webnovel

FIERCE EYES

"What do you need"

Eh? San naman nanggagaling ang boses na yun? Nagkibit-balikat ako. Hindi ko na yun dapat pinapansin pa. I'm tired —but something familiar caught my attention that made me to stop

Spike?

Gab's POV

"Ha! Natatakot kana ba bata? Bakit hindi mo tawagin ang lider niyo at ibigay na lang ang gusto namin. Kundi..." angas na sabi ng lalaking kulay dilaw ang buhok. As if naman may pakialam ako sa sinasabi niya.

Parehas kaming nagulat nang may biglang sumulpot na aso sa kanyang harapan at tinataholan siya. "Arf!!! Arf!!!" galit na tumatahol ito.

"Akalain mo nga naman, nagdala ka pa talaga ng alaga mo bata. Aba! at matapang. Tingnan nga natin ang tapang nito" sinipa niya ito ng malakas kaya tumalsik ito sa tabi. Umuungol ito tanda na nasaktan ito sa ginawang pagsipa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" napakuyom ako. Natutuwa sila sa pananakit nila sa hayop. For pete's sake it's not mine.

"Wala naman palang binatbat itong tagapagligtas mong alaga bata eh" hindi pa siya nakontento. Inabot niya ang baseball bat na hawak ng kanyang kasama. Walang-awa niyang pinagpapalo ito sa aso.

Akmang susugurin ko na sana siya ngunit hinarangan ako ng kanyang mga kasamahan "ANONG GINAGAWA NIYO?! ITIGIL NIYO 'YAN!" hindi nila ako pinapansin na para bang wala silang naririnig. Patuloy pa rin ito sa pananakit sa aso. "TIGILAN NIYO NA SIYA SABI! ANO BA?!" nanggigil kong sigaw sa kanila. Walang sino man ang makakarinig sakin, imposimble. Dahil walang katao-tao dito, lalo na't madilim sa parteng lugar na'to.

Naaawa ako sa aso. Nanghihina na ito at naliligo sa dugo. Tiyak na hindi matutuwang makita ang kalagayan ng kung sino man ang may-ari dito. "arf...arff.." ungol nito.

"Spike..." rinig namin na nagsalita dahilan upang mapahinto kami. Inaamin ko, bigla akong kinilabutan sa narinig kong boses na nanggagaling sa kanya.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil natatakpan ito. She's wearing a white cap na nakapanloob sa hoodie niyang itim na jacket. Agaw pansin lang yung suot niyang punit-punit na pantalon. Yung parang butas-butas, anong klaseng pantalon yan?

Walang alinlangang nilapitan nito ang kaawang-awang aso na nanghihingalo. Don't tell me

"Spike" may diing pagkakasabi nito, lumuhod siya para buhatin ito. Hindi alintana ang dugo na tumutulo sa puti nitong sapatos na nanggagaling sa kanyang alaga. Right. I assume that she's the owner of the dog. Inaalo niya ang kanyang alaga na parang bata. Tila nanigas siya sa kanyang kinatatayuan sa hindi malamang dahilan.

Shit

The dog is dead

Nanatili itong nakatalikod sa'min, buhat-buhat pa rin ang kanyang alaga. Nakakabinging katahimikan ang pumalibot sa amin, kahit hikbi o iyak ay wala kaming naririnig. Tanging malamig na simoy ng hangin ang bumabalot sa'min. Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong nakaramdam ng lamig, para bang sumasabay ito sa misteryosong tao na nasa harapan namin.

"Ho-o-ooy. Si-si-no k-a?" nauutal na tanong sa kanya ng lalaking kulay dilaw ang buhok. Hindi ito sumagot, nakayuko itong humarap sa'min kaya lalo akong nacucurious sa kung anong itsura nito.

"Tinatanong ka ni Boss! Kaya sumagot ka!" salita ng may mahabang balbas na kulay tanso. Napaatras naman sila ng humakbang ito papalapit sa kanila ngunit nilagpasan lamang sila nito.

Pinagmamasdan ko siyang papalapit sa... kinaroonan ko? Oh God! bigla akong nakaramdam ng kaba, I don't know why but I force myself to stay calm as much as I can at hindi ko pinapahalata na natatakot ako sa kanya. Huminto siya sa harapan ko na nanatili pa ring nakayuko.

"You'll pay for this" malamig na binitawang salita nito sabay lingon sa grupo ng mga ungas. Ramdam ko ang pamamawis ng dalawa kong kamay.

I...I thought that it was me. Pero hindi nakaligtas sa'kin ang pagmumukha ng mga ungas, kita ko sa mga mukha nila ang sindak, why?

Humarap ito sakin na ikinagulat ko. Madilim sa parte kung nasaan ako pero tumatapat ang sinag ng buwan sa kanyang mukha, sapat na para pag-aralan ko ang kanyang mukha. Then,

Our eyes met, it's blank and cold.

Isa lang ang nakikita ko at masasabi ko.

Emotionless

Lestine's POV

Nasan na ba yun? Naku naman! Lagot na naman siya nito kay Ma'am eh.

Matawagan nga

Dial - 09123456789

Ring... Ring... Ring...

"Hel-"

"On the way"

... toot... toot...

Grabe!!! Nakakatampo yung babaeng yun. Binabaan ba naman ako. Bastusan lang

"NANDIYAN NA SI MA'AM!!!" nagkanya-kanya naman kaming ayos pagkarinig ng sigaw na yun. Yung mga kaklase ko na mala World War Z kanina, ngayon parang mga taong relihiyoso kung umakto.

At dun naman sa sumigaw, kilalang-kilala ko kung kaninong boses yun. "GAGOOO NANDIYAN NA SI MS. KINA!"

Huh?

Napahinto kaming lahat, as in talaga! At napatingin sa kanya ng nagtataka Sino naman yung tinutukoy niya?

Lahat kami napanganga at nagsiayos ng nasa tabi niya na si Ma'am

"SABI KO SA INYO EH NANDITO NA SI, MS. KINA. KINA-CATAKUTAN" proud niya pang sabi sabay karipas ng takbo papunta sa kanyang upuan. Napasapo na lang ako sa noo ko

ang gaga talaga nun! Sarap batukan. Hindi ko alam kung ginagamit niya ba talaga utak niya or naka-tengga lang. Buti sana kung yung boses niya malalanggam lang. Eh daig niya pa kaya yung mga sound speakers sa fiesta, laging naka high volume.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase namin sa sinabi ni Zai pero nagsitigil din ng pumasok na si Ma'am. Inilapag niya ang kanyang mga gamit sa kanyang lamesa.

Ang taray talaga nito. Napakataas ng kilay. Nasasakop tuloy yung noo niya. Dala-dala niya lagi ang ganyang postura pag-papasok siya dito.

"Good morning clas-"

"Sorry. I'm late" lahat naman kami napatingin sa nagsalita na nasa pintuan.