webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
76 Chs

Kabanata 2

[LAUREN'S POV]

Tapos na ang morning classes ko. Maayos naman ang klase ko kanina pero wala pa akong nagiging kaibigan.

"Waaaaaa! Lauren."

O_____O

Teka, parang pamilyar ang boses na 'yon ha.

Napatingin ako sa likod ko.

(,^^)   ako

Waaaaaa! Ang mga kaibigan ko.

"Barbie, Summer, Stephanie, Javier. Waaaaa!" Napatakbo ako sa kanilang apat.

At nag-group hug kami.

"Waaaa! Girl, we really missed you." masayang sabi sa 'kin ni Barbie.

"I miss you too. Kayong lahat." sabi ko sa kanila.

Parang sampung taon kaming hindi nagkita dahil sobrang na-miss namin ang isa't isa.

"Kumusta naman ang DCU?" tanong sa 'kin ni Summer.

"Marami ka bang classmates na boys?" tanong naman sa 'kin ni Barbie.

"Marami bang hotties?" tanong ni Stephanie.

"May mga sexy chicks din ba?" tanong naman ni Javier.

Grabe naman sila magtanong.

"Okay lang naman. At oo, maraming hot boys at sexy chicks dito." sagot ko sa kanilang tanong.

"I-tour mo naman kami rito Girl." sabi sa 'kin ni Stephanie.

"Sure, pero bago 'yan ay kumain muna tayo sa cafeteria. Gutom na kasi ako." tugon ko.

"Me too." sang ayon ni Barbie.

"Me three." ani Summer.

"Me four." ani Stephanie.

"Me five." ani Javier.

At naglakad kami papuntang cafeteria ng Dela Cruz University.

- DCU CAFETERIA -

Pagkatapos naming umorder ay naghanap kami ng vacant table. Pero walang kaming mahanap dahil lahat ay occupied na ito.

"Lauren, ayun oh. Maki-share tayo sa kanila." sabi sa 'kin ni Javier at may tinuro siya.

Napatingin naman ako sa tinuro ni Javier at may nakita akong tatlong estudyante kumakain. Tatlo lang sila sa iisang table pero may limang bakanteng upuan pa doon.

"Sige, tara." pagsang-ayon ko kay Javier at lumapit kami sa tatlong estudyanteng kumakain.

"Excuse me. Pwede bang maki-share ng table? Wala na kasing bakante eh." tanong ko sa tatlong lalaki.

Napatingin naman sila sa akin.

Teka, parang kilala ko 'tong isa ha. Ito yung nakabangga ko kanina. At nakaawang na naman ang bibig niya nang makita niya ako.

"Sure, you can." sagot sa 'kin ng isang estudyante na halatang vaklush dahil sa makeup sa mukha niya.

Umupo naman kaming lima.

"Hello." bati ni Barbie sa tatlong estudyante.

"Hi." bati ng isang gwapong lalaki kay Barbie. Mukhang foreigner siya. "Mitchell nga pala." pagpapakilala ng lalaki sa sarili niya... kay Barbie? Bakit kay Barbie lang?

"Barbie nga pala." pagpapakilala naman ni Barbie sa sarili niya sa lalaki.

Pagkatapos ay nagkamayan silang dalawa.

Barbie ---> (,^^)      (^^,) <--- Mitchell

At nakangiti pa sila sa isa't isa. Teka, parang may namumuong heart emoticon sa kanilang dalawa.

"Hi, ako naman si Dave." sabay kaway ng beking estudyante.

"Hello, ako si Lauren." sabay kaway ko rin sa kanya.

"I'm Summer."

"Yours truly, Stephanie."

"And last but not the least, Javier." sabay salute pa ni Javier.

"Nice to meet you all. Pero parang ang apat sa inyo ay hindi rito nag-aaral." sabi sa 'min ni Dave.

"Yup, si Lauren lang ang nag-aaral dito. At kaming apat naman ay nag-aaral sa Rodriguez University." paliwanag ni Summer kay Dave.

"Gano'n ba?" ang nasabi ni Dave.

"Hi Lauren."

O_____O

Napatingin ako sa lalaking nakabangga ko kanina.

(^^,) Hala! Bakit ganyan ang ngiti niya sakin?

"I'm Tim." nakangiting pagpapakilala niya sa akin.

Nang marinig ko ang pangalan niya ay biglang may kumirot sa aking puso. Naiisip ko na naman siya. Bakit kasi kapangalan pa niya ang lalaking mahal ko?

"Kumain na tayo." narinig kong sabi ni Javier kaya bumalik ang aking huwisyo.

Makakain na nga.

Habang kumakain kami ay parang may kumakalabit sa aking paa kaya napatingin ako sa ilalim ng mesa.

Pagtingin ko ay may nakita akong puting pusa na parang nagmamakaawa sa aking bigyan siya ng makakain. May pusa pala rito sa DCU. Pero kawawa naman siya. Parang nagugutom na siya.

Binigyan ko ng isang pirasong fried chicken ang pusa. 

Napangiti naman ako nang makita kong kumakain ang pusa.

[DAVE'S POV]

"Grabe bro, ang ganda talaga niya. At may mabuting puso pa siya. I think I'm inlove." narinig kong sabi ni Tim.

Sa tingin ko ay si Lauren ang tinutukoy niya.

"Oo nga, at type ko naman ang babaeng kasama niya kanina. Para siyang isang manika na sobrang ganda. I think I'm in love too." narinig ko namang sabi ni Mitchell na sigurado akong si Barbie ang tinutukoy niya.

Halata kasing titig na titig siya kay Barbie kanina sa cafeteria. Mukhang tinamaan na nga sila.

"Tim, ayun sila." sabi ni Mitchell kay Tim.

"Tara puntahan natin." sabi naman ni Tim kay Mitchell.

At iniwan na nga nila ako. Grabe sila oh. Kakapaalam pa lang namin sa kanila, na-miss nila agad sina Lauren at Barbie.

Tapos ang bastos pa nila. Iniwan ba naman ako rito mag-isa.

Pero masaya ako sa kanilang dalawa dahil alam kong nakita na nila ang babaeng nagpapatibok sa puso nila. Kitang-kita ko sa mukha nila na sobrang inlove sila sa dalawang babaeng nakilala namin which is sina Lauren (for Tim) at Barbie (for Mitchell). Na-love at first sight sila. Haaay! Buti pa sila, nahanap na nila ang lovelife nila. Ako kaya? Kailan ko kaya mahahanap ang lovelife ko?

"Bro."

May biglang lumapit sa akin na isang lalaki. Napatingin naman ako sa lalaki.

O0O

Shet! Ang gwapo naman niya.

"Ah bro. Pipi ka ba?"

Natauhan naman ako nang magsalita ang lalaki.

"Ah! Ano 'yon bro? May kailangan ka ba?" tanong ko sa lalaki. Lalaking-lalaki ang boses ko sa mga oras na 'yon. Baka ma-turn off siya sa akin kapag malaman niyang vaklush aketch.

"Bago kasi ako rito. Gusto ko lang malaman kung nasaan ang room ng III-B." sabi sa 'kin ng lalaki.

Kuminang naman ang mga mata ko nang marinig ko ito mula sa kanya. Feeling ko ay nahanap ko na ang destiny ko.

"Ah! Sakto at III-B din ako. Mag-classmates tayo bro." tugon ko sa lalaki.

"Talaga? Ayos." masayang sabi ng lalaki at inakbayan niya ako.

Waaaaa! Feel na feel ko ang init ng braso niya. Parang nakukuryente ako sa kilig.

"By the way bro, Moises nga pala." pagpapakilala ng lalaki sa sarili niya.

"Dave." pagpapakilala ko naman sa aking sarili.

Nag-shakehands kaming dalawa. Whoo! Ang swerte ko naman.

"Since magkakilala na tayo. I-tour mo naman ako mamaya." sabi sa 'kin ni Moises.

"Sige bro." tugon ko sa kanya.

Waaaa! Thank you Lord for this. Nahanap ko na rin siya sa wakas.

[LAUREN'S POV]

Natapos na ang aking klase ngayong araw. So far, so good naman dahil may nakilala akong new friends which is sina Mitchell, Dave at Tim.

Pagkalabas ko ng gate ay may nakita akong hindi inaasahan.

Si Tim.

Kasama niya si Melanie. Masaya silang magkasama.

</3