan pa si Peter dahil maswerte ka na sa kanya. Dahil alam ko naman na totoong mahal ka niya at alam ko rin kung gaano ka kasaya sa kanya. H'wag mo na akong isipin gusto ko ring maging masaya kaya naisip ko ito. Hindi lang sa pagkakaroon ng kapartner sa buhay ako magiging masaya. Mas magiging masaya ako sa pagiging isang ina kahit walang kapartner. Mahirap bang intindihin 'yun?"

Mahabang paliwanag ni Given sa tiyahin at pinsan. Alam niyang tutol ang mga ito sa plano niya pero nakapagdesisyon na s'ya.

"Hija, hindi naman sa nakikialam kami sa desisyon mo. Ang gusto ko lang pag-isipan mo munang mabuti ito. Bago mo ituloy 'yan! Wala ngang masama sa gagawin mo dahil desisyon mo 'yan! Pero sana anak bigyan mo muna ng pagkakataon ang sarili mo. Bata ka pa naman marami ka pang makikilala na pwede magpabalik ng tiwala mo. Paano kung sa huli maisip mo pa ring mag-asawa?Ok sana kung sakaling maisipan mong mag-asawa at hindi mo magiging problema 'yun bata. Kaya sana pag-isipan mo rin ang bago mo ito gawin." Suhestyon ng kanyang tiya, niyakap pa siya nito at tinapik sa balikat. Pero sadyang tumigas na yata ang ulo niya.

"Tita hindi na ako mag-aasawa, okay? Magiging masaya na ako kung magkakaroon na lang ako ng anak." Sabi pa niya matapos na bumitaw sa pagkakayakap dito.

"Ano ka ba Given? Huwag ka nga munang magsalita ng ganyan. Kapag singkwenta ka na at wala ka pa ring makitang lalaking magmamahal sa'yo ng tapat saka mo na lang gawin 'yang iniisip mo. Ako pa ang maghahanap ng sperm donor para sa'yo, Okay?"

"Paano pa ako magkakaanak kung singkwenta na ako? Gusto ko ng magkaanak bago pa ako umabot ng trenta. Para naman maalagaan ko pa s'ya habang bata pa ako." Muling paliwanag niya.

"Hangal ka talaga! Paano mo naiisip na mag-anak sa ganyang paraan? Paano kung mag-anak ka nga at paglaki niya maghanap siya ng ama? Paano mo kaya sasabihin sa kanya na binili mo lang ang sperm cell ng ama niya kaya siya nabuo?" Tanong pa ni Kat. Alam niyang may kat'wiran ang pinsan.

But her decision is final. Only she want is to bear a child and as to be a mother. And she didn't want to get married to anyone.

Gusto lang naman niyang maging masaya. Hindi na kasi siya naniniwala na may makikilala pa s'yang magmamahal sa kanya ng totoo. Palibhasa hindi naman sila ang nabigo at nasaktan. Bakit ba hindi nila ako maintindihan?"

Piping tanong niya sa kanyang sarili.

"Nasa computer age naman na tayo ngayon. Madali na lang maiintindihan ng mga bata ang s'yensya. Ipaliliwanag ko naman sa kanya paglaki niya ang lahat." Pangangatwiran pa niya.

"Alam kong madali lang maiintindihan ng mga bata ang modernong panahon ngayon. Pero paano mo ipaparamdam sa kanya ang magkaroon ng isang normal na pamilya? 'Yun merong ama at ina, 'yung hindi niya mararamdaman na kulang ang pagkatao niya. Ikaw pa ba alam na alam mo ang pakiramdam na 'yan! Kahit minsan ba hindi mo naisip na sana nasa tabi mo ang Tatay mo? Kung hindi mo 'yan naisip, sige ngayon pa lang maghanap ka na ng sperm donor mo at hindi na kita pipigilan."

Bulyaw na ni Kat sa kanya. Kahit alam naman niyang gusto lang nitong ipakita, ang magiging konsikwensa ng mga pinaplano niya.

"Alam ko naman 'yun masama ba ako? Kung ipagpipilitan ko pa rin ang gusto ko. Hindi niyo naman kasi naiitindihan.." Pilit niyang pinipigilan ang huwag umiyak. Pero nabigo siyang gawin dahil kusang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Heto na naman ang kadramahan niya.

"Ano ba kayong mga bata kayo. Tama na nga 'yan! Wala ba kayong trabaho bukas?"

Biglang singit ng kanyang Tita Adela. Upang pigilan ang pagbangon ng emosyon sa pagitan nila ng kanyang pinsan.

Sandali silang natahimik at hindi agad nakasagot. Pareho rin nilang tinatantya kung sino ba ang unang magsasalita. Nang pareho silang hindi pa rin nagsalita. Nagpatuloy lang sa pagsasalita ang kanyang Tita Adela.

"Buti pa magpahinga na tayo. Gabi na rin kumain na ba kayo hindi ba kayo nagugutom?" Maya maya ay sabi pa nito pero hindi pa rin sila kumibo.

"Ano, magtititigan na lang ba kayo diyan o gusto niyo pang magsabunutan?"

Pareho silang napatingin dito dahil sa sinabi nito. Pagkatapos nagkatinginan pa sila ulit. Saglit na pareho silang wala naging reaksyon.

Hanggang sa napangiti na lang s'ya dahil sa ginagawa nila. Habang si Kat bigla na lang s'yang niyakap. Sabay pa silang nagkatawanan habang umiiyak.

Ganito naman sila palagi kahit madalas pa silang magtalo. Hindi na kailangan pa ng salita para maintindihan nila ang isat isa. Nararamdaman nila ang sakit ng bawat isa at para na nga silang kambal. Kaya sigurado siyang mamimiss niya ang pinsan. Kapag umalis na ito sa bahay at nagsama na ito at si Peter.

"Tingnan mo ang mga lukaret na ito. Ang akala ko hindi na kayo magkakasundo eh'! Talagang sasabunutan ko na sana kayo!"

Natatawang sabi pa nang kanyang Tita Adela. Habang sabay sila nitong inakbayan sa magkabila nitong braso.

"Sorry po Tita.. Ito kasing kakambal ko palagi na lang akong pinagagalitan. Kaya nga naiinip na ako. Sana kunin na agad siya ni Peter." Biro n'ya na pinagdikit pa ang mga palad at kunwari ay tumingin sa itaas at saka niya ito nginitian...

"Teka nga sino bang Peter ha?" Kunwari'y birong tanong din nito sa kanya.

"Sino pa e' di si Peter... Sira!" Nang bigla niyang maunawaan ang ibig nitong sabihin.

"Akala ko si St. Peter na ang gusto mong kumuha sa akin e'"

Natatawang saad nito.

"Hmmm, matulog na nga tayo. Baka mahuli pa tayo sa kasal bukas." Sabi na lang n'ya sabay hikab, medyo inaantok na rin kasi talaga s'ya ng mga oras na iyon.

"Kung ganu'n may kasal pala kayo bukas? Mabuti pa sabay sabay na tayong magpahinga. Medyo napagod din kasi ako sa byahe ko kanina. Paano mauuna na ako sa inyong pumanik.  Sumunod na rin kayo agad ha!" Bilin pa nito at nagpatiuna na nga ito sa kanila.

"Opo Tita goodnight po!"

"Sige po Ma'.. Susunod na din kami!"

"Paano kambal tulog na rin tayo?"

"Okay sabi mo e'"

Magkahawak kamay pa silang pumanhik ng hagdan.

_____

"Coz gising ka pa?" Tanong ni Kat nang  pareho na silang nakahiga.

Bumiling pa s'ya at humarap dito bago pa ito sinagot.

"Hmmm.. Bakit?"

"Meron sana akong isang request. Regalo mo na lang sa akin, tutal mauuna naman ang birthday ko sa'yo." Hiling nito sa kanya.

"Okay ano ba 'yun?" Aniya.

Birthday na nga pala nila next month. Pareho na silang mag 29 years old.

"Baka naman pwedeng subukan mo pa kahit isang beses na lang sige na?!"

"Anong bang susubukan ko?" Aniya.

Kahit pa batid naman n'ya kung ano ang gusto nitong mangyari. Pero nagkunwari pa rin s'yang hindi ito naiintindihan.

"Coz. Kahit isang beses na lang sige na! Kapag nabigo ka pa tutulungan na kita sa plano mo. Kung talagang kailangan, kahit pa kausapin ko si Peter gagawin ko. Basta subukan mo pa ulit kahit minsan pa. Okay?" Mariing pakiusap nito sa kanya.

Then she sighed..

"Okay!" Matipid niyang sagot.

Dahil alam n'yang hindi naman talaga titigilan nito.

"Talaga? Thank you best! Sabi ko na nga ba makikinig ka rin sa akin e." Tuwang-tuwa na itong yumakap sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na rin silang nakatulog.

____

KINABUKASAN SA KASALAN...

"Ano Coz okay na ba lahat, p'wede na ba tayong magstart? Kumpleto na ba ang lahat ng kasali sa entourages?"

Sunod-sunod na tanong na ni Kat na medyo natataranta. Muntik na kasi silang malate kanina. Buti na lang nakahabol pa sila agad talagang nakakahiya.

"Oo okay p'wede na tayong mag-umpisa." Aniya na medyo kinakabahan na rin. Hindi kasi biro itong clients nila ngayon. Kaya kabado sila na hindi ito maging successful. Idagdag pa kaibigan ito ni Peter kaya hindi sila pwedeng mapahiya.

"Okay! Magsisimula na tayo 'yung sounds system okay na ba?"

Nang magthumb-up sila sa isa't-isa... Saka naman nagsimula nang maglakad ang mga guest na kabilang sa Entourages.

Sa saliw ng pagtugtog ng piano at  tinig ng choirs na sinasabayan din ng malamyos na pagkanta ng isang kilalang singer na siyang naimbitahang kumanta sa araw na iyon. Dahil sa request na rin ng mga ikakasal.

Nagsimulang maglakad ang Groom papunta sa altar na sinusundan naman ng kanyang Bestman, mga Ninong at Ninang. Pagkatapos ang mga ring bearer, flower girls, mga abay, maid of honor. 

Hanggang sa ang Bride na ang naglakad tungo sa altar. Habang may nagsasaboy ng mabangong bulaklak sa paligid.

Nang nasa harap na nang Pari ang Brides at Groom, kahit paano nakahinga rin sila ng maluwag.

Kasalukuyang nagsisimula na ang seremonyas ng bigla na lang may dumating pang isang guest na tila humabol. Habang sa isip niya ito pala 'yung isang abay na hindi nakasabay sa Entourage kung bakit kasi late na itong dumating?

Pinagmamasdan niya ito habang naglalakad ito palapit at dumaan pa sa gitna ng Simbahan. Hindi nito alintana ang mga bulungan ng mga naroon at tuloy-tuloy lang itong naglakad. Nasa mukha kasi nito ang malaking tiwala sa sarili.

Gwapo nga ito at matangkad at maganda rin ang built in ng pangangatawan ngunit mukhang may pagkabastos. Base ito sa kanyang obserbasyon.

Hindi rin niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit bigla na lang s'yang nakaramdam ng kaba. Habang pinagmamasdan niya ito.

Bigla ring tumigil ang kanyang paghinga ng malapit na ito sa kanyang direksyon.

Patungo sa kinaroroonan ng iba pang mga abay malapit sa harap at kanang bahagi ng Simbahan. Dahil malapit rin ito sa kanyang kinatatayuan.

Habang palapit ito ng palapit at tuluyang matapat kung saan sila nakatayo.

Nang malaya na niyang  napagmasdan ang buong mukha nito. Bakit parang pakiramdam niya nakita na niya ito dati pa? Hindi niya lang matandaan kung saan o kailan niya ito nakita?

Hindi siya maaaring magkamali, parang kilala talaga niya ito pero saan nga ba niya ito nakita?

Hindi tuloy niya naiwasang itanong sa kanyang sarili.

Nagkita na ba kami dati?!

* * *

By: LadyGem25 ❤️

Hello po,

Maraming Salamat sa mga nagbabasa nito at mga sumusuporta.

Sana na-enjoyed n'yo ulit ang chapter na ito. Kahit medyo mabagal ang updates.

Until next chapters po!

THANK YOU!

KEEP SAFE AND GOD BLESS EVERYONE!❤️❤️❤️

= Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

= Have some idea about my story? Comment it and let me know.

= Like it ? Add to library!

LadyGem25creators' thoughts