webnovel

CHAPTER 2

Chapter 2

PREETS POINT OF VIEW

"Ang tagal na rin pala simula nang mangyari ang lahat ng 'yon, Im so happy for you na naka-wala ka na sa lahat ng hirap na naranasan mo during college time. Also, I want to say sorry to you, sa lahat ng na gawa ko. Hindi ko alam kung makakabawi pa ako pero look, ikakasal ka na." ngitian ko si Raven ng sabihin niya ang mga bagay na 'yon.

Matagal na rin ng nangyari ang lahat simula ng una, masaya ako na maayos na kaming dalawa. Siguro, naging dala rin nang pagiging immature naming ang dahilan ng lahat.

Raven and I are best friends, halos hindi nga kami mapag-hiwalay dalawa ng mga panahon na 'yon pero ang pinagka-iba naming ay nanggaling siya sa buo at masayang pamilya. Lahat din ng luho niya ay nabibigay ng mga kuya niya pati na rin ng mga magulang.

Nag bago lang 'yon ng pinalabas niyang pineperahan ko si Kurt at nalaman ko ang ginawang issue ng iba naming kaibigan na naging masama sa paningin ng iba pati sa paningin ko, pero sa tagal nang panahon na lumipas ay nakalimutan ko na rin ang sakit at hirap na binigay nila sa akin, and this time gusto ko na maging maayos ang lahat.

Gusto ko bago pemanenteng mabago ng tuluyan ang apilyedo ko ay maayos ang lahat at walang kagalit ni isa o walang may galit sa akin.

"matagal na 'yon, hayaan na natin at kalimutan. Matagal ko na kayong na patawad no! hindi naman ako marunong mag tanim ng sama ng loob mas lalo na sa mga tao na matagal kong na kasama at tinuring kong kapatid." Bukal sa loob kong sabi na kinangiti niya.

"ang bait mo talaga preets!" bulaslas niya.

Ngitian ko lang siya at kinuha ang piraso ng papel sa loob ng bag ko.

"Invitation. Ikaw nag gagawin kong maid of honor dahil kung hindi dahil sayo hindi ko makikilala sa kurt. Sa inyong dalawa ni Renz,maraming salamat."

Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon, pag tapos ng exam naming ay dumiretso kami sa Youniversity Suits para kitain niya ang boyfriend niya. Doon ko unang nakita si Kurt, naka-upo siya sa isang stall at kausap ang boyfriend ni Raven. Pinakilala niya ako at doon nag umpisa ang lahat.

"Alam mo hindi mo kailangan sabihin 'yan, mukhang kayo naman talaga sa isa't-isa ka hindi mo na kailangan mag pa-salamat. Maging masaya ka na preets, wag ka na masyado mag overthink okay. Never kang lolokohin ni Kurt, kita mo naman simula college palang tayo ay mahal na mahal ka na non, halos nga ayaw ka na bitawan ng mga oras na 'yon." Parehas nalang kaming tumawa sa sinabi niya.

"Basta! Bawal ka mawala sa kasal ko okay? Ikaw ang pinaka-importanteng bisita sa bride kaya wag kang mawawala!" sabay konting panlalaki ng mata ko sa kanya, at parehas na kaming tumawa.

Ilang oras rin na pag kwekwentuhan ay naisip ko na naming umuwi, maaga pa kami pupunta bukas sa isang designer na gagawa ng mga susuotin sa kasal at dahil si Raven ang maid of honor ay isa sya sa papatahian ng damit.

Ilang taon na hindi naming pag kakaayos ay natapos dahil sa simpleng usapan na parehas kalmado ang lahat, hindi ko pinag-sisihan na nag karoon ng away sa pagitan naming dalawa dahill sa away na 'yon natuto akong wag mag tiwala at maging mag isa sa buhay na walang inaasahan na kung sino man.

Habang nag lalakad pauwi ay kinuha ko ang phone ko sa akin bag para mag sabi kay Kurt na pauwi na ako, kanina pa kasi siya nag aalala kung na saan na ako at kung anong oras ako makaka-uwi sa bahay.

"HAHAHA Alam mo ba pre na ang mga tao na ngayon mas lalo na ang mayayaman ay wala ng ginawa kundi ang mang hamak ng mahihirap! Katulad niyang babae na 'yan!" na pa tigil ako sa pag lalakad ng makita ang dalawang lasing na nag lalakad papunta sa akin.

Ang isa naman ay naka-duro, si Mang berting.

"katulad nitong si Preets pare, may nobyo lang na mayaman at mag papakasal na ay akala mo kung sino na kung umasta sa lugar natin." Unti-unti ay humakbang ako paatras ng makitang papalapit na sila ng papalapit.

Mabilis ay tumakbo ako palayo sa kanila at rinig ko ang pag habol nila sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nanlalabo ang aking mga mata habang tumatakbo dahil sa luha na umaagpas sa aking pisngi. Ang mga paa ko naman ay nag uumpisa na manginig sa takot dahil sa pwedeng gawin ni mang berting.

Si Mang Berting ang lasenggero sa lugar naming, mahilig ito manghabol mas lalo na kung na isipan niya pag tripan at hindi rin s'ya nag dadalawang isip manakit kahit mapa-babae, matanda o bata pa 'yan pag naisip niyang pag tripan ay pag tritripan niya.

"ahhh!" tili ko ng may dalawang pares nang kamay ang humila sa akin papunta sa isang sulok kung saan walang ilaw.

"are you okay love?" agad akong napahinga ng maluwag ng marinig ang boses ni Kurt at ang tuhod kong nanginginig ay tuluyan na bumigay, buti na lamang ay hawak niya na ako sa bewang at nakaalalay na sa aking likod bago na walan ng malay.

----

"What happened?"

Unang tanong ng magising ako mula sa pag kakatulog, tinignan ko ang buong lugar at kita ko na nasa isang hospital ako.

"Hinabol ako ni Mang Berting kagabi habang nag lalakad na ako papunta sa bahay." Diretso kong sabi sa kanya.

"I told you Preets delikado dyan sa lugar niyo, bat hindi mo nalang gamitin or doon ka nalang tumira sa condo ko para naman mas sigurado ako na ligtas ka." Nag aalala na sabi ni Kurt bago hinawakan ang kamay ko.

"hindi naman kailanga----"

"hindi na naman kailangan? Preets kalian pa magiging kailangan kung na pahamak ka na? please love, kahit ngayon lang making ka naman sakin." Seryoso niyang tugon.

"Pinadampot ko na ang humabol sayo."

Hindi naman ako makatingin sa mga mata niya na puno ng pag mamakaawa.

Hindi lang ngayon ang unang beses na hinabol ako ni Mang Berting habang pauwi at kasama niya ang mga kainuman, nang una ay pinag bigyan ko sya sa ginawa niya ngunit ngayon hindi ko na kaya pa pigilan ang desisyon ni kurt.

Dahil sa aming dalawa, ako ang nasusunod pero siya ang batas.