webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
76 Chs

Chapter 26

[LAUREN'S POV]

Ngayong gabi na ang engagement party namin ni Tim. Pero hindi ko ma-feel ang excitement ngayon dahil hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa sa akin ni Jameson.

"Lauren, are you alright?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Javier.

Nandito ako ngayon sa mansyon nina Javier. Tinatapos na kasi namin ngayon ang project namin (which is by pair) at kami ni Javier ang mag-pair. Ang ka-pair naman ni Barbie ay si Jameson habang kay Summer naman ay si Milicent.

"Yeah." tipid kong sagot sa kanya.

"Siguro kinakabahan ka para sa engagement party ninyo ni Prof Handsome mamayang gabi." sabi sa 'kin ni Javier.

"Yeah." sagot ko lang sa kanya.

"Ayan, tapos na ang project natin. Lalagyan na lang natin ng plastic cover para magmukhang presentable." nakangiting sabi ni Javier.

Tumingin ako sa mga biniling gamit namin sa kama para hanapin ang scotch tape.

"Asan ang scotch tape na binili natin?" tanong ko kay Javier.

"Nandyan sa drawer. Ayun." sagot niya sabay turo sa isang drawer na nasa tabi ko lang.

Binuksan ko ang drawer na tinuro ni Javier para kunin ang scotch tape.

Pero pagbukas ko ng drawer ay may pumukaw sa atensyon ko.

Isang litrato ng dalawa bata. Isang batang babae at isang batang lalaki.

At yung batang babae sa litratong 'yon ay walang iba kundi ako. Ako noong hindi pa ako nerd.

At yung batang lalaki naman sa litrato ay walang iba kundi si Blake.

"Lauren, wala ba diyan ang scotch tape?" narinig kong tanong ni Javier.

"Paano ka nagkaroon nito?" tanong ko sabay pakita sa kanya ang litrato namin ni Blake noong bata pa kami.

"'Yan ba? 'Yan yung litrato namin ng kaibigan kong si Ren-ren noong bata pa kami. Sa Korea 'yan kinunan." sagot sa 'kin ni Javier na ikinatulala ko.

Kaibigan niya ako noong bata pa kami? It means si Javier at si Blake ay iisa lang?

Ang liit nga naman ng mundo.

"Bakit mo nga pala natanong?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Javier.

"Dahil ako ang batang babae sa litrato na 'to Blake." sagot ko sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya.

"Ren-ren? Ikaw si Ren-ren?" hindi makapaniwalang tanong sa 'kin ni Javier.

Dahan-dahan akong tumango.

"Oo Blake. Ako si Ren-ren. Ang naging kaibigan mo sa Korea." sagot ko sa kanya.

"Ren-ren." Bigla akong niyakap ni Javier. "Sobrang na-miss kita. Hindi ako makapaniwalang ikaw si Ren-ren." ani Javier habang niyayakap niya ako.

Niyakap ko rin siya pabalik.

"Sobrang na-miss din kita Blake. What a small world." tugon ko habang nakayakap ako sa kanya.

Ilang sandali pa ay naghiwalay na kami ni Javier mula sa pagkakayakap.

"I'm really sorry Ren-ren if I didn't recognize you. We changed a lot. Kung dati, sa Korea ay ako ang nerd. Ngayon, dito sa Pilipinas ay ikaw na ang nerd." aniya.

"Oo nga Blake. Hahahahahaha!" natatawang tugon ko kay Javier nang Malala ko 'yon.

"By the way, kumusta na pala si Bie? Nag-uusap pa ba kayo?" seryosong tanong sa 'kin ni Javier.

Si Bie ay ang first love ni Javier noong nasa Korea pa kami. Opo, first love po niya ito bago niya minahal si Summer. Bata pa lang kami ni Javier noon sa Korea ay na-love at first sight na siya kay Bie.

At walang kaalam-alam si Javier na ang first love niyang si Bie at ang inaasar niyang si Barbie ay iisa lamang.

"Ahh Blake ano kasi. Ahh ano..." nauutal kong sabi. Hindi ko masabi ang sasabihin ko.

"Spill it." aniya.

"Ahh Blake kasi... Ahh si Bie at si Barbie... ay... iisa lang." putol-putol kong sagot.

Nanlaki naman ang mga mata ni Javier.

"WHAT? SI BIE AT SI MANIKA AY IISA LANG?" hindi makapaniwalang tanong ni Javier.

Dahan-dahan akong tumango.

"What a small world nga naman." aniya na parang hindi makapaniwala.

(A/N: May binanggit si Lauren tungkol sa friend niyang si Blake sa Korea. Read Chapter 13 para mabasa niyo.)

[BARBIE'S POV]

"Thank God. Natapos din natin." ani ko nang matapos namin ni Jameson my loves ang project namin.

"Damn it! We fucking finished it." sabi naman ni Jameson my loves.

"Ssssshhhh! Wag kang magmura. Baka marinig ka ni Alexa." mahinang suway ko kay Jameson.

"Oops! I'm fucking sorry." mahinang tugon naman ni Jameson.

Mukhang napapadalas yata ang pagmumura niya.

*Hoy binging Manika! May tumatawag!*

O_____O

Napatigil kami ni Jameson nang marinig naming may nagsalita.

*Hoy binging Manika! May tumatawag!*

Parang boses ni Javier 'yon ha. Pero wala naman siya dito. Saan kaya nanggagaling ang nakakainis na boses na 'yan?

*Hoy binging Manika! May tumatawag!*

"Ahm Barbie, mukhang nasa cellphone mo yata galing ang boses na 'yan. Your ringtone is fucking creepy." nakangiwing sabi sa 'kin ni Jameson.

Napatingin naman ako sa cellphone ko at nakita kong nag-va-vibrate ito. Parang alam ko na kung bakit ganyan ang ringtone ko.

*Hoy binging Manika! May tumatawag!*

Ugh! Nakakainis talaga si Javier! Pinakialaman na naman niya ang phone ko para palitan ang ringtone ko!

Sinagot ko yung tawag na hindi tumitingin sa screen.

"Hello!" patamad kong sabi.

("Hello Barbie? Nasaan ka ngayon?") Si Lauren pala ang tumatawag.

"Ah nasa kwarto ako ngayon ng mansyon namin kasama si Jameson. Tinatapos lang namin ang project namin." sagot ko sa kanya. "Ba't napatawag ka?" tanong ko.

("Pwede ba tayong magkita mamaya sa Jolibee? Mga 10AM?") ani Lauren.

"Sure Girl. Sakto at tapos na kami ni Jameson sa project namin." tugon ko sa kanya.

("Mabuti naman kung gano'n. Oo nga pala, mag-iingat ka kay Jameson ha. Sabihin mo lang sa 'kin kung may ginawa siyang hindi maganda sa 'yo.") ani Lauren na ipinagtaka ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

*toot toot toot*

Ay... naputol yung tawag? Ano kaya ang ibig sabihin ni Lauren na mag-ingat daw ako kay Jameson my loves?

"Sinong tumawag sa 'yo?" tanong sa 'kin ni Jameson my loves.

"Si Lauren." sagot ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumayo.

O_____O

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa sunod na ginawa ni Jameson my loves.

Napalunok ako sa kaba. Ito na ba ang sinasabi ni Lauren na mag-ingat ako?

Eh kasi naman nagtanggal ng damit si Jameson sa harap ko.

"A-ano ang ginagawa mo?" natatakot kong tanong kay Jameson.

Pero infairness, nag-improve ang pangangatawan niya at bagay sa kanya yung tattoo. Mukha siyang model ng bench.

Bigla namang lumuhod si Jameson sa harap ko. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at may ibinulong siya sa akin na nagpataas sa mga balahibo ko.

"Nakakaakit ba ako Barbie?" husky niyang tanong sa 'kin.

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga mula sa tenga ko.

O_____O

Pero mas nagulat pa ako nang maramdaman ko ang labi niya sa aking leeg...

papunta sa aking pisngi...

hanggang sa dumampi ang labi niya sa labi ko... Waaaaaa! Parang naiihi ako sa kaba dahil sa halik niya. He is a good kisser.

Hindi ko namalayang tumugon na pala ako sa halik niya. Waaaaa! I can't breathe.

[JAMESON'S POV]

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

What fucking happened to me?

Why did I kissed Barbie?

At bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Parang kakaiba? Natukso ako bigla kay Barbie.

Ilang sandali pa ay biglang humiwalay si Barbie sa halik ko. Natauhan naman ako dahil do'n.

"I'm sorry Barbie. Hindi ko sinasadyang gawin 'yon sa 'yo. Nadala lang ako." sincero kong paumanhin sa kanya.

Fuck! Bakit nagkakaganito ako? Parang mahal ko na yata si Barbie.

No, hindi pwede. Hindi ko pwedeng mahalin si Barbie dahil bato na ang puso ko. At isa pa ay kailangan kong magtagumpay sa plano ko. Kailangan kong maghiganti kay Lauren dahil sa ginawa niya sa akin.

Up Next: Engagement Party na nina Lauren at Tim.

AriadneWPcreators' thoughts