webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
76 Chs

Chapter 23

[LAUREN'S POV]

Waaaaaaaa! That was close.

Akala ko ay hahalikan na ako ni Tim sa lips pero buti na lang at nagbago ang isip ni Prinsesa Dyosa (photographer) kanina. Imbes na sa lips ako hahalikan ni Tim ay sa cheeks na lang kuno sabi ni Prinsesa Dyosa. Nanghinayang nga kanina si Tim eh. Hahaha! Buti na lang at hindi pa niya nakukuha ang first kiss ko.

***

Pagkauwi namin ni Tim ay nauna siyang pumasok sa mansyon dala ang mga gamit namin.

Ako naman ay isasara ko na sana ang gate ng mansyon namin nang may nakita akong isang pamilyar na kotse. Sa kotse ay may lalakIng naka-hoodie at naka-shades na nakatingin yata sa akin. Parang kinilabutan ako nang makita ko siya kaya dali-dali kong sinara ang gate at agad akong pumasok sa loob ng mansyon.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang nanginginig ka?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Tim.

"A-ayos lang ako. Medyo nahihilo lang ako." pagsisinungaling ko sa kanya.

Hindi ko na sinabi sa kanya ang totoo dahil baka mag-alala pa siya sa akin.

"Gano'n ba? Magpahinga ka na lang muna sa kwarto natin. Habang nagpapahinga ka ay gagawan kita ng meryenda para magkalaman ang tiyan mo." sabi sa 'kin ni Tim.

"Hindi na kailangan. Medyo nawawala na ang pagkahilo ko. Gawan mo na lang ako ng meryenda." pagsisinungaling ko ulit sa kanya.

"Sige." tugon sa 'kin ni Tim at naglakad na siya papuntang kusina.

Ako naman ay iniisip ko pa rin yung lalaking nasa kotse kanina. Parang pamilyar kasi siya sa akin.

*ting*

Ah tama!

Siya rin yung lalaking nasa kotse dati nang lumipat kami rito ni Tim. Kaya pala pamilyar sa akin. 

Pero bakit nandito siya kanina at tinitignan ako mula sa kotse niya? Hindi man lang ba siya lalapit sa akin at magpakilala? Baka maging friends pa kaming dalawa. Hehehe!

[JAMESON'S POV]

"Itigil na lang natin 'tong planong 'to. Nakokonsensiya na ako sa ginagawa natin." sabi sa 'kin ni Stephanie.

"Nahihibang ka na ba Stephanie? 'Di ba ginusto mo 'to? 'Di ba gusto mong maghiganti sa kapatid mo at agawin mula sa kanya ang lalaking mahal na mahal mo?" galit na tanong ko sa kanya.

"Dati 'yon. Ngayon ay na-realize ko nang mali ako. Malaki ang naging kasalanan ko sa kapatid ko. Sana ay hayaan mo na lang maging masaya si Lauren sa lalaking mahal niya. Ako, tinanggap ko na sa sarili ko na hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa akin ni Javier at mas mahal niya ang kapatid ko kaysa sa akin. Sana maintindihan mo rin ako." sagot niya sa 'kin.

Duwag.

"Hindi. Hindi ako papayag na magiging masaya siya habang ako ay nasasaktan. Sisirain ko siya sa harap ng lalaking mahal niya. Sisiguraduhin kong kamumuhian siya ng lalaking mahal niya para sa huli ay sa akin siya babagsak." galit na sabi ko kay Stephanie.

"Kung ganun, pipigilan kita." aniya.

"'Yon ay kung mapipigilan mo ako." nakangising sabi ko at sinenyasan ko sina Jasmine at Melanie na hawakan ang magkabilang braso ni Stephanie.

"Ano ba! Bitawan niyo ako!" sigaw ni Stephanie habang nagpupumiglas.

"Itali niyo 'yan at siguraduhin niyong hindi 'yan makakatakas!" utos ko kina Jasmine at Melanie.

"Hayop ka! Bakit mo 'to ginawa sa akin?" galit na tanong sa 'kin ni Stephanie habang tinatali siya nina Jasmine at Melanie sa upuan.

"Dahil kinalaban mo ako." simpleng sagot ko sa kanya.

"Please! Nagmamakaawa ako. Itigil mo na 'tong plano natin. Para 'to sa ikakabuti nating lahat." sabi sa 'kin ni Stephanie.

"Blah blah blah! Ang dami mong satsat. Pakitakpan nga ang bibig niyan." ani ko.

"Please Jame—hmmm!" Hindi natuloy ang pagsasalita ni Stephanie nang takpan ni Jasmine ang bibig at ilong niya gamit ang panyo hanggang sa mawalan siya ng malay. Nilagyan ni Jasmine ng pampatulog ang panyo kaya nawalan ng malay si Stephanie.

By the way, magugulat na lang si Lauren bukas kapag makita niya ako sa school dahil ibang Jameson na ang kanyang makakaharap.

It's time for my revenge at sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa plano ko bukas.

- KINABUKASAN -

[LAUREN'S POV]

Pagkapasok pa lang namin sa school ay rinig agad namin ang ingay ng mga estudyante.

"Oh my gosh! Hindi ako makapaniwalang nagbalik na siya."

"Oo nga Sis at mas lalo siyang gumuwapo sa bagong look niya."

"He looks like a badboy now. But a handsome badboy."

"Kyaaaaaa! Hindi talaga ako makapaniwalang nagbalik na talaga siya. Akala ko ay hindi na siya babalik. Buti na lang at bumalik na siya. Sana balikan na niya ako, at subukan niyang ibalik ang relasyon naming dalawa."

"Gaga! Walang kayo. Hanggang daydream ka lang. And infairness ha, ang dami mong nagawang salita sa root word na 'balik'."

Ano ba 'yan! Hindi kami maka-relate sa pinag-uusapan nila.

Habang naglalakad kami papuntang room ng first subject namin ay rinig pa rin namin ang usapan ng mga estudyante.

"Bumalik na pala siya."

"Oo nga, buti na lang at bumalik siya. Akala ko hindi na siya babalik."

"Tapos nagbago pa siya ng look."

"At mas lalo siyang gumuwapo sa bagong look niya."

Sino kaya ang pinag-uusapan nila. Puro kasi 'siya' ang naririnig ko.

Nang makarating kami sa room...

"Beshie!"

O____________O

Ohmaygad!

Totoo ba 'tong nakikita ko?

"Beshie, ikaw ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko nang makita ko siya.

"Yup. The one and only." nakangiting sagot niya sa 'kin.

"Anong nangyari sa 'yo Beshie? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko kay Jameson.

Hindi naman ganyan ang itsura niya dati ha.

Dati, kulay itim ang buhok niya. Ngayon ay blonde na.

Tapos may suot pa siyang itim na hikaw sa tenga niya. At may hikaw din sa lowerlip niya.

Naka-black t-shirt din siya at naka-black ripped jeans.

Pero ang mas pumukaw sa atensyon ko ay ang nakakatakot niyang tattoo sa kanang braso niya. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng tattoo na 'yan pero nakakatakot talaga siya.

Tapos nag-improve pa ang pangangatawan niya.

"Ha? May problema ba sa itsura ko? Siguro nagwagwapuhan ka na sa 'kin noh." pang-aasar sa 'kin ni Jameson.

Bakit parang may naaamoy akong hindi maganda sa kanya? Parang naaamoy ko ang kaplastikan niya.

"Woah! Ang ganda ng bagong look mo bro. Bagay sa 'yo." narinig kong puri ni Javier.

"Yeah! Bagay sa 'yo ang new look mo pero mas okay pa rin ang dati mong look kaysa dito." narinig kong komento ni Summer.

No response naman si Barbie.

"Well people changed. Kaya nagbago rin ako ng look." maangas na tugon ni Jameson.

Tama nga ang sabi ng babaeng estudyante kanina. He looks like a badboy. Pero sobrang saya ko pa rin na nagbalik na siya. Akala ko nga ay nagtatampo siya sa amin... o sa akin.

Umupo na kami sa seat namin. Katabi ko pala si Jameson.

"Bakit ka nga pala nagbago ng look, Beshie?" curious kong tanong sa kanya.

"Wala lang. Trip ko lang." sagot sa 'kin ni Jameson.

Ngek! Trip lang niya kaya siya nagbago ng look? Anong klaseng sagot 'yan?

"Oo nga pala, Beshie. Yayayain sana kita sa mansyon namin na magmeryenda mamaya. Sobra kasi kitang na-miss. Pwede ka ba mamaya?" tanong sa 'kin ni Jameson.

Napa-isip naman ako sa tanong niya. "Well, wala naman akong gagawin mamaya. Advance reading lang naman ang gagawin ko kaya GO ako." sagot ko sa kanya.

"Ayos!" masayang sabi ni Jameson na ikinatawa ko.

[STEPHANIE'S POV]

Teka, ano ba ang nangyari?

Inimulat ko ang mga mata ko.

O________O

OMG! Bigla akong may naalala.

Kailangan kong pigilan si Jameson sa binabalak niyang plano kay Lauren.

Sinubukan kong alisin ang tali na nasa kamay ko pero medyo nahihirapan ako dahil masyadong mahigpit ang pagkakatali nito.

No, hindi ako susuko. Matatanggal ko 'tong taling 'to at makakatakas ako rito. Kailangan kong balaan si Lauren tungkol sa masamang plano ni Jameson para sa kanya.

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts