webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
76 Chs

Chapter 18

[SUMMER'S POV]

- 1:30 AM -

(Warning: Rated SPG)

"Aaaaaaaaahhhhhh!"

"Fuck it!"

"Mmmmmmmmmm! Ohhhhhhhhh!"

Nagising ako bigla nang may narinig akong mga ungol mula sa kwarto ni Stephanie na katabi lang ng kwarto ko.

"Aaaaaaaaahhhhhh! Yessss! That's nice!"

"Ang ingay naman niya." inis na sabi ko.

Bumangon ako mula sa kama at pinuntahan ko ang kwarto niya.

Nang makarating ako sa kwarto ni Stephanie ay nakita kong bukas ng konti ang pinto ng kwarto niya. At may nakikita akong ilaw na marahil ay ilaw ng TV. Gabi na pero nanonood pa rin siya ng TV?

"Ooooooooohhhhhhh!"

Anong ginagawa niya at umuungol siya? May sakit ba siya?

Dahil sa curiousity ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto para silipin si Stephanie.

Pero pagsilip ko ay nagulantang ako sa nakita ko.

May nakapatong na lalaki sa ibabaw ni Stephanie. Yung mukha ng lalaki ay nasa leeg ni Stephanie. Ewww! Ngayon ko lang nakita si Stephanie na nakikipag-make out sa isang lalaki. Tapos yung TV ay bukas nga at porn yung palabas. Sobrang ewwwww!

Pero parang kinabahan ako bigla. Kasi likod pa lang ng lalaki ay pamilyar na. Parang likod ni Javier. 

Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Malabong si Javier 'yan dahil loyal siya sa akin.

Hinayaan ko na lang sina Stephanie at ang lalaking kasama niya na mag-make out. Pero dapat malaman nina Mom at Dad ang tungkol dito. Baka may mabuo kasi at takasan lang ng lalaking 'to ang ginawa nila ng kapatid ko. Concern pa rin naman ako sa kanya kahit inaaway-away niya ako.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko at natulog muli.

- 7:00 AM -

Pagkagising ko ay agad akong naligo at nagbihis ng school uniform.

Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto para pumunta sa dining area.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay hindi ko sinasadyang mapatingin sa kwarto ni Stephanie. Naalala ko bigla ang nakita ko kanina. Nandiyan pa kaya yung lalaking ka-make out niya?

Sakto at nakabukas ng konti ang pinto kaya masisilip ko sila. Hindi yata nila naisara nang maayos ang pinto.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Stephanie.

Pero pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Biglang nag-flashback sa isip ko ang nasaksihan ko kanina.

Hindi ako makapaniwala na si Javier talaga 'yon.

</3

Totoo ba 'tong nakikita ko? O nananaginip lang ako?

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"No! This can't be happening. Hindi 'to totoo. Bangungot lang 'to. Tama, bangungot lang 'to!" ani ko habang pinagmamasdan sina Stephanie at Javier na natutulog sa iisang kama.

They are both naked at kumot lang ang nagsisilbing takip nila sa katawan. Nakayakap si Stephanie kay Javier at ang ulo niya ay naka-unan sa isang braso ng boyfriend ko. Si Javier naman ay nakapulupot ang dalawang braso niya kay Stephanie.

"NOOOOOOOOOOOOOO!" sigaw ko habang umiiyak.

Kahit anong sigaw ko ay hindi ko magawang magising sa masamang panaginip na 'to dahil hindi talaga ako binabangungot at totoo ang nakikita ko.

Nagising bigla sina Stephanie at Javier dahil sa sigaw ko. At nagtama ang mga mata naming tatlo. Kitang-kita ko ang pagkagulat ni Javier sa mga mata niya nang makita niya ako at ng kapatid ko.

"H-honeybunch. I-it's not what you think." nauutal na sabi sa 'kin ni Javier at nilapitan niya ako.

*pak*

Sinampal ko siya nang makalapit na siya sa akin.

"It's not what I think? Hindi ako bobo Javier! Hindi ako bobo! Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginagawa ninyo. Mga hayop kayo!" sigaw ko kay Javier.

"N-no H-honeybunch..." aniya.

*pak*

I slapped him again.

"MANLOLOKO!" I shouted him and I leave them both.

"Honeybunch! Let me explain." narinig kong sabi niya.

Nang makarating ako sa sala ay naabutan niya ako.

"Honeybunch, mahal kita. Hindi kita niloloko." sabi sa 'kin ni Javier. Ang lungkot ng boses niya.

Pero hindi ako nagpadala sa emosyon niya. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya nang seryoso.

"Hindi mo ako niloloko? Javier! Hindi ako bulag kaya 'wag mo akong gawing tanga! Sabihin mo sa akin, ilang buwan o taon niyo nang tinatago sa akin ang relasyon ninyo ni Stephanie?" tanong ko sa kanya at patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Honeybunch, hindi ko alam kung paano ako napunta sa kwarto niya. I just woke up and..."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Kahit anong paliwanag mo sa akin ay hindi pa rin magbabago na niloko mo ako." pagpipigil ko kay Javier sa pag-explain.

"Honeybunch. Please! Hayaan mo muna akong..."

Hahawakan sana ako ni Javier pero umiwas ako.

"'Wag mo akong hahawakan." pigil ko kay Javier.

Nandidiri ako sa kanya lalong-lalo na kay Stephanie.

"Gising ka na pala Javier my loves. Did you have fun last night?"

Napatingin ako bigla sa nagsalita. Nakita ko si Stephanie na nakangisi sa akin.

"HAYOP KANG MALANDI KA!" sigaw ko at sinugod ko si Stephanie para sabunutin siya.

Pero hindi naman nagpatalo si Stephanie. "IKAW ANG MAS MALANDI! INAGAW MO SA AKIN ANG LALAKING MAHAL KO!" sigaw niya sa 'kin at sinabunutan niya ako.

Tama na, hindi ko na kayang maging kapatid siya. Sumusobra na siya.

"Ma'am Summer, Ma'am Stephanie! Tama na po!" pagpipigil sa 'min ni Luis.

"Honeybunch!" tawag sa 'kin ni Javier at hinawakan niya ako para awatin. Gano'n din ang ginawa ni Luis kay Stephanie.

"HINDI KO SIYA INAGAW SA 'YO! AKO ANG PINILI NIYA DAHIL AKO ANG MAHAL NIYA!" galit na sigaw ko kay Stephanie.

Hindi naman makapagsalita si Stephanie pero may galit pa rin ang reaksyon sa mukha niya.

"Pero hindi pala totoo 'yon." pabulong ko pang dagdag pero alam kong narinig nila 'yon dahil sa sobrang tahimik.

"Anong nangyayari dito?"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita.

O_______O   ako

O_______O   Stephanie

O_______O   Javier

O_______O   Luis

Sina Mom at Dad.

"Kayong dalawa! Mag-usap tayo nang masinsinan sa office!" galit na sabi ni Dad sa 'min ni Stephanie.

"But Dad, si Summer ang naunang sumugod sa akin." depensa ni Stephanie sa sarili niya.

"I don't want to hear your explanation! GO TO MY OFFICE NOW!" sigaw ni Dad sa 'min ni Stephanie.

Natakot naman kami ni Stephanie kaya sumunod kami kay Dad. Minsan ay nakakatakot talaga si Dad and even my Mom.

Pero bago ako sumunod kina Dad ay hinarap ko muna si Javier.

"Simula ngayon ay tinatanggalan na kita ng karapatan sa buhay ko. Dahil break na tayo Javier." kalmadong sabi ko kay Javier at tumalikod na ako sa kanya.

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts