webnovel

GOODBYE NOT GOODBYE

Third Person's POV

Lahat ay nababahala sa pagkawala ng isang miyembro ng pamilya. Samantalang walang kamalay-malay ang mga bisita sa nangyayari, abala ang mga ito sa pagyayabangan ng kanilang mga negosyo, ang iba naman ay kinuha ang pagkakataon upang makipagsusyo.

Ang mga tauhan ay kumalat sa iba't-ibang parte ng lugar kung saan ginaganap ang kasiyahan, inatasan ang mga ito na magtulong-tulong sa paghahanap. At sinigurado nilang matatapos ang gabing ito na walang sino man ang makakalusot sa Hotel de Restauranté Montrigal.

Ramdam at nakikita ng misteryosang babae ang tensyon sa loob ngunit hindi na niya pinansin pa kung ano man ang dahilan nun. Tiningnan niya ang hawak niyang cellphone ng umiilaw ito.

"You need to get out of here" bungad na sabi ng kanyang kausap matapos niyang sagutin ang tawag. Napaangat ang sulok ng kanyang labi sa narinig.

"Thanks Steph" sarkistong sagot niya dito bago ibaba ang tawag.

She's about to leave when a small hand holds her. "A-ate..." she stilled when she heard a familiar voice. Bumaling siya at sinundan niya ng tingin ang kanyang kamay kasunod ng kamay na nakawak dito.

"Alli"

Nakayuko ito at hawak-hawak pa rin ang kanyang kamay. Umupo siya upang pumantay dito, "Hey, look at me" iniangat niya ang ulo nito.

Lumambot ang puso niya ng makitang may luha ang mga mata nito. I know, I miss you too Alli. "come he-" hindi niya na natapos ang sasabihin ng bigla siyang yakapin nito nang mahigpit, ginantihan niya rin ito ng yakap. "shh...shh..." pag-aalo niya ng pumalahaw ito ng iyak, hinaplos-haplos niya ang buhok nito at pinapatahan.

May kinuha siya sa kanyang bulsa na lagi niyang dala-dala. "Stop crying na Alli, masasad si Ate niyan" malambing niyang sabi dito. "Sige ka, hindi ko ito ibibigay sayo" pakita niya kay Alli sa hawak niya. Mabilis pa sa segundo na tumigil ito at lumiwanag ang mukha sa kanyang ipinakita. Sabi na eh

"Pop" pagtutukoy nito sa hawak niya, ibinigay niya ito. Napangiti siya sa nakikita niyang tuwa at galak sa mukha ni Alli.

Hinawakan niya ito sa magkabilaang pisngi at tiningnan sa mga mata, I'm so sorry Alli. Biglang sumikip ang kanyang dibdib. Hindi siya pwedeng magtagal, kailangan na niyang umalis. Napakainosente ng mukhang nakatingin ito sa kanyang mga mata. "Alli, mag-iingat ka lagi ha. Lagi mong tatandaan na... mahal na mahal ka ni Ate" pinilit niyang pigilan ang sarili na huwag umiyak sa harapan nito. "Mamimiss kita" hinaplos niya ang malambot nitong pisingi.

Tatayo na sana siya para magpaalam ngunit yumakap ito ng mahigpit upang pigilan siya, yinakap niya rin ito. "A-ate, no" sinisinok na sabi nito.

Iniharap niya ang mukha ni Alli at pinunasan ang luhang kumakawala sa mga mata nito. Tumayo siya at itinukod ang dalawang kamay sa kanyang tuhod, "Huwag kang mag-alala, magkikita pa tayo ulit" nakangiti niyang sabi dito, tumango lang ito at yumuko, ginulo niya ang buhok nito.

Tumalikod na siya dito at nagsimulang maglakad papaalis.

"HANCE!"'

Bye Alli.