webnovel

Chapter 1

"palagi nang nakatambay dito sina jio!" Saad ni daisy

"Malamang blockmate natin si jasper e" sabay tingin ko sakanya

"Parang dati naman hindi siya ganyan" sabay tingin niya saakin

Sa tuwing nag kakasama ang SMO ay umiingay ang paligid,marami rin silang admirer sana all nalang

"Nakshie ikaw nga muna ang mag deliver nito" utos saakin ni dakshie

"Dakshie saan po?" Tanong ko sakanya

"Eto oh" sabay bigay niya saakin ng isang maliit na papel

Kinuha ko yon at tumango,nag paalam na rin ako kay dakshie at kay momshie na aalis na

Bukod sa mayroon silang parlor may pizza shop din sila,nang makalayo layo na ko sa bahay ay tinignan ko ang address ng bahay napaawang ang labi ko nang kila jio ako pupunta

Ang losyang ko pa naman ngayon! Nakakainis! Hindi man lang ako nakapag ayos paano kung ma turn off saakin si jio?

Kinakabahan ako habang pinipindot ko ang doorbell,nagulat pa ko nang si jio ang nag bukas ng gate

"Pizza delivery" sabay ngiti ko

"Thank you" sabay ngiti niya saakin

"Pre andyan na ba yung pizza?" Rinig kong sabi ni jasper

Aalis na sana ako nang tawagin ako ni jasper nakakainis naman!

"Uy hi alice sakto naman at andito ka papaturo sana ako sayo" nakangiting saad ni jasper

Tinignan ko muna si jio na seryoso ang mukha

"Ok" awkward kong sabi

Mukhang si jio at jasper lang ang nasa bahay dahil si stella at yung dalawa nilang kaibigan di ko nakita

"Pizza?" Tanong saakin ni jio

"No thanks" tipid kong ngiti

Nagugulat ako sa tuwing kinakausap ako ni jio,wala kasi si jasper at kinuha pa ang notebook niya sa kwarto niya

"Do you want juice or water?" Tanong niya ulit saakin

"Ikaw" saad ko

"Huh?" Napakunot ang noo niya

"I mean ikaw ang bahala" pag papalusot ko

Juskoo alice umayos ka!

"Sorry alice tumawag kasi si kuya e" saad niya

Pinakita nga saakin ni jasper kung saan siya nahihirapan,di ko alam sa lalaking toh tali-talino saakin pa nag papaturo!

Habang tinuturuan ko si jasper ay nagulat ako nang biglang ilapag ni jio yung juice sa tabi ko

Sheshhhh kinikilig ako!

Ano ba yan!

"Jio bakit si alice merong juice tas ako wala?" Pag mamaktol ni jasper

"Bisita ka?" Tinaasan siya ng kilay ni jio

"Che!" Saad ni jasper

Pag ka ubos ko ng juice ko ay bigla naman akong naihi

"Uhmm saan ang cr dito?" Tanong ko kay jio

"Sira yung cr namin sa baba,sa kwarto ko nalang ikaw mag cr" walang emosyon niyang sabi

Bwesit si jasper at tumaas bigla naiwan tuloy ako sa baba

Pumasok ako ng cr ni jio,grabe apaka rich kid naman nila ang swerte ng shower niya at nakikita niya si jio nang walang short chr!

Malaki ba buldog non?

Chr

Pag katapos kong umihi ay aksidente kong napindot ang shower basang basa tuloy ako pag labas ko ng cr

"why are you wet" nakakunot na saad ni jio

"Na-napindot po kasi yung shower" kinakabahan kong sabi

"I'll lend you my clothes first, you're wet" saad niya

Wow alice sinusuwerte ka ata ngayon!

Ibinigay niya saakin ang green na t-shirt agad naman akong pumasok sa cr para mag palit

"Goshhh alice umayos ka!" Kinikilig kong sabi

Pag kalabas ko ng cr ay lumabas na rin kami ng kwarto niya,pag ka baba namin ay andon na si jasper

"Oh bakit mo suot damit ni jio?" Tanong saakin ni jasper "don't tell me gumawa kayo ng milagro" sabay tawa ni jasper

"Tanga!" Saad ko

"What time will stella come home?" Sabay tingin ni jio kay jasper

"Ewan" kabit balikat niya

"Mamaya sunduin muna" saad ni jio

"Uhh jio jasper mauuna na muna ako,jio yung damit mo soli ko nalang" tipid kong ngiti

"Hatid na kita alice nakakahiya naman sayo" sabay lapit saakin ni jasper

"Ako na jasper sunduin mo nalang si stella" walang emosyon na sabi ni jio

"Edi wow!" Inis na sabi ni jasper

"Uhhh jio ok lang ako huwag mo na kong ihatid" saad ko

"Ihahatid kita sainyo baka mapano ka pa" sabay tingin niya saakin

Wow hah

Lumelevel up na

Konti nalang alice mag kaka close rin kayo ni jio

"Uhh thank you" sabay ngiti ko

"Welcome" sabay tango niya

Pumasok na ko sa loob ng bahay grabe ang pogi niya talaga pero may girlfriend na kaya yon? Imposible namang meron at wala naman akong nababalitaan

"Nakshie tagal mo ah" saad ni momshie

"Nakipag chikahan pa po ako e" sabay ngiti ko

"Sige na mamalengke lang ako" paalam niya saakin

Past few months naging busy ako sa pag aaral at hindi ko na nakikita si jio ang dami kasing pinapagawa ang mga prof namin

"Alice!" Tawag saakin ni jasper

"Uy" sabay harap ko sakanya

"Tapos ka na sa essay?" Tanong niya

"Hindi pa" sabay iling ko

"Ako din e" sabay tawa niya

"Si jio? Di mo kasama?" Tanong ko

"Hindi bakit?" Napakunot ang noo niya

"Wala" sabay iwas ko ng tingin

"Sus crush mo kaibigan ko?" Pang aasar niya

"Hindi ah! Sira" sabay irap ko

"Alice claire halata" sabay ngisi niya

"Hindi ko crush si jio!" Saad ko

"Sabagay at i a-arranged married na yon" sarcastic niyang tawa

"Kanino?" Napakunot ang noo ko

"Kay daisy sa bestfriend mo" tipid niyang ngiti

Natahimik tuloy ako bigla ikakasal na ang taong mahal ko at sa kaibigan ko pa whahahahaha

"Sige na pupuntahan ko pa si nathan" paalam ko kay jasper

"Bakit ganyan mukha mo?" Tanong saakin ni nathan

"Wala" sabay iling ko

"May problema ka?" Sabay upo niya sa tabi ko

"Ang ano lang kasi yung crush ko ikakasal na" malungkot kong sabi

"Sino si jio?" Sabay tingin niya saakin

"Oo" sabay tango ko

"Kanino naman yon ikakasal?" Tanong niya saakin

"Kay daisy" mahina kong sabi

"Awtsss naman" pang aasar pa niya

"Parang gusto kong mag inom" sabay tawa ko

"Lagot ka kay momshie at dakshie pag nag inom ka" saad niya

"Ang sakit kase" sabay ngisi ko

"Crush mo pa lang naman e marami pang ibang lalaki dyan alice kaya huwag mong sirain ang atay mo nang dahil lang sa lalaki"