webnovel

Chapter 4.1

Hindi kalakihan ang kwarto ko, kaya habang nakatayo ako sa tapat ng pinto ay naririnig ko pa rin ang boses ni Leon. Hindi naman ako iyong tipo na mahilig makinig sa usapan ng iba, pero narinig ko kasing binanggit niya si Ava.

"Yes, I took the day off because I'm busy." Hindi ko narinig ang buo niyang sinabi, pero alam kong sinabi niyang busy siya.

"No, I can't see you later... I'll be busy the whole day."

Mula sa tono ng pananalita niya ay pati ako nakumbinsi na marami siyang gagawin ngayong araw. Pero sabi niya kanina ay tinanggal niya ang lahat ng nasa schedule niya ngayong araw?

Siguro may iba pa siyang gagawin pagtapos niya kami ihatid. Ngayon lang niya nalaman ang tungkol sa mga anak niya at ilang taon siyang naging malayo sakanila, kaya naiintindihan ko kung uunahin niya ang mga bata.

Binalik ko na lang ang buong atensyon ko sa mga bata. After hearing him talk to Ava, I felt a little guilty. I knew I wasn't trying to take him from her, and he was only here for his children. But something still didn't feel right.

I didn't want to ruin the kids' excitement, so despite my worries and guilt, I forced a smile.

They looked so happy. Kahit si Leo ay nadamay na rin sa dalawa. Hinuhulaan pa nga nila kung anong laruan ang binili ni Leon para sakanila.

Mabilis ko silang binihisan dahil hindi na rin naman sila makapaghintay. Tapos nasa labas pa ng kwarto si Leon.

"Wow, mas lalo kayong gumwapo ah," sabi ko nang matapos ko silang bihisan. Puro bago ang ipinasuot ko sakanila dahil ayaw kong isipin ni Leon na napapabayaan ko ang mga bata. Kahit sunod-sunod ang problema, ayaw kong mukha silang kawawa sa 'kin.

Hinayaan ko na silang lumabas at narinig kong niyayabang pa nila Alaine ang mga suot nila. Medyo gumaan ang loob ko nang purihin sila ni Leon.

Muli kong sinarado ang kwarto at naghanap ng susuotin.

Medyo matagal na no'ng huli akong bumili ng mga damit ko. Kaya wala tuloy akong mapiling susuotin.

Bumuntonghininga na lang ako at nagsuot ng t-shirt at pants, pinatungan ko na rin ng jacket. Tapos ay nagsapatos na 'ko.

Inayos ko ang mga gamit habang tinatatak sa isip ko na maninirahan lang naman kami sa isa sa mga pagmamay-ari niya. Gusto lang niyang bigyan ng maayos na matutuluyan ang mga anak niya. Wala naman sigurong masama do'n? Siguro kung hindi niya ito ililihim mula sa fiancee niya ay mas magiging komportable ako sa gusto ni Leon.

Paglabas ko sa kwarto ay buhat-buhat ko na ang mga gamit namin.

"Si Ezra na ang kukuha nyan. Iwan mo na muna," sabi ni Leon sa 'kin.

Tumango na lang ako, masyadong matigas ang ulo ni Leon kaya mahirap tutulan ang mga salita niya. Nagpabuhat si Alaine kay Leon. Habang si Elijah naman ay nakahawak sa kamay ng ama niya. Si Leo lang ang lumapit sa 'kin.

Nagsuot si Leon ng shades, tapos ay pinatong niya ang isang sombrero sa ulo ni Alaine dahil gusto kunin iyon ng bata.

Paglabas pa lang namin ay bumungad na sa 'min ang isang malaking silver na van. May mga guards siyang nakapaligid doon.

Tumayo naman siya sa gilid ng Van at tinignan ako na para bang pinapa-una niya kami ni Leo. Kaya naman dumeretso na lang ako sa loob bago pa kami mapansin ng tao. Agaw pansin naman kasi masyado ang mga guards ni Leon.

Pinapasok muna ni Leon ang dalawang bata bago siya sumakay.

Ngayon ay katabi ni Leon sina Alaine at Eli. Nasa likod naman nila ako at si Leo. Mula sa pwesto ko ay pansin ko ang tuwa sa boses at mukha ng dalawa kong anak.

They seemed really happy. They were longing to meet their father, and it was my fault. Masyado ko atang pinaganda ang imahe niya sa isip ng mga bata kaya mabilis siyang tinanggap ng mga 'to.

Lagi kasing sinasabi ng pamilya ni papa na galing sa pagkakamali ang mga anak ko, at ayaw kong isipin nila na isa silang pagkakamali at pinag-sisihan ko sila.

That's why I fed them lies. I told them that their father was a good man, even though I wasn't sure. I told them that Leon was caring, kind, and gentle. I was afraid to tell them the truth, so I dodged the questions I couldn't answer and lied about a lot of things.

I guess that's why they believed that their dad would come back for them. I told myself that someday I would have the courage to tell them the truth about their father and our past relationship, but Leon found us before I could muster up the courage.

Ngayon, hinihiling ko na lang na hindi sila madismaya at masaktan. Hindi ko lubos na kilala si Leon. Paano kung hindi pala siya mabait? Maalaga? Paano kung hindi siya ang ama na inaasahan ng mga bata?

However, seeing him share smiles with my children gave me a little hope that maybe... not everything I told the boys about their father was a lie.

Habang nasa byahe ay tumunog ulit ang phone ni Leon. Sinagot niya naman 'yon agad.

"What is it, Ezra?" he asked. "She's asking you? I already told her I was busy."

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero bakas ang inis sa boses ni Leon.

"I know... Yes, I know," patuloy niyang sagot sa kabilang linya. "Ikaw na muna ang bahala," sabi niya bago ibaba ang tawag.

Nagulat ako nang lingunin niya ako.

"How's Leo?" tanong niya.

Napatingin ako sa anak kong kanina pa nakayakap sa baywang ko. Hindi ko alam kung inaantok siya o ayaw lang niyang humiwalay pa sa 'kin.

"Leo, do you wanna sit with us?" biglang tanong ni Alaine. "We have space!"

Umiling agad si Leo. "I stay with mommy," aniya.

"Leo, do you like swimming? May pool sa pupuntahan natin," sabi naman ni Leon.

"No... I like the beach more," sagot ni Leo habang nakayuko.

"Do you go to the beach often?"

"No... We go when Tito Terrence come."

Napunta agad sa 'kin ang mga mata ni Leon.

"Tito Terrence?" Tumigil siya saglit na para bang nag-iisip. "Did you have a brother?"

"She's mommy's friend, and also our friend," Alaine said. "He's very nice to us."

"Really?" Mas lalo lang umangat ang kilay ni Leon dahil sa sagot ni Alaine. 

"He lets us sleep in his house..." dagdag ni Leo.

"Oh..." Tumango-tango si Leon at saka ako muling tinignan. "You sleep at his house, do you stay in his bedroom too?"

"Yes!" Alaine answered. "We stay at Ninang Harper's house too!"

"You sleep in Terrence's bedroom? All of you?" tanong pa ulit ni Leon, pero parang para sa 'kin na iyon at hindi sa mga bata.

"Sa living room siya natutulog kapag nandun kami," napasagot tuloy ako. Hindi ko naman kailangan magpaliwanag, pero parang hinuhusgahan kasi ako ng tingin niya. Ano bang problema nito?

Natapos ang usapan tungkol kay Terrence dahil niyabang naman ni Alaine ang ninang Harper nila. Medyo mahaba ang byahe kaya si Leo nakatulog, habang yung dalawa sa harap ay tuwang-tuwa pa rin sa ama nila.

It was as if they've known him for a long time, and that's what frightens me. Maybe I shouldn't have lied. Kung sinabi ko ba ang totoo tungkol kay Leon at sa relasyon namin noon, tatanggapin pa rin ba nila si Leon ngayon?

Nabigla ako nang lingunin ako ulit ni Leon. Napansin kong nagkekwento pa rin ang dalawa kong anak pero nakasandal na lang sila kay Leon at hindi na gaanong malikot.

"Thanks..." Leon said.

Kumunot ang noo ko. Nabasa ba niya ang iniisip ko? O nagpapasalamat lang siya dahil pumayag na ako sa gusto niya.

"For letting me be with them," dagdag pa niya bago mabilis na umiwas ng tingin

Masyado ata akong naka-focus sa mga bata. Nakalimutan kong kahapon lang nalaman ni Leon na may mga anak siya. Malamang ay halo-halo rin ang emosyon niya't marami rin siyang iniisip.

Hindi nagtagal ay tumigil na rin ang sasakyan. Excited na bumaba si Eli at Alaine. Agad nilang hinila si Leon sa malaking bahay na bumungad sa 'min. Si Leo naman ay sa 'kin nakahawak.

Kapapasok lang namin ng gate. Hindi gaano kalakihan ang bahay, pero mahihiya ka pa ring pumasok sa loob dahil halata pa ring may pera ang may-ari. Two storey siya, at may nakikita akong balcony.

"This is your new home," anunsyo ni Leon habang isa-isang tinignan ang mga bata.

"Wow, it's big," ani Alaine. "I wanna see where we will stay, daddy!"

"I'll show you the toys first," sagot naman ni Leon.

Nang makapasok kami ay dinala agad kami ni Leon sa living room. Dali-daling bumitiw si Alaine at Eli sa kaniya nang makita ang mga laruan sa gitna.

"Wow!" manghang saad ni Alaine. Palipat-lipat ang mga mata nila sa iba't ibang laruan na halatang bago pa.

"Daming toys!" komento naman ni Eli. Tumingin si Eli kay Leo at sumenyas na lumapit ito sakanila. "Dali, Leo!"

Tinignan ako ni Leo, kita ko sa mata niya na gusto rin niyang lapitan ang mga laruan pero nagdadalawang isip pa siya. Ngumiti lang ako at binigyan siya ng tango.

Hindi naman nakapag-hintay si Alaine. Siya na mismo ang humila kay Leo papunta sa mga laruan.

"What should we take?" tanong ni Alaine sa dalawa. "What do you like?"

Nagulat ako sa tanong ni Alaine. Alam kong iyon ang lagi nilang ginagawa kapag bibili kami ng bagong laruan, hindi ko lang inakala na hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang gagawin nila. Most of the time, I didn't have enough money to buy them each a toy. So, they learned to pick one toy and share it to each other.

"Look at this, it's big!" sabi ni Alaine sabay angat ng isang truck na malaki. "Looks good! Do you like it?"

Tumango lang si Leo. Si Eli naman kumuha ng ibang laruan.

"Ito oh! Ganda! Laptop!" sabi ni Eli habang hawak ang kulay green na laruang laptop.

"Na-play ko yan sa toys store, it's boring! Doesn't have YouTube. Fake laptop 'yan," sabi naman ni Alaine. "Has mini boring games and not all the buttons work!"

Natawa na lang ako. Laruan lang naman kasi 'yon. Pinanood ko lang sila habang namimili. Si Alaine madalas ang pumipili. Si Leo puro tango lang, si Eli ang umiiling.

"What are they doing?" tanong ni Leon. "They haven't opened a single one."

"Akala ata nila isa lang pwede nilang kunin. When they get a new toy, they share it. Kaya namimili sila ng laruan na magugustuhan nilang tatlo."

"But... That's all theirs," sabi ni Leon habang nakakunot ang noo.

Bumuntonghininga ako. Umiwas ako nang tingin bago sumagot, "hindi sila sanay sa marami, Leon."

I try. I try to give them everything they need and want. Pero siguro napansin nila na nahihirapan akong gawin 'yon, so they learned to want and need less things. I wasn't proud of that. I know I at least gave them enough, but I still felt a bit shameful because I wanted to give them more.

"They're smart, thoughtful, and good kids," sabi ni Leon. Nang tignan ko siya ay nasa mga bata pa rin ang tingin niya. "You raised them well."

Sinundan lang siya ng mga mata ko nang lumakad siya palapit kala Alaine.

"These are all yours," sabi ni Leon.

Natigilan ang tatlong bata at tinitigan lang si Leon.

"I wasn't around for five years. I missed a lot of birthdays, Christmas, occasions. This are the gifts for all of that. I'll be glad if you will play with all of them."

"Are you sure?" Alaine asked again.

"Yes, I'll be really really happy if you accept them. So, play with whatever you like."

"D-does mommy have to pay?" biglang tanong ni Leo. "We don't need a lot."

Tinignan ako ni Eli at Alaine.

"Mommy doesn't have to pay for things that daddy gives you," sabi ni Leon.

"That's right! My friend's dad even buys him ice cream a lot!" Alaine said. "Dads are like mommies too, right?"

"I still want mommy better," bulong ni Leo habang nakatingin sa 'kin.

Leon chuckled. "That's alright Leo. I just want to give you these toys."

Although it hurts my pride that Leon can give them so much in a day than I had in five years, I still forced a smile. I want them to be happy, and I don't want to cut their excitement.

Kaya para mawala na ang pagdadalawang isip nila ay lumapit na rin ako. Kumuha ako ng laruan at inabot kay Leo, isang penguin na stuffed toy iyon. Mahilig siya sa animals kaya alam kong magugustuhan niya.

"It's okay. Para sa inyo daw 'yan, kaya sige na, laruin niyo na," nakangiti kong saad.

Unti-unting kinuha ni Leo 'yong penguin sa 'kin. Binigyan niya 'ko ng maliit na ngiti at saka niyakap 'yong penguin.

Nagkatingnan naman si Alaine at Eli, parehas nakaawang ang mga bibig at nanlalaki ang mga mata. Sabay silang ngumiti at mas naging masigla sa pagkuha ng mga laruan. Nang mapatingin si Alaine kay Leon ay agad niyang binitiwan ang hawak at niyakap ang ama.

"Thank you!" he said with a huge smile on his face.

When I looked at Leon, I saw the side of him that I'm not very familiar with. He was smiling—so wide and genuine. He looks relieved and happy. But when our eyes met, his expression quickly changed. He still smiled at the boys, but not as wide as earlier.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Umupo ako saglit at tinignan ang mga bata habang naglalaro sila. Bigla namang napunta ang atensyon ni Eli sa labas ng bahay. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ang isang pool. 

Mula kasi sa living room ay makikita mo na ang pool area dahil sa mga glass sliding doors. Hindi lang siguro agad nila napansin dahil sa mga sofa sa paligid ng laruan at iba pang kagamitan sa loob.

"Pool!" sabi ni Eli kay Alaine. "Pwede kaya do'n laro?" nakangiting tanong ni Eli sa kapatid niya.

Tinignan agad ni Alaine si Leon. Tumango naman si Leon at lumapit sa sliding door, binuksan niya ang isa ro'n. 

"S-saglit," sabi ko. Tumingin naman sila sa 'kin. "You guys need to eat first, tapos itabi natin yung mga toys na 'di niyo pa gagamitin."

Akala ko ay aangal si Leon. Halata naman kasing excited pa siyang ipakita sa mga bata ang mga bagay na kaya niyang ibigay sa mga ito. Pero wala siyang sinabi. He didn't oppose me, instead he nodded at the boys to encourage them to listen to me. 

Sumunod naman agad ang mga bata. Dahil sa buhay namin kasama ang pamilya ni papa, natuto ang mga anak ko na sumunod agad at hindi magpasaway. Lagi kasi silang napapagalitan ng mga tao do'n pero dahil mga bata pa sila ay lagi ko rin silang pinagtatanggol. Kaya sa huli ay ako ang nakatatanggap ng inis at galit nila Mila. Napapansin siguro iyon ng mga bata, lalo na at walang pinipiling lugar at oras si Mila at ang ina niya. Nabawasan tuloy ang pagiging makulit nila dahil ayaw nila akong napapagalitan.

"They listen so well. No'ng nagdala ng anak 'yong business partner ko sa meeting namin, sobrang kulit no'ng bata. I was hoping he goes bankrupt so I wouldn't have to work with him anymore."

Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni Leon. Napatingin naman siya sa 'kin ay napatingi rin nang makita ang reaksyon ko. Pero napawi rin agad ang mga ngiti namin nang tawagin siya ni Alaine. He cleared his throat and moved away from me. Then he went to the kids to help them.

Nang umupo na kami para kumain ay tuwang-tuwa nanaman ang mga bata. Ang dami kasi ng pagkain sa harap nila. Malaki pa ang lamesa at maaliwalas ang paligid. Hindi tulad no'ng nasa Amerika kami, lagi lang nasa kwarto.

Nang matapos kaming kumain ay pinakita naman ni Leon sa mga bata ang magiging kwarto nila. Nagpa-iwan na 'ko sa kusina para tumulong sa hugasin. No'ng una ay pinipigilan pa 'ko ng mga kasambahay ni Leon pero sinabi niyang hayaan na nila 'ko. Muntik pa nga mag-paiwan din si Leo, buti na lang at nakumbinsi siya nila Alaine.

Mag-isa lang ako sa kusina nang biglang bumalik si Leon.