webnovel

The Mythic God

In a world full of chaos A world with war and power is a world where the weak are useless because only the strong will win. Even the gods have misunderstandings because of too much power. But a creature came from another world and it will be the one to predict their downfall because of its strange power. And he has a mission, to build a new world, peaceful and without chaos and for him to achieve this he must first achieve the title of Mythic God.

Deredskert · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
66 Chs

Chapter XXXI

Chapter XXXI: Own Salvation

-----

Sa isang gintong silid ay makikita ang pigura ng tatlong lalaki.

Kapansin pansin ang lalaking nakasuot ng itim na roba at may hawak na malaking itim na Scythe.

Masaya ako at muli kitang nakita Emperor Tsuki.

Hindi ko lang malaman kong paano ka muling nabuhay! ngunit ngayon sisiguraduhin kong patay kana! Sabi ng lalaking may itim na roba.

Hindi ko alam ang pinagsasabi mo! At isa pa ngayon lang kita nakita.

Sabi ng binata

Kaya naman nagulat ang lalaking may itim na roba.

Dracious wag ka nang mag salita ng walang kwentang bagay tapusin na natin ang labang ito

Sigaw ni estevan at susugod na sana siya ng pigilan siya ni zuki.

Sandali ginoong estevan hayaan mo akong mag isang kalabanin ang isang ito.

Hindi ko alam pero parang pamilyar siya ngunit malabo sa hindi aking memorya.

Sabi ng binata ng may biglang lumitaw na malabong imahe sa kaniyang isipan.

Dalawang lalake na naglalaban sa gitna ng napakaraming bangkay ng ibat ibang nilalang.

Mapa Beastmans, Demonyo, Orc, Elves at iba pa

Maraming patay na nilalang ang nagkalat sa paligid at ang dalawang lalake lang ang nakatayo at patuloy na lumalaban.

Kyaaaaaaaa!!! Clankkk!!!

Tsing!! Ting!!! Sunod sunod na langitngit ng mga nagbabanggang sandata.

Dracious hindi ko akalain na ikaw ang traydor na hinahanap ng buong emperoyo Halos Tatlong taon hinahanap ang traydor at ikaw pala yun? Galit na sabi ng lalake na may hawak na mahabang Makintab na espada.

Hahaha! Sandamakmak kayong mga hangal ang akala mo ba ay trinaydor kita! Pwes hindi kita trinaydor Planado ito mula umpisa.

Ang patayin ang Strongest Hero

Na nagmula sa royal clan ng Moon kingdom.

Masyado ka nang matunog sa mundong ito kailangan mo nang mamatay! Sabi ni Dracious at Iwinasiwas ang kaniyang sandata.

Ngunit hindi pa man dumadating ang atake ni Dracious ay mabilis tumarak ang talim ng espada ng lalake.

Moon Breathing Technique

8th form: Majestic Moon Slash

Sambit ng lalake at buong pwersang itinarak ang kaniyang espada sa katawan ni dracious.

Talagang malakas ka pero ito ang matinding pagkakamali mo? Sabi ni Dracious at mabilis na inihawi ang kaniyang scythe.

Tumama ito sa katawan ng lalake nagkaroon ng malaking sugat sa dibdib nito dahilan ng pagdurugo ng sugat.

Luna! Mahal huling salitang lumabas sa bibig nito at nawalan na ng hinihinga.

Nang mamatay na ang nasa kaniyang harapan ay nakaramdam siya ng labis na kaligayahan.

Sa wakas patay na siya!!! Sigaw nito at maririnig ito mula gitna ng mga bangkay ng ibat ibang nilalang.

Nang makita ni Zuki ang mga kaganapan sa kaniyang isipan ay nakaramdam siya ng pagkamuhi sa kaniyang kaharap.

Parang may koneksyon siya sa lalake na pinaslang ni dracious.

Hindi niya alam kong ano itong pakiramdam

Pagkamuhi; paghihiganti; Galit

Ang kaniyang mga mata ay kumislap kasabay ng pagpapalabas niya ng violet na enerhiya.

Nang mapansin naman ni dracious ang expression ng kaharap niya ay mababakas sa kaniyang labi ang isang ngiti.

Ngiti ng isang sabik na sabik sa pagpatay.

Ang enerhiyang iyan! Sige ilabas mo! Labanan mo ako! Sigaw ni dracious at iwinasiwas ng mabilis ang kaniyang scythe.

Nang makita ni zuki ang atake na ginawa ni dracious ay agad niya itong iniwasan.

Nang maiwasan niya ito ay agad niyang inihanda ang kaniyang espada.

Napansin naman ni dracious ang gagawing atake ni zuki kaya naman iwinasiwas niya ulit ang scythe niya at doon na nagsimula ang malakas na salpukan.

Clink!! Ting!! Bogssshhh! Sunod sunod na langitngit ng kanilang mga sandata.

Hindi iniinda ni zuki ang mga atake ni dracious bagkus ay sinasabayan niya lang ito.

Bilis at tamang lakas para harapin ang kalaban sa isang harapan.

Ipinapakita niya ang kakayahan niya bilang isang swordsman.

Si dracious naman ay tuloy lang sa pag atake sa binata.

Hindi niya akalain na ganito siya lalabanan ng binata

Malayo sa kilala niya na may katulad na sandata ng binata.

Pinalakas niya ang enerhiyang bumabalot sa kaniya at mas binilisan ang kaniyang pag atake.

Pero nagulat siya ng sanggahin lamang ito ng binata at wala siyang nakitang bakas nang pagkahirap.

Ito na ba ang lakas ng isang 1st Level Angel Rank

Isa ka lang pangkaraniwan! Sabi ng binata at iwinasiwas ang kaniyang espada.

Balak sanang sanggahin ni Dracious ang atake ng binata ngunit isang malakas na pag-atake ni estevan ang tinanggap niya.

Isang malakas na swordswave ang pinakawalan ni estevan at direkta itong tumama kay dracious.

At dahil nawala ang atensyon ni dracious sa parating na atake ni zuki at nakatanggap siya ng direktang atake mula sa sandata nito.

Nalaglag sa sahig ang putol na braso ni dracious Hindi siya makapaniwala sa nangyari.

Nagawa siyang sugatan ng isang 10th level celestial rank

At bukod pa don ay wala pang ginagamit na technique ang binata paano kaya kung gamitin na nito ang mga skill na meron ito.

Nakatingin lang si zuki kay dracious wala siyang emosyon na tumingin rito.

Ang mga imahe na nakita niya sa kaniyang isipan hindi niya mawari pero may nag uudyok sa kaniya na gumanti.

Gumanti sa lalaking nasa kaniyang harapan.

Gusto niyang pahirapan ito hanggang sa mamatay.

May mga masasamang ideya ang pumapasok sa kaniyang isipan hindi siya mapanatag.

Gusto niyang pumatay! Pero may parte sa kaniya na huwag itong gawin.

Nalilito siya! Pero may mga imahe pang lumalabas sa kaniyang isipan.

May isang babae ang tila tumatakbo papalapit sa kaniya.

Mahal! Halika na umuwi na tayo! Sabi ng babae at may biglang namuong luha sa mga mata ni zuki.

Nang makita at marinig niya ang boses ng babae ay nakaramdam siya ng matinding sakit na nagmumula sa kaniyang puso.

Napatingin siya ulit kay dracious hinigpitan niya ang kapit sa kaniyang espada at sa hindi niya malamang dahilan ay bigla nalang dumilim ang buong kapaligiran.

....

Kasalukuyan naman ay nagulat si dracious sa itim na enerhiya na biglang bumalot sa katawan ng binata.

Nakaramdam siya ng sobrang takot ng maramdaman niya ang aura nito.

Hindi maaari ang enerhiyang ito.

Tsuki Ikaw nga! Sabi ni Dracious pero nagulat siya ng biglang may malakas na sipa ang tumama sa kaniyang mukha.

Tumilapon siya sa isang pader at halos bumaon ang buo niyang katawan.

Ang lakas ng pagkakasipa nayun ay halos dumurog sa kaniyang panga.

Hirap man siyang dumilat ay pinilit niyang buksan ang kaniyang mga mata.

Tumingin siya sa binata at kita niya ang unti unting pag iiba ng buhok nito.

Ang puting buhok ng binata ay naging kulay itim.

At medyo tumangkad siya ngayon at isa lang ang makikitang expression sa kaniyang mukha.

Walang iba kundi ang Galit.

Dracious Sa Wakas nag kita tayong muli Ngayon Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon Pag babayaran mo ang ginawa mo kay Luna!!!!!!

:To be Continued:

Sugoi!!! Sorry everyone sa matagal kong update hehe medyo nawala ako sa story kasi naging busy kakanood ng anime.

Hehe asahan niyo mas gaganda ang storya.

Pero sa ngayon hintay lang muna okay.

Vote and comment