webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
76 Chs

Kabanata 5

[LAUREN'S POV]

Yes! Wala kaming klase ngayon. One week kaming walang pasok pati na rin sina Barbie.

Since wala kaming pasok sa loob ng isang linggo ay nagpaplano kami ngayon para sa bakasyon.

"Kung sa Hongkong kaya ulit tayo magbakasyon." suggestion ni Barbie.

"Hindi, mas maganda kung hindi pa natin napupuntahan ang lugar na pagbabakasyunan natin." suggestion ni Stephanie.

"Tama, pero saan?" tanong ni Javier.

"Alam ko na! Sa Sanya na lang tayo magbakasyon. May resthouse kami do'n at mag-e-enjoy tayo. Pwede tayong mag-snorkel, mag-surf, lumangoy, gumawa ng sand castle at kumain ng mga seafoods sa Sanya." suggestion ni Tim the Second. Tim the Second na lang ang tawag ko sa kanya dahil siya ang ikalawang Tim na nakilala ko. Syempre alam niyo na kung sino ang first.

"Mukhang exciting 'yan. Pero saan 'yan?" tanong ni Barbie kay Tim II.

"Sa China." sagot ni Tim II.

"Sige, gora kami diyan." masayang pagsang-ayon ni Summer.

"Guys, selfie tayo. I-po-post ko sa facebook na magbabakasyon tayo sa Sanya para laging updated ang mga followers ko." sabi sa 'min ni Mitchell.

"I-share it mo na naman sa 'kin ang mga pictures Mitchell." sabi ni Barbie kay Mitchell.

Nakita ko namang nag-blush si Mitchell. Hmmm! I smell something fishy.

- NEXT DAY (SANYA) -

"Wow! Ang ganda naman dito at ang presko pa ng hangin." manghang sabi ni Dave na nasa pinakaharap ng yate.

Lumapit sa kanya si Tim II. "Buti at nagustuhan mo." tugon ni Tim II kay Dave.

"Tim, gayahin natin ang scene nina Rose at Jack sa Titanic. Tapos picture tayo." ani Dave kay Tim II.

"Sige." tugon ni Tim II.

Ginaya nina Tim II at Dave ang scene nina Jack at Rose ng Titanic.

"Guys, may barbeque party tayo mamayang gabi. Bawal KJ mamaya." sabi sa 'min ni Mitchell.

"Okay pero bago muna 'yan ay mag-enjoy muna tayo." tugon ni Stephanie.

"Groufie tayo guys." ani Barbie.

Agad kaming lumapit kay Barbie at nag-pose sa harap ng camera ng phone niya.

*click*

- TIM'S RESTHOUSE -

"Ang lambot ng kama." masayang sabi ko habang nakahiga sa kama.

"Parang first time mo lang nakahiga sa kama, Girl. Pero kama namin 'yan ni Stephanie. Remember si Tim ang ka-roommate mo. Mukhang lapitin ka yata ng mga lalaki na ang pangalan ay Tim." sabi sa 'kin ni Summer na nagbabasa ng novel.

"Masaya lang ako na nakapagbakasyon ulit ako at alam ko namang si Tim ang katabi ko." tugon ko sa kanya.

"By the way, mag-si-swimming tayo mamaya sa dagat. Ihanda mo na ang swimsuit mo." aniya.

"Noted." tugon ko kay Summer.

Buti na lang at nakabili ako ng swimsuit sa Pilipinas. Since nasa legal age na ako ay gusto kong i-try ang mag-swimsuit in public.

[MITCHELL'S POV]

Shete lang! Makakasama ko sa iisang room si Barbie. Nagkaroon kami ng bunutan kanina kung sino ang magkakasama sa iisang kwarto. Dalawang tao sa bawat kwarto at magkapareho kami ng numero ni Barbie. I think this is destiny. Parang tinadhana kami ni Barbie na magsama sa iisang kwarto.

"Mitch." Napatingin naman ako kay Barbie nang tinawag niya ako.

O_____O

Holy cow! What the fu-saload!

"Tulungan mo naman akong isuot 'tong bra ko." utos niya sa 'kin.

Fu-rm! Sa dinami-dami ng iuutos niya sa akin ay 'yon pa. Hindi ba niya alam na lalaki ako?

Kinakabahang lumapit ako kay Barbie at tinulungan ko siyang isuot ang kulay pink niyang bra.

"Thanks Girl." pasasalamat niya sa 'kin.

"You're welcome." tugon ko sa kanya.

Pero teka lang, tinawag niya akong Girl? Baka mali lang ako ng rinig.

"Bagay ba sa akin?" tanong niya sabay ikot na parang isang model.

Ang sexy talaga niya. She's wearing two-piece pink swimsuit.

"Bagay na bagay." nakangiting tugon ko sa kanya sabay thumbs up.

[TIM DEARING'S POV]

Woah! Bakit ang init nang makita ko siyang naka-swimsuit?

"Bagay ba sa 'kin Tim? First time ko kasing mag-two piece eh." tanong sa 'kin ni Lauren.

Pero tulala pa rin ako habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ba bagay kaya hindi ka makapagsalita?" malungkot na tanong niya sa 'kin kaya natauhan naman ako.

"H-hindi. Bagay sa 'yo." sagot ko sa kanya.

"Parang napilitan ka lang naman." aniya.

"No. Bagay talaga sa 'yo. Ipupusta ko pa ang buhay ko." ani ko.

"Hahaha! Ano ka ba. Okay lang naman sa akin kung sabihin mong hindi bagay sa akin. 'Wag mong seryosohin ang sinabi ko." ani Lauren.

Pero itong nararamdaman ko sa 'yo ay seryoso. Mahal na talaga kita Lauren.

[DAVE'S POV]

"What do you think Javi?" tanong ko kay Javier habang rumarampa wearing my one-piece red swimsuit. Hindi two-piece ang sinuot ko because I'm not yet confident to show my tummy.

"Well, bakat yung ano mo." sagot niya sa 'kin.

Ka-roommate ko si Javier at masasabi kong papable at papalicious din siya.

"Anong bakat ang ano ko? Ang boobs ko ba?" malanding tanong ko kay Javier.

Umaandar na naman ang kalandian ko.

"Yung talong mo. Bakat." sagot sa 'kin ni Javier at lumabas na siya sa kwarto namin.

Napatingin naman ako sa ibaba ko.

Oo nga. Bakat nga ang talong ko. Ano ba 'yan! Bakit kasi ang hirap itago nito. Di bale, kapag grumaduate na ako ay magpapa-sex reassignment surgery ako.

[SUMMER'S POV]

"Boys, here I come!" narinig kong sigaw ni Dave.

"Dagat, here I come!" narinig ko namang sigaw ni Barbie.

Pagkalabas namin mula sa resthouse ay agad kaming tumakbo papuntang dagat at lumusong.

"Woohoo! Ang saya-saya!" narinig kong sigaw ni Barbie.

"Wooooh! Ang saya-saya nga!" narinig ko namang sigaw ni Mitchell habang nakatingin kay Barbie.

"Kyaaaaaa! Ang lamig ng tubig." narinig kong sabi ni Stephanie.

"Waaaaa! Ano ba Tim at Mitchell! 'Wag niyo akong lunurin! Kapag ako mamatay, mumultuhin ko kayo!" narinig kong sigaw ni Dave dahil pinagtutulungan siya nina Tim at Mitchell.

"Mukha mo pa lang Dave nakakatakot na. Paano pa kaya kapag patay ka na." sabi ni Tim kay Dave.

"Mamatay kayo!" inis na sigaw ni Dave.

Hindi ko namang mapigilang mapangiti lalo na't nag-e-enjoy ang mga kaibigan ko. Makita ko lang silang masaya ay okay na ako.

"Gosh! Ang popogi naman nila." narinig kong sabi ng isang babae na pumukaw sa atensyon ko.

May mga pinoy pa lang nagbabakasyon dito maliban sa amin.

"Oo nga lalo na yung lalaking naka-apple green shorts." narinig ko namang pagsang-ayon ng isa pang babae.

Teka, sina Tim ba ang tinutukoy nila?

Napatingin ako sa dalawang babaeng nagsalita. Tatlo pala sila at nakita kong malagkit ang tingin nila kina Tim, Javier at Mitchell. Mga linta!

"Tara girls, lapitan natin sila." sabi ng babaeng naka-black bikini.

Hindi ko kinaya ang suot na bra ni Ate Girl. Yung suot niyang bra ay katulad ng kay Anne Curtis sa No Other Woman. Nakikita na ang ilalim ng boobs niya.

Lumapit ang tatlong babae sa direksyon nina Tim.

"Hi boys." they said in chorus. Ang landi ng pagkakasabi nila.

"Hi ladies, do you need something?" tanong ni Tim sa tatlong babae. Obviously kayo ang kailangan nila.

"We are not familiar kasi us here. We're from Philippines and we're here for bakasyon. I'm sorry if I'm not good in English. I hope you'll understand us." mahabang paliwanag ng babaeng naka-black bikini.

Mga sinungaling!

"Mga Pinay pala kayo." ang nasabi ni Tim.

"Wag na kayong mag-english pa dahil marunong naman kaming magtagalog." sabi ni Mitchell sa mga babae.

"Yes at kung hindi kayo pamilyar sa Sanya ay nandito kami para samahan kayo." nakangiting sabi ni Javier sa tatlong babae.

Pati si Javier nalandi na nila.

"Really? Thank you so much." sabi ng babaeng naka-black bikini at humawak pa talaga siya sa dibdib ni Tim. Chumachansing si landi. Topless pa naman si Tim.

"Oo nga, thank you boys." sabi naman ng babaeng naka-red bikini at lumapit siya kay Mitchell sabay hawak sa braso. Aba! Parang sumusobra na sila.

"Yeah! Thank you." sabi naman ng babaeng kamukha ni Mocha at lumapit siya kay Javier.

At ang mas kinainis ko pa ay nang hawakan niya ang kamay ng honeybunch ko--este ni Javier.

"Guys! Pigilan niyo ako. Masasabunot ko ang tatlong 'yan." narinig kong bulong ni Dave.

"Ako rin. Ang lalandi nila. Dinaig nila ang ahas." narinig ko namang bulong ni Stephanie.

Pati rin pala sila ay nakakaamoy na ng kalandian sa paligid nila Tim.

"Guys, chill lang kayo. Wag tayong magpadala sa inis dahil lang sa tatlong 'yan." narinig kong sabi ni Barbie.

"Tama si Barbie girls. Nagpunta tayo rito para magsaya, hindi maghanap ng gulo. Lets enjoy this guys." pagsang-ayon ni Lauren sa sinabi ni Barbie.

Tama sina Barbie at Lauren. Pumunta kami rito para magbakasyon kaya chill lang Summer. 'Wag kang magpadala sa inis.

[DAVE'S POV]

Gosh! Nakakainis talaga 'tong tatlong lintang 'to. Makahawak sila sa mga boys, wagas. Sarap putulin mga kamay nila para hindi na sila makahawak pa.

"Our bad, hindi pa pala kami nagpapakilala." malanding sabi ng babaeng naka-black bikini na halos kita na ang ilalim ng boobs niya.

Gosh! Hindi ko kinaya ang bra niya. Naalala ko tuloy ang suot na bra ni Anne Curtis sa No Other Woman.

"I'm Maybelline." pagpapakilala ng babaeng naka-black bikini. Tapos nakahawak pa talaga siya sa dibdib ni Tim. Feel na feel ni Ateng Malande.

"Ako naman si Bench." pagpapakilala naman ng babaeng naka-red bikini na nakahawak sa braso ni Mitchell.

"And I'm Avon." pagpapakilala ng babaeng kamukha ni Mocha habang ka-holding hands si Javi. And take note, siya pa mismo ang humawak sa kamay ni Javi.

"Nice to meet you ladies. I'm Tim." pagpapakilala ni Tim.

"Wow! So masculine mo naman even your name." malanding sabi ni Maybelandi kay Tim.

"I'm Mitchell." pagpapakilala naman ni Mitchell.

"Wow! Pangalan pa lang ulam na." narinig kong bulong ni Benchkekang.

"And I'm Javier." pagpapakilala ni Javier.

"Shet! So hot ng name niya." narinig kong bulong ni Anavonda.

"Gosh! I cannot. Mukhang masisira na ang bakasyon natin dahil sa kanila." narinig kong sabi ni Stephanie.

Tama si Stephanie, mukhang masisira na ang bakasyon namin dahil sa tatlong lintang 'yan.