webnovel

chapter 3.1

After Leon left the condo, the boys kept asking me about him. Pero dahil na rin sa pagod mula sa byahe namin kanina ay nakatulog sila bago pa man makakuha ng sagot sa 'kin.

Tahimik na ang kwarto. Magkakatabi ang tatlo sa kama habang naglatag na lang ako sa sahig dahil hindi kami kasya lahat.

Naka-upo lang ako sa isang sulok ng kwarto habang nakatingin sa mga bata. Bigla ko lang naalala si papa, hindi man lang ako nakapag-paalam sa kaniya. Kahit sa burol niya ay ayaw sabihin nila Darcy kung saan.

"Bibisita pa rin ako, papa. . . Unahin ko lang po muna mga apo niyo," bulong ko, umaasang makakarating sa kaniya.

Kinagat ko ang ibabang labi at tahimik na umiyak. Isang beses lang naman ata akong nagkamali, pero bakit ganito 'yong balik sa 'kin?

Tuwing makaka-isip ako ng solusyon sa mga problema ko ay bigla na lang silang nadadagdagan. No'ng nagkaron ako ng maayos na trabaho sa Amerika ay nagkasakit si papa, tapos kailangan kong tumulong sa mga bayarin sa bahay kaya nabawasan yung iniipon ko. Tapos ngayon, nawawala pa 'yong perang itinabi ko para sa tatlo.

Kailan ba magbabago takbo ng buhay ko? Mapait na lang akong natawa. Yung mismong kagustuhan kong takasan ang buhay na mayroon ako noon ang nagdala sa 'kin kay Leon.

Naaalala ko pa rin 'yong mga gabing nakasama ko si Leon. Gusto ko lang naman ng isang gabi para sa sarili ko nung mga panahong 'yon kaya pumunta ako sa bar. I wanted to wear a pretty dress, enjoy, and not worry about money for one night. But I kept coming back to that bar because of him, and I ended up regretting it.

Kaya natatakot akong papasukin siya ulit sa buhay ko. Paano kung pag-sisihan ko nanaman? Paano kung madamay yung mga bata?

Kailangan kong maka-isip ng paraan. Hindi pa ako pwedeng tumanggi sa gusto niya sa ngayon dahil baka kunin nga niya ang mga bata. Siguro ay papakinggan ko muna siya bukas at sana makinig din siya sa 'kin.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa mga anak ko.

"Mommy? Mommy?" rinig kong tawag sa 'kin ng tatlo.

Nang magmulat ako ng mata ay agad na bumungad sa 'kin ang mga mukha nila.

"Mommy, someone's knocking po," sabi ni Leo.

"Bakit gising na kayo?" Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang buhok ko.

Hindi na 'ko nagulat na sabay-sabay silang nagising. Madalas kasi ay kapag nauna nagising si Alaine o si Eli, ginigising na nila mga kapatid nila. Si Leo lang siguro ang hindi gano'n dahil sa 'kin siya unang pupunta.

Ang hula ko ay si Alaine ang naunang nagising dahil nagkukusot pa ng mata si Eli. Tahimik naman na naka-upo sa kama si Leo. Mabuti na lang talaga at mababa lang ang kama ko.

"Mommy, si daddy po ba yung yesterday? I wanna see him again," sabi ni Alaine.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang dahilan kung bakit nila ako ginigising. Agad akong tumayo nang ako na mismo ang nakarinig ng katok.

Tinignan ko muna ang oras at agad na nagdikit ang mga kilay ko dahil eight pa lang!

Inayos ko saglit ang sarili ko at sinilip kung sino ang kumakatok mula sa peephole. Napapikit na lang ako nang makita si Leon. Ang aga naman niya, hindi pa 'ko handang makipag-usap.

Hindi ko pa nga nasasabi kay Harper ang mga nangyari. Tinext ko lang siya kagabi para sabihin na okay na kami upang hindi siya mag-alala.

Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto. Sinalubong naman agad ako ng titig niya. Saglit bumaba ang tingin niya sa suot ko bago siya nag-iwas ng tingin.

Leon coughed and cleared his throat. He also seemed like he couldn't look at me.

Kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon niya. Binaba ko rin tuloy ang tingin sa suot ko. Namilog ang mga mata ko nang makitang nakaputing sando lang ako. Hindi pa nakaayos ang isang strap.

Kagigising ko lang kasi at nagmadali pa 'kong pagbuksan siya kaya nakalimutan ko na ang suot ko. Mabuti na lang at naka-brå ako.

"P-pasok ka," mabilis kong saad. Iniwan ko na lang na nakabukas ang pinto at dali-daling pumasok sa kwarto.

Lumabas naman na si Eli at Alaine para salubongin siya. Kaya nagpalit na muna ako ng damit. Pagtapos ko ay lumabas din ako agad ng kwarto para pabalikan yung mga bata sa kwarto.

Seryoso ang pag-uusapan namin ni Leon. Mas mabuti na na 'di kami naririnig ng mga bata.

"Alaine, Eli, mag-watch muna kayo sa room. Naka-open dun yung laptop ni mommy."

"But mommy," Alaine whined.

"Baby, mag-uusap lang kami saglit. Labas na lang kayo ulit dito ni Eli mamaya kapag ready na ang breakfast."

"Listen to your mom," sabi ni Leon. "I'll play with you later," dagdag pa niya.

Malawak ang ngiti ng dalawang bata sa kaniya bago sila pumasok sa kwarto. Muling umupo si Leon sa sofa, habang ako naman ay umupo sa isang silya.

"So, have you decided?" tanong agad ni Leon.

"May mga tanong pa 'ko. . ." sabi ko sa kaniya. "Bakit kailangan pa naming tumira kasama mo? Hindi ba pwedeng bisitahin mo na lang ang mga bata?"

Bigla na lang naging malamig ulit ang tingin niya sa 'kin. Halatang ayaw niya sa suhestiyon ko.

"You only have two options, Elaine," sabi niya. "Do you really hate the idea of living with me?"

"May fiancée ka, Leon. How can you suggest that we live with you when you're getting married? Ayaw kong madamay sa gulo ang mga anak ko."

"Fiancée? You mean Ava?" tanong niya habang naka-angat ang isang kilay. "If that engagement is bothering you, then give me some time and I'll call it off."

Anong ibig niyang sabihin? Hindi na niya itutuloy ang kasal?

"Call it off? Hindi ko gustong sirain ang relasyon niyo." Hindi ko alam kung gano'n ba sa kaniya ka-importante ang mga anak niya o ginagawa lang niya ang gusto niya at wala siyang paki sa iba.

"Relationship?" he scoffed. "That engagement came from an arrangement. I don't want to marry her, and she knows that."

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

"My relationship with Ava is nothing more than an agreement. It was arranged by our families, and I don't really care about that anymore."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko ay niloloko niya si Ava noon, pero kasunduan lang pala ang mayroon sila? Then why did Ava said, I love you to him?

"Y-you don't love her? Ang ibig mong sabihin, kung anong mayroon sa inyo ngayon ay kasunduan lang lahat?"

Leon laughed with a hint of annoyance.

"I wouldn't be here if I cared about her, Elaine."

Natahimik ako't napaisip. Kung noon ko pa nalaman ang mga sinasabi niya sa 'kin noon, magbabago kaya ang mga naging desisyon ko? Hindi ba 'ko aalis?

Napansin niya siguro ang pagtahimik ko kaya muli siyang nagsalita. "Hindi ko kayo dadalhin sa condo na tinitirahan ko ngayon. I have another house, it's a bit far, but it's also far from people. Tahimik do'n at siguradong magugustuhan ng mga bata. As long as you're under my roof, I won't let anyone bother you or our kids."

"If it makes you feel better, I won't live there completely. I still have a condo near my company. But I'll visit often and spend most of my nights there. I want to be there for the boys."

"Papayag ba 'yong fiancée mo? Yung pamilya niya? Can you really call off an engagement so easily? Leon, I think you're being careless and selfish. . . again."

Kumunot ang noo at umawang ang labi niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"I only agreed to that engagement before because I didn't have a reason to say no. But I have one now," sagot niya. "And selfish? Kailan pa 'ko naging makasarili pagdating sa 'yo?"

Natigilan ako dahil sa huling tanong niya. Sa isang buwan na magkasama kami noon ay wala akong naging reklamo kay Leon. Lahat na ata ng gusto ko ay handa niyang ibigay. Pero dahil kay Ava ay inisip ko na lang na ginawa niya ang mga bagay na 'yon para maloko ako at makuha ang gusto niya sa 'kin.

"Sabihin mo nga sa 'kin kung kailan ako naging makasarili? When you asked me not to run a background check on you, I listened. I listened to all your request, and respected the boundaries you've set. How was that selfish, Elaine? Why did you have to leave?"

Napa-iwas ako ng tingin dahil totoo ang mga sinabi niya. I used him to escape my problems, so I didn't want him to get involved in my personal life. I stopped him from knowing who I was and my background.

Siguro kung hindi ko nabasa ang text ni Ava sa kaniya no'ng araw na iyon ay magtutuloy-tuloy ang pagkikita namin at baka tuluyan na akong mahulog sa kaniya.

Pero nabasa ko at wala akong balak maging kabit no'ng mga panahong iyon. Mas lalong ayaw kong magpaloko sa kaniya.

Ngayon na sinasabi niyang kasunduan lang ng mga pamilya nila ang engagement, hindi ko alam kung maniniwala na ba ako agad. Baka mamaya ay sinasabi lang niya iyon para makuha ang gusto niya.

Pero kung totoo nga ang sinasabi niya. . . mali bang umalis ako agad noon? Ginawa ko lang naman kung ano ang sa tingin ko ay tama at makabubuti para sa mga anak ko. Buong akala ko ay may girlfriend siya at ikakasal na sila dahil iyon ang ipinahihiwatig ng text ni Ava sa kaniya.

Kahit pa hindi niya mahal si Ava, fiancée niya pa rin iyon. Tapos hindi man lang niya sinabi sa 'kin. I felt betrayed when I found out about her, and until now, I can still remember how it felt.

Their relationship became known to the public three years ago. Nasa Amerika na ko no'n. Mas lalo lang akong nagalit sa kaniya no'ng nabalitaan ko yun.

Higit pa do'n, no'ng nalaman kong buntis ako ay nasangkot ang pamilya niya sa kung ano-anong isyu. Nag-aaway-away silang magkakapatid. Ang alam ko ay nakakulong pa rin ang isa niyang kapatid hanggang ngayon.

Ang daming dahilan para layuan siya no'ng mga panahong yun kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko dahil sa mga naging desisyon ko.

"Mommy? Done na po kayo?" tanong ni Alaine.